webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
77 Chs

Devil 18: The Devil's Game

Zero's Pov

Tulala akong napatitig sa pagkain ko habang nakahawak sa tinidor.

Hindi parin ako makapaniwala na nagawa akong halikan ng mayabang na Salamander na iyon.

At nakakainis lang isipin na sya pa ang una kong halik.

And what did she say? She wants to court me? Tsh! Crazy girl! Bakit naman ako magpapaligaw sa gaya nya?

Shit! Shit! Shit!! Hindi na virgin ang lips ko. Para yun sa Heart ko eh. Nilalaan ko yun para sa Heart ko dahil hindi pa namin yun nagagawa.

Bwisit na salamander yun!!

Napatiim bagang ako at inis na tinusok ng tinidor ang kinakain ko. Feeling ko kasi mukha iyon ni Jack kaya ang sarap tusukin.

"Hey, are you okay?" Agad akong napatingin sa harap ko at ang nag aalalang mukha ni Heart ang nabungaran ko.

"Huh?" Gulat na sagot ko.

"You're spacing out. Is there a problem?"

"Ahmm..no. I was just..ah..." Hindi ko alam kung anong idadahilan ko.

"...I was just thinking about the sportfest." Sabi ko nalang.

Tiningnan nya naman ako na para bang hindi sya naniniwala sakin.

"I was just thinking kung ano na namang technique ang gagawin ko para maging maganda at maayos ang game." Dagdag ko.

Napabuntong hininga naman sya at waring naconvince sa sinabi ko.

Nagkwento nalang sya ng mga gagawin sa darating na sportfest ngunit wala roon ang konsentrasyon ko.

Hindi parin mawaglit sa isip ko ang nangyari kanina sa rooftop.

Nangalumbaba ako at pasimpleng hinaplos ang aking labi upang di mapansin ni Heart.

I still can't believe that I had my first kiss with someone I pissed about.

Pero bakit parang may pakiramdam talaga ako na hindi lang yun ang unang beses na nahalikan ko si Jack? Bakit may pakiramdam ako na nangyari na yun sa aming dalawa? Pero kelan? Saan? Why I can't remember?

Matapos ang lunch namin ni Heart ay agad ko syang hinatid sa kanilang sport committee office dahil wala naman ng klase pa.

Sila ang nag o-organize ng mga palaro at sched ng laro.

Habang pabalik sa room namin ay di ko parin mapigilang matulala. Ni hindi ko rin mapansin halos ang mga babaeng madalas magtilihan kapag nakikita ako.

Dahil tanging si Jack at ang nangyari kanina lang ang laman ng utak ko.

What the hell did she do to me? Did she put a spell with her kiss?

At isipin pa lang na liligawan nya nga ako ay para akong matutuwa na ewan. May bahagi ng utak ko na nagsasabing hwag syang intindihan ngunit mas malakas ang sinasabi ng puso ko na hayaan syang pasukin ang buhay ko.

Natigil lang ako sa malalim na pag iisip nang mabunggo ako sa kung sino at dahil wala nga ako sa huwesyo ay napalakas ang pagkakabangga ko sa kanya at muntik pa akong mabuwal sa sahig.

"Pasensya na pare." Hinging paumanhin ng taong nakabangga ko.

I looked at him at nakilala ko kaagad.

He's the captain ball of our basketball team. I'm not close to him at hindi ko rin alam ang pangalan nya though kasama nya sa team sina Renz.

"Pasensya na rin." Sabi ko nalang saka sya nilampasan.

Nang makarating sa room ay tamang paalis narin sina Drew at Cody.

"Uy dude, ba't ang tagal mo? Iniskoran mo pa yata si Angel eh." Nakangising bati ni Cody.

Oo, nakaiskor nga ako pero hindi sa Heart ko.

Binatukan ko nalang sya para di na mang asar pa.

"Tara na sa gym." Yaya naman ni Drew.

Ngayon ang choosing game.

"Okay." Tipid lang na sagot ko saka sumabay sa kanila. Inakbayan naman kami ni Cody na nasa gitna namin.

"Ano nga dude? Nakaiskor ka na ba kay Angel huh?" Pangungulit pa ni Dy.

"Tumahimik ka nga!" Asik ko nalang sa kanya.

Pagdating sa gym ay halos mapuno na ito ng mga estudyante. Magkakaroon daw muna ng konting program bago magpapalista sa kung anong laro ang gusto mong salihan.

Dahil sikat at tinitingala kaming tatlo ng mga estudyante ay binigyan pa nila kami ng upuan sa unahan kung saan magiging komportable kami. Though dun naman talaga kami palaging nakaupo.

Ilang minuto lang nakalipas ay umakyat na sa stage ang emcee saka ang ibang pinuno ng school at sport fest. Napangiti pa ako ng malapad nang makita ang Heart ko next to dean.

They were talking about something kaya hindi nya pa ako tinitingnan.

Sandali kong nakalimutan ang nangyari kanina sa rooftop at nagfocus ako kay Heart.

Kung sya kaya ang nakahalikan ko. Ganoon rin kaya ang mararamdaman ko? Or siguro mas magiging romantic yun kung sya. Hindi tulad ng nangyari kanina. Nagulat lang talaga ako sa nangyari kaya hindi kaagad ako nakagalaw upang pigilan ang mapangahas na salamander na yun. And speaking of that devil, nasaan na kaya yun? Hindi ba yun sasali sa laro? Well, sabagay mukha namang walang alam na laro ang babaeng yun eh.

Matapos ang introduction ng emcee ay nagsalita rin si dean. At as usual puro pangaral at kung ano anong sermon ang ginawa nya. Matapos ang maigsing program ay nagsimula na ang pilian ng mga laro.

Of course una na naman kami sa listahan ng baseball and I am the captain.

Matapos naming magsign ay pumuwesto naman kami sa softball team para manghikayat ng manlalaro.

At gaya ng inaasahan ay dumagsa ang mga babaeng gusto lang sumali dahil samin na hindi naman talaga marurunong.

"Do you know how to pitch the ball?" I ask the girl in front of me while Drew and Cody are in my both side doing the same interview.

Nagpacute muna ang babae bago hinawi ang buhok at isinabit sa teynga saka sumagot.

"I don't. But you know I'm a fast learner." She said very sweet.

Hilaw lang akong napatawa sa kanya bago tumawag ng kasunod.

"Next!" Halos sabay sabay pang sabi namin nina Drew at Cody.

