webnovel

Chapter 9: Don't Treat Me Like a Baby!

Sol's POV

Phone ringing!

"Oh? Bakit ka napatawag, Sol?" tanong ni Georgette.

"'Yung tao na pinakiusapan mo na tumira sa unit ko, mukhang natitipuhan ni Calix! Bakit babaeng maganda ang pinadala mo?" saad ko.

"Ha? Type ni Calix?" tanong ni Georgette.

"Oo. Andoon siya sa unit ko ngayon kasama 'yung Atheena at kanina pa siya nakababad roon at nakikipagkatuwaan." sagot ko.

"Hala! Sasabihan ko sa Atheena! My gosh! Hindi ko naman alam na ganito kalalabasan! If I only knew!" saad ni Georgette.

"Sige, ako na bahala muna. Titingnan ko kung anong magagawa ko, Georgette." sagot ko.

"Sorry talaga, Sol! Kakausapin ko si Atheena! Sige sige, Sol! Byers!" saad ni Georgette at binaba niya na ang tawag.

At pagkatapos ng call, rinig na rinig ko ang tawanan nina Calix at Atheena, habang ako, nandito sa kwarto ko at nakahiga lang sa kama at pinapakinggan ang usapan nila.

"Mukhang masaya ka dyan ah, Calix? Hay..." saad ko sa sarili ko.

"Babalik muna ako sa unit ko ah, Atheena." saad ni Calix.

"Sure!" sagot naman ni Atheena.

"Kapag may kailangan ka, just call me. Or katukin mo lang ako dito sa unit ko." saad ni Calix.

"Thank you, Cal! Grabe! Super friendly mo pala! Akala ko mahihirapan ako makisama sayo since isa kang super famous na singer! Haha!" natatawang saad ni Atheena.

"Akala mo lang 'yun." sagot ni Calix, "Babalik na ko." dagdag pa niya.

Lumabas na ako ng kwarto ko at tumungo ako sa tapat ng pinto, hinihintay ang pagbabalik ni Calix.

Door squeaking!

"Bakit ang tagal mo? Akala ko wala ka na balak umuwi dito sa unit? " naiinis kong tanong habang nakatayo ako sa harapan ni Calix.

"Problema mo, Sol? Adik ka? Bakit mo tinatanong kung ang tagal ko? Tsaka unit ko 'to at ako ang masusunod kung kailan ako babalik!" sagot ni Calix.

"Masaya ka?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko.

"Oo! Masaya ako kasi mukhang may bago na kong popormahan! Buti na lang babae 'yung bumili ng unit mo, Sol!" nakangiting sagot ni Calix.

"Gusto mo si Atheena?" tanong ko.

"Oo! Type ko! Bakit? Aagawin mo ba? Uunahan mo ko?" naiinis na sagot ni Calix.

"Hindi." seryoso kong sagot, "May iba akong mahal."

"Sino na naman? Si Luna? Imaginary girlfriend mo lang ata 'yan eh! Haha!" pabirong sinabi ni Calix.

Nakatingin lang ako sa mga mata ni Calix at hindi ko masabi na siya si Luna. Kahit kating-kati na ako na aminin sa kanya at ituran, walang mangyayari dahil hindi naman din siya maniniwala.

"Pwede ba na wag mo na lapitan si Atheena, Calix?" tanong ko.

"Bakit mo ko inuutusan? Ha? Lalapitan ko si Atheena at popormahan ko! Okay?" sagot ni Calix.

Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti, "Okay. Mukhang hindi naman kita ata mapipigilan sa gusto mo, Calix."

"Hindi talaga!" sigaw niya, "Makapagpahinga na nga! Sinisira mo na naman araw ko, Sol!" dagdag niya at pumasok na siya sa kanyang kwarto.

Tumungo na lamang ako sa veranda upang magpakalma at magpahangin dahil panibagong problema na naman ang kakaharapin ko. Isa sa mga balakid sa misyon ko.

Bakit ba kasi naging lalake pa si Luna? Ang hirap tuloy siyang paibigin.

Paano magkakagusto ang isang lalake sa akin? Tsk!

"Kainis talaga 'yang Sol na 'yan!" narinig ko na sinabi ni Calix sa sarili niya habang nasa loob siya ng kanyang kwarto, "Pinipigilan ako na pormahan si Atheena! Ha! For sure kaya niya ko pipigilan kasi type niya rin 'yun! At gusto niya siya ang makakakuha sa puso ni Atheena! No, Sol! Hindi mo ko mauungusan! May the best man wins!"

Calix... kung alam mo lang talaga na ikaw ang pinopormahan ko at hindi si Atheena.

At dahil hindi ako mapalagay, ay naisipan ko muna bumili ng beer.

Bago ako lumabas ng unit, kinatok ko muna si Calix sa kwarto niya.

"Pupunta akong Mini Stop, Calix. May pabibili ka ba?" tanong ko.

"Wala! Alis!" sagot ni Calix.

"Gusto mo ba ng Oreo o Pringles na cheddar cheese flavor?" tanong ko muli.

"Medyo!" sagot ni Calix.

Medyo? Oo siguro ang pagiwatig ng "Medyo" ni Calix.

"Paano niya nalaman na gusto ko ng Oreo o Pringles? To be exact alam niya 'yung flavor na gusto ko? Weird niya talaga. Nakukuha niya ang mga gusto ko!" bulong ni Calix sa sarili niya.

Okay, mukhang gusto niya nga talaga. Bibilhan ko na lang din siya.

...

...

...

Nasa loob na ako ng elevator at pipindutin ko na ang close button nang biglang may sumigaw.

"Wait! Sasakay ako!" sigaw ng isang babae at pagkakita ko... si Atheena, ang babaeng natitipuhan ni Calix.

Minsan lang ako gumawa ng hindi maganda sa isang nilalang, pero dahil kinukuha niya ang puso ng mahal ko, madali kong pinindot ang close button para hindi na siya makapasok.

"Bilisan mo magsara pinto! Napakakupad mo!" bulong ko sa sarili ko habang pinapanood ko si Atheena na tumatakbo papalapit sa elevator.

"Wait po!" patuloy niyang sigaw at doon na nagsara ang elevator at nakahinga na ako nang maluwag.

Elevator chime!

At muling nagbukas ang pinto ng lintik na elevator.

Asar! Umabot pa siya!

"Mr. Sol! Ikaw po pala 'yan!" saad ni Atheena na nakangiti habang hinihingal, "Buti naabutan ko." nakangiti niyang saad at pumasok na siya sa loob.

Hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa harapan na parang walang nangyari.

"Hindi pa po pala tayo nakakapag-usap nang maayos regarding sa unit mo, doon sa pagpapanggap na ako 'yung buyer but mag rerent lang naman ako talaga, Mr. Sol." saad ni Atheena pag sara ng pinto ng elevator.

"Wala naman ng dapat pag-usapan. Kung may nais ka sabihin, kay Georgette mo na lang ipaalam." sagot ko habang patuloy akong nakatingin ng diretso.

"Ah... okay po. Medyo nakakatakot pala ang aura mo, Mr. Sol." nahihiyang saad ni Atheena.

Tiningnan ko lang siya saglit at bumalik na ulit ako ng tingin sa harap.

Ilang segundo lamang ay tumabi siya sa akin habang hinihintay na makababa kami.

"Saan punta mo, Mr. Sol?" tanong ni Atheena.

