webnovel

Until We Meet Again Book I: 1903

Ang kwento ng pagibig at trahedya mula 1903 hanggang 2018. Si Esperanza ay isang mabuti, mahinhin at maalagang babae mula sa taong 1903 at si Elyca isang masungit, spoiled at mayamang babae mula sa taong 2018, ating alamin kung ano ang koneksyon ng dalawa sa isa't isa at ano ang mangyayari sa pagibig na meron sakanila.

Hephaestus4 · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
32 Chs

KABANATA XXVIII

"Nabalitaan mo ba ang nangyari?"

"A-ano daw ang nangyari?"

Yan ang mga naririnig namin sa mga chismosa dito sa palengke, hindi ko alam pero hindi ako mapalagay sa mga naririnig kong mga sinasabi nila, ayaw ko man pakinggan pero sa lakas ng boses nila ay siguradong pati kabilang palengke ay makakarinig. Nagpasya kami ni Leonor na mamalengke upang maghanda sa kakainin namin sa kasal namin ni Ethan, pinayagan kami ng simbahan at ng gobierno na ikasal sa San Francisco bago siya umalis, kaya ito, abala kami para paghahanda, mamaya din ay mamimili na kami ng susuotin kong damit para sa kasal, nananabik na ako sa pagiisang dibdib namin ni Ethan.

"Ate, ikakasal ka na ulit" ngiting pasabi ni Leonor saakin, nginitian ko siya pabalik

"Oo nga Leonor, napakabilis ng panahon parang kailan lang nung ikasal ako kay Carlos tapos ito ngayon, kay Ethan, ipinapanalangin ko lang na sana ay hindi na maulit ang nangyari sa kasal namin ni Carlos" Bigