Zero's Pov
Agad akong napangiti nang mamataan ang dalawa kong kaibigan na naghihintay sakin sa parking lot ng aming school.
It's monday morning, two weeks after the class opening of 2016. Matapos kong ipark ang kotse ko ay agad agad akong bumaba upang salubungin ang dalawa.
"Look who's here?" Nakangising bungad ni Cody, ang kwela saming tatlo.
"Yeah right, he's early than I thought." Tugon naman ni Drew, the gentleman and serious among us.
"Hey guys, I know you're waiting for me. Can't catch a girl without a leader?" Nakangisi ring bati ko sa kanila.
"Whooh! Ang hangin talaga! Sumasabay sa paglakad mo oh!" Natatawang asar ni Dy (Cody).
"Bakit totoo naman ah, you can't face girls without me." Mayabang pang sagot ko saka sila inakbayang dalawa.
"C'mon dude, stop being gay!" Asik agad ni Drew sabay tanggal ng braso ko sa balikat nya.
"Tsh, kahit kelan ka talaga Drew, para akbay lang gay na agad? Halikan kita dyan eh!" Natatawang asar ko sa kanya saka ngumuso na sya niya kinalundag palayo samin.
"Gago ka Zero! Baka gusto mong durugin ko yang nguso mo ha? Nakakadiri ka!"
"Haha! Ayos ang lambingan nyo ah! Para tuloy akong naiinggit!" Sabat ni Dy.
"Hwag kang mag alala dre, tayo nalang magkiss, maarte ang isang yan eh."
"Fuck off dude, nakakadiri kayo!" Waring diring diring sigaw naman ni Drew samin at sabay lang kaming natawa sa kanya.
"KYAAAAAHHHHHH!"
"NANDITO NA SILA!"
"OH MY GOD! MY ZERO!"
"SI DREW MY LOVE!"
"ANG BABY CODY KO, ANG CUTE CUTE NYA!"
"I LOVE YOU ZERO!"
"ZERO DATE WITH ME!"
"KYAAHH! I MISS YOU CODY!"
Ayan na naman ang di matapos tapos na tilihan ng mga estudyante tuwing makikita kaming tatlo. At dahil likas sakin ang mapagbigay ay tumingin ako sa grupo ng mga kababaihan saka ngumiti ng matamis at kumaway.
"I love you ladies!" Sabi ko pa saka sila kinindatan.
At lalo lang lumakas ang tilihan at sigawan ng mga ito.
"Stop flirting with them Zee." Naiiling na puna sakin ni Drew.
"What? I just smiled to them, hindi naman masamang ngumiti hindi ba? Palibhasa ang mahal ng ngiti mo eh noh?" Pang aasar ko sa kanya.
"Haha! Ano ka ba naman Drew parang bago ka ng bago sa isang to eh, suki ng mga babae yan dito. Kung wala lang tong inaalagaang pangalan baka marami na tong naanakan, haha!" Banat naman ni Dy
"Ulol! I'm not like that dre, I used to smile and give sweet words but I'm not willing to give myself to them, okay?"
"Haha, oo nga pala may pinaglalaanan ka nga pala dre.!" Kunwaring wika niya.
"But the question is? Kayo na ba?" Ani Drew saka nakangising tumingin sakin.
Tsh, pang asar talaga.
Sasagot na sana ako ngunit sumingit si Dy.
"Haha, at may isa pang tanong dude."
"Ano pa?" Naiiritang asik ko sa kanya na kinatawa nya lang.
"Kung kayo na nga, alam nya ba? Haha!"
"Hahahaha!"
Nag duet pa. Mga pasaway talaga!
Sinamaan ko sila ng tingin pareho dahil alam na alam talaga nila kung paano akong aasarin.
"Sabi sayo tatahimik sya kapag ganun ang usapan eh!" Natatawa pang banat ni Dy at sinundan na naman nila ng tawa.
"Kaibigan ko ba talaga kayo?" Singhal ko sa kanila.