"Mini Stop." walang gana kong sagot.

"Ay! Doon din ako pupunta, Mr. Sol! Sabay na tayo!" saad ni Atheena habang nakangiti siya sa akin.

Muli, tiningnan ko lang siya saglit nang may seryosong expression ng mga 5 seconds, at bumalik na ulit ako ng tingin sa harapan.

"Alam mo, Mr. Sol, Idol kita kasi ang gaganda ng mga books na ginagawa mo. Kaya noong nalaman ko na balak mo magpatira sa unit mo, agad ako umoo kay Ms. Georgette! Gusto ko mapalapit sayo!" nakangiting saad ni Atheena.

"Sa akin?" tanong ko sa kanya.

"Yup! Super idol kita, Mr. Sol! Avid reader mo ako simula sa pinaka unang book na nilabas mo. May collection pa nga ako!" nakangiting sagot ni Atheena.

"Akala ko ang idol mo ay si Calix?" tanong ko.

"Yup! Idol ko rin siya pagdating sa singing. Pero, siempre, reading ang first love ko..." saad ni Atheena at bumulong siya, "Kaya mas angat ka, Mr. Sol! Wag mo sasabihin kay Calix baka magtampo siya sa akin! Hihi!"

"Magtatampo sayo si Calix?" saad ko at may naisip na akong plano para lumayo si Calix kay Atheena.

"Yup! Pero alam mo Mr. Sol..." saad muli ni Atheena at parang nagpipigil siya ng tawa at nahihiya rin siya, "Super duper crush talaga kita!"

"May iba akong gusto at may mahal na ako." diretso kong sagot kay Atheena.

"Aw! Sayang naman! Pero, kahit may iba ka ng gusto... Idol pa rin kita and susupportahan kita sa lahat ng gagawin mo!" nakangiting saad ni Atheena.

Medyo nagu-guilty ako kasi hindi naman mukhang masamang tao si Atheena. Sadyang hindi ko lang gusto ang sinumang nais kumuha sa puso ni Calix.

Pero mukhang wala naman siyang gusto kay Calix kaya ayos lang siguro kung makikitungo ako sa kanya ng normal.

"Salamat, Atheena." saad ko at bigla siyang napatili.

"Mr. Sol! Wait! Kinikilig ako, sorry! Binanggit mo kasi 'yung name ko kaya natutuwa ako masyado!" natatawang sagot ni Atheena at napapalo siya sa braso ko, "Sorry ulit! Medyo naging feeling close ata ako at napapalo ako sa braso mo! Haha!" nahihiya niyang saad.

Hindi ako ngumiti sa kanya at seryoso lang ang expression ko, kaya marahang tumigil si Atheena sa pagtawa at yumuko na lamang.

Elevator chime - Ground floor!

"Anong bibilhin mo sa Mini Stop, Mr. Sol?" tanong ni Atheena habang palabas kami ng elevator.

"Pagkain at inumin." tanging sagot ko.

"Ilang taon ka na, Mr. Sol?" tanong muli ni Atheena.

"28." sagot ko kahit lampas 10 000 years old na ako.

"Ah! Mas matanda ka pala ng 4 years sa akin!" nakangiting saad ni Atheena, ngunit hindi ko pa rin siya nginingitian, "Excited na ako sa pag labas ng last book mo, Mr. Sol!"

"Salamat." sagot ko.

"Sinong inspiration mo habang ginagawa mo 'yung last book mo?" tanong ni Atheena.

Nakatingin lang ako sa kanya at hindi ko na sinagot pa ang tanong niya.

Ilang saglit lang ay ngumiti siya sa akin at sinabing, "Wag mo na sagutin, Mr. Sol, nakakahiya! Masyado akong maraming tanong! Haha!"

Pagkatapos ng isang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa loob ng Mini Stop at kinuha ko na ang mga bibilhin ko gaya ng beer, Oreo at Pringles na Cheddar cheese na gusto ni Calix.

"Mr. Sol, mahilig ka pala sa beer?" tanong ni Atheena habang hawak niya ang mga binili na mga essentials gaya ng mga pangligo.

Hindi ko na siya sinagot pa at nagbuntong hininga na lang ako.

Nauna na rin pumili si Atheena at sa likod niya ay ako.

"Mr. Sol, isabay mo na sa akin 'yung mga bibilhin mo para isang punch na lang." saad ni Atheena.

At mas mainam na 'yun para maaga ako makabalik ng unit.

...

...

...

Pagkatapos na mai-punch ang mga binili namin...

"643 pesos po lahat." saad ng cashier at binigyan ko siya ng 700 pesos.

"Mr. Sol, ito 'yung sa akin." saad ni Atheena at inaabutan niya ako ng 200 pesos para sa mga binili niya.

"My treat." saad ko.

"Nakakahiya, Mr. Sol! Hihi! Pero minsan lang 'to! Minsan lang mangyari na malibre ako ng super idol ko!" kinikilig na sinabi ni Atheena habang nakangiti siya akin.

"Girlfriend mo, Mr. Sol?" tanong sa akin ng cashier dahil kaibigan niya ako at madalas akong bumibili rito.

"Nako kuya! Maghunos-dili ka po! Masyadong mataas si Mr. Sol para maging boyfriend ko no! Langit siya at lupa ako. Hanggang tanaw na lang ako!" pabirong saad ni Atheena.

"Bagay kayong dalawa, Mr. Sol!" nakangiting saad ng cashier.

"Ah... okay. Tapos ka na?" tanong ko sa cashier habang seryoso lang akong nakatingin sa kanya.

"Ito na po, Mr. Sol." sagot ng cashier napakamot na lang siya ng ulo. At pagkatapos ay inabot na sa akin ang paper bag na may lamang mga binili namin.

Nagsimula na rin ako maglakad at sumunod naman si Atheena.

"Mr. Sol! Wag mo seseryosohin 'yung kanina ah? Nakakahiya talaga napagkamalan pa tayong mag partner! Hihi!" kinikilig na saad ni Atheena.

"Hindi ko sineseryso. Wala akong balak." saad ko.

"Pero, Mr. Sol, nasaan 'yung taong mahal mo?" tanong ni Atheena.

"Nasa unit niya." sagot ko.

"Taga dito siya, Mr. Sol? Hala! Gusto ko siya makilala!" kinikilig na sinabi ni Atheena.

Napabuntong hininga na lang ako at sumagot.

"Hindi niya alam na siya ang gusto ko." saad ko.

"Nako! Mr. Sol, hindi niya alam kung ano ang nami-miss out niya! Super dami kaya may gusto sayo! Siempre isa na ako doon, but I know na hindi naman ako ang pipiliin mo since sabi mo nga you already have someone that you like. Kaya ito ako, support support lang!" nakangiting saad ni Atheena at naghihintay na kami na bumaba ang elevator sa condo.

"Mukhang malabo rin naman na maging kami. Hayaan mo na." saad ko.

"Mr. Sol, anong hayaan? Maybe pinapangunahan ka ng takot no? Takot ka ba umamin sa kanya?" tanong ni Atheena.

"Kahit umamin ako, walang mangyayari. Baka lalo lang siyang lumayo sa akin." sagot ko.

"You'll never know once you've tried it, Mr. Sol. Kita mo ako, sinabi ko na agad na crush kita, but then sabi mo hindi mo ako gusto. I took the courage para sabihin yun. In that way alam ko na 'yung kalalabasan." saad ni Atheena.

