webnovel

Kabanata 4

Kabanata 4

Galit na nagtungo sa opisina ni 'Death' si Maxhien. Hindi nya pa suot ang puting maskara na tumatabon sa mukha nya upang walang makakilala sa kanya. Her mini office is highly protected. Sa pagpasok pa'lang sa pinto ay hindi mapapansin ng mga customer nya na may laser beam na tumatama sa katawan nila upang suriin kung may kakaiba ba itong mga dala kagaya ng baril.

Alam n'yang madami ang may gusto sa kakayahan nya. Many business man tried to manipulate her and bid  the highest digits they can exchange  of working for them and they want her to be their personal tracker, protector and hacker. But she always decline it. Nangako sya sa kanyang ama na si Mike na hindi nya gagamitin ang kakayahan sa masasamang bagay upang kumita.

Why should she do it anyway? They have the money they needed. Nag-uumapaw ito dahil sa dami.

Sa unang tingin ay aakalain mo'ng simple lang ang bahay na kinalalagyan ng opisina nya at hindi protektado ng todo. Pero nagkakamali ang mga ito, dahil kapag na detect ng laser beam na may baril ka sa katawan ay kaagad itong gumagawa ng paraan upang lusawin ang bala ng baril. Sya mismo ang gumawa nito kaya alam nya'ng protektado ang buhay nya dito.

Dito sya palaging dumideretso kapag alam nya'ng baka may threat ang isang flash drive na ibinigay na sakanya. She can't risk her company's backgrounds and data about their business. Sa pamamagitan ng paggamit sa mga computer na nakalagay dito sa opisina nya ay tiyak mawawala kaagad ang mga virus na maaring makasira sa seguridad ng kompanya nila.

She put her finger on the screen and it open and a man's voice welcomed her. "Hello, Ms. Villanueva." Saint greeted her.

"Hi, Saint. Can you do something for me?" Naupo ito sa kahoy na upuan ngunit napatayo din ng hindi nya gustong upuan ang kahoy. She like her swivel chair on her company's office.

"What it is, Ms. Villanueva?"

Napakamot ito ng ilong at naupo ulit. "Call Paula, asap."

"Calling Paula..." Nang madinig na nyang sinagot na ni Paula na sekretarya nya ay kaagad itong nagsalita.

"Good day, Ma'am. How can I help you?"

"Buy me a new swivel chair, asap. Deliver to D' office." Kaagad nyang ibinaba ang tawag at inilabas sa bulsa ang flash drive na bigay ni Thaddeus sa kanya.

"Saint, if there's a virus in the flash drive then clean it without ruining the file inside."

"Yes, Ms. Villanueva."

Sinaksak na nya ang flash drive sa computer nya at kaagad naman itong sinunod ng naatasan nitong tumingin. Lahat ng bagay na nasa palagid nya ay madali nyang nagagawa dahil sa tulong ni Saint na gawa nya.

Napabuntong hininga sya at kaagad na inilagay ang mga paa sa lamesa at sa likod naman ng ulo ang mga braso upang makapag-isip.

Ano bang plano nya at nalaman nya pa talaga ang pangalan ni Marshall? Tanong nya sa kanyang sarili at napaisip nalang. Kung may masama man itong gagawin ay kailangang may plano sya upang maiwasang mangyari ang mga nangayari noon. Hindi nya kasi inaakalang gagawin ito ng sarili nya'ng kaibigan.

She trusted him more than her self. Akala nya ay ito na ang taong masasabi nya'ng umiintindi sa kanya. Palagi kasi itong nagpapatawa at nagpapasaya sa kanya noon pa. Kahit pa noong nag-aaral silang dalawa ay sila pa'din ang magkasama at nagtutulungan upang makatapos ng pag-aaral. They shared almost everything. Lahat ng sekreto nila ay alam na alam nilang dalawa.

