🐺REIKA VANADEY 🐺
"Mahal na mahal kita reika, wala nang iba."
"Mahal na mahal din kita."
"Ako na ang pinaka masayang nilalang ngayon sa buong mundo."
"Saksi ang buwan sa ating pag mamahalan."
Minulat ko ang aking mga mata at unang tumambad sa pangin ko ang kisame ng aking kwarto, napapanaginipan ko nanaman ang panaginip na iyon. Sa loob ng sampong taon kong walang naalala kahit na anong detalye ko sa nakaraan kong buhay, ang panaginip kong iyon ang tangi kong nakikita.
Halos sampong taon ko na itong napapanaginipan ngunit hanggang ngayon ay hindi parin malinaw ang mukha ng lalaking iyon sa aking panaginip.
Hindi ko alam kung nakaraan ko ba iyon o kasalokoyan. Bakit koba napapanaginipan ang bagay na iyon? May kinalaman ba ito sa aking buhay?
Sa ilang taon ko nang nabubuhay sa mundong ito, wala akong naalala sa aking nakaraan. Hindi ko alam, kung sumpa ba ito o hindi? Hindi ko kilala ang mga magulang ko, hindi ko kilala kung sino ako bago ako nawalan ng ala ala. Tila isa akong sanggol na bagong panganak, at buhay na muling nabuhay.
Nag papasalamat ako sa taong nag alaga sa akin ng kailanga ko ng tulong. Mga taong pinagsandalan ko, at mga taong pinaramdam sa akin ang makroon ng halaga ang buhay.
Kinupkop ako ng isang mangkukulam, mangkukulam na nag tuturo ng mga kapangyarihan at isa na ako doon sa mga estudyante niya. Sabi niya kailangan ko daw matuto ng ganon kaya naman mas higit niya akong tinuturuan ng pakikipag laban at iba pa.
Sabi ko sa kanya, hindi ko naman kailangan iyon dahil batid ko na makapangyarihan ito at kaya niya akong maprotektahan pero sabi niya hindi daw lahat ng oras maasahan ko siya. Palagi din nitong bilin sa akin na huwag na huwag akong mag titiwala sa iba bukod sa aking sarili.
Itinuturing ako nitong anak, kaya naman itinuturin ko din siyang tunay kong ina. Siya ang nag palaki sa akin at nakasama ko sa higit sampong taon. Madami na akong natutunan dahil sa kanya.
Pinilit kong ipikit ang aking mata upang maka balik sa pag tulog ngunit diko magawa, kaya naman ay wala akong magawa kundi ang bumangon sa aking kinahihigaan, inayos ko muna ang aking kama bago ako tuloyang umalis sa aking kwarto.
Mag hahanda na lamang ako ng pagkain para kay ina, nasa isang paaralan ako. Dahil isang guro ang nag ligtas sa akin. Siya ang pinaka magaling na mangkukulam para sa akin, marami na siyang nagamot at marami na siyang naturan na mga nais matotong kabataan na nais matuto ng majika. Ngunit hindi ako isang mang kukulam, tinuturuan lamang.
Ang paaralan niya ay libre lamang, at wala siyang hinihinging kapalit kundi ang pag kusa nilang mag bigay ng halamang gamot sa amin at ano pang kailangan sa paaralanang ito. Kaya naman hinahangaan ko talaga ito.
Palagi niyang sinasabi na hindi naman kami mag tatagal sa lugar na ito at lilisan din kami kaya naman ay ayaw niyang nag iwan ng may utang na loob siya sa tao.
Hindi naman kalakihan ang paaralan, at hindi rin kaliitan. Sakto lamang ito para sa lugar na ito. Ang totoo lamang ay hindi ko alam kung saang lugar o kung anong emperyo ito. Ang tanging alam ko lamang ay nasa lupain kami ng mga lobo. Liblib ang lugar na ito at unti lamang na mga nilalang ang nakaka punta rito. At saka hindi naman ito masyadong tanyag na lugar kaya naman ay alam kong unti lang ang nakakakilala sa amin. Hindi ko parin alam kung anong dahilan kung bakit nawalan ako ng alaala. Wala akong alam, vanadey ang tawag sa akin ng mga tao dito, dahil iyon ang tawag sa akin ni ina.