"Hindi ganoon kadali 'yun. Wala tayong pinagsamahan kaya hindi ka masasaktan. Hindi tulad ko na may malalim na pinagsamahan sa tao na iyon." saad ko.

"Kahit na, Mr. Sol. Ikaw din, it will be too late if hindi mo pa sa kanya inamin. Ganito na lang, gusto mo tulungan kita?" tanong ni Atheena.

Elevator chime - Ground floor!

Pumasok na rin kaming dalawa ni Atheena sa loob at tinuloy ang kwentuhan.

"Kung gusto mo akong tulungan..." saad ko, "Tumahimik ka na lang."

Napakamot na lamang ng ulo si Atheena at medyo nailang.

"Hindi ko sinabing tumahimik at wag ka magsalita. May ibang ibig sabihin ako, pero hindi ko pa masabi sa ngayon." dagdag ko dahil hindi ko masabi nang harapan sa kanya na layuan niya si Calix.

"Okay! Gets! Pero bakit ka pala iinom ng beer, Mr. Sol? May problema ka?" tanong ni Atheena.

"Para makapag-isip ako nang mas mabuti habang nagsusulat." saad ko.

"Ahh! Ganoon pala ang way mo! Ang cool mo naman, Mr. Sol!" saad ni Atheena at bigla na naman niya ako pinalo nang mahina sa braso, "Oops! Sorry, Mr. Sol! Ganito talaga ako kapag nagiging comfortable ako sa kausap ko." dagdag pa niya at biglang tumigil ang elevator dahil may mga pumapasok na tao at sasakay.

Kaya naman lumapit si Atheena sa akin since maliit lang ang elevator at sumiksik siya nang bahagya papunta sa pwesto ko.

"Sorry, Mr. Sol!" bulong ni Atheena.

"Mm." saad ko at tumango na lamang ako.

At dahil tahimik ang paligid at magkalapit kami ni Atheena, sinubukan kong basahin kung ano ang nasa utak niya ngayon at baka nagsisinungaling siya na mas gusto niya ako kaysa kay Calix.

Pero...blanko? Wala siyang iniisip o sadyang wala akong mabasa?

Ganito din noon kay Luna, wala akong mabasa dahil sa pakiwari ko, hindi tumatalab ang kakayahan ko na magbasa ng isipan kapag isang Diyos ang nahahawakan ko.

Kaso, marahil ay wala lang talagang iniisip na iba si Atheena kaya wala akong mabasa.

"Anong iniisip mo ngayon, Atheena?" bulong ko sa kanya?

"Huh?" saad ni Atheena, "Wala, Mr. Sol. Wala akong iniisip na iba."

I see, kaya wala akong mabasa sa isipan ni Atheena dahil wala naman pala siyang iniisip na iba.

For a second, pinagkamalan ko na baka isang Diyos din pala si Atheena. Pero, malabo iyon dahil sa tagal ng pamamalagi ko dito sa Earth, wala naman na akong nakasalamuhang Diyos bukod sa akin... at kay Chronos na matagal ng hindi nagpapakita sa akin.

...

...

...

Elevator chime - 23rd floor!

Tumungo na kami ni Atheena pabalik sa kanya-kanyang unit. At dahil dala ko ang mga pinamili niya, tumigil muna kami saglit sa tapat ng unit namin.

"Atheena, mga pinamili mo." saad ko at inabot ko na sa kanya ang paper bag niya.

"Thank you, Mr. Sol! It was fun talking to you kahit alam ko na medyo naguguluhan at naiingayan ka sa akin." nahihiyang sagot ni Atheena.

Door squeaking!

"Aba aba aba! Kaya pala napakatagal bago bumalik... tsk! May pinopormahan pala kasi at inaagaw!" naiinis na saad ni Calix habang nakapamewang na siya at nakatayo.

"Ay, hindi, Cal! Nagsabay lang kami ni Mr. Sol! Hihi! Nakakatuwa nga siya kausap!" natatawang saad ni Atheena.

Napatingin na lamang ako kay Calix at mukhang pinaghihinalaan niya pa ata ako na pinopormahan ko si Atheena.

"Papasok na ako, Mr. Sol! Thank you so much sa time! I had so much fun!" nakangiting saad ni Atheena at tuluyan na siyang pumasok sa unit, habang ako naman, pumasok na rin sa loob ng unit ni Calix at hindi ko siya tinitingnan dahil alam ko na kung anong nais niyang sabihin.

"Hoy, Sol!" saad ni Calix at tumayo siya sa likod ko habang sinasalansan ko na ang beer sa loob ng ref.

"Bakit, anong problema mo, Calix?" seryoso kong tanong.

"Anong ako ang may problema? Ikaw ang may problema sa'tin dalawa, Sol!" sigaw niya.

Napabuntong hininga na lamang ako at humarap sa kanya.

"Bakit? Ano ba ang problema ko?" tanong ko.

"Aba aba aba! Nagtatangahan ka pa, Sol? Ang sabihin mo, may gusto ka kay Atheena!" saad ni Calix at sinasabi ko na nga ba na pinaghihinalaan niya na ako kaagad.

"Wala akong gusto kay Atheena." sagot ko.

"Lokohin mo lelang mo, Sol! kunwari galit-galitan ka pa dyan o kaya ikaw si Mr. Mysterious para magustuhan ka ni Atheena! Ganyan ba gawain mo? Nauna ako sa kanya, Sol! Wag mo naman ako agawan!" sigaw ni Calix.

Napabuntong hininga na lamang ako at gusto kong isaksak sa baga ni Calix ang puso ko kung pwede lang. Kung kaya ko lang itatak sa utak niya na siya ang mahal ko at hindi si Atheena, ay gagawin ko na.

"Oh..." saad ko at ang sinaksak ko na lamang sa baga niya ay ang Oreo at Pringles na cheddar cheese flavor, "Alam ko gusto mo nito." dagdag ko at kumuha na ako ng isang beer.

"Aba? Binigyan mo pa talaga ako ng Oreo at Pringles pampalubag loob? Gano'n, Sol? Kala mo di ko 'to maiisip? Na ginagamit mo ang pagkain para matuon sa iba ang attention ko?" naiinis na saad ni Calix.

Hindi na ako sumagot dahil kahit anong sabihin ko, talo ako sa kanya at hindi siya maniniwala.

Nagsimula na lang ako maglakad patungo sa veranda para doon uminom at magpahangin.

Ngunit, ang napakakulit na si Calix ay sumunod sa veranda at patuloy akong binubungangaan.

"Hoy! Wag mo nga ko tinatakasan, Sol! Aminin mo na! Gusto mo si Atheena! Inaagawan mo pa ako ng pinopormahan!" sigaw ni Calix.

Binuksan ko na lamang ang beer at tumungga.

"Ahhh..." saad ko pagkatapos ko makainom ng malamig na beer.

"Sol! Ano ba? Bakit hindi mo ko pinapansin?" saad ni Calix pero hindi ko pa rin siya tinitingnan at nakatingin lamang ako sa buwan sa langit.

Iinom na sana ako ulit nang biglang hinablot ni Calix ang beer mula sa kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya.

"Ulupong ka, Sol? Di mo ko papansinin talaga ah?" saad niya at bigla niyang tinungga ang beer na pinagiinuman ko.

"Calix kung gusto mo ng beer, meron sa ref." saad ko.

