webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
77 Chs

Devil 71: Longing

Allyna's POV

"Ano ba!? Natsu ang tawag mo sakin at ikaw ang Salamander ko! Ikaw ang nagbigay ng pangalang iyon sakin at kahit kelan hindi mo ako tinawag na Zero! Nakalimutan mo na ba? At ikaw ang unang lumapit at nagsabing mahal mo ako? Kaya bakit mo ginagawa sakin 'to??"

Natsu..!!

Salamander, you promised not to leave me, right?

Ang daya mo love...

Sana...sana sinabi mo.

Natsu!!!!

Napamulagat ako matapos makita ang pagpikit ng mga mata ni Natsu.

He had a dream..and it was about me and Jack.

He shouldn't fall for that dream. No! For him it's a nightmare!

I should go to him!

He needs me right now!

I tried to move but I can't. I tried to speak but there's something in my mouth.

That's when I realized that I was in the glass.

I look outside the glass and saw James and Simon talking about something.

I can feel numbness in my hand and in my body which has never happened before.

And more importantly. I feel cold.

It's so cold.

Maybe because I'm inside the glass with full of ice. But I never felt this way before.

What's happening? Why I feel cold? I never felt cold before.

Natigilan ako nang matunaw ang mga yelo sa paligid ko at ilang sandali pa ay bumukas ang glass.

"Jack, are you okay?" May pag-aalalang tanong sakin ni James.

Agad siyang kumuha ng roba at isinuot sakin.

"How long..?" Hirap na tanong ko.

"What?" Takang tanong naman niya habang inaalalayan akong maglakad.

"How long have I been sleeping?"

"Oh, you've slept in three days. But don't worry nothing's-!"

"What?!" Asik ko.

If that's the case. Then, what about Natsu?

Bahagya akong kinabahan sa maaring nangyari sa kanya sa loob ng tatlong araw na hindi kami nagkita.

I shouldn't have left him!

"That Montero boy was fine. He woke up right after you left the hospital three days ago and fell asleep again for three days. But he woke up just this morning." Ani Simon habang hawak ang data sheet.

Bahagya akong nakaramdam ng ginhawa sa nalaman.

Napatingin ako sa kanya.

"Did you find something wrong in me?" Tanong ko sa kanya.

"Yes. And it's not just a small matter." Seryosong saad niya.

Napakunot noo ako.

"What is it?" Tanong ko saka tiningnan ang monitor kung saan naroon ang virtual image ng katawan ko.

"You're body...is no longer safe because of your transformation. If the Wargon woke up again and transform you into something, it might wreck your human body." Anito.

Napabuntong hininga ako. I felt that too. When I transformed into wargon just three days ago. I felt pain all over my body.

And now I felt cold. I don't want to admit but..it seems like I'm becoming weak this last few days.

"Any solution you come up with Dr. Snyder?" Tanong ko kay Simon.

Napabuntong hininga naman siya saka inalis ang kanyang salamin at tumingin ng deretso sakin.

"There's something I need to tell you. But I'm afraid that I need to lock you up first." Aniya.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya.

Just what the hell is he up to?

Napatingin ako kay James ngunit mukhang alam na niya ang kung anumang sasabihin sakin ni Simon.

Napabuntong hininga ako at marahang hinawi ang buhok ko sa gilid at iniumang ang leeg ko kay James.

"Just make it fast, coz I need to go somewhere." Saad ko habang hinihintay na turukan ako ng wargon blood with anesthetic medicine for me not to feel anything.

Agad namang kinuha ni James ang tranquilizer at itinurok sa leeg ko. He even put me down on my restraining chair and chained my feet, legs, arms, neck and body.

Napataas ang kilay ko saka tumingin sa kanila.

Just what the hell they are going to tell me for me to be enrage about?

Ginagawa lamang nila iyon kapag hindi ko matanggap ang anumang mangyayari na syang kalalabasan ng pagiging bayolente ko.

And the last time I became violent was the reason why Jichell is a cyborg now.

"Listen to me carefully Jack. But first, I want you to know that I keep this information to you because I made a promise to someone to...not to tell you about this." Ani Simon na mukhang kinakabahan.

Tiningnan ko siya ng seryoso habang gumigilid pakanan at kaliwa ang aking ulo.

"Just cut the crap Simon, get straigth to the point. But..." I said hangingly.

Napalunok siya.

"...make sure that you have a good reason for keeping something important to me. Because I'm not really in the mood to play hide in seek with you." Saad ko nang may matatalim na tingin.

Napatingin siya kay James at tumango naman sa kanya si James nang macheck na nasa stable state na ang mood ko.

I feel calm. Na kahit yata anong sabihin nyang nakakabigla ay hindi ko magagawang magalit pa.

Ngunit ganun nalang ang panlalaki at panginginig ng katawan ko nang marinig ang mga sinabi niya.

That can't be true!!!

Just why...!!???

***

Eros's POV

"Okay na ang condition nya ngayon. Kailangan nya nalang ng mahabang pahinga." Saad ko habang inaayos ang IV bag ni Zero na noon ay mukhang tulala.

Nagising na siya kanina ngunit nakakapagtaka lang na sobrang tahimik niya hindi gaya nung nakaraang araw na sobra syang naghysterical.

Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa trauma pero wala naman akong makitang kakaiba sa mga medical test nya.

At isa pang pinagtataka ko ay kung bakit ganun nalang kabilis siyang nakarecover gayung halos puno ng sugat ang katawan niya nang maaksidente siya. Ni wala na halos ang mga scar nya sa katawan. Maging ang internal hemorrage niya ay parang miracle na gumaling agad. Kalakip pa nito ay nagtataka rin ako kung bakit hindi ko na siya makitaan ng heart failure sa mga med test nya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mabilis niyang recovery o dapat ba akong makaramdam ng pag-aalala.

"Salamat anak. Magpahinga kana rin. Alam kong pagod kana rin nitong mga nakaraang araw sa pag-aalaga sa kapatid mo." Ani Mom na hinaplos ang pisngi ko.

Bahagya lang akong napangiti sa kanya at tumingin kay Zero.

"Zero.." Tawag ko sa kanya ngunit gaya kanina ay tulala lang siyang nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman niya dahil ayun sa mga test ay okay na ang lagay nya. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay palagi siyang lumuluha na para bang sobra siyang nasasaktan kahit unconcious pa siya.

At ang nakakagulat pa ay ang pagtatanong niya ng kakaiba sa kapatid ni Dr. Gravalez about Jack Ryder nang magising siya mula sa critical stage.

Napabuntong hininga ako saka tumingin kina mom and dad na noon ay bakas parin ang pag-aalala.

"I think he needs a psychiatrist for his trauma." I said.

Bahagyang napahikbi si mom. Alam kong sa lahat ng taong nag-aalala para kay Zero ay sya ang mas naapektuhan. She can't even eat dahil sa pag-aalala sa bunso namin.

"Mom, you need to rest too. Zero was awake now. Hayaan nyo na muna na kami ang magbantay sa kanya. Ilang araw na rin kayong puyat." Turan ko sa kanya.

"Okay lang ako anak. I'll stay beside him." Aniya na umupo sa tabi ni Zero at hinawakan ang kamay nito.

Tinapik naman ako ni dad sa balikat at sinabing bigyan namin ng space ang dalawa.

Iniwan namin sina mom at Zero at lumapit sa iba pang bisita na nasa sofa.

Naroon ang dalawang kaibigan ni Zero na halos naging tambayan at tulugan na yata ang ospital dahil palaging narito pagkatapos ng klase ng mga ito at uuwi nalang kinabukasan para maligo at pumasok, they even brought some blanket here. Ngunit hindi na nila nakasama pa ang dalawang babae na kasama nila nung nakaraan.

Naroon rin si Third na nagpumilit na sumama sa ama nito pauwi rito sa Pilipinas.

Naglalaro ng e-game ang tatlong bata habang nag-uusap naman sina Kuya Eric at Erhis. Medyo nakabawi na kasi sila sa gulat ng magising si Zero kanina. Hindi naman nakarating si Edward dahil marami itong inaasikaso sa school. As for grandma. She recovered two days ago and she's resting at home. She knew about what happened to Zero and she was sorry about him. I think she's repenting now for what happened.

"Is he okay?" Tanong ni Erhis sakin.

"Yeah, but he's still not talking." Saad ko saka tumingin kina Zero at Mom.