Kahit yata maghapon kaming mag interview dito ay hindi kami makakakuha ng matinong manlalaro.

Halos mauubos na ang pila namin at tanging ang team nalang na ito ang naiwan sa gym dahil kanina pa tapos ang ibang team sa pagpili ng mga manlalaro nang matigilan ako sa huling babaeng nakapila sa line ko.

"Hi Natsu." Bati niya saka ako nginitian.

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

Shit! What is she doing here?

"Aren't you going to interview me?" Tanong pa niya nang mapansing wala akong balak na e-entertain sya.

"What the hell are you doing here?" Matigas na tanong ko sa kanya.

Pansin kong napatingin sa gawi namin sina Drew at Cody maging ang grupo nina Heart na tumulong narin samin kanina.

Napangiti lang sakin si salamander bago naglean sa mesa ko upang magpantay ang aming mga mukha.

Napalunok ako nang dumako ang tingin ko sa kanyang mga labi na bahagya pang nakaawang.

"I thought you're looking for a deserving player for this game. I'm here to apply." Aniyang nakatingin ng deretso sakin.

"Tsh! Really? Do you know how pitch the ball? Do you know how to handle and use the bat? Do you even know how to catch the flying tiny ball in the air? And do you even know how to-!" Napatigil bigla ako sa pagsasalita nang bigla niyang ilagay sa labi ko ang kanyang hintuturo.

"You really talked too much Natsu. Why don't you just tell me when we can try out this thing? Coz I will assure you I am capable of everything." Nakangising sabi nya saka mas lumapit pa sakin bago bumulong. "Even shutting you up using my lips."

Napatda ako sa sinabi nya.

Did she just mean for shutting up was kiss me again?

Pakiramdam ko ay namula ako sa sinabi nya. Bahagya kong nilingon si Heart. Seryoso lang syang nakatingin samin. Pakiramdam ko tuloy nagtataksil ako sa kanya.

"Hey Zero, do you know that Jack can play baseball with hundred of people but no one takes her side just her alone?" Napatingin ako bigla kay Shane na noon ay nasa likod pala ni Jack.

What? With her alone? Anong klaseng laro yun?

"Really miss Gravalez? Hindi ba masama kung masyado mo namang bini-build up samin si miss Rider dahil baka mapressure naman sya bigla." Tugon ni Drew kay Shane.

Shane walk towards Drew's table and leaned on like what Jack did to me.

I saw Drew's jaw clenched while staring the blond haired woman in front of him.

"Wanna bet Mr. Perfect?" Nanghahamong wika pa ni Shane.

Mr. Perfect? Sabagay, perfectionist naman talaga yang si Drew.

"Whoaa..interesting to. Sige na bro pumayag ka na! Kapag hindi totoo ang sinasabi ni Shane, gagawin natin silang water girl ni Jack sa sportfest pero kapag nagawa nga ni Jack makipaglaro ng softball nang sya lang well, bahala na si Shane kung anong gusto nyang parusa sayo." Singit naman ni Cody.

Sinamaan naman sya ng tingin ni Drew.

Napangiti naman si Shane sa idea ni Cody na para bang sinasabi nya na kaya nga iyong gawin ni Jack.

"I like that idea. What do you think Mr. Perfect?" Nakangising tanong ni Shane kay Drew.

"Okay, what's your catch then?"

Lalong napangiti si Shane sa tanong ni Drew.

"If Jack's win. You're going to be my slave for a month." Nakangising sagot naman ni Shane.

Napasinghap ang lahat ng nakarinig sa sinabi nya.

"And Natsu will promise me that he will never gets involve with any other girl except me." Dagdag naman ni Jack na noon ay titig na titig sakin.

Napakunot noo naman ako sa sinabi.

Ba't pati ako nadamay?

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

"What are you talking about? Bakit pati ako kasali sa walang kwentang pustahan na yan?" Asik ko sa kanya.

"Dude, okay lang yan." Ani Dy.

"What?! Are you insane Dy? Bakit ko papatulan ang laro ng babaeng 'to eh alam ko namang patay na patay to sakin?" Sarkastikong sagot ko naman.

Naparoll eyes lang si Shane habang napangisi naman si Jack.

"Okay lang na yun ang bet nila. Pero tayo ang makakalaban ni Jack. Is that okay with you Jack?" Natigilan kami sa sinabi ni Cody.

Wala naman kaming nakuhang tugon mula kay Jack. Natahimik lang din si Shane at napatingin kay Jack.

Bahagya akong napangiti sa idea ni Cody. Ang talino talaga ng unggoy na to. I'm sure hindi mananalo nang nag iisa lang samin si salamander. Ang yabang nya pang sabihin ang bet nya ha. Tsh! Tingnan natin.

Pero natigilan ako sa naging sagot nya.

"Sure. Just make sure that you'll wear your helmet at the game Natsu coz I don't want you to get injured."

My jaw drop.

Is she really capable of doing that? Alone??!!

Bago pa man may magsalita samin ay muli syang nagsalita.

"And after the game. Promise me that no one, especially girls will come near you without my consent." Aniyang nakangisi.

"Even his friend? What if we have something to talked about that needs to be close each other?" Singit ni Heart na nasa tabi ko na pala.

Medyo nabuhayan ako ng loob at bumalik sa huwesyo sa sinabi nya.

Pinagtanggol ako ng Heart ko.

"Yes." Tugon ni Jack while staring my Heart.

"Wow, why? Are you planning to own him? He doesn't own by anyone. He is Ezequil Zeroin Montero at hindi mo mapipigilan kapag may umaligid na babae sa kanya. Ano yun? Pati ang mother and sister nya bawal lumapit sa kanya?" Medyo sarkastik na wika ni Heart.

It's strange. I know she's just trying to take my side and fight for my right. Pero medyo naiibahan lang ako dahil ito ang unang beses na nakita ko syang sarcastic makipag usap.

Jack stand straight and look at Heart with her tilting head style.

"Are you his girlfriend?" Nagulat ako sa tanong na iyon ni Jack kay Heart. At maging si Heart ay nagulat din saka bahagyang napalingon sa paligid.

Alam kong malabo ang relasyon na meron kami pero umaasa ako na sanay kahit ngayon lang. Sabihin nyang boyfriend nya na ako. Dahil kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na girlfriend ko sya at mahal na mahal ko sya.

Sandaling naghari ang katahimikan.