"Hindi! Uubusin ko ang iniinuman mo kasi ginagag* mo ko! Aminin mo, Sol! Gusto mo ba si Atheena o hindi? Isang tanong isang sagot!" sigaw ni Calix.

At dahil hindi ko na rin natiis, hinawakan ko ng isang buong kamay ko ang ulo ni Calix at inilapit ko ang mukha ko sa kanya, kaya naman ay nanigas siya bigla at nanlalaki ang mga mata.

"Wala akong gusto kay Atheena, maliwanag ba? Kung may magugustuhan ako..." saad ko at inilapit ko ang aking mukha sa kanang tainga niya, "Ikaw 'yun, Calix." dagdag ko at sabay ngisi.

Pagkatapos ay nilayo ko na ang mukha ko sa kanya at tumayo na ako nang maayos. Kitang kita ko sa mga mga mata niya ang pagkagulat.

Ilang saglit lang ay nagbago na agad ang mood ni Calix. Mula sa pagkagulat, bigla siyang nagalit.

"Baliw ka talaga, Sol! T*ng ina mo! Hindi ako pumapatol sa lalake! Kadiri ka!" naiinis na saad ni Calix.

"Pumapatol ako sa lalake, Calix." saad kong muli at ngumisi.

Bakas sa mukha ni Calix ang pandidiri sa akin at tipong masusuka na siya.

"Kadiri ka, Sol! Wag ka nga magbiro ng ganyan! Ang laki-laki mong tao tapos pumapatol ka sa lalake?" tanong ni Calix.

"Wala akong pakialam kung lalake o babae ka. Basta kapag gusto kita... gusto kita. Tapos ang usapan." saad kong muli.

"F*ck you! Layuan mo ko! Mamaya pinagnanasahan mo na pala ako!" saad ni Calix at umalis na siya sa harapan ko.

Napailing na lamang ako at malabong malabo nga na magustuhan ako ni Calix. Sa reaksyon niya pa lang ngayon, wala siyang kaamor-amor sa akin.

Tumungo na lamang ako muli sa ref para kumuha ng panibagong bote ng beer, at pagkatapos ay bumalik na ako sa veranda para ipagpatuloy ang pag-inom.

"F*ck! Pumapatol si Sol sa lalake? Sh*t!" biglang saad ni Calix sa sarili niya habang nasa loob siya ng kwarto niya, "Ang layo sa itsura niya na pumapatol siya sa lalake! Tsk! Ang masama pa nito, nakita na ni Sol ang katawan ko! Baka mamaya, pinagnanasahan niya na ako! Tapos sinabi niya pa na mas magugustuhan niya ako kaysa kay Atheena? Whaaaat! No! This is insane! This can't be happening! Calix's body is for girls exclusively!" sigaw pa niya.

"Calix... paano kita mapapapayag na magustuhan mo ako? Anong gagawin ko?" saad ko sa sarili ko habang nakatingala ako sa langit at umiinom ng beer.

"I have an idea! This is to protect my body and mind from that Sol! Dahil ang nasa tapat na ng unit namin ay si Atheena, and no chance na hindi siya 'yung Erebos na nasa panaginip ko, and Sol is somewhat into me... I need Sol to leave my unit now! Tama! Sol needs to leave! Pag wala na siya, hindi niya na ako mapagnanasahan! At hindi niya na maaagaw si Atheena sa akin!" saad ni Calix at malaking problema ito kung paaalisin niya ako sa unit niya!

Tsk!

Narinig ko na bumukas na ang pinto ng kwarto ni Calix at tumungo na siya muli pabalik sa veranda at tumayo sa tabi ko.

"Sol! May sasabihin ako!" naiinis na saad ni Calix.

Tiningnan ko lamang si Calix sa mga mata ngunit wala akong sinasabi sa kanya. Kaso, kinakausap ko siya sa mga mata niya at nagmamakaawa ako na wag niya ako paalisin.

"Anong sasabihin mo, Calix?" tanong ko habang nakatitig lang ako sa kanya, habang siya naman ay nakatingala sa akin.

"Gusto ko lang sabihin na..." saad niya at napabuntong hininga siya bigla, "Agahan mo gumising bukas!"

"Huh? Bakit?" pagtataka ko.

Muli ay napabuntong-hininga siya at sumagot, "Di ba may lakad tayo parehas? Opening ng museum? Gusto ko agahan mo gumising bukas para magluto ng almusal! Gusto ko nakahanda na ang pagkain! Maliligo na lang ako at magbibihis!" naiinis na saad ni Calix.

At doon na ako napangiti dahil ang buong akala ko ay paaalisin niya na ako. Buti naman at nagbago ang isip niya.

"Bakit ka nakangiti? Naiinis ako! Sabi ko ayaw ko na makikita kang nakangiti!" saad ni Calix at kinuha niya muli sa kamay ko ang beer na pinagiinuman ko, "Akin na nga 'yan!" dagdag pa niya at tinungga niya muli ito nang isang inuman lamang.

"Matulog ka na, Calix. Ako na bahala sayo bukas." saad ko at ginulo ko ang buhok niya.

"Don't touch me with your filthy hands! Nakakainis 'yang ginagawa mo sa akin!" saad ni Calix at tila parang tinamaan na ata agad siya dahil sa beer.

"Alin ang kinaiinisan mo na ginagawa ko sayo? Para hindi ko na gagawin at hindi ka na mainis." saad ko.

"Pahingi ako beer bago ako sumagot!" naiinis na sagot ni Calix at binigyan ko muna siya ng maliit na couch para may maupuan siya habang naghihintay siya sa akin na kumuha ng beer niya.

Pagkatapos, kumuha na ako ng dalawang beer sa ref at bumalik na sa veranda.

"Oh, Calix, last na 'to ah? Kakanta ka bukas. Baka hindi maging maganda kondisyon mo kung iinom ka ng marami." pag-aalala ko.

"Tigilan mo nga ko sa ganyan mo, Sol! Tss!" naiinis na saad ni Calix at dinuduro-duro niya ang tyan ko, "Bakit ang tigas nitong tiyan mo?" tanong niya.

Inangat ko ang suot ko at pinakita ko sa kanya ang tiyan ko.

"Ibaba mo na nga 'yan! Pinagmamalaki mo pa sa akin na may abs ka! Ang yabang mo talaga, Sol!" sigaw ni Calix.

"Lasing ka na ata, Calix. Tara, babalik na kita sa kwarto mo para makatulog ka na." saad ko at hinawakan ko na siya sa balikat.

"Don't touch me!" sigaw ni Calix at tinanggal niya ang kamay ko, "Nakakainis ka, Sol! Alam mo 'yun?"

"Ano ang nakakainis sa akin, Calix?" tanong ko.

"Yung pag gano'n at ganyan mo sa akin!" saad niya at tila inaabot niya ang buhok ko gamit ang kamay niya, "Yumuko ka! Masyado kang matangkad, Sol!" dagdag pa niya kaya yumuko ako.

"Ito, anong nakakainis sa akin, Calix." tanong ko muli.

"'Yung pag gulo mo sa buhok ko!" naiinis niyang saad at ginulo niya ang buhok ko. Pagkatapos ay umayos na ako ng tayo.

"Ayaw mo ba na ginagawa ko sayo 'yun?" tanong ko.

"Alam mo ang nakakainis? P*tang ina talaga, Sol!" sigaw ni Calix at mas tumatama na lalo ang beer sa kanya dahil tinungga niya ang dalawang bote na magkasunod.

