webnovel

When it winds

He left his word into the winds

FlexibleCrazy · Teenager
Zu wenig Bewertungen
6 Chs

Him

" Nagpaparamdam na yung magaling mong ama, gusto mo ba sumama sa kanya?".  tanging pag-ismid lamang ang natanggap na tugon ng kaniyang tiyahing nangangalaga sa kanya. Hindi na siya nagulat sa balitang nagparamdam na ulit ang kanyang ama mula sa pananahimik sa loob ng mahabang taon. Para sa kanya, walang rin namang silbi ang pagpaparamdam nito sa kaniya lalo na sa kaniyang Ina.

" Hindi po tita, ayokong makita ang pagmumukha ng taong yon ". walang emosyong saad niya sa kaniyang tiyahin, tumango lamang ang kanyang tiya at nagpatuloy sa pagtitipa sa laptop nito. Matagal na niyang inasam na ang makita ang ama ngunit sa paglipas mahabang taon at panahon, nawalan siya ng pag-asa na makita ito dahilan upang magbago ang isip nitong huwag nang pangarapin na makita pa ang ama.

Sanay na rin kasi siyang mabuhay mag-isa. Nagtatrabaho bilang nurse sa manila ang kaniyang ina at kahit papaano sinusuportahan siya nito sa pag aaral sa kolehiyo bilang Engineer. Gayunpaman, hindi pa rin sapat para sa kanya ang padala ng kaniyang ina kaya't humahanap ito ng extra pangtustos sa mga bayarin nito sa gastusin sa kanyang pag-aaral. Kasalukuyan siyang working student at nagtatrabaho sa kaniyang tiyahin na kapatid ng kaniyang ina, kahit pa ito ang nangangalaga sa kanya. 

" Alam mo Hijo, hindi na ako magtataka kung isang araw magiging maganda ang buhay mo ". panimula ng kaniyang tiya habang nakatuon ang atensyon nito sa kaniyang laptop at nagtitipa, Mapakla siyang napangiti at sa isip nitong naway magdilang anghel ang kaniyang tiya.

" Nako, swerte ng magiging Gf ng aking pamangkin. Saan ka makakakita ng masipag na lalaki, matalino tsaka gwapo. All in one, the standards and everything ". natawa na lang siya sa biro ng kaniyang tiya at kapwa dalawa sila ang natawa. Kahit papaano natutunan pa rin niyang mahalin ang buhay na meron siya ngayon at kailanman hindi niya sinisi ang kaniyang sarili niya kung bakit nabuhay pa s'ya sa mundong ito.

Hindi man buo ang kaniyang pamilya pero hindi yun rason para sa kanya upang mahalin ang mga taong na sa paligid niya. Marami siyang kaibigan at mga kakilalang malapit sa kanya na itinuturi niyang pamilya. Kaya't hindi niya nararamdamang nag iisa lang s'ya sa lahat ng oras.

" Eyy wazzup tita Janice, Long time no see. " natigilan ang kaniyang tiya sa pagtitipa ng biglang lumitaw sa harapan nito ang mukha ni Angelo na nakangiti ng malaki na ultimo akala mo'y nanalo sa lottory.

" Parang kailan lang hindi ka pa tuli, tignan mo nga naman ang bilis ng panahon oh ang laki na ni Angelo ". nakangiting saad ni Janice na tiya ni Jhounzel. Si Angelo at Daniel ang kababata ni Jhounzel at saksi si Janice sa paglaki ng mga ito kaya't kapag nakikita niyang magkakasama ang mga ito ay walang labis na kasiyahan ang nararamdaman niya. Dalaga pa s'ya ng magkaibigan ang mga ito, hanggang sa siya'y magka asawa ay buo at buhay na buhay pa rin ang pagkakaibigan ng mga ito bagay na ipinagmamalaki niya ng sobra.

" Oo nga po tita jans, tapos ngayon pinag-aagawan na ako ng mga babae hehe". isang katahimikan ang naganap at tinig ng uwak na humuhuni sa kahanginan ni Angelo. Pero hindi mapagkakailang may hitsura talaga si Angelo bagamat maganda ang combination ng genes ng mga magulang nito. Kumpara kay Jhounzel sa kanilang tatlo si Angelo ang perpektong kahulugan ng  Chinito, Mala hunter ang hubog ng mga mata nito idagdag mo pa ang mala tsokolateng kulay nito, matangos din ang ilong nito na nakuha niya sa kaniyang amang canadian half arabic at may labing mapupula na parang labi ng isang babae. 

Awkward na sumang-ayon si Janice at tumingin kay Jhounzel, dahil hindi magpapatalo sa pagiging mahangin itong pamangkin niyang mas mahangin pa sa hanging amihan at hanging habagat.

" Gwapo, saan banda? ". pang-aasar niya kay Angelo, Tumayo si Jhounzel at humarap sa kanilang lahat sabay kindat kay Angelo, dahilan para mapangiwi silang lahat. Mas lalo silang naasiwa nang kinagat pa nito ang pang ibabang labi at nag flying kiss kay Daniel at Angelo.

" Waccckk...". banayad na hinahagod ni Daniel ang likod ni Angelo ng bigla itong nasuka. " Ayos lang yan pre ".  si Daniel habang hinahagod ang likod ni Angelo at muling tumingin kay Jhounzel. Muli itong nagpalipad ng flying kiss kay Daniel at---

" WACKKKKK..... TA-TANGINA... WAACK ".  napakapit din ito sa pader habang sumusuka kasabay ni Angelo. Natatawang pinapanood ni Jhounzel ang dalawang kaibigan na nasuka sa kaasiwaan n'ya at napahawak pa ito sa tiyan sa sobrang paghalakhak.

Kung si Angelo ang depenisyon ng chinito , Si Jhounzel naman ang depenasyon ng Moreno. Matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan kahit hindi ito nagpupupunta ng Gym, Nakuha niya ang 6'1 na height mula sa kaniyang ama. Bilugan ang mga mata nito at animoy isa itong mata ng bata dahil sa maamo ito dagdag mo pa ang makapal nitong mapilantik nitong pilik mata. Matangos din ang ilong niya bagay na nakaka-attract sa kaniya at labi nitong katamtaman. Tuwing ngumingiti ito ngumingiti din ang mga mata nito. Sa kanilang tatlo siya ang may pinaka hilig sa mga hayop. Marami itong alagang aso at pusa, nakakatawang pakinggan pero may alaga din itong butiki na pinangalan niyang Lizari at isang ipis na pinangalanan niyang Rose.

Sa kanilang tatlo si Daniel naman ang may katamtamang kutis, hindi maputi at hindi rin maitim. Hindi gwapo at hindi rin pangit. Sa madaling salita isa siyang Medium Guy. Gayunpaman sa kanilang tatlo, hindi mapagkakailang mas hinahabol ng mga babae si Daniel kumpara sa dalawa. Talentado itong tao at mayaman. Mataas din ang kompyansa nito sa sarili kaya't hindi nakakapagtakang maraming nagkakagusto dito dahil sa mayaman ito.

Napuno ng tawanan ang bahay ni Janice dahil sa tatlong luko-luko, Masaya niyang pinagmamasdan ang tatlong batang lalaki. Batang lalaki dahil para sa kanya sila pa rin ang mga batang pasaway na binabantayan niya dati.

Kalaunan gumuhit ang lungkot sa mga mata ni Janice nang mapagtantong baka ito na ang huling araw na makikita niya ang pamangkin sa kaniyang pamamahay. Sa mahabang panahong pananahimik ay muling nagparamdam ang ama nitong gustong kunin sa kanilang pangangalaga si Jhounzel bagay na ikinakabahala niya at kinatatakot. Alam din ito ng ina ni Jhounzel, Isa itong pangamba at banta sa magkapatid. 

Makapangyarihang tao ang ama nito, Isang taong kayang kaya makuha ang lahat gamit ang pera ng walang takot o pangamba. 

" Sorry Jhounzel....". mapait siyang napangiti at napayuko sa mga ipinagtapat ng kaniyang ex-girflfriend na si Alyn. Sinubukan niyang makipag ayos dito pero huli na ang lahat.

" Aminado akong niloko kita at ginamit, Hindi sapat yung mga sorry ko sayo para bawiin yung mga nangyari na. Kaya please lang maawa ka sa sarili mo Jhounzel, Tama na please. Wag ka na bumalik sa'kin please.....A-ayoko na, totoong minahal kita kaso ako yung mali eh niloko kita". pinawi ni Alyn ang kamay ni Jhounzel na nakahawak dito, nananatili itong nakayuko at pinipigilang bumagsak ang mga nagbabadya nitong luha.

" Sabihin mo na yung mga gusto mong sabihin, cheater ako, Oo totoo yun. Mangagamit ako? Oo totoo yun. Ginamit kita para tapusin yung thesis namin, sinamantala ko yung katalinuhan mo kasi alam kong magagamit kita Jhounzel. " parang sirang plakang nagmamakaawa si Alyn na iwanan na ito ni Jhounzel. Aminado itong nagkamali at hindi lamang basta-bastang pagkakamali ang nagawa nito dahil isang malaking pagkakamali ang nagawa nito sa kanya. Alam niyang perpekto si Jhounzel sa relasyong pinangarap niya pero pakiramdam ni Alyn parang may kulang at may pagkukulang pa rin sa relasyon nilang dalawa kaya't nagawa niyang samantalahin si Jhounzel sa mahabang panahon bago hilinging iwan siya nito.

