CHAPTER 2
Nandito na kami ngayon sa Tiangge.Ang usapan sasamahan lang namin si Ella.Sa ganda ng mga damit na nakikita ko,grabe ang pagpipigil ko sa'kin sarili na 'wag bumili.
"May natutuksong bumili dyan" pagpaparinig sa'kin ni Ella.Nandito kami ngayon sa isang stall sa Tiangge.Puros mga bagong labas na damit.
"Kaya kong pigilan 'to hmp!" sagot ko sakanya.
Pero hindi din nagtagal.Nakita ko ang sarili kong hawak ko na ang isa sa mga damit.Tinitignan ko na itong mabuti.Isa itong inspired Jennie Top ang damit na hawak ko.Tatlo lang ang butones nito,bandang dibdib pa.Kaya kita ang tiyan dito.
"Akala ko ba kaya mo pang pigilan?"Pang-aasar sa'kin ni Alvin.
"Hindi naman masama na bumili ako kahit limang piraso lang diba?" inosente kong sabi sa kanya.
Marupok talaga ako
Natawa na lang sila sa sinabi ko.Sa huli ay bumili ako ng damit,limang piraso lang.Apat na t-shirt ang binili ko at isang crop top.Hindi ako sanay na bumili ng crop top 'pag kasama ang mga kaibigan ko.Pagkatapos namin sa isang stall,pumunta naman kami sa isa pang stall.Puros mga jeans ang nandito.Tumingin na ang mga kaibigan ko.Samantala ako,nakatayo lang sa isang tabi.
"Yas! Halika dali,libre kita" tawag saakin ni Ella.Pumunta ako sakanya.
"No.okay,lang Hahahah"sabi ko sa kaniya.Agad naman siyang umiling.
"It's okay,pili ka na" pagpipilit niya sa'kin.Kahit anong tanggi ko sa alok niya ay wala din akong nagawa.Kaya naman pumili na ako.
"Kami Ella hindi mo kami ililibre?"pagtatanong ni Alvin.
Sa'ming magkakaibigan siya ang pinaka kuripot! Syempre,sumunod lang ako.
"May sarili kang pera diba?" pagtataray sa kanya ni Ella.
"Pumili ka lang Yas,kahit sa iba pang stall na pupuntahan natin.Hati na lang kami ni Ella sa pagbayad" sabi sa'kin ni Louie.Agad akong umiling sa sinabi niya.
"Naku,hindi na.wala naman na akong bibilhin eh" sabi ko sa kaniya.Nagkibit-balikat na lamang siya sa'kin.
"Sus! sabihin mo,madami ka nang nabili sa Shopee at Lazada!"sabi sa'kin ni Alvin.Hinampas ko siya nang hawak kong jeans.
"Ikaw napaka epal mo!"sabi ko sa kaniya.Nang mapagod na ako sa paghampas sa kaniya.
"Ate,may size 23 po ba kayo?Kahit anong jeans na lang po ,basta size 23 po" tanong ko.Tumayo ang tindera para maghanap ng size 23.
"Sana all size 23,sana all sexy!" sigaw ni Alvin.Agad naman nagsilayuan ang mga kaibigan namin sa kaniya.Nahihiya sila sa ginawa ni Alvin.Kahit naman ako ay lalayo sa kaniya.
"Eto ineng,size 23"sabi sa'kin ng tindera.Agad ko naman itong kinuha para tignan.
"Magkano pa ito?" tanong ko sa tindera.
"250 na lang 'yan ineng"sagot sa'kin.Agad naman akong tumango at ibinigay kay Ella ang napili ko.
"Eto lang?Sure ka?" tanong niya sa'kin.Tumango ako sakanya bilang sagot.
"Madami pa naman akong jeans ,Ella"sabi ko sa kaniya.
"Ok.Sabi mo eh" sabi niya.Nang matapos na siya sa pagpili ng jeans niya ay binigay niya na ito sa tindera.Binayaran na niya ito.Binigay niya sa'kin ang jeans ko na nakahiwalay ng plastic.
"Hindi pa rin kayo tapos mamili?" Tanong niya sa mga kasama namin.Agad naman tumango ang mga ito.
"Hindi ako makapili eh" Si Louie na halatang hirap na hirap sa pagpili.Napailing kaming dalawa ni Ella.Pinuntahan ko si Louie para tulungan sa pagpili.
"Ako hindi niyo tutulungan sa pagpili?"pagrereklamo ni Alvin.Napairap ako sa sinabi niya.
"Bakit ka naman namin tutulungan?"Tanong sa kaniya ni Ella.
"Tsaka hello? eh may napili ka na kaya!Ayan nga oh! binabayaran mo na"sabi ko.Napakamot na lamang siya sa kaniyang ulo dahil sa sinabi ko.