"Why can't you answer? Are you this guy's girlfriend?" Ulit ni Jack na bahagya ng tumataas ang boses. At pansin ko rin na unti unti na namang nagiging kulay black ang purple eyes nya. Is that really a lense that change its colors everytime she's mad?

"N-No." Para akong sinaksak sa sagot ni Heart.

"B-but I'm his best friend. At madalas-!"

"Enough! If you're not his girlfriend then don't act like one. If I win the game. I want you to stay away from Natsu. Ever." Seryosong wika ni Jack na kinatahimik ng lahat.

May dalang kilabot ang boses niya na para bang kapag sinuway mo sya ay may mangyayari sayong hindi maganda.

"Jack, let's go." May pag aalalang wika ni Shane habang di alam kung hahawakan ba si Jack o hindi.

Napabuntong hininga naman si Jack saka tumalikod na samin ngunit hindi pa sila nakakalayo nang muling magtanong si Heart.

"What if I don't do that? Zeck is my friend. At may mga bagay kaming pinag uusapan na kami lang ang nakakaalam and our closeness will never change even you won the game." I can actually clap for the braveness of my Heart but I'm scared for her for whatever reason it may caused.

Jack slowly turned to us and lock the gaze with Heart.

"If you break my rules. You're gonna face my consequences. And I am telling you. You're not gonna like it. Don't ever dare to push me on my limit lady. You don't know who you are dealing with." Matigas niyang wika bago muling tumalikod.

"Why? Sino ka ba talaga? Are you becoming monster when you're angry? Are you going to eat me? Or you're just really a devil inside and outside." Heart exclaimed.

"Heart tama na. Let them leave." Awat ko sa kanya saka sya hinawakan sa braso ngunit ipiniksi nya lang ang kamay ko.

Huminto sa paglalakad si Jack pero hindi na sya lumingon samin.

"Yes. I am becoming monster when I'm angry. Atleast I am showing my true colors to everyone. Not like somebody here who's hiding their evilness behind their angelic face." Makahulugang wika ni Jack saka lumingon samin.

"But I know what's their secrets. Do you wanna know what that is miss Angel Heart Sison?"

Takang nagpalipat lipat kina Heart at Jack ang tingin ko.

Jack still serious and mysterious while Heart was stiffened and froze.

What is going on. Are they having their personal issues here?

"Jack please let's go." Basag ni Shane sa katahimikan.

Bahagya lang syang nilingon ni Jack bago tumingin sakin.

Her purple eyes were back again.

"Prepare the game tomorrow. Make sure you have enough member to play with. And don't forget your helmet." Aniya saka tuluyan nang umalis na daig pa si madam kung magmando sakin.

Wala pa mang nangyayari pero pakiramdam ko pag aari na nya ako.

Ganito ba nya ako gustong itrato kapag naging kami na? Wait- what?

What am I talking about?? There's no way na magiging kami nga.

Dahil magkaiba kami. Magkaibang magkaiba.

Tao ako. Devil sya.

*****

Pagdating namin sa field ay marami na sa mga kasama namin ang nagpapractice ng baseball. Malawak ang field ng Academy. Merong para sa soccer field, softball and baseball field.

Magkatabi ang field ng softball and baseball kaya naman kita namin kung sino sino ang mga nagpapractice sa kabila.

"Dude, sa tingin mo ba matatalo tayo ni Jack ngayon?" Tanong ni Dy na nasa tabi ko habang naglalakad kami papunta sa corner ng baseball.

"Sa tingin mo makakaya ng salamander na yun na matalo tayo? Sa sobrang yabang nun? I doubt it." May himig na inis na sagot ko.

"Eh kasi naman, ang seryoso nya kahapon nung sabihin nyang 'Prepare the game tomorrow. Make sure you have enough member to play with. And don't forget your helmet' Grabe dude, kinikilabutan talaga ako kapag naaalala ko yun." Ani Dy na ginaya pa ang boses ni Jack.

Natawa kami ng mahina ni Drew sa sinabi nya.

"We'll see about that." Tugon naman ni Drew.

"Believe me dre, puro yabang lang ang babaeng yun. Baka nga hindi pa yun marunong humawak ng soft ball eh." Natatawang sabi ko.

"Pero, alam nyo dude. Parang kinakabahan ako sa gagawin natin mamaya. Para kasing kaya talaga tayong talunin ni Jack. Saka nakita nyo ba ang mga mata nya? Parang nag iiba." Ani Cody.

Ngayon lang nya napansin yun? Palagi namang nag iiba ang kulay ng mga mata nun kapag nagagalit eh.

"Tsh! Eh kasi nga devil sya." Natatawang sagot ko naman.

"Zee naman eh. Seryoso ako dude." Kamot sa ulong reklmo ni Dy.

"I'm serious too dre. She's a devil. Nagiging itim ang purple nyang mga mata kapag nagagalit sya at hindi normal yun. Wala namang normal na tao na nagpapalit ng kulay ang mata kapag nagagalit diba?" Giit ko naman.

"What?!" Halos sabay na bulalas ng dalawa.

Tiningnan ko sila ng nagtataka.

"Why? Hindi nyo ba yun napapansin?" Tanong ko.

"Anong purple ang mga mata na nagiging black kapag nagagalit? Purple ba mata ni Jack?" Naguguluhang tanong ni Cody.

Ako naman ang nagulat sa tanong nya.

"You mean, hindi nyo yun napapansin?"

"Normal lang sya para sakin. At hindi ko pa nakitang naging purple ang mga mata nya." Ani Drew.

"Oo nga dude, baka guni guni mo lang yun."

Awang ang mga labing napatitig nalang ako sa kanila.

What are they talking about? Jack has purple eyes which turned black when she's angry.

If they didn't noticed that... Does it mean na ako lang ang nakakapansin nun?

"Tayo na dude kanina pa tayo hinihintay ng iba." Ani Dy at nagpatiuna na silang lumakad.

Napaisip nalang ako saka sila sinundan.

Nang makarating kami sa corner ay waring nagkagulo pa ang mga babae sa kabilang field.

"Maglalaro na sila!!"

"Gosh! They're so hot!"

"Zero my love!"

"Kyaaahh! Papa Drew! Mary me!"

"Ang cute talaga ni Cody!"

Kumuha na kami ng kanya kanya naming gloves saka nagmeeting muna para ma-orient ang lahat.

I told everybody that we're going to play with Jack muna bago ang totoong practice.

Tumawa pa nga ang lahat sa sinabi ko at sinabing ang lakas daw ng loob ni Jack na hamunin ang team namin.