" Alyn....." nanginginig ang boses nito habang nakayuko " Alam ko naman lahat eh, dahil mahal na mahal kita tinuloy ko pa rin. A-alyn, ayos lang sa'kin kahit paulit-ulit mo akong lokohin. Ayos lang sa'kin bas---". hindi na niya natapos ang sasabihin nang sampalin ito ni Alyn ng malakas sa mukha. 

" Putangina naman Jhounzel tama na please..." tumalikod si Alyn at humakbang palayo sa kinaroroonan niya. Wala siyang magawa sa desisyon at kagustuhan ni Alyn dahil may paninindigan ito sa salitang binibitiwan nito. Alam niyang kahit anong pakiusap o pagmamakaawang gawin niya ay hinding hindi na ito babalik sa kanya. Hindi niya magawang magbitaw ng masakit na salita, Para sa kaniya minsan na rin niyang minahal ang taong ito kaya para saan pa ang masasakit na salita? Nanginginig at nanghihina siya habang pinapanood ang paglayo ni Alyn sa huling pagkakataon. Gustuhin man niyang umiyak ay hindi niya magawang umiyak, Kahit pa naninikip ang kanyang dibdib sa sakit dahil sa sabay sabay na problemang dumating sa kanya. Ang tahanang inaasahan niyang pahinga ngayon at wala na.

" Itapat n'yo sa'kin si Alyn na yan kakalbuhin ko yan!". galit na galit na singhal ni Shay kay Jhounzel habang hawak hawak ito nina Angelo at Daniel. " Si Alyn ang kalbuhin mo hindi si Jhounzel ". nagpupumiglas naman si Shay sa mga nakahawak sa kanya at nagwawala ito, Tila ba mas galit na galit pa s'ya kaysa kay Jhounzel dahil sa mga nalaman nito. Walang emosyong nararamdaman si Jhounzel sa mga oras na ito at malayo lang ang tingin nito habang malalim ang iniisip.

" Pre, bakit ka ba umiiyak sa taong nanloko sayo? hindi mo yun mahal pre, attach ka lang sa kanya ". si Daniel, lumapit ito sa kanya at inabutan ito ng isang tasa na lamang kape. " Tsaka noong kayo pa, anong nagawa niya para sayo? wala di'ba?". sumang ayon naman si Angelo at Shay sa isang tabi ngunit walang tugong natanggap si Daniel mula sa kanya. " Naiintindihan kita pre, Wag mo lang maisipang magbigti ah ". tinapik niya ang balikat ng kaibigan at dinamayan niya itong tumulala mula sa labas. Sa kasamaang palad parang ewang nagbubulong bulong sa hangin itong Daniel na wari mo'y ewan.

" Magkita tayo sa bench mamayang 2 ng hapon, wag ka mawawala pre magbabayad ka pa ng utang sa'kin ". tanging tango lang ang tugon niya sa kaibigang si Angelo bilang sang-ayon sa usapan. Alam niyang mahuhuli ito sa pinag-usapan at mauuna pang tumilaok ang manok kaysa dumating ito sa tamang oras.

Pagdating sa oras na pinag-usapan ay maaga siyang nakarating at gaya ng inaasahan ay nauna na naman s'ya sa kaibigan nitong nag set ng oras.

Isang babae ang nakaupo sa bench ang pumukaw sa atensyon niya habang palinga linga ito ng parang ewan, Maya-maya pa biglang lumitaw ang mukha ng kaibigan nito sa likuran ng babae na wari mo ay isang kabayong nakawala sa kwadra sa bilis nitong tumakbo. Kumaway ang loko pero mas nakakagulat ang pangyayaring kumaway din sa kanya ang babeng hindi naman niya kilala dahilan para mapangiti s'ya.

" I miss you pre!". Singhal ni Angelo dahilan para mamula ang babae na parang nahihiya. Palihim siyang natawa at napangiti. Sa mga oras na yon nagulat ang dalawa nang makita ang mukha ni Shay na mukhang galit na galit mukhang lalapa ng tao at alam nila pareho ang pakay nito. Kapwa napangiti ang dalawa sa isa't-isa bago tumakbo papalayo at tumakas kay Shay na inutangan nila.