Nang matapos kami sa pamimili,tumingin-tingin kami sa mga sapatos at sandals.Kailangan kong bumili ng bagong sapatos at sandals.Tumingin muna ako sa mga sandals.
"Bibili ka?" tanong sa'kin ni Alvin.
"Ay hindi!Hindi ako bibili! tumitingin lang ako pang hampas sa'yo!" I sarcastically answered him.
Isn't it obvious?.
"Ah meganon?" sabi niya sa'kin.Napairap na lamang ako sa sinabi niya.
Tinuloy ko ang pagtingin sa mga sandals.Pumili ako ng dalawang sandals.Color nude gladiator at black ankle strap flat sandals.Tumingin din ako sa mga sapatos.Black Army Boots at white sneakers lang ang napili ko.Nang tapos na ako sa pagpili ay binayaran ko na ang mga ito.Buti na lang ay dala ko ang sling bag ko.Dito ko kasi nilalagay ang mga wallet ko,bawat wallet ay may nakalagay na note kung para saan ang perang nakalagay doon.Hinanap ko ang wallet na walang note,dito nakalagay ang pera kong naipon galing sa pagbuburaot sa mga kaibigan at mga kaklase ko.
Nagbayad na ako ng mga binili ko.Ang mga kaibigan ko ay naghahanap parin.Nagpunta ako kay Ella.
"Hindi ka pa rin tapos mamili?"tanong ko sa kaniya.Kahit na halata naman na hindi pa.
"I'm almost done"sabi niya sa'kin sabay ngiti.Pumunta naman ako kay Josh.May hawak siyang white sneakers.
"'Yan na yung napili mo?" tanong ko sa kaniya.Tumingin siya sa'kin at ngumiti.
"Oo" maikli niyang sagot sa'kin.Sinamahan ko siya sa tindera para bayaran.Sabay kaming nagpunta kay Louie.
"Oh?wala ka pa rin napili?"tanong sa kaniya ni Josh.
"Meron na ,hinintay ko lang talaga na puntahan niyo ako"sabi niya.
Baliw!
Pinuntahan namin ulit si Ella.May napili na siya nang bumalik kami sa kaniya.Ang huli naming pinuntahan ay si Alvi.Na hanggang ngayon ay tumitigin pa rin.
"Ano?Wala ka pa rin napili?"tanong sa kaniya ni Josh.Tinignan niya kami at sinuri.
Buang amp!
"Wala akong mapili,hindi na lang ako bibili"sabi niya.Agad naman siyang nakatanggap ng tig-isang hampas mula sa mga kaibigan namin.Hindi na ako nakisali sakanila.Sinamahan na namin sila Louie at Ella na bayaran ang mga binili nila.
"Uwi na tayo?"Tanong ni Josh sa amin.Nagkibit-balikat ako sa kaniya nang sa'kin siya tumingin.
"Oo,baka nasa bahay na nila Yas yung Ate niya.Alam niyo naman 'yon"sabi ni Ella.Sumang-ayon ang dalawa sa sinabi niya.Pumunta na kami sa sakayan papunta sa amin.Habang nasa pila kami ay binigay na namin ang mga bayad namin kay Josh para isahan na lang ang pagbabayad namin.
Sa may bandang dulo kami ng Jeep nakapwestong lima.Si Ella ang unang bumaba sa amin.Sa isang Executive Village kasi sila nakatira.Kaming apat naman ay sa iisang village lang.Hindi Executive Village tulad ng kanila Ella.Sakanila kasi ay may guard at talagang mga mayayaman ang mga nakatira.Sa village naman namin ay wala,kanya-kanyang pagawa ng bahay at paganda ng mga ito ang mga nakatira dito.
Ilang minuto lang ay bumaba na kami.Sumakay kami sa tricycle para ihatid kami sa kung anong block kami.Bago kami sumakay ay napili naming sa Bakery na lang kami bababa.'Yon kasi ang malapit sa amin,ganun din sakanila.Ang kasama ko sa loob ng tricycle ay si Alvin.Sina Louie at Josh naman ay sa labas.Habang nasa loob kami ni Alvin ay nag-aasaran kami.
"Napaka panget mo!" sabi ko sa kaniya.
"Napaka pandak mo naman!" sabi niya sa'kin.Napairap na lamang ako sa kaniya.Napangisi siya dahil sa ginawa ko.Ngiting tagumpay dahil alam niyang naiinis na ako.
"Palibhasa walang jowa" bulong ko sa hangin.Kahit na binulong ko lang sa hangin ay hindi pa rin ito nakaligtas sa kaniya.