"Chill dude, nawawala ang killer smile mo oh!" Si Dy.
"Baka wala ka ng babaeng makadate nyan!" Si Drew.
"Ewan ko sa inyo! Kapag kami nagkatuluyan..." Napatigil pa sila tumingin sakin.
"Kayo ang magsusuot ng dress sa kasal namin. Haha!" Nagkatinginan pa silang dalawa saka sumabay ng tawa sakin.
"Deal!" Sabay pa nilang sigaw kaya ako naman ang natigilan.
Para kasing sinasabi nila na hindi magkakatotoo ang sinabi ko.
Pang asar talaga!
"Pero kapag hindi sya ang nakatuluyan mo, ikaw ang magsusuot ng bridal dress sa araw ng kasal mo! Hahaha!" Ani Dy at bumunghalit na naman ng tawa.
"Aish! Sige tumawa pa kayo! Hindi mangyayari yang sinasabi mo dahil sya lang ang babaeng pakakasalan ko!" Seryosong sabi ko.
"Okay, sabi mo eh." Kibit balikat na sagot nalang ni Drew saka kami nagpatuloy sa paglalakad habang panay parin ang pang aasar sakin ni Dy.
Natigil lamang sya ng makarating kami sa building namin at tamang papunta na kami sa hagdan nang mamataan namin si Trevor na animoy tuwang tuwa sa ginagawang pagsilip sa mga babaeng paakyat ng hagdan. Napapasipol pa ito habang animoy kinikilig at sinasadya pang yumuko upang silipan ang mga babae, palibhasa masyadong maiiksi ang mga palda nito.
"Haay, talaga naman si Trevor oh, wala paring kupas." Napapabuntong hiningang wika ni Drew.
"SInabi mo pa, nakakabuwisit ang pagkamanyak ng gagong to eh!" INis na sang ayon ko.
"Sus, kunwari ka pa dude, eh kung may trabaho lang na MANINILIP, paniguradong dalawa kayo ni Trevor ang una sa pila." Si Dy.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hwag mo nga akong itulad sa kanya! Ang cheap ko ba para manilip lang? Hindi ko na kailangan pang silipan sila dahil sila mismo ang gagawa ng paraan para makitaan ko."
Natawa naman sila sakin pareho ngunit napatigil kami nang may isang babae ang galit na humarap kay Trevor at sininghalan ito. Nakacivilian ito at nakasuot ng skirt at simple blouse.
Transferee.
"Bastos!" Sigaw ng babae saka tinalikuran si Trevor na noon ay napangisi lang. At gaya ng ibang babaeng nauna ay sinilipan nya rin ito.
Akmang magsasalita na sana ako upang suwayin si Trevor ngunit nagulat pa kami ng may isa pa uling babae ang parang hangin na dumaan sa aming tagiliran at mabilis na nakalapit sa unang babaeng sinisilipan ni Trevor upang harangan ang ginagawang iyon ni Trevor at ganun nalang ang pagkagulat namin nang bigla siyang umikot at bigyan ng swabeng round kick sa mukha si Trevor. Tumalsik si Trevor mula sa unang baitang ng hagdan hanggang sa mapasandal ito sa pader.
What the..ang lakas naman ng sipa nun!
(⊙o⊙)
"OH MY GOD! WHAT WAS THAT?"
"OMG! SI TREVOR!"
"WHO IS SHE?" "GOSH! SHE DOESN'T KNOW WHAT SHE'S DOING!"
"SHE MISSED WITH THE WRONG GUY!" "SHE'S A TRANSFEREE! SHE'LL NEVER LAST FOR A WEEK I BET!"
Bulungan ng mga naroon na tulad namin ay nagulat din sa nasaksihan.
Para kaming mga wala sa sarili na nakasunod lang ang tingin kay Trevor at sabay ulit na napatingin sa babae na noon ay nakapamulsa pang hinarap si Trevor. Katamtaman ang taas at kulay nito, medyo mahaba ang buhok na tumatabing sa mukha niya. Nakasuot ito ng simpleng purple v-neck shirt with leather jacket at black pants at rubber shoes.