"Ano ang nakakainis, Calix?" tanong ko muli.

"Nakakainis! Arrgh! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo!" saad ni Calix.

At dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin, hinawakan ko siya sa balikat para mabasa ang iniisip niya.

"Epal kasi! Feeling ko para akong bata kapag ginagawa sa akin ni Sol 'yun! But then, whenever Sol touches my body... I feel light and happy and hindi ko alam kung bakit at doon ako naiinis! The f*ck is wrong with myself? Does it mean that I like Sol? But I've never had any interest with guys not until Sol came!" saad ni Calix sa isipan niya.

Napakadami pala ng iniisip niya at mukhang nagugulumihanan na siya.

"Calix." saad ko.

"Ano!" naiinis niyang sigaw.

"Matulog ka na. Maaga ka pa bukas gigising. Ako na bahala sa pagkain mo. Tsaka gusto mo ako na bahala mag-ayos ng susuotin mo?" tanong ko.

"F*ck you, Sol! Don't treat me that way! Don't treat me like a baby! Isa pa, I'm not your lover! And ayoko na para mo akong tinatrato na nililigawan mo ako!" sagot ni Calix.

"Hmm? Ganoon ba ang tingin mo na ginagawa ko sayo? Na parang nanliligaw ako?" nakangiti kong tanong.

"Oo! It feels like that you are courting me doing all of the sh*t stuff! 'Yung pagluluto ng pagkain para sa akin, paglilinis ng unit ko, pati pagbigay ng mga gusto kong pagkain! All of those, nakakainis!" sigaw ni Calix.

"Hindi ko na gagawin sayo 'yung mga bagay na 'yan para hindi ka na mainis sa akin? Hindi ko na itutuloy?" tanong ko sa kanya.

"I don't know! Don't talk to me! Matutulog na ako! I'm getting sleepy!" sigaw ni Calix muli.

"Anong sagot, Calix? Hindi ko na gagawin na para kitang nililigawan kasi naiinis ka?" tanong ko.

"Tanong mo sa buwan! Bahala ka sa buhay mo!" saad niya at tumungo na siya sa kwarto niya.

Kaya ko nga tinatanong sa kanya kasi siya ang Diyos ng Buwan. Hayst... ewan ko din sayo!

Ilang saglit lamang, pagsara niya ng pinto ay narinig ko na bumagsak siya at humihilik na.

Mukhang plakda agad si Calix at nakatulog na sa sahig niya.

Kaya naman ay tumungo rin ako sa kwarto niya, at tama nga ako, nakahiga siya sa sahig.

Kinarga ko na lamang siya at inihiga nang maayos sa kama, at kinumutan para mas masarap ang tulog niya.

Hinaplos ko rin nang marahan ang pisngi niya habang payapa siyang natutulog at nakangiti.

"Kailan mo kaya ako matatanggap, Calix?" tanong ko.

"Kiss! Gusto ko po ng kiss!" biglang saad ni Calix.

"Hmm? Gising ka ba, Calix?" saad ko at binuksan ko ang eyelids ni Calix para malaman kung tulog siya o hindi.

Kaso, hindi nag react si Calix, kaya malamang ay tulog na nga ito at nagsasalita na lamang siya ng hindi niya alam.

"Saan kita hahalikan, Calix?" tanong ko.

"Sa lips po." sagot ni Calix na nagpalaki sa mga mata ko.

"Huh? Gising ka ba o tulog?" tanong ko habang binubuksan ko muli ang mga eyelids ni Calix.

Hindi pa rin siya nag rereact kahit buksan ko ang eyelids niya. Malamang tulog 'to, dahil kapag gising siya at ginawa ko 'yin, ay alam kong tatalakan niya ako at magiging para siyang isang demonyo na galit na galit... at gustong manakit.

"Asan na ang kiss ko?" tanong muli ni Calix na tila para siyang gising pero hindi!

"Kilala mo ba ako?" tanong ko.

"Opo..." sagot ni Calix.

Nagsleep talking siguro siya?

"Sino ako?" tanong ko.

"Ikaw si..." saad niya at doon na siya humilik nang napakalakas.

Napailing na lamang ako dahil isang salita na lamang ay magsasabi na siya ng pangalan.

"Hindi kita pwedeng halikan pa, Calix, gusto ko mahalikan ka muli kapag pinayagan mo na ako at kapag bukal na sa loob mo." saad ko at hinaplos ko na muli ang buhok niya, "Good night, Calix, aalagaan kita at mamahalin... kahit na siguro hindi mo na mababalik ito sa akin."

Tumayo na ako at naisipan ko na linisin ang makalat na kwarto ni Calix.

Hindi ko alam kung tamad lang siya o makalat na tao, pero siguro sanay siya ng may nag-aasikaso sa kanya.

Habang nililinis ko na ang kwarto niya, nasanggi ko ang isang paper bag sa desk niya at nabagsak ito sa sahig.

Pagkapulot ko, ay tiningnan ko ang nasa loob nito at laking gulat ko kung ano ito.

"Saglit, ito ba 'yung libro na sinabi ni Calix na binili niya sa bidding ng 100 thousand pesos? Libro ko to ah?" saad ko sa sarili ko at napatingin ako kay Calix na natutulog ng nakatihaya na parang aso at nagkakamot pa ng tiyan at humihilik.

Napangiti na lamang ako ng labis dahil binabasa niya pala ang mga libro ko. Pero, hindi na dapat siya gumastos para dito. Masyadong mahal ang libro na ito at ang nagpamahal lang siguro dito ay ang aking pirma at ito ang pinaka unang kopya na nilabas ko.

But, hindi ko na sasabihin pa kay Calix na alam ko na nagbabasa siya ng libro ko. Dahil alam ko na mahihiya siya sa akin at pipilitin niya na ginagawa niya lang panglinis ang mga libro ko.

Tinago ko na ang libro sa loob ng paperbag at binalik na ito sa dating pwesto.

At pagkatapos ko malinis ang kwarto niya, lumabas na rin ako para ipagpatuloy ang pag-iinom habang nakangiting tagumpay.

May chance pa nga siguro talaga. Kung binabasa ni Calix ang libro ko, malamang ay naeengganyo na siya.

Ibig sabihin kaya ay unti-unti niya ng kinikilala si Luna?

...

...

...

Kinabukasan...

Inayos ko na ang lahat ng mga gamit na kakailanganin ni Calix, at hinanda ko na siya ng kanyang makakain. Ang kailangan na lang niyang gawin ay gumising, maligo, magbihis at kumain at tapos na siya.

Mas gagalingan ko pa ang pag-aalaga sa kanya, nang sa gayon ay matutunan niya akong mahalin o ma-appreciate.

At habang naglalagay na ako ng mga plates sa dining table...

"Ahh! Sarap tulog ko ah?" biglang saad ni Calix habang nag-uunat at mukhang kagigising niya lang, "Luh? Bakit ang linis ng kwarto ko! Sino naglinis! T*ng ina! Si Sol na naman! Oh no! Baka nakita niya 'yung book niya! That sh*t! Tsk! Tsaka Ginagawa niya talaga akong baby eh! Asar!" naiinis niyang saad.

Napabuntong hininga na lamang ako dahil akala ko matutuwa siya na nilinis ko ang kwarto niya... hindi pala.

Lumabas siya ng kwarto niya na nakabusangot at nakatingin ng masama sa akin.