"Sino bang Jack yan?"

"A transferee? Magaling ba sya?"

"Kapag nakita ko sya ilalampaso ko mukha nya sa field! Haha!"

Kanya kanyang komento nila. Napailing nalang ako sa kanila.

Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa rin sina Jack at Shane.

"Baka naman natakot at nag back-out na." Tumatawang wika ng isa kong team.

"Nabahag bigla ang buntot!" Dagdag nya pa.

Natawa nalang din kami sa kanya. Maya maya pa ay dumating na si coach na sya ring ampire namin at sinabing magpractice na kami.

Pero sinabi kong may hinihintay pa kaming makakalaban ng tatlong inning para sa pinakapractice narin namin. Pinayagan nya naman kaming hintayin pa sina Jack.

Ngunit lumipas ang fifteen minutes hanggang sa naging twenty minutes ay wala parin ang mayabang na salamander.

"Montero, gather your team. Magpractice na kayo dahil mukhang hindi na darating ang hinihintay nyo." Ani coah.

Napatingin ako kina Drew at Cody na kanina parin naiinip.

Tumingin ako sa labas ng field dahil baka naglalakad na ang dalawa ngunit kahit anino nila ay wala.

Sabagay, mas mabuti naring hindi sya dumating. Panira lang talaga sya ng laro.

"Okay, let's start the game!" Sigaw ko sa mga kasama ko.

Kanya kanya namang pwesto ang mga team mates ko sa kanilang dating pwesto.

I am the pitcher. Catcher si Drew at first base naman si Cody.

Hinati ko sa dalawa ang grupo upang makapagpractice kami ng maayos.

Sa first inning ay kami ang bantay at ang ikalawang grupo ang papalo ng bola.

Nang magsimula ang laro ay napuno na ng mga manonood ang mga bleacher upang panoorin ang practice namin.

At syempre pa ang karamihan sa kanila ay mga girls na kanina pa nagsisigawan.

"Go Montero High!"

"Go Zero! I love you!"

"Galingan mo papa Drew!"

"I love you Cody!"

"Go guys! Ang hot nyo!"

They even have a banner with 'Go Montezero!' on it.

Napailing nalang ako sa suporta ng mga ka-schoolmate namin.

Nang pumito si coach ay ginawa ko na ang formation na parati kong ginagawa.

Bahagya akong yuyuko habang nakaunat ang dalawa kong kamay na may hawak na bola at isasakto ang tingin sa kalaban saka ako tatagilid at ibabato ang bola.

Nang umeri ang bola ay na-strike ko kaagad ang papalo nito. Mabilis akong bumato ng bola at kukunti lang talaga sa mga kasama ko maging sa ibang school ang nakakapalo dito.

"Strike one!" Sigaw ni coach nang masambot ni Drew ang bola.

Nagthumbs up sya sakin saka binato pabalik ang bola.

Muli akong nagformation at binato ang bola.

Pinalo iyon ng team mates ko ngunit dumaplis lang ito at nasalong muli ni Drew ang bola.

"Strike two!"

Sa pangatlong tira ay muling nag strike ang bato ko kaya kumaripas nalang ng takbo ang pumalo ngunit agad namang nasalo ni Cody ang bolang ibinato ni Drew kaya na-out ang kalaban.

"Alright! Way to go guys!" Sigaw ni Cody na tuwang tuwa.

Sumalang ang susunod na papalo ng bola.

Ngunit gaya ng nauna ay na-out lang din sya.

Wala pang nakakapalo ng bolang hinahagis ko.

Sa pangatlong papalo ay nakangisi na akong hinagis ang bola dahil isang out nalang ay talo na sila.

Nang ibato ko ang bola ay swerteng napalo iyon ng kasama ko. Tumalsik ang bola ngunit dahil kaliwete ang tumira ay pumunta iyon sa malapit na bleacher sa gilid. Kinabahan akong sinundan ng tingin ang bola dahil wala pang nakakabit na screen sa paligid ng field at baka makatama ito.

"Watch out!" Rinig kong sigaw ni coach sa dalawang babaeng nakaupo sa bleacher kung saan papunta ang bola. Kung hindi sila iiwas ay tiyak na tatamaan sila.

Napasigaw ang lahat at nanlaki lang ang mga mata ng dalawang babae at di na nagawa pang umiwas ngunit bago pa man tumama sa ulo nila ang mabilis na bola ay may sumalo na ritong isang kamay na parang sumalo lang ng hinagis na itlog.

Pakiramdam ko ay huminto ang paligid ko nang makita si Jack na hawak ang bolang tinira ng kasama ko.

Ni hindi man lang siya kababakasan na nasaktan dahil sinalo nya ng walang gloves ang bola.

Kung ako yun ay siguradong nabali na ang mga buto ko sa kamay.

Walang nakaimik at nakagalaw. Halos himatayin naman sa kaba ang dalawang babaeng muntik nang tamaan ng bola ngunit nilapitan sila ni Shane at kinausap.

Napalunok ako nang maglakad si Jack papunta sa kinaroroonan ko habang dala ang bolang hinagis ko.

"I told you to wear your helmet." Aniya nang makalapit sakin.

Napatingin ako sa kamay niya na may hawak na bola. Mukha namang napansin nya ang ginawa ko kaya itinaas niya ang kanyang kamay.

"You're too weak to pitch the ball Natsu. I wonder if you can able to catch this ball kapag ako na ang tumira."

Nakangising sabi nya saka ako nilampasan at pumunta sa corner.

Dun naman ako parang nahimasmasan at tiningnan sya ng masama ngunit nakatalikod na siya sakin.

Tsh! Ang yabang talaga ng babaeng 'to! Akala mo kung sinong malakas. I'm sure namimilipit na yan sa sakit ngayon.

"Ah, Zero." Napalingon ako sa tumawag.

"Sya ba si Jack?" May pag alinlangang tanong nya.

Sya kasi ang nagsabi kanina na ilalampaso nya si Jack sa field.

"Well, yeah. Sya nga." Walang ganang sagot ko.

Napanganga naman sya at waring gulat na gulat sa nalaman.

"Shit! Bakit hindi mo naman sinabing chicks pala ang hinihintay natin? At saka, sigurado kang lalabanan natin sya? Baka masaktan lang sya at masugatan. Pero grabe, ang astig nung ginawa nyang pagsalo sa bola. Pero okay lang kaya sya kasi diba, ang sakit nun lalo pa at wala syang suot na gloves at-!"