Buti nakapasok sya ng ganyan ang suot. Ang init ng panahon nakaleader jacket sya?
"If you want to live long, live free but leave my friend alone or else, you're gonna die hard in my hands!" Marahan at kalmadong wika nito.
Hmm, may accent. Ano kayang lahi nito?
Matapos sabihin yun at tinalikuran nito si Trevor ngunit tumayo si Trevor at dinuro siya sa likod.
"Hoy! Sino ka bang bwisit ka at ang lakas ng loob mong sabihin sakin yan ha? Hindi mo ba ako kilala?!" Galit na sigaw dito ni Trevor.
Napahinto ang babae at saka dahan dahang lumingon kay Trevor. Hindi ko napigilang mapanganga sa ginawa niyang paglingon dahil sa sobrang lakas ng dating niyon at halos pigil ang hiningang pinanood lang namin sila. Na animoy nanood lang kami ng live movie. ACTION MOVIE.
Walang emosyon na tiningnan nya lang si Trevor at saka tinagilid ang ulo na para bang pinag aaralan nito ang katauhan ni Trevor.
"You don't wanna know." Walang emosyong sagot niya saka muling tinalikuran si Trevor at parang wala lang na naglakad palapit sa naunang babae na noon ay kababakasan mo ng pag aalala sa mukha.
Napakunot noo ako sa reaksyon ng babaeng yun. Hindi ko alam kung nag aalala ba sya para kaibigan na baka saktan ito o baka ito ang makasakit.
Nang lumakad sila paakyat ng hagdan ay narinig pa namin nagmura si Trevor at gaya ng inaasahan ay galit nitong sinugod ang babae.
Umiral na naman ang kabadingan ng gago. Kahit kasi babae ay pinapatulan nito. At hindi lingid sa lahat na marami na itong sinaktan at nibully na babae.
Ngunit bago pa sya makalapit sa dalawa ay sumigaw na si Drew.
"Mr. Alonzo!" Maawtoridad na tawag ni Drew sa kanya kaya naman napatigil din sya at napabaling samin. Dagling nag iba ang itsura niya pagkakita samin.
"I-ikaw pala yan Drew." Aniyang napakamot sa batok.
"Mind if I ask what are you trying to do?" Seryosong tanong ni Drew.
Natahimik lang sya at napayuko. Muli kong tiningnan ang dalawang babae na noon ay nagtuloy na sa pag akyat. Ni hindi man lang pinansin ang presensya namin.
Sabagay mukha naman silang transferee eh kaya malamang hindi pa nila kami kilala.
At nang hindi ko na sila matanaw ay buntong hininga akong napatingin kina Drew at Trevor.
"Grabe dude, huminto ata ang puso ko dun! Ngayon lang ako nakakita ng ganung klaseng babae. Ang angas ng dating pero yung pagkaangas nya nakakabilid!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Dy.
"Anong nakakabilib dun? Para sinipa nya lang si Trevor. LAhat ng babae kayang gawin yun! Wala lang silang lakas ng loob. Yung babaeng yun sadyang malakas lang ang loob nya dahil bago sya dito pero pupusta ako na hindi rin yun magtatagal dito." Nakasimangot kong sagot sa kanya. TIningnan nya naman ako ng may pagtataka.
"Eh ba't nagagalit ka? Umiral na naman yang kayabangan mo eh, kahit nga ikaw di mo magagawa yung ginawa nya eh. Maaring takot satin si Trevor pero kung makakatapat mo sya sa isang one on one na laban siguradong titiklop ka! Haha."
"Shut the fuck up!" Asik ko lang sa kanya saka lumapit kay Drew na noon ay ginigisa na si Trevor.
Umiral na naman ang pagiging council ng isang 'to.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit parang bigla akong nakaramdam ng pagka inis sa nakitang angas ng babaeng yun kanina. Hindi ko masyadong nakita ang mukha nya dahil pandalas na natatabunan iyon ng buhok nya. Pero may kakaiba siyang aura na tipong palapit palang sya ay kakabahan kana.