"Hoy! Sol! Ikaw lang naman ang tao dito bukod sa akin! Bakit mo nilinis kwarto ko? Inutusan ba kita ha? Sinabihan ba kita? You will only clean my room if I say so!" sigaw ni Calix.

"Ha? Hindi ko nilinis 'yung kwarto mo. Ikaw ang naglinis kahapon. Nalasing ka kasi. Tutulungan sana kita kaso sabi mo kaya mo na." saad ko na lamang.

"Huh? Ako? Naglinis?" pagtataka ni Calix.

"Oo, lasing ka na kaya di mo matatandaan." saad ko, "Oh, umupo ka na, Calix. Hinanda ko na 'yung pagkain mo. Fried rice, cornbeef with sunny side up egg."

Umupo na si Calix sa upuan at tiningnan ang mga pagkain sa table.

"Tss. Mukhang hindi naman masarap 'to for sure!" saad niya.

"Kapag hindi masarap, itapon mo na lang." nakangiti kong saad.

"Ayan ka na naman sa pag ngiti mo, Sol! You disgust me!" saad ni Calix.

"Sige, kumain ka na. Umagang-umaga ang init agad ng ulo mo." saad ko.

"Talaga! Lagi na ata mag-iinit ang ulo ko because of you!" saad ni Calix at nagsimula na siya sumubo.

Ilang saglit lamang ay nanlaki ang mga mata niya, at tuloy tuloy na siya sa pag kain ng food.

"Masarap ba, Calix?" tanong ko sa kanya.

"No! Pinipilit ko lang ang sarili ko na kumain kasi gutom ako! It doesn't even taste that good! Compare sa luto ng mom ko, di hamak na mas masarap 'yung kanya!" saad ni Calix habang mukhang nilalasap niya ang pagkain na niluto ko.

"Sh*t! I can't let him know!" nabasa ko sa utak ni Calix na bigla niyang sinabi at nagtaka ako dahil hindi ko naman siya nahahawakan.

Pero napatingin na lang ako sa ilalim ng table at natatamaan pala ng mga daliri niya sa paa ang tsinelas ko kaya nababasa ko ang isipan niya.

Saglit, ano kaya ang nasa utak niya ngayon? Hehe!

"The food that Sol cooked, to be honest, it's better than my mom! Asar! Siguro nilagyan ni Sol 'to ng gayuma! But it's really good!" saad ni Calix sa isipan niya.

Halos naubos na ni Calix ang rice sa platter, at ang mga ulam ay paubos na rin.

"Gusto mo pa, Calix? Ipagluluto pa kita?" tanong ko sa kanya habang nakangiti ako.

"Don't treat me like a baby, I told you! Hindi ko gusto ang food na niluto mo! Sabi ko nga sayo, napilitan lang ako!" saad niya.

"Okay, sige napipilitan ka lang." saad ko sa kanya.

At pagkatapos namin kumain, tumayo na siya at nagsalita muli.

"Maliligo na ko. Ikaw na bahala maglinis ng pinagkainan ko. Total, ikaw naman ang yaya dito!" naiinis niyang saad.

"Sige na, maligo ka na. Nakahanda na 'yung twalya at bath robe mo." saad ko.

"Nakakasar ka, Sol! Wag mo nga ako pinagsisilbihan!" naiinis na saad ni Calix.

Napailing na lamang ako at sumagot, "Sige na sige na, maligo ka na. Wag na maraming kwento. Mamaya mag kulang pa oras mo sa pag prepare."

"Don't tell me what to do! Asar!" saad ni Calix at umalis na siya.

...

...

...

After namin makapagprepare at makapagbihis, sabay na kami lumabas ng unit niya.

"Don't come near me! Wag mo ko sasabayan maglakad! I want people to notice na hindi tayo close! Tss!" saad ni Calix at nauna na siya maglakad habang ako naman ay nasa likod niya at nakasunod lang sa kanya.

"Your wish is my command, Mr. Calix." nakangiti kong saad.

"Tss! Don't you dare say that! Si Magic mic lang ang nagsasabi niyan sa akin!" saad niya at bigla siyang napaisip at tumigil sa paglalakad. Ilang saglit lang ay lumingon siya sa akin, "Speaking of Magic Mic, parang hindi na ako nakakarequest sa kanya. Ikaw kasi, Sol, binibigay mo lahat ng gusto ko! Baka nagtatampo na si Magic Mic na hindi na ako nakakarequest sa kanya."

"Hayaan mo na si Magic Mic. Sabihin mo na lang sa akin kung anong gusto mo. Ibibigay ko naman sayo." nakangiti kong saad.

"Disgusting sh*t! Kadiri ka, Sol! Naririnig mo ba 'yang mga sinasabi mo? I'm not a girl! Don't treat me one! I have a d*ck! Gusto mo pakita ko pa sayo?" naiinis na saad ni Calix habang magkasabay na kami na naglalakad ng hindi niya namamalayan.

"Nakita ko na 'yan, Calix. Nagsasayaw ka pa nga ng Boombastic noon eh tapos pinapaalog mo pa." nakangiti kong sagot.

"F*ck you! Wag mo na ipapaalala 'yan! Ka-asar ka talaga, Sol!" saad ni Calix at napatingin siya sa akin, "Bakit ba magkadikit na tayo? Lumayo ka nga! Hindi kita kilala!"

Lumayo na lamang ako sa kanya ng bahagya para hindi na siya mairita. At hanggang sa makapasok na kami sa loob ng elevator, magkahiwalay kaming dalawa ng pwesto. Sa pinaka-kanan si Calix habang ako naman ay sa pinaka kaliwa.

"Don't come near me, Sol! Naiirita ako kapag malapit ka sa akin!" saad ni Calix.

"Sure po, Calix." saad ko.

"Don't use 'Po'! Para ka pang naglalambing! Are you mocking me?" saad ni Calix.

"Hindi naman... po." nakangiti kong saad.

"Tss. Bahala ka sa buhay mo!" saad niya.

Elevator chime - Parking area!

Nang makarating na kami sa parking area, naghiwalay kami ng landas ni Calix dahil magkalayo ang mga kotse namin.

Pero, pinapanood ko pa rin siya at binabantayan sakaling may tumangka sa buhay niya.

Nang makarating na ako sa pwesto ng kotse ko, sinimulan ko na painitin ang makina at nilinis ko muna ang labas, at kasabay nito ay pinapanood ko si Calix sa pwesto niya.

Ngunit, parang medyo hindi maganda ang lagay niya at sinisipa niya ang gulong ng kotse niya.

"Asar! Bakit ngayon ka pa nagloko!" naiinis na saad ni Calix at mukhang sira ata ang kotse niya.

Napatingin siya sa akin, at nang makita niya na nakatingin at nakangiti ako sa kanya, bigla niya akong inirapan.

Ilang saglit lamang ay kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan siya.

"Demi!" naiinis na saad ni Calix, "Can you please pick me up? Sira ang kotse ko!"

Ahh... kaya pala siya naiirita dahil sira nga talaga ang kotse niya.

"What? Mamaya ka pa pupunta sa venue? Tsk! Then how will I suppose to go there? Mag taxi? Grab? I don't trust them!" naiinis niyang saad, "No! Ayaw ko! I don't want to go with him! Remember, I hate him! I won't go with Sol!"

Then, nilagay ni Calix ang phone niya sa loudspeaker habang tinitingnan niya na ang makina ng kotse niya.