"Bumalik ka na lang sa pwesto mo. Ang dami mong satsat." Inis na putol ko sa kanya.

Hilaw naman syang napatawa saka napakamot sa ulo.

Ewan ko ba pero lalo yata akong nabwisit sa mga pinagsasasabi nya.

"At saka, sinabi mong ilalampaso mo sya kanina diba? Pwes gawin mo!" Bulyaw ko sa kanya dahil hindi ko na napigilan ang inis ko.

"Eto naman, nagbibiro lang naman ako kanina eh. Sa ganda ni Jack, magagawa ko ba naman yun eh alam mo namang ang mga katulad nya ang kahinaan ko-!"

"T*angina mo lumayas ka nga sa harap ko at baka ikaw pa ang ilampaso ko dito!" Singhal ko sa kanya. Napakamot naman ulit sya sa ulo saka bumalik na sa pwesto nya pero naririnig ko parin ang paghanga nya kay Jack na kinukwento nya sa mga kasamahan namin kaya lalo akong nainis.

Nang bumaling ako kay Jack ay muntik pa akong mapalundag sa gulat nang halos maduling ako sa sobrang lapit nya.

"Shit!" Bulalas ko pa sa gulat.

Bigla naman syang natawa sa naging reaction ko at imbis na singhalan sya ay napatitig nalang ako sa tumatawa nyang mukha.

Dugdug..dugdug..dugdug..

Shit! Bakit ang lakas na naman ng tibok ng puso ko? Bakit ba sa tuwing lalapit ang babaeng 'to nagwawala ang heart beat ko? At bakit ba ang sarap pakinggan ng tawa nya! Kainis!

"You never failed to amused me Natsu. That's why I like you." Aniya habang nakangiti.

Napalunok ako sa sinabi nya.

Bakit parang gusto kong mangiti sa sinabi nya? Bakit parang nasiyahan ako sa narinig ko?

Hindi ko dapat nararamdaman 'to? I supposed to be despise her not to admire her.

Mabilis akong nag iwas ng tingin upang itago ang kakaibang nararamdaman ko. Baka pagtawanan pa ako ng devil na 'to kapag nalaman nyang natutuwa ako kapag napapangiti ko sya. Tsh!

"Ang dami mo pang sinasabi. Magsimula na tayo! Late ka na ngang dumating nagpapabida ka pa!" Asik ko sa kanya saka sya iniwan.

I only heard her chuckle sa sinabi ko.

Napailing nalang ako.

"Dude, what will we gonna do now?" Tanong agad ni Cody nang makalapit ako sa corner.

"Montero, sinabi na sakin ng girlfriend mo na maglalaro daw kayo na kasali sya. Medyo kakaiba ang larong ito dahil sya lang pala ang makakalaban nyo pero mukha namang kaya nya kahit babae sya eh. Kaya sige, palapitin mo na ang iba mo pang kasama. Kayo ang titira." Ani coach.

What? Anong girlfriend? Ang kapal naman ng mukha nyang ipangalandakan na girlfriend ko sya.

Nagkatinginan kami nina Drew at Cody.

Nang tingnan ko si Jack ay nakatayo na siya sa pitcher base at nilalaro ang bola sa isa niyang kamay.

Kaya nya ba talaga? O baka naman nagpapabida lang na naman sya.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang nakaramdam ako ng konting konsensya sa gagawin namin.

"Ah nga pala, dahil hindi naman pwedeng wala syang catcher eh nagprinsenta narin ang kasama nya na magcatcher para sa kanya." Ani coach at nang tingnan ko ang catcher ay nakangiti pang kumaway samin si Shane.

Muli kaming nagkatinginang tatlo. Napatiim bagang si Drew habang nakatingin kay Shane.

Habang parang kinakabahan naman si Cody.

"Okay, guys. Listen up!" Tawag ni coach nang maipon na ang lahat.

"Tatlong inning ang gagawin nyo. Kayo ang unang papalo ng bola at hanggang dulo ang titira. Meaning, kahit ma-out ang mga mauuna hindi kayo titigil hangga't hindi nauubos ang papalo. Okay? Pero once na na-out kayong lahat sa unang inning palang. Game over."

What? Anong klaseng game yun?

"Eh coach, kaya ba talaga ng dalawang chicks na 'to na ma-out kami?" Natatawang tanong ng kasama ko.

"Oo nga coach. Baka naman masaktan lang sila sa laro. Sayang naman." Segunda ng isa at sumulyap pa sa likuran ni Shane na noon ay nag aayos ng kanyang shield.

"You don't know them. Hindi nila kami hahamunin sa larong ito kung wala silang alam." Medyo inis na sabat ni Drew.

"Oh? Ibig sabihin kaya sila lalaban satin dahil nagpustahan kayo?" Tanong ng isa.

"Ano namang kapalit kapag nanalo sila?"

"It's none of your business! Kung naduduwag kayong maglaro para labanan ang dalawang hambog na yan. Pwede naman kayong magback-out at wag narin kayong maglaro hanggang interhigh." Inis na singit ko naman sa kanila. Natahimik naman sila.

"Sorry captain."

"Magsimula na tayo. Dating gawi. Susunod ang mga substitute na papalo pagkatapos ng first five. At susundan ng iba. Maliwanag?" Seryosong command ko at nagsitanguan naman sila.

"Maliwanag Cap!"

"Okay. Magsimula na."

Sumalang na ang unang papalo. Sa usual game ay pangatlo ako sa papalo, sunod si Drew at Cody pero sa pagkakataong ito nagpahuli kaming tatlo. Gusto ko munang makita kung paano maglaro ang dalawa.

Dito masusubukan kung kaya nga nila.

Lalo pang dumami ang tao sa bleachers at halos mapuno na. Magtatakip silim narin kaya binuksan na ang mga ilaw sa field.

"Sino ba ang mga yan?"

"Ang lakas ng loob nilang kalabanin ng sila lang ang player natin!"

"Oo nga masyado silang papansin."

"Sinabi mo pa. I'm sure gusto lang nilang makalamang satin at sabihing nakalaro nila sina Papa Zero."

"Nakakainis sila! Gusto ko silang kalbuhin!"

Napailing nalang ako sa mga narinig.

Sana ganun lang yun.

Nang pumito si coach ay naging seryoso na ang mukha ni Jack.

Parang naging slow motion ang paligid ng gumawa siya ng formation.