"At least, he's fine now. Magpahinga ka naman doc. Masyado kang naging abala nitong mga nakaraan." Ani Kuya Eric na inakbayan ako.

Bahagya akong napangiti sa kanila.

"Yeah, I guess so." Saad ko at naupo sa tabi ni Erhis.

Ngunit natigilan kaming lahat nang marinig ang boses ni Zero.

"Sino po ba ako?"

***

Zero's POV

Tulala akong nakatingin lang sa bintana ng hospital. Hindi ko alam kung bakit subalit mukhang naumid na ang dila ko simula nang magising ako.

I know everybody is here. Happy and worried about me.

I can hear what they're saying. But I don't seem to understand what they're talking about.

Pakiramdam ko ay wala na akong ganang mabuhay pa. Paulit ulit na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Ally sa panaginip ko.

Ni hindi ko alam kung panaginip nga ba iyon o totoong nangyari. Dahil kahit sa paggising ko ay malinaw pa rin sa isip ko ang mga nangyari. Ang hitsura ni Ally habang masayang kasama ang lalaking iyon.

At ang isa pang mas nagpapahina sakin ay ang hindi niya pagdalaw sakin. At sa mga naririnig ko sa pamilya at mga kaibigan ko ay tanging sina Jichell at Shane lamang ang dumalaw sakin.

Salamander...

Wala ka na bang...pakialam sakin?

Sa isiping iyon ay waring gusto ko na namang umiyak.

Muling nanumbalik sakin ang mga katagang sinabi niya.

"I'm sorry Zero. I thought I love you because I can't remember him. I told you didn't I? I lost memories. But now it's back, that's why I came back where I belong."

Sa isiping iyon ay hindi ko na naman namalayan ang pagtulo ng luha ko.

A/N: Listen to this song for more emotional moment of Natsu😭 feeling ko ganito kasakit ang nararamdaman nya at this moment..😭😭 Jeongmal mianhe Natsu!!

Sana

By: I belong to the Zoo

Umuwi lang tila bang lahat nagbago na

Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata

Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi

Kahit na magdamag na tayong magkatabi

Bakit ka nag-iba?

Meron na bang iba?

Sana sinabi mo

Para di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Hahayaan naman kitang sumaya't umalis

Sana sinabi mo

Para di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Hahayaan naman kitang umalis

Umalis

Binibilang ang hakbang, hanggang wala ka na

Nagbabakasakaling lilingon ka pa

Hindi na ba mababalik ang mga sandali

Mga panahong may lalim pa ang 'yong ngiti

Bakit ka nag-iba?

Meron na bang iba?

Sana sinabi mo

Para di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Hahayaan naman kitang sumaya't umalis

Sana sinabi mo

Para di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Hahayaan naman kita

Sana sinabi mo

Para ang mga ayaw mo'y aking iibahin

Diba sinabi mo

Basta't tayong dal'wa'y sasaya ang mundong mapait

Diba sinabi ko

Gagawin kong lahat upang tayo parin sa huli

Biglang nalaman ko

May hinihintay ka lang palang bumalik

Sana sinabi mo

Dahil di ko maisip ano bang nagawa kong mali

Sana sinabi mo

Para di na umibig ang puso kong muli

Sana sinabi mo

Para di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Hahayaan naman kita

Sana sinabi mo

Para di na umasang may tayo pa sa huli

Sana sinabi mo

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni mom sa pisngi ko at pagpahid ng luha ko.

"Anak, okay ka lang ba? Sabihin mo kay Mommy kung nahihirapan ka." Aniya na kanina pa sa tabi ko. Batid kong kanina nya pa ako kinakausap ngunit wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

Napatingin ako sa kanya.

Bakas ang puyat at pagod sa hitsura nya. Nahahabag ako sa kalagayan nya ngunit hindi ko rin maiwasang hindi maisip na hindi siya ang tunay kong ina.

Hilam siya sa luha habang pilit ang ngiting tiningnan ako.

"Anak ko. Okay ka lang ba?" Aniya.

Marahil ay ito na ang panahon upang malaman kung sino nga ba ako at kung san ako nagmula.

"Sino po ba ako?" Iyon ang mga tanong na namutawi sa bibig ko na bahagya niyang kinagulat.

Agad ding napatayo at napasugod samin ang iba pang naroon.

"Zero.." Kuya Eros/Eric.

"Son." Dad.

"Bunso.." Erhis.

"Dude/Zee!" Cody/Drew.

"Zer-! Uncle Zeroin!" Third.

Hindi makapaniwalang bulalas nila nang marinig akong magsalita.

Dahan dahan akong napatingin sa kanilang lahat.

Silang lahat ang kinilala kong pamilya. Ang mapagmahal kong ina na kahit kelan ay di pinaramdam sakin na hindi ako nanggaling sa kanya. Si dad na kahit pasaway at sakit ako ng ulo ay nagagawa paring makipaglaro sakin na para bang magkaedad lang kami.

Si Kuya Eros na kahit di kami close ay palagi paring nandyan upang personal na gamutin at alagaan ako.

Sina Kuya Eric at Third na kahit matagal kong di nakakasama ay palagi paring pinaparamdam sakin na kabilang ako sa pamilya namin. Si Erhis, na sobra akong mahal at madalas akong e-spoil.

Pati si Edward na palagi akong pinagsasabihan.

At ang dalawang kumag na laging nandyan para sakin.

Lahat sila.

Mahalaga sa buhay ko.

Ngunit hindi ako magiging buo kung hindi ko mahahanap ang tunay na ako.

Ano ba ako kung hindi ako naging si Ezequil Zeroin Montero? Sino ba ako dati? Ano ba ako dati?

San ba ako nagmula?

Muling bumalik kay mom ang tingin ko.

"Sabihin nyo sakin. Sino ba ako kung hindi ako napunta sa mga buhay nyo?" Tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"A-anak.." Ani mommy kasabay ng pagluha niya. Niyakap siya ni dad.

"I'll tell you about it when you fully recover your strength." Wika ni dad.

"Zero, h'wag mo na munang isipin ang mga bagay na iyon. Hindi makakabuti sayo-!"

"Kailan?" Putol ko sa sasabihin ni Kuya Eros. Natigilan siya at nagtaka.

"Kailan ko malalaman ang tungkol sa pagkatao ko? Kailan nyo sasabihin sakin kung hindi sinabi sakin ni Madam?" Malumanay na tanong ko habang nakatingin sa kanila.

Natahimik sila maging ang mga kaibigan ko. Malamang na nashock rin sila nang malamang hindi pala ako totoong Montero.

Magbabago ba ang tingin nila sakin?

I doubt it! Sa ugali nila hindi sila mabubuhay nang wala ako sa buhay nila. Hindi sila kompletong dalawa kapag wala ako. At sigurado ako na umiyak sila ng napakapangit nang maaksidente ako. Haha!

Patuloy sa pagpatak ang mga luha ko sa naisip.

"Bunso..." Ani Erhis at lumapit sakin. She held my hand.

"Sasabihin namin sayo kapag okay kana. Hindi namin nasabi sayo dahil halos nakalimutan na namin ang tungkol dun dahil para saming lahat. Isa kang Montero. Anak ka nina mom and dad at kapatid ka namin. Bunso ka naming kapatid. Yun na kasi ang tumatak sa isip namin kaya nakalimutan na namin ang tungkol sa nakaraan." Aniya habang umiiyak.

Gusto kong matuwa sa sinabi niya dahil totoo ang sinabi nya. Kahit kelan ay hindi ko naramdaman na iba ako sa kanila lalo na kay mom and Erhis. I felt loved because of them.

Ngunit may bahagi sa isip ko na dapat kong malaman kung sino ba talaga ako. Na para bang may nagsasabi sakin na kailangan kong malaman kung saan ba talaga ako nagmula.

Napayuko ako at tinakpan ang aking mga mata na puno ng luha.

Napasigok ako lalo na ng maramdaman ko ang pagyakap sakin nina mom and Erhis na nasa magkabilang gilid ko.

"Mahal na mahal ka namin Bunso." Ani Erhis.

"I'm sorry anak. I'm sorry for everything." Turan naman ni mom.

Hindi ako nakasagot. Alam kong mahal nila ako ngunit bakit pakiramdam ko ay may kulang parin.

Anong kulang sakin?

"Natsu.."

Salamander..?

Right, sya ang kulang sakin.

--