"Eh anong gusto mo, Calix?" saad ni Demi sa kabilang linya, "Ayaw mo magtaxi or Grab, tapos ayaw mo din sumabay kay Sol! Mag lakad ka na lang nako!"

"Are you for real, Demi? Nakakainis naman kasi! Kung kailan kailangan ko ng sasakyan eh! Asar! Male-late ako!" saad ni Calix.

"Wag ka na mag-inarte, Calix! Sumabay ka na kay Sol total isa lang pupuntahan niyong venue. Baka gusto mo ako pa magsabi sa kanya? Ipapaalam kita?" saad ni Demi

At dahil nakatalikod si Calix at nakatingin sa makina niya, tumungo ako papunta sa pwesto niya at tumayo sa tabi niya.

"Mukhang nasiraan ka, Calix, ah?" tanong ko sa kanya.

"Anong mukha? Sira na nga ang araw ko because of you, nasiraan pa ako ng kotse!" naiinis niyang saad.

"Sol! Good thing na nandyan ka! Can you please accompany Calix? Bukod sa kotse niya na sira, nasisiraan na rin ng bait 'yan! Isabay mo na siya, please?" saad ni Demi.

"Okay lang naman sa akin, ngunit, parang hindi okay kay Calix eh." saad ko.

"Hindi talaga magiging okay! No! Never!" sigaw ni Calix.

"Calix! My God! Ang dami mong hanash! Sumabay ka na lang kay Sol! Sinasayang mo ang oras niyo!" saad ni Demi.

"Hindi ako sasama kay Sol and that's the last of it!" saad ni Calix at tiningnan ko ang makina niya.

Napansin ko na bugbog na ang makina ng kotse ni Calix, at dahil gusto ko na sumabay siya sa akin, wala na siyang magagawa nito.

"It will be too late if magmamaktol ka pa, Calix. For now, you can come with me since it will be the best for you. And I won't do any harm." nakangiti kong saad.

"Ayun naman pala! O ano pa ang hinihintay mo, Calix! Go with Sol!" saad ni Demi.

"I'll talk to you later, Demi! Galit ako sayo for not picking me up! Bye!" saad ni Calix at binaba niya na ang kanyang phone.

Binaba ko na rin ang hood ng kotse ni Calix at kinausap siya, "Sige, I'll call my friend who knows how to fix cars. Maybe weeks to bago maayos."

"Remember, Sol, wala lang akong choice kaya ako sasabay sayo, okay? It doesn't mean that gusto ko na sumabay ako sayo!" naiinis na saad ni Calix.

"Okay, hindi mo gusto na sumabay sa akin at wala kang choice. Iyan ang itatatak ko sa isip ko. Tara na para hindi tayo ma-late." sagot ko at tumungo na kami sa kotse ko.

"Wow!" saad ni Calix at mukhang namangha siya nang makita niya ang kotse ko, "Is this a vintage model? Ganda! I like your style pagdating sa kotse ah?"

"Talaga? Buti nagustahan mo." nakangiti kong saad.

"Tss! 'Yan ka na naman sa pagngiti mo! I hate your smile! Ilang beses ko ba uulitin?" naiinis na saad ni Calix.

"Sige na, pumasok ka na, Calix." saad ko at pagbubuksan ko na sana siya ng pinto.

Kaso, bigla niyang pinalo ang kamay ko.

"Ayan ka na naman! Pagsisilbihan mo na naman ako!" saad niya, "Kaya ko magbukas ng pinto! Epal ka talaga, Sol! Ayaw ko ng inaalagaan ako, okay?"

"Okay." saad ko at napailing na lamang ako.

Nang makapasok na si Calix sa upuan katabi lang ng driver's seat, ay pumasok na rin ako sa loob.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya.

"Don't ask me, Sol! Asar ka talaga eh no!" saad ni Calix.

"Gusto ko lang na maayos lahat bago tayo umalis. Wala ka na nakalimutan? Mga dapat dalhin nandito na sa kotse ko? Everything is all set?" tanong ko.

Napabuntong hininga na lamang si Calix at sumagot, "Wala na! Dami mo seremonyas! Kapag na-late tayo, ikaw may kasalanan!"

"May kulang pa, Calix." saad ko.

"What?" naiinis niyang tanong.

Tinaas ko na ang kaliwang kamay ko at nais ko sanang abutin ang seatbelt, pero nahalata niya at pinagpapalo niya ang kamay ko.

"Don't you dare! Ginagawa mo talaga akong baby eh no? Asar ka, Sol! I can wear the seatbelt by myself!" naiinis na saad ni Calix at doon niya na sinuot ang seatbelt, "Okay na! Umalis na nga tayo!"

At doon na ako nagsimulang mag drive.

I never thought na darating ang araw na 'to, na masasakay ko si Calix mismo sa kotse ko at katabi ko na siya ngayon.

Hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko kaya napansin ito ni Calix.

"Why are you smiling like a fool?" tanong niya.

"Wala naman. Kung gusto mo magpatugtog, ikaw na bahala mag-ayos." saad ko.

"Wag mo ako utusan! Gagawin ko kung anong gusto ko!" saad ni Calix.

"Anong kakantahin mo mamaya, Calix?" tanong ko sa kanya.

"It's none of your business, Sol." saad niya.

"Pagkatapos mo kumanta, aalis ka na?" tanong ko.

"Yes! Lalayo ako from you since I've been with you for days already and you are suffocating me!" naiinis na saad ni Calix.

"Ayaw mo na ba ako sa unit mo mag-stay? Gusto mo lumipat na ako?" tanong ko.

"Saan ka lilipat?" tanong niya.

"I don't know. Hahanap siguro ng mismong bahay na lang and hindi na unit sa condo o sa ibang bansa na lang." sagot ko.

"When?" tanong ni Calix.

"Malapit lapit na. Gusto mo na ba ako umalis agad?" tanong ko.

"I don't know? Bahala ka sa buhay mo! Desisyon mo 'yan!" naiinis na saad ni Calix.

"Isang tanong isang sagot, gusto mo ba ako umalis sa unit mo?" tanong ko.

"Wag mo ko pine-pressure, Sol. Umalis ka kung gusto mo!" saad ni Calix.

"Tsaka na lang... maybe in less than two months, I'll be moving. For now, sa unit mo muna ako mag stay." nakangiti kong saad.

"Saan ka lilipat? Will you let me know?" saad niya at bigla siyang parang nalungkot.

"Kung gusto mo malaman, why not." sagot ko.

Out of nowhere, nagshift na naman ang mood niya at biglang nainis, "I don't want to! I don't even care about you! Bahala ka kung saan mo gusto tumira!" saad ni Calix.

"Maybe, once na lumipat na ako, you won't be able to see me around." saad ko at napabuntong hininga na lang ako.

"Great! Hindi na ako maiirita sa mga ngiti mo!" sagot ni Calix, "I like the way you drive, Sol. Ito lang ang tanging gusto ko sayo, napaka smooth mo mag drive. In contrast sa akin na balasubas pagdating sa driving since madalas ako mag road rage! Haha!" pabirong saad ni Calix.

"Kumalma ka kasi kapag nagda-drive. Minsan nababalitaan ko nga sa TV na nakakabangga ka daw." saad ko.

"For the record, sila ang bumabangga, hindi ako! Okay?" saad ni Calix.