Nakataas ng kunti ang dalawa nyang kamay na may hawak na bola na halos pantay lang sa kanyang mukha ngunit nakatagilid ang katawan nya at sa harap sya nakatingin. Akala ko yun na yun ngunit bigla niyang tinaas sa gilid ang kaliwa niyang paa at nang ibaba niya iyon ay kasabay ng kanyang pagbato. Pang baseball din ang pagbato nya ng bola at halos mapasinghap kami dahil sa bilis niyon.

Halos hindi nga nakahuma ang kasama kong papalo ng bola.

"Strike one!" Sigaw ni Shane nang masalo ang bola. Maging si coach ay natulala nalang din sa nangyari at di na nagawang sumigaw ng strike.

Ibinalik ni Shane ang bola kay Jack. Napangisi naman si Jack habang nilalaro ng bola sa kamay niya saka bahagyang tumingin sakin.

Muli siyang nagformation at binato ang bola. Pumalo ang kasama ko ngunit huli ang palo nya. Maririnig pa ang malakas na pagsalo ni Shane ng bola.

"Strike two!" Sigaw ni coach na nakabawi na sa gulat.

"Tangina, ang lakas ng pitch nya."

"Oo nga, at ang galing din ng catcher nya."

"Babae ba talaga sila?"

"Tao pa ba sila?"

Rinig kong bulungan ng mga kasama ko. Maging ang mga nanonood ay hindi makapaniwala sa galing at bilis ng dalawa.

Nang mastrike ulit ang isa ay di na sya nakatakbo pa dahil tinap agad sya ni Shane sa katawan.

"Out!" Sigaw ni coach.

"Next!"

Nang sumalang ang susunod ay parang walang anumang na-out lang din sya ng dalawa.

Halos lahat ng kasama ko ay naout na at nang apat nalang kami ay mas lalong naging intense ng laban.

Una si Cody. Sunod si Drew bago ako at isa pa naming kasama sa huli.

Sumalang na si Cody. Batid kong kinakabahan sya dahil nanginginig ang tuhod nya maging ang hawak nyang bat at pinagpapawisan narin sya.

Nagtaka pa ako nang lumapit si Jack kay Cody na namatanda na yata at hindi nakagalaw.

"Relax Sean, it's just a game." Wika niya saka pumunta sa likod ni Cody.

"Move your legs a little wide. Grip the bat at the edge not in the middle." Dagdag pa niya na ibinuka ng kunti ang mga paa ni Cody at tinuruan pa ito kung paano ang maayos na paghawak ng bat.

Nakaramdan ako ng inis sa ginawa nya.

Anong akala nya sa team ko. Hindi marunong humawak ng bat? Hindi kami magiging depending champion dahil lang sa wala!

Matapos niyang turuan si Cody ay sumulyap muna siya sakin bago bumalik sa pitcher base.

Nang ibato nya ang bola ay hindi nakapalo si Cody.

Sa sumunod na tira ay pumalo si Cody ngunit hindi nya ito tinamaan.

"Stare the ball Sean." Sigaw pa ni Jack.

Hindi ba't kalaban namin sya? Bakit parang mas tinutulungan nya pa kami ngayon? Ayaw nya na bang manalo?

Bakit ba may pakiramdam ako na naiinis ako dahil parang gusto nya kaming manalo.

Shit! Hindi ko naman gustong manalo sya diba? Dahil kapag nanalo sya. Aangkinin na nya ako. Wala ng makakalapit na ibang babae sakin kundi sya lang.

Bahagya akong napangiti sa ideyang iyon pero sumeryoso din ako agad dahil baka mahalata nya na natutuwa ako sa ideyang yun na dapat ay hindi.

Haay, ano kayang spell ang ginawa sakin ng babaeng 'to.

Nagulat na lang ako ng biglang magsigawan ang mga tao. Para akong nagising sa mahabang pagkakahimbing at nakita ko nalang na tumatakbo na si Cody sa first base.

"Go Cody!" Sigawan ng mga kasama ko.

Nang tingnan ko si Jack ay naglalakad lang siya papunta sa bola na tinamaan ni Cody.

Parang balewala lang sa kanya kung makapunta man si Cody sa first base.

Naghihiyawan parin ang mga kasama ko na para bang championship ang labanan.

Sumunod na sumalang si Drew.

Malakas tumira ng bola si Drew kaya I'm sure na kapag tinamaan nya ang pitch ni Jack ay lalampas na naman yun sa field. At makakahome run pa sya.

Palagi kasing nakakahomerun si Drew dahil malakas syang pumalo.

Nang pumito si coach ay nagformation na naman si Jack saka binato ang bola.

Hindi nasapol ni Drew.

"Easy Mr. Perfect." Narinig kong sabi sa kanya ni Shane. Sinamaan lang sya ng tingin ni Drew saka muling hinintay ang ibabato ni Jack.

"Magnetize the ball. Isipin mo nalang na ako ang bola para sapul agad." Dagdag pa ni Shane na parang tinuturan din si Drew.

"Shut up!" Asik lang sa kanya ni Drew at nagfocus na kay Jack.

At nang ibato ni Jack ang bola ay nasapol ito ni Drew kaya nakatakbo si Cody sa second base at si Drew naman sa first base. Ngunit hundi ganun kalakas ang pagkakapalo nya sa bola kaya sa malapit lang ito kinuha ni Jack.

Ako na ang papalo.

Rinig kong muling naghiyawan ang mga manonood nung ako na ang sumalang.

"Go papa Zero!"

"Nailed it!"

"Tamaan mo ang mukha ng babaeng yan!"

"Crash her!"

Napatingin ako kay Jack dahil alam kong naririnig nya din yun lahat ngunit napangisi lang siya sakin saka nagkibit balikat.

Nang pumito si coach ay hinanda ko na ang pamalo ko.

Nagformation si Jack at saka nirelease ang bola. Sobrang bilis nga nito at halos hindi ko makita.

"Strike one!"

Shit!!

Hindi ako nakakastrike one sa kahit na sinong kalaban. Maliban dito.

Muli akong nagfocus sa laro ngunit natigilan ako nang makitang palapit sakin si Jack.

Seryoso lang syang nakatingin sakin kaya napatuwid ako ng tayo.

Ano na namang gagawin nya? Subukan nya kong turuan dahil ipapalo ko talaga sa kanya ang bat ko.

Ngunit wala naman syang sinabi at may inabot lang sa likuran ko at nang tingnan ko yun ay isang helmet na inabot sa kanya ni Shane.

At nang bumaling ako kay Jack ay sakto namang nilagay nya sa ulo ko ang helmet.