Agad akong nag handa para sa pag hahanda ko ng breakfast ni ina. Ganito palagi ang ritmo ko araw araw, gigisng pag sisilbihan ang mga mag aaral o si ina at mag linis sa buong paaralan. Masaya ako, masaya ako sa ganito kong buhay.
Nais kong suklian ang pag kabaitan ng ina sa pag kopkop sa akin kaya naman ay ginagawa koto lahat kahit ilang beses na niya ang pinag sabihan na hindi naman kailangan.
Pinag luto ko siya ng makakain at agad ko namang natapos iyon. Pinanatili ko lamang iyon na mainit hanggang sa magising si ina.
Inihanda ko na din ang mga pang linis upang mag linis na ako bago pa dumating ang mga batang tuturuan.
Masaya kong ginagampanan ang gawaing ito, dahil kahit papaano ay nakaka tulong ako kay ina. Hindi ko alam sa kanya, ngunit sabi niya ay para sa kanya isa daw akong prensesa na dapat ingatan at alagaan kaya naman pag nakikita niya na hawak hawak ko ang mga panlinis ay naiinis siya sa akin.
Sakto sa pagtapos ko ng paglilinis sa buong paaralan slash bahay narin namin ay tinawag ako ni ina. Kung paano ko mabilis natapos? Perks for being a daughter of witch.
Naramdaman ko naman ang pagbaba niya sa kanyang silid kung kaya naman ay agad akong tumakbo papunta sa kusina at ihanda ang mga pagkain na niluto ko para sa kanya. Pinag timpla ko siya ng isang kape na gawa sa purong cacao at hinaloan ko ng purong gatas. Masarap pag ipag halo iyon at isa iyon sa paborito ng aking ina. Inilagay ko sa lamesa ang niluto kong pritong itlog ng isang gansa, mas masarap ito kesa sa iba dahil kulay ginto ang itlog ng gansang iyon. Mas malinamnam.
"Sabi ko na ngaba at pinaghandaan mo nanaman ako." saad ni ina sa akin, kaya nginitian ko na lamang siya.
"Ina naman, I'm just being kind here. Tsaka ayoko namang iasa lahat ng gawain sa'yo noh." tugon ko sa sinaad niya.
"Hindi ka parin ng babago," iling iling na saad niya.
"Hula ko nalinis mona ang buong paaralan noh? Hay nakung bata ka. Ano nanaman ba ang napanaginipan mo at hindi ka nanaman nakabalik sa iyong pag tulog." napa kamot na lamang ako ng ulo ko.
"Wala naman po ina, isang simpleng panaginip lamang po." saad ko at tumabi sa kanya upang salohan siya sa pagkain, ayaw na ayaw kasi nitong nag iisang lamang na kumakain. Sino ba naman kasing nais ng ganon.
Ang ibig kong sabihin, nakaka lungkot kaya pag ganon. Sabi nga nila mas masarap kumain kapag may kasalo.
🐺🐺🐺
Agad naman kaming natapos sa pag kain, masaya kaming nag ku kwentohang magina na tila hindi kami mag kasama ng buong araw. Ikwenento ko sa kanya ang aklat na natapos ko sa pag babasa kagabi, nakikinig naman siya sa mga sinabi ko. Mahilig ako mag basa ng mga aklat, mapa tungkol payan sa mga mahika, inkantasyon at kung ano ano pa. Ang mundong kinagisnan ko ay walang kasing mysteryo, maraming mga nilalang nahindi mo inaasahan.
Abala na si ina sa pag tuturo ng mga bata habang ako naman ay pinag mamasdan lamang sila, para sa akin sapat na ang aking mga natutunan ngunit sabi ni ina hindi pa, marami pa akong dapat na matutunan tungkol sa mundong ito. At marami daw akong dapat na iwasan hanggat maari.
Ilang sandali pa ay may lumapit sa akin na isang lalaking mag aaral at binigyan ako nito ng isang puting bulaklak. Nginitian ko naman siya.
"Nababagay po sa iyong gandang tinataglay binibini. Kasing puti ng rosas nito ang liwanag ng buwan." Saad nito sa akin, tinanggap ko naman ang kanyang handog at ginulo ang kanyang buhok.
"Napaka ganda naman ng iyong handog, maraming salamat." Saad ko sa kanya.
"Walang anuman, sa isang mangkukulan na kasing ganda niyo." napaka bata pa nito, ngunit mabulaklakin na ang mga salita nito. Nasa mga pitong taong gulang na ito, at masasabi kong lalaki itong batang ito na mag maraming pinapaiyak.