"This will be the last warning for you Mr. Alonzo, kapag naulit pa ang pangyayaring ito, I will suggest to the council to elimenate you in this school. Got it?" Seryoso at pormal na wika ni Drew. Napakamot naman ng ulo si Trevor saka bahagyang napaismid.
"Trevor, Trevor, Trevor...tsk, tsk, tsk.." Sabi ko nang makalapit ako sa kanila. Agad naman siyang nagulat at halos hindi makatingin sakin.
Bahagya rin siyang nanginig at hindi naitago ang kabang nadarama.
"Z-Zero." Utal na turan niya.
"Aish! Hindi ko alam kung saan sa salitang "stop it" ang hindi mo maintindihan, nakakaintindi ka naman ng English hindi ba?" Sabi ko habang napahalukipkip.
Marahan naman siyang tumango at napayuko.
"Kung ganun, alam mo na ang mangyayari kapag umulet ka pa?" Nakagising wika ko. Biglang lumikot ang mga mata nya at waring nadagdagagan ang pagkabalisa.
Tsh! What a idiotic coward!
"OMG GIRLS! ARE THEY GOING TO PUNISH TREVOR NA?"
"MY GOD! I WONDER KUNG ANO ANG GAGAWIN NILANG PARUSA KAY TREVOR!"
"MAYBE JUST LIKE WHAT THEY DO TO THE OTHERS!"
"Guys, malapit ng magbell baka gusto nyong pumasok na muna?" Ani Dy. Nagkatinginan naman kami ni Drew. Muli kong tiningnan si Trevor.
"You only have two choice Trevor. You follow the rules of this school or you follow my rules, coz if you're against any of that, you have to face the consequences. And that's my punishment!" Makahulugang sabi ko saka sya tinalikuran.
"Lagot ka Trevor! Hwag mong hintaying magalit si Zero dahil nagiging number 10 yan pag nagalit-! Ehh..joke lang hehe." Pang aasar pa ni Dy dito ngunit napakamot nalang din sa ulo ng tingnan sya ng masama ni Trevor at mabilis na sumunod samin. Napailing nalang kami ni Drew sa kakulitan niya saka nagpatuloy sa paglalakad.
At gaya ng inaasahan ay di na naman matatawaran ang sigawan ng mga kababaihan at maging mga bakla ay nagtitilihan ng makita kami ngunit hindi nalang namin sila pinansin at nagtuloy nalang kami sa classroom.
We're in senior high at nasa section A dahil bukod sa gwapo na kami ay matatalino rin kami. Hindi naman sa pagyayabang pero yun ang totoo at nakadagdag yun para lalo kaming sumikat sa school.
Wala pa ang prof namin ng makapasok kami ng classroom kaya naman agad kaming pinagkaguluhan ng mga classmate namin. Hindi kami masyadong close sa kanila or kaming dalawa lang ni Drew dahil likas kay Dy ang palakaibigan at palangiti. Madalas din naman akong ngumiti lalo na kung maganda at sexy ang kaharap ko pero taliwas naman yun sa katangian ni Drew. Masyadong mahal ang ngiti ng isang 'to.
"Hey Zero, 7pm at my place?" Malanding bungad ni Charah. She's our campus cheerleader, maganda at sexy pero dahil masyado syang malandi at kung kanikanino lang sumasama ay hindi na ako nagkainterest pa sa kanya.
"No, thanks." Malamig na sagot ko saka umupo sa upuan ko which is pangalawa sa unahan. Hindi kami tulad ng iba na gusto ay sa hulihan dahil kahit papano ay seryoso din kami sa pag aaral. Mahalaga kasi sa pamilya namin ang edukasyon kaya dapat lahat ng myembro ng pamilya ay matalino at maasahan.
Ilang sandali pa kaming naghintay ng prof nang sa wakas ay pumasok na ito at seryosong tumingin sa klase.