"Anong sabi mo?!" sigaw niya sa'kin.
Lakas ng pandinig mo bro!
"Wala! sabi ko ang ganda ng mga bago kong sapatos!"palusot ko sa kaniya.Tumango na siya bilang sagot niya.
Ilang minuto lang ay nandito na kami sa Bakery.Bumaba agad kami,si Josh na ang nagbayad ng pamasahe namin.Ako naman ay agad na kumuha ng pera para bayaran siya.
"H'wag na,libre ko na lang ito sayo"sabi niya sa'kin.Nagkibit-balikat ako sa kaniya.
"Edi libre ko na lang din kayo ng tinapay sa bakery,tara"pag-aaya ko sakanila.Agad naman silang tumango at sinamahan ako sa bakery.
"Hindi talaga masarap ang mga tinapay,'pag libre lang sila sumasarap" sabi ni Alvin.
"Buang ka! napaka kuripot mo talaga!"sigaw ko sakaniya.Natawa na lang siya sa sinabi ko.
Bumili ako ng isang coke na malaki at nanghingi ng apat na plastic.Bumili din ako ng apat na empanada.Hinati namin ang softdrinks at binigay sa bawat isa.Nang mahati na namin ay umuwi na kami sa mga bahay namin.Hindi na nila ako hinatid sa mismong bahay namin dahil sa Ate ko.Kaya naman ay mag-isa lang akong umuwi sa bahay namin.
Hindi pa 'man ako nakakapasok ay sinalubong na ako ng Ate ko sa gate pa lang.Galit na galit siyang tumingin sa'kin.
"Ikaw! kung saan-saan ka nagpupunta! humaharot ka naman!" sigaw niya sa'kin.
"Pasensya na Ate,namili lang naman kami sa bayan,may Tiangge kasi"pagpapaliwanag ko sa kaniya.Pumasok na ako sa loob ng bahay.Nang makapasok na ako sa loob ng bahay ay tinulak niya ako.Dahilan para masubsob ako sa sahig.
"Wala ka na ngang naitutulong dito! tapos may gana ka pang mamili?! " sigaw niya sa'kin.Nakita kong dumaan si Mama sa amin at nilampasa kami.Akala ko ay tutulungan niya ako o hindi kaya ay pipigilan niya si Ate.
Madami talagang mamamatay dahil sa maling akala.
Tumayo ako at agad na kinuha ang mga pinamili ko kanina.
"Sana yung perang binili mo para sa mga walang kwenta eh binayad mo na lang sa tubig natin!" sigaw ulit niya sa'kin.
"Ate,nabayaran ko na yung tubig natin noong isang araw pa"sagot ko sa kaniya.Ngumisi siya sa'kaniya.
"Akyat na ako sa kwarto ko Ate"pagpapaalam ko sa kaniya.Tumalikod na ako para umakyat sa kwarto ko.Nasa ikatlong baitang pa lang ako ng hagdan ay naramdaman ko na ang pagtama ng isang bagay sa likod ko.Napapikit ako sa sakit na naramdaman ko dahil sa pagtama sa likod ko.
"Wala ka talagang kwenta!"sigaw niya sa'kin.
Hindi na lamang ako sumagot sa kaniya at pumasok na lamang sa loob ng kwarto ko.Pagpasok ko ay inayos ko na agad ang mga pinamili ko.Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko sa'king mga mata.Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin para hindi na magalit sa'kin si Ate.
Humiga ako sa kama ko.Tahimik na umiiyak,dahil 'pag narinig nila ay sabihan pa akong maarte.Gusto ko 'man itong sabihin sa mga Tito,Tita at mga pinsan ko ay hindi ko magawa.Dahil alam ko na ang mga sagot nila.
"May ginawa ka sigurong kasalanan kaya ganun"
"Kasalanan mo siguro"
"Buti nga sa'yo"
"Ang arte mo"
Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko.Iniisip ko ano mga nagawa kong kasalanan kung bakit ganun na lang ang galit sa'kin ng Ate ko.Kung ano ba ang nagawa kong mali.Kung bakit ganun sila.Hindi nila nakikita yung mga nagawa kong tama,puros mga kamalian ko lang ang nakikita nila.Hindi 'man lang ako tinulangan ni Mama na tumayo kanina,pinabayaan niya lang ako.
Hindi ko alam pero naging normal na lang para sa'kin ang mga nangyayari dito sa bahay.Hindi ko na nga din pinapaalam sakanila na masama ang pikaramdam ko minsan.Alam ko naman na hindi sila mag-aalala sa'kin.Buti sana kung ako si Ate pwede pa,pero hindi eh.Nakatulog ako dahil sa pag-iyak ko.