"What the hell are you doing?" Matigas na tanong ko sa kanya at akmang aalisin ang helmet ngunit pinigilan nya ako.

"This is for safety Natsu. H'wag ng matigas ang ulo mo. Hindi ko kakayanin kapag nasaktan ka na naman nang dahil sakin."

Dugdug...dugdug...dugdug..

Pakiramdam ko ay huminto ang paligid ko sa sinabi nya.

Bakit kailangang sabihin nya pa yun? Bakit kailangang iparamdam nya sakin na masyado akong importante sa kanya.

Nang bumalik sya sa pwesto nya ay nakarinig naman ako ng kantyaw mula sa mga kasama ko. Kesyo special treatment daw ang trato sakin ni Jack at masyado daw akong inaalagaan.

Napailing nalang ako sa kanila saka nagfocus sa game.

Nang ibato ni Jack ang bola ay buong lakas ko itong pinalo kasabay ng pagtakbo ng mga kasama ko na nasa base na.

Nasapol ko ang bola at pumailanlang sa kabuuan ng field ang sigawan ng mga manonood.

Mabilis kong binitiwan ang bat saka tumakbo sa first base na inalisan ni Drew.

Malayo ang pinuntahan ng bola at umabot ito sa field ng softball.

"Hoohhh!" Sigaw ko habang nakataas ang dalawang kamay dahil malapit nang makahome base si Cody.

Matapos kong makaapak sa first base ay tumakbo na ulet ako sa second base. Habang nasa third base na si Drew at si Cody naman ay malapit na sa home base.

Ngunit nang tingnan ko si Jack na pumulot ng bola mula sa kabilang field ay nanlaki nalang ang mga mata ko nang ibato nya iyon ng ubod lakas.

Nasundan ko pa ng tingin ang bolang ibinato niya at halos hindi ako makapaniwala nang masalo iyon ni Shane at mabilis na ni-tag si Cody.

Napahinto tuloy sa third base si Drew at ako naman sa second base.

Rinig ko ang panghihinayang ng lahat sa nangyari.

Shit! Panu nyang naibato ng ganun kalayo ang bola?!

Nang tingnan kong muli si Jack ay prente na naman syang naglalakad pabalik sa pitcher base na parang wala lang nangyari.

Mabilis talaga syang kumilos to think na halos madilim na ang paligid.

Nang makarating sya sa base nya ay bahagya pa siyang sumulyap sakin bago hinarap ang kasama ko na huling papalo ng bola.

Sana lang talaga magawa nyang paluin sa malayo ang bola.

Nang pumito si coach ay wala ng inaksayang oras si Jack. Mabilis nyang ibinato ang bola at nastrike nya ito dahil hindi man lang nakagalaw ang kasama ko.

Hindi tuloy makahanap ng tyempo si Drew.

Nang muling pakawalan ni Jack ang bola ay tinira iyon ng kasama ko at tumilapon ito sa ere. Mabilis na tumakbo si Drew at ganun din ang ginawa ko. Ngunit nagulat pa ako nang biglang magback tumbling si Jack sa kinaroroonan ko at mabilis na nilundag ang bola na kunti nalang ay tatama na sakin.

Mas binilisan ko ang takbo dahil batid kong nasalo na ni Jack ang bola ngunit muntik pa akong mapatid nang bigla niya akong hablutin sa braso. At dahil sa bilis ang takbo ko ay na-out balance ako at muntik nang mapasubsob ngunit naramdaman ko nalang na hinigit niya ako at para kaming lumipad habang paikot ikot sa ere ngunit naramdaman ko ring tinap nya ako ng bola at mabilis itong hinagis kay Shane bago pa kami bumagsak sa lupa at nabuwal pareho ngunit himalang wala man lang akong naramdamang sakin at nang imulat ko ang aking mga mata ay nakapatong na ako sa kanya.

Bumagsak ako sa ibabaw nya at kita kong masama ang naging pagbagsak nya. Idagdag pang mabigat ako.

"Shit! Jack! Are you okay?" Tarantang bulalas ko at mabilis na bumangon saka siya inalalayang tumayo.

Nakita kong may dugo ang damong binagsakan nya at nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang may nakausling bato sa may bandang ulunan nya.

Agad kong hinagod ang ulo niya at hindi nga ako nagkamali dahil dumudugo na ito ngayon.

"Shit! Dadalhin kita sa clinic!" Bulalas ko saka akmang bubuhatin ko na sya nang pigilan nya ako.

Napatingin ako sa kanya at bakas ang amusement sa mukha nya.

Bahagya siyang napangiti saka marahang hinaplos ang pisngi ko.

Nakayuko parin ako at naka aktong bubuhatin siya.

"I'm glad to know, that you care for me Natsu. But you don't have to worry about me. I can handle this." Aniyang nakangiti saka ako naman ang chineck.

"May tama ka ba? Nasugatan ka ba? May masakit ba sayo?" Puno ng pag aalalang tanong niya.

Saglit akong natigilan sa inasal nya. Saka napabuntong hininga.

"Haayst, bakit ba ang hilig mong mag pacool? Nasugatan ka na't lahat mas pinipili mo paring mag alala para sakin eh ikaw nga itong nasaktan." Asik ko sa kanya. Hindi naman sya nakakibo.

"May helmet ako kaya okay ako! Ikaw 'tong dumudugo ang ulo oh!" Singhal ko pa at pinakita sa kanya ang kamay kong may dugo.

Napalunok siya nang makita ang kamay kong may dugo at waring dagling nagbago ng timpla ng mukha nya.

"Umalis kana Natsu. Lumayo ka sakin!" Biglang sigaw nya na kinagulat ko.

Napa ubo siya at parang hirap na hirap na tinulak ako ng bahagya.

"Salamander-!"

"Stay away from me! Please!" Waring nanghihinang sabi nya.

Hindi ko alam ang nangyayari ngunit may pakiramdam ako na hindi sya okay.

Parang natatakot sya na ewan nung makita nya ang sarili nyang dugo.

"Jack!!" Sigaw ni Shane na mabilis na nakalapit samin.

"A-andy! T-the w-wargon." Hirap na sabi nya.

"Oh God! You're bleeding!" Tarantang bulalas naman ni Shane at mabilis na kinuha ang bacpack na dala saka binulatlat iyon.

"F-faster A-andy!" Impit na sabi ni Jack na noon ay waring namimilipit na sa sakit.

Shit! What's happening to her? What did I do?