She's Miss Ada Balmes. THE TERROR ONE!
And I hate her!
"Goodmorning class!" Formal na bati niya.
"Goodmorning Miss Ada!"
Yun talaga ang gusto nyang tawag sa kanya di gaya ng iba na Miss lang.
"Before we start in our class I would like to announce that we will be having a-!" Naputol ang pagsasalita nya ng may kung sinong pumasok sa classroom at bahagya pang kumatok sa nakabukas na pinto kaya naman sabay sabay kaming napalingon roon at bahagya pang napataas ang kilay ko ng makita ang babaeng kanina lang sinilipan ni Trevor.
"Who told you to interrupt my class just like that? Who are you?" Galit na asik ni Miss Ada sa kanya.
"Good morning too Miss!" Sarkastikong sagot lang niya kaya di napigilan ng lahat na mapasinghap sa ginawa nyang pagsagot.
Tsh, mayabang ha! Tingnan natin kung uubra yan sa terror na to..mukhang masaya to ah.! Nangingiti ko pang bulong sa sarili ko.
Bahagyang namula ang mukha ni miss Ada at mas lalo pang nagalit na hinarap ang babae.
"Impudent! Who are you? And who's your prof? Don't you know that interrupting me while talking is the bad-!"
"According to my registration form Miss Ada Balmes is my prof and I guess that is you. Am I right?" Nakangiting putol na naman ng babae kay Miss Ada.
"Hoooh! This is getting interesting haha!" Natatawang bulong ni Dy sakin.
"Let's see what will happen." Nakangisi namang sagot ko.
"Shut up guys!" Suway naman samin ni Drew.
Hindi ko na sila pinansin at muli kong tinuon ang paningin ko sa harap.
"BASTOS! Una, basta ka nalang pumasok sa klase ko at inistorbo ang pagsasalita ko and you just did that again like you doesn't know how to respect your prof! At kung ako nga ang prof mo pwes sinasabi ko sayong late ka na sa klase ko at hindi ako tumatanggap ng late!" Galit na galit na sigaw sa kaya ni miss Ada. Tinaasan lang siya ng kilay ng babae na animoy hindi ma lang natinag sa mga sinabi ni miss Ada.
"Psh, but miss how am I going to learn how to respect you if you don't want to teach me?" Anang babae saka nakangising iniabot kay miss Ada ang registration form nya.
"You-!"
"Oh and by the way I'm not the only new here miss. There's another new student in your class and she's being pissed off watching this conversation and your terror voice." Nakangiting putol muli nito kay Miss Ada.
"What do you mean? And where the hell is she?"
"There!" Nakangiting wika nito sabay turo sa likuran. Kaya naman sabay sabay din kaming napalingon sa likod at ganun nalang ang pagkagulat ko ng makita ang babaeng sumipa kay Trevor kanina na prenting nakaupo sa hulihang upuan at waring naiinip na nga sa nakikitang usapan sa harapan ngunit tulad kanina ay wala paring mababasang emosyon sa mukha niya.
"Omg! Paano syang nakapasok sa classroom natin?"
"Wala naman sya dyan kanina diba?"
"Baka naman sa kabilang door sya dumaan."
"Haler, nakalock kaya ang other door!"
"Gosh, I feel creepy while looking at her! She's like a ghost!"
"Dude, sya yung babae kanina..hindi ko manlang naramdaman na nakapasok na sya sa room natin." Ani Dy na noon ay gulat na gulat din.
"I wonder kung paano nyang nagawa yun." Hind rin makapaniwalang wika ni Drew.
"Maybe she's really a ghost!" Naka ismid na turan ko saka pinasadahan ng tingin ang babae.
"Anong ghost ang sinasabi mo dyan may ghost bang nagpapakita sa maraming tao?"
"Oo at sya yun." Inis na sagot ko kay Dy.
"You!" Natahimik ang lahat ng dumagundong ang boses ni Miss Ada habang nakaduro sa babaeng nakaupo.