"Total lagi lang naman din ako sa unit at minsan lang ako lumabas kapag kailangan, let me know kung may gusto kang puntahan. Ipagda-drive na lang kita, then let me know if susunduin kita. Or kapag may mga performances ka na pupuntahan, let me know." saad ko .

"What are you? My chauffer?" saad ni Calix.

"Matagal-tagal din kasi bago mapaayos ang kotse mo. Kita ko ang makina mo, bugbog na eh. Habang wala ka pang kotse, ako muna ang maghahatid at sundo sayo." saad ko.

Napabuntong hininga na lamang si Calix at sumagot.

"Anyway, I don't really have a choice. But, Sol, this is just until na magawa ang kotse ko. Okay? Afterwards, ayaw ko na ihahatid mo ako!" naiinis na saad ni Calix.

"Sure! Basta for now, ako muna ang maghahatid at sundo sayo, anytime of the day, at kahit gabing-gabi pa 'yan." saad ko.

"F*ck you, Sol! Ginagawa mo na naman akong babae when apparently I'm not!" saad ni Calix.

"Ay sorry, ganoon ba ang nararamdaman mong trato ko sayo?" tanong ko.

"Yes! I feel like para mo akong nililigawan which I don't like!" saad ni Calix.

"Sige, hindi ko na gagawin kung ayaw mo." saad ko.

"Bahala ka sa buhay mo!" saad niya at bigla siyang umiwas ng tingin at humarap sa bintana at tumahimik na lang.

"Okay ka lang, Calix?" tanong ko.

"Wag mo ko tanungin! I'm not okay!" saad ni Calix.

"Anong gusto mong gawin ko para maging okay ka?" tanong ko muli.

"I want you to do nothing! Manahimik ka nga, Sol! Don't talk to me!" saad ni Calix.

"Okay." saad ko at hindi ko na kinausap si Calix.

After 10 minutes... biglang nagsalita si Calix.

"Ang boring mo, Sol! Di ka man lang nagsasalita." saad ni Calix.

"Baliw ka, Calix?" tanong ko.

"Are you mocking me?" saad niya.

"Sabi mo di ba wag kita kausapin?" tanong ko muli.

"Hay! Tsk! Ewan ko sayo! Malapit na ba tayo?" tanong ni Calix.

"Yup! Nandito na tayo. Mag ready ka na." saad ko kay Calix habang naghahanap na ako ng pwesto para ma-park ang kotse ko.

After 3 minutes at nang makapag-park na ako, lumabas na kami ni Calix sa kotse at sabay na tumungo sa loob ng museum kung saan magaganap ang opening nito.

Agad kaming sinalubong curator slash owner ng museum, isang matandang lalake na nakasuot ng coat and tie, pormal ang datingan at mukha naman masayahing tao.

"Ah... if it isn't Mr. Sol and Mr. Calix!" nakangiting bati niya sa aming dalawa, "By the way, I'm Dr. Luigi, ang owner ng museum."

"Good morning po, Dr. Luigi." nakangiti kong bati.

"Good morning." saad ni Calix at parang medyo naiirita na ata siya, kaya naman siniko ko siya ng bahagya, "What!" bulong niya sa akin.

"Tsk! Umayos ka, Calix. Batiin mo ng maayos si Mr. Luigi." bulong ko kay Calix.

"Wag mo ko utusan! Tss!" naiinis na bulong ni Calix.

"Oh? Is everything alright? Parang medyo nag-aaway ata kayo?" tanong ni Dr. Luigi.

"Ah, hindi po, normal na pag-uusap lang namin 'to. Matanong ko pala, Dr. Luigi, bakit sa dinami-dami ng pwedeng maging ambassador, bakit ako pa po? Tsaka, bakit si Calix ang napili niyong kumanta?" tanong ko.

"Sayo, I don't know why, Sol." saad ni Calix, "But for me, tinatanong pa ba yan? I'm the Calix, malamang ako dapat talaga ang magperform sa opening ng museum!"

Napailing na lang si Dr. Luigi at nagsalita, "I'm just amazed on seeing the most valuable painting in my possession. Tara, I'll show you why I chose you. And also you, Mr. Calix.".

"Ba yan, may tour pa ata bago magsimula!" bulong ni Calix.

"Umayos ka nga, Calix!" bulong ko.

"Maayos ako!" saad niya at sinundan na namin si Dr. Luigi, at dinala niya kami sa isang room kung saan may dalawang paintings na nakatakip ng tela.

Pagkatayo namin sa harapan ng dalawang painting na nakatakip ng tela, tinanggal ni Dr. Luigi ang tela sa isa sa mga nakatakip na paintings at doon na namin nakita ni Calix ang unang larawan.

Napatingin ako sa reaction ni Calix at tila nanlalaki ang mga mata niya at bigla siyang napalunok na mahahalata mo sa pag-galaw ng adam's apple niya na nais kong tusukin sa tuwing makulit siya.

"Ang unang painting ay ang God of Sun at hindi maikakaila na labis ang pagkakaparehas niyo. Kung ako ang tatanungin, parang iisang tao lang kayong dalawa, Mr. Sol. Magkamukha na magkamukha kayo." saad ni Dr. Luigi.

"Saan niyo 'to nakuha?" tanong ko.

"Actually, this painting came from my ancestors from a very very very long time ago. To be exact, ang sabi sa akin, ito ay pinatago ng pinakamatapat na alagad ng God of Sun. Ipinagutos niya na pangalagaan ang painting ng God of Sun hanggang sa mga susunod na henerasyon dahil gusto niya na hindi makakalimutan ng lahat ang sakripisyo niya para magbigay ng liwanag. Kaya ito, hanggang ngayon ay nandito pa rin ang painting ng God of Sun na na-preserve for the longest time. And it happens that the God of Sun happen to look just like you, Mr. Sol, which is why ikaw ang napili ko to represent and be the face of our museum." saad ni Dr. Luigi.

At ibig sabihin, si Dr. Luigi ay nagmula pa sa angkan ng matapat ko na alagad na nagsisilbi sa akin noon pa man.

Kahit na umalis na ako sa kaharian ko noon, hindi pa rin pala niya nakalimutan ang utos ko sa kanya, na sana ay hindi nila ako makalimutan kahit ako ay magpapanggap na isang normal na tao na lamang.

"Ano naman ang isa, Dr. Luigi?" tanong ko.

"The other one is also a painting that came from my ancestors. It's the most priced possession of the God of Sun. Ang sinabi ay siya daw ang dahilan kung bakit may araw at buwan." saad ni Dr. Luigi.

Most priced possession? Talaga? Parang wala akong matandaan? Haha!

But then, tininggal na ni Dr. Luigi ang tela na nagtatakip sa painting.

At nang matanggal na ito...

Napatingin ako kay Calix na halos natulala na lamang at hindi makapagsalita.

"Ang painting na ito ay ang kaisa-isang kopya na mayroon ang mga ninuno ko. Dahil ang sabi nila, napakamailap raw nito at ayaw magpaguhit. Ngunit, siya lamang ay napapayag dahil ito ay ninais ng God of Sun, nais niya na maiguhit ang larawan ng Goddess of the Moon na si..." saad ni Dr. Luigi at naputol ang kanyang sinasabi dahil sumingit bigla si Calix.

"Si Luna..." saad niya at tila hindi siya makapaniwala sa nakikita niya, "Totoo sila? Siya ang babaeng nasa panaginip ko."

End of Chapter 9