Maya maya pa ay tinawag ito ni ina at pinaupo sa kinauupuan niya. Hindi na ito bago sa akin, palagi naman akong nakaka tanggap na papuri dahil daw sa taglay kong wangis na angat sa lahat.
Walang kasing itim ang aking buhok, kasing kulay ng buwan ang aking mga mata at mapula ang aking labi gaya ng dugo. Ngunit sakabila ng ganito kong wangis ay sinasabi ni ina na hindi ko dapat ito ikatuwa. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sinasabi niya lang na sundin niya lamang ang mga sinasabi niya.
Kulang nalang sabihin niya sa akin na sumpa ito sa akin
Sa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo ng potions at spells ay bigla na lamang may humahangos na isang matanda na lumapit sa aking ina. Kilala ko ito, dahil hindi naman kalakihan ang mga nilalang dito kaya naman ay kilala ko ito. Siya si mang tino, bakit tila humahangos ito at nag mamadali?
Mayamaya pa ay bigla na lamang may dalawang lalaki ang sumunod sa kanya at may dala dalang bata, na ikinalaki ng mata ko. Kilala ko ang batang ito, siya si esha, malapit ito sa akin dahil madalas kaming mag kasama parang mamasyal sa kagubatan.
Umiiyak si mang tino ngunit pinilit ang sarili na mag salita.
"Sana ay matulongan niyo kami lady nadia, may sakit ang aking anak at hinihiling ko na sana ay gamotin niyo siya." paki usap nito sa aking ina, kaya naman ay napag pasyahan ko namang lumapit na sa kanila.
Tila malubha ang karamdaman ng kanilang anak.
"Gagawin kopo ang makakaya ko, vanadey nais kong asikasuhin mo ang mga bata. Pauwiin mo muna sila sa kanilang tahanan. Sumama po kayo sa akin mang tino." saad ni ina at agad naman itong kumilos gayon din ako.
Agad ko namang sinunod ang sinaad ni ina, pinauwi ko ang mga bata muna sa kanilang mga tahanan. May kailangang lunasan ang aking ina at baka nakaka hawa ang sakit ng batang si esha kaya naman ay nararapat lamang na pinauwi ko sila. Niintindihan naman ng mga magulang nila ang paliwanag ko.
Agad din naman akong umuwi pag katapos ko silang ihatid. Kailangan ni ina ng tulong kaya naman ay tutulongan ko siya. Sumunod ako sa silid gamotan niya at doon ay naabotan ko siyang sinururi ang bata.
"Ano pong balita iba?" tanong ko sa kanya, napa iling naman siya at napa buntong hininga.
"Malala, ang dumapong karamdaman ng bata ay hindi basta bastang sakit na nalulunasan ng isang ordenaryong halaman lamang na makikita sa harden." Saad ni ina, tila namo-mroblema ito.
"Alam niyo ho ba kung saan makaka kuha ng halamang gamot sa sakit niya?" tanong ko, marahan naman siyang tumango.
"Sa kagubatan ng delone van, sa kagubatang iyon mo lamang makikita ang ganong halaman." Saad nito, napa singhap naman mga magulang ni esha ng narinig iyon. Ang kagubatan ng delone ang isa sa pinaka mapanganib na kagubatan dito kaya naman ay walang nag tatangkang pumasok doon dahil walang nakakaligtas. Narinig ko ang pag iyak ng ina ni esha dahil sa nawalan na ito ng pag asa.
"Sino ang kukuha sa halamang gamot? Wala na tayong pag asa tino." umiiyak na saad ng asawa ni mang tino. Napa pikit muna ako ng mariin bago ako nag salita.
"Ako na lamang, ako ang kukuha ng halamang gamot." Saad ko, nanlaki naman ang mata ni ina at agad ba makikita sa mukha niya ang pagtutol.
"Hindi maari vanedey! Ako na lamang ang kukuha." Saad ni ina na ikina iling ko din.
"Hindi din maari ina, walang mag babantay kay esha. Kaya naman ako na lamang. Huwag kang mabahala. Kaya ko ang aking sarili, ipangangako ko na uuwi ako ng ligtas."
"Ngunit---"
"Wala nang oras ina. Kailangan natin siyang lunasan bago pa mahuli ang lahat."
Not edited
Mystertiosgirl