"Who told you to sit there just like that and doesn't even bother to approach me?!"
Hindi sumagot ang babae bagkus ay tumingin lang ito kay Miss Ada na blangko ang hitsura at gaya ng ginawa nya kay Trevor kanina ay tinagilid nya ulet ang ulo nya at tipong pinag aaralan ang kabuuan ni Miss.
Bahagya naman nailang sa tingin na yun si miss dahil siguradong ngayon lang may tumingin ng ganun sa kanya.
"Why are looking at me like that?"
"You said you doesn't want to interrupt you while you're talking and that's what I exactly did Miss." Marahan at malamig na sagot nito. Ayun na naman ang kakaibang accent niya na hindi ko alam kung anong lahi. Wari namang napahiya si Miss Ada sa tinuran nito.
"Oh my God! What kind of a student are you? Where's your registration form?" Galit paring tanong ni Miss.
Bahagya lang gumalaw ang babae at iniabot kay Miss ang papel nito. Marahas na inabot yun ni Miss at pinasadahan ng tingin. Napabuntong hininga pa siya saka muling ibinalik ang form sa dalawa at nagmartsa sa unahan.
"Okay, palalampasin ko ang ginawa nyong ito sakin dahil transferee kayo pero sa susunod na malate pa kayo ay hindi ko na yun tatanggapin. Are we clear?"
"If you say so Miss." Kibit balikat na sagot ng naunang babae. Napapikit naman sa inis si Miss sa sagot ng babae.
"And please stop answering me with that sarcastic tone!"
"Teach us not to." Nakangiti pang sagot ng babae.
Napahugot ng malalim na hininga si Miss saka pinakalma ang sarili.
"Okay, just introduce us yourselves and sit here at..." ani miss at iginala ang paningin.
"...beside Mr. Montero." Ani Miss na sa akin nakatingin.
What? I hate somebody beside me except my friends! At alam nilang lahat yun.
"But Miss-!"
"No buts!" Agap sakin ni Miss kaya natahimik ako.
"Sorry Miss but my friend is a farsighted." Anang babae na nasa unahan.
"Okay fine, just introduce yourselves at ng makapagsimula na tayo. You two have a lot of lesson to catch up since you're two weeks late."
Napangiti naman ang babaeng nasa unahan saka humarap samin.
"Hello everyone! I'm Andrix Shane Gravalez, you can call me Shane or anything you want except Andy coz that name was taken by my friend at your back and she doesn't want to share with anybody..I'm 18 years old and I am very much interested in Filipino foods specially those street foods, gosh I really love it! I am a talkative person as you can see right! I am single and available but I'm very much choosy person so you gotta go under pressure for my sweet yes. Well, I'm sorry about that rudeness that I acted just a while ago. I am just a sarcastic person but if you get to know me you'll gonna say that I'm a friend you're looking for. That's all and thank you." Mahabang pakilala niya at halos lahat ay di nakaimik.
What the hell! She really is talkative. Hindi man lang sinabi kung saang school sila galing.
Matapos magpapakilala ni Shane daw ay lumapit siya sa kaibigan saka naupo sa tabi nito.
"Your turn, just say a few words." Bulong pa ni Shane dito. Nagkatinginan pa kami nina Dy at Drew sa inakto ng mga ito.
"Ano yun?Kailangan pa talaga syang pilitin? Ang weird ng dalawang ito ah!" Wala sa sariling sabi ko.
Hinintay pa naming makatayo ang isa at pumunta sa harap bago sabay na napabuntong hininga. Tahimik ang lahat habang naglalakad ito. Para kasing may masamang mangyayari kapag may umimik maski isa sa sobrang lakas ng dating nya. Pakiramdam ko ay may bakas ng awtoridad ang paglalakad nya maging sa tuwing magsasalita sya ay kakabahan ka.
Maging si Miss ay di mapigilang kabahan sa paraan ng mga tingin nito.
"The name is Jack." Anito at saka muling bumalik sa upuan.