Pati nga din ang ama nya ay nasayangan din sa pagkakaibigan nilang dalawa. At first, her father felt so mad. Sino ba naman ang hindi diba? He betrayed them. Lalo pang nasaktan sila ng ama nya dahil tinuring nilang ka pamilya ang binata at naging ganoon lang kadaling itapon ang pinagsamahan nila.

"Base on the analysis. There's no virus on the flash drive, Ms. Villanueva."

Napaangat ito ng ulo at kinunutan ang computer na nasa harapan nya. "What do you mean?" Hindi nya mapigilang magtanong.

"There's none. Ms, Villanueva. The flash drive is all clear and clean."

Napabuntong hininga sya at kaagad na pinindot ang button sa gilid nya upang lumabas ang isang invisible na keyboard at doon nag tipa.

"Open the file inside, Saint. And be careful for viruses." Hindi pa'din kasi sya makapaniwala na walang virus na laman ang ibinigay sa kanya ng dating kaibigan.

Siguro nga ay may alam ito sa kalagayan noon ni Marshall. "There's two videos inside, the one is captured a five months ago and the last one is nine months ago, Ms. Villanueva. Where should I open first?"

Lumabas sa malaking screen ang dalawang files na tinutukoy nito. May isang nakapangalan kay Thaddeus at ang isa ay ang file name ay 'unknown' at dahil sa pagtataka ay una nyang pinindot ang may pangalan ni Montemayor.

Nang mag load na ang video ay kaagad syang napa-ayos ng upo at interesadong tinignan ang screen.

She's taken aback when she saw who's the woman inside the recorded video. It's none other than, Marshall Morgan. Mas lalo syang nalito. Ano ang ginagawa ng flash drive na naglalaman ng video ni Marshall kay Thaddeus na kaibigan nya noon?

After a long pause, Marshall on the video spoke. "Thad, If you're watching this then that means I didn't make it. Na wala na ako sa letseng mundo na 'to." At tumawa pa ito at nagpahid ng mga luha. She's crying and why?

Namamaalam ba ito? "I'm really sorry if I make this as a secret. Hindi ko kakayaning makita kang pino-problema din ang mga problema ko. I'm tired watching you understand me. Sawang sawa na ako sa kantyaw nila. Kaya sana maintindihan mo kung bakit ko 'to ginagawa."

"Wala akong nagagawang tama sa buhay ko. Habang ikaw naman ay wala din sa sariling iniintindi ako. I really appreciated you, I'm thankful that I have you beside me when I badly needed it. Pero kasi, Love. Hindi ko na kaya 'yung pangungutya nila. I can't stand seeing you backing up for me. I'm tired of all those shit that people around told me."

"Na hindi ko daw kayang tumayo sa sarili kong mga paa. Na napaka impokreta ko para patulan ang katulad mong sobrang Yaman. Then look at me, I'm a fat pig. Inakusahan nila akong pinipirahan ka lang. Kaya ko 'to ginawa para naman may magawa akong tama."

"I donated my heart for free, Love. At last ay may magagawa na akong tama. I just want to tell you that I really love you. But I love my self so much, And I'm tired, Love. I'm really is. A-And I want you to monitor the person who have my heart. Alam ko na masasaktan kita ng sobra dahil sa maling desisyon ko. Pero hindi din lang naman ang pangungutya ng mga tao ang dahilan kung bakit ko 'to gagawin."

Umiyak pa lalo ang babae at hindi na halos makapagsalita ng deritsyo. "Baog ako. Napaka walang kwenta ko na ngang tao, hindi pa ako makaka-anak. And that mean, we can't be happy anymore. I know you really want to have a baby in your own. Pero mabuti pang mawala nalang ako kaysa manatili dito sa mundo. So far... 'yon lang ang gusto kong sabihan. And lastly always remember that I really love you. Be happy, and find your new. I won't mind. Once again, I love you, Thaddeus."

TO BE CONTINUED

Thanks for reading! Share your thoughts and feedback via facebook or Twitter using #VengefulLife or #VL in your posts/tweets!