Halos hindi ako makahinga habang nakatingin kay Jack na namimilipit habang nakahandusay sa damuhan.

"Shit! Where the hell is it?!" Tarantang sigaw naman ni Shane na parang di makita ang hinahanap. Nanginginig na rin ang kamay niya hanggang sa ilabas niya ang isang tranquilizer at mabilis na itinurok sa leeg ni Jack.

Napanganga nalang ako sa nakitang ginawa ni Shane. Para kasing hindi na nya pinag isipan ang gagawin at basta nya nalang itinarak sa leeg ni Jack ang may kalakihang karayom ng tranquilizer na naglalaman ng kulay purple na liquid.

What the hell was that??

Nang maubos ang laman niyon ay doon pa lamang waring kumalma si Jack.

"W-what happened?" Alanganing tanong ko sa kanilang dalawa.

Napahugot ng malalim na hininga si Shane bago galit na bumaling sakin.

"Tanga ka ba? Gusto mong mamatay? Sana nung nakita mong may dugo na si Jack umalis ka na! Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sayo kung hindi ako dumating!" Galit na singhal niya.

"What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"At bakit ko naman sya iiwan kung alam kong nagdurugo na sya dito? Oo madalas kaming mag-away at madalas akong mainis sa kanya pero hindi naman ako gago na basta nalang syang iiwan dito habang namimilipit sa sakit at sugatan dahil sakin!" Ganting sigaw ko sa kanya.

"Hindi mo alam ang pwedeng mangyari sayo kung hindi ako dumating Zero. Hindi ka safe kay Jack." Ani Shane na nangilid na ng luha sa mga mata.

Natigilan ako sa sinabi nya. Puno ng pag aalala ang mga mata nya na hindi ko mawari kung para sakin o kay Jack. Pero parang mas natatakot sya sa kung anong pwedeng mangyari.

"Andy, I'm fine. Iwan mo na kami." Ani Jack na noon ay nakaupo na.

"Are you sure? Jack, umuwi na kaya tayo. Gabi na at kailangan mo ng-!"

"Just give us a moment."

Walang nagawa si Shane. Kinuha nya nalang ang back pack saka naglakad palayo samin.

Batid kong napansin narin kami ng mga kasama ko dahil papunta na sila sa gawi namin ngunit hinarang sila ni Shane.

"Natsu.."

Mabilis akong napalingon kay Jack. Bakas ang pag aalala sa mga mata nya.

"Salamander..okay kana ba?" Tanong ko.

Napangiti sya ng bahagya.

"I like it when you call me Salamander in that way."

Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lang sya.

Bakit parang may pakiramdam ako na gusto ko syang alagaan ngayon. Dahil sakin kaya sya nasugatan.

Naalala kong may asthma sya noong nasa bahay nya kami kaya baka yun din ang dahilan kung bakit nagkaganun sya kanina.

"Jack, kailangan kitang dalhin sa clinic. Baka lumala ang asthma mo."

Lalo lang syang natawa sa sinabi ko. Napakunot noo naman ako sa reaction nya.

"Yeah, baka nga lumala ang asthma ko." Aniyang natatawa.

Ano bang nakakatawa..? Ang weird talaga ng babaeng ito. Kanina lang halos mamatay na sya sa sakit ngayon naman nagagawa nya pang tumawa ng ganyan.

"Pero ayoko sa clinic." Aniya.

"Eh san mo gusto? I can take you to hospital if you want."

"No. I want to go home. Can you take me there?"

Natigilan ako saka bahagyang tumango.

"Okay, I'll take you home." Sabi ko saka siya binuhat na kinagulat nya pa.

"I can walk Natsu." Alangang sabi nya pa.

May kabigatan sya. Pero nakaya ko parin syang buhatin.

"Ngayon lang 'to. Samantalahin mo na ang kabaitan ko dahil once in a bluemoon lang 'to nangyayari." Nakangising sagot ko.

Totoo naman eh. Kung hindi sya nasugatan dahil sakin nunkang gagawin ko 'to sa kanya. Si Heart nga di ko pa nabubuhat ng ganito eh. Kaya maswerte sya.

I heard her chuckle.

Napangiti nalang din ako dahil parang kapag ngumingiti sya hindi ko rin mapigilang mapangiti.

Nang dumaan kami sa bleachers ay rinig na rinig ko na naman ang bulungan ng lahat. Kesyo bakit ko daw buhat si Jack. Baka inakit nya daw ako. O baka kinulam. At kung ano ano pa.

Nang tingnan ko naman si Jack ay nakapikit na ang mga mata nya ngunit may ngiting nakasilay sa labi nya.

Hindi ko tuloy napigilang mapangiti rin.

Sumenyas nalang ako kina Drew at Cody na mauuna na.

Sa kotse ko na sinakay si Jack. Nang makasakay ako sa driver seat ay kinuha ko ang seatbelt nya at ikinabit ngunit natigilan ako nang maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko. Nang tingnan ko siya ay nakatingin narin siya sakin.

Bahagya siyang napangiti saka hinaplos ang pisngi ko.

"I won the game." Aniya saka pinasadahan ng thumb nya ang ibabang labi ko.

Napalunok ako sa ginawa nya at di naiwasang titigan ang kanyang mga labi.

"It means that you're mine now." She's not asking, it's more like she's commanding.

Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakatingin lang sa kanya. Palipat lipat ang tingin ko sa mga mata nya at labi.

"Tell me you're mine now Natsu." Mahinang bulong niya na medyo paos ang boses.

Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid dahil sa tono ng boses nya.

"Tell me.." Muling wika niya.

"I...I'm yours Salamander." Utal na sagot ko.

Lalo syang napangiti at para akong nahihypnotize sa ngiti niyang iyon.

"Kiss me." Aniya at mabilis kong sinunod ang sinabi nya na para bang yun lang ang hinihintay ko para halikan sya.

Ewan ko ba ngunit parang gustong gusto kong halikan din sya.

Hindi ko alam kung anong spell ang ginawa nya sakin pero ang alam ko lang...

...ayoko ng matapos pa ang sandaling ito.

Magkahinang ang aming mga labi habang nilalasap ang tamis ng halik ng bawat isa.

Ganito pala ang pakiramdam ng romantic kiss na sinasabi nila.

Masarap nga at nakaka adik.

Sana hindi na 'to matapos pa.

Dahil sa pagkakataong ito parang nagugustuhan ko na rin ang devil na nagpapatibok ng puso ko.

--