"What the hell? Yun na yun? The name is Jack?!" Hindi ko napigilang react.
"Quiet dude, baka marinig ka!" Suway sakin ni Dy.
"So what? They're just transferee. Akala mo kung sino. Nakakabwisit ang pagiging maangas nya. They so weird. Saan ba nanggaling ang lahi ng dalawang yan?" Inis pang sagot ko saka ako lumingon sa likuran ngunit ganun nalang ang pagkagulat ko ng magtama ang mga mata naming dalawa at halos gahibla lang ang layo niya sakin.
Dugdugdugdug...
Dagling sumigid ang kaba saking dibdib sa sitwasyon naming iyon. Bahagya kasi siyang nakadukwang sakin at waring sinadya talaga niyang lumapit sakin ng ganun.
Hindi ko napigilang manlaki ang mga mata habang nakatingin sa mga mata niya na noon ko lang natitigan.
Purple ang mga mata nya? Contact lens ba yan? Pero bakit parang totoong mata nya lang yun pero bakit purple?
Sunod sunod akong napalunok ng makita syang bahagyang tumagilid ng tingin at waring pinag aaralan ang kabuuan ng mukha ko. Noon ko lang nakita ang mukha nya. Mahahaba ang pilik mata nya. Katamtaman ang tangos ng maliit niyang ilong medyo namumula ang magkabilang pisngi at bahagya pa akong napanganga nang dumako ang tingin ko sa labi niya. Hindi ko na naman napigilang mapalunok ng bahagya niyang basain ng sariling dila ang mga labi niya.
"Never fall in love with this face if you still wanted to live long." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon at nang tingnan ko siya sa mga mata ay napalunok pa ako ng nakangisi na siyang nakatingin sakin ng deretso.
Napatayo ako sa pagkagulat at kinakabahang dinuro siya.
"A-ano bang ginagawa mo? Balak mo ba akong halikan ha?" Sigaw ko sa sobrang katarantahan. Ngunit bahagya lang siyang tumingin sakin saka umayos ng upo. Ni hindi ko man lang namalayan na dun na sila nakaupo at nasa tabi ko na ang dating nakaupo roon.
"Mr. Montero? What is going on there?" Sita sakin ni Miss Ada kaya napalingon ako sa kanya.
Tiningnan nya naman ako ng may pagtataka.
"A-ahh.." Utal na sagot ko at hindi malaman ang sasabihin bumaling ako kina Drew at Dy at bakas din sa mga mukha nila ang pagtataka.
What the hell...hindi ba nila narinig ang sinabi ng babaeng yun sa akin? At hindi ba nila nakita yung ginawa nyang paglapit sakin na halos mahalikan nya na ako?
"Nothing Miss." Nasabi ko lamang saka muling naupo.
"Ano bang nangyari sayo dude?" Bulong sakin ni Dy.
"Hindi mo ba nakita ang ginawa ng babaeng yun sakin? At yung sinabi nya..hindi mo ba narinig?" Takang tanong ko din sa kanya.
"Bakit? Ano bang ginawa sayo?"
Napahilamos ako ng mukha.
"Dre, muntik nya na akong mahalikan nung nilingon ko sya." Inis na sabi ko bagamat mahina lang dahil nasa likod lang namin ang babaeng sinasabi ko.
"Eh yun lang naman pala eh. Ayaw mo nun dagdag na sana sya sa collection mo." Nakangisi lang na sagot nya.
"I'm serious dude!"
"Mr. Montero, Mr. Gregory, would you like to share us what are talking about there?" Pigil ang inis na sita samin ni Miss Ada.
"Sorry Miss." Kamot sa batok na sagot ni Dy. At hindi nalang kami nag usap pa.
Ngunit hindi na ako napakali pa sa buong period naming iyon. Gusto kong lingunin ang babaeng yun at tingnan kung ano ang ginagawa nya pero para akong na-stiff neck na maging ang lingunin ang mga kaibigan ko ay di ko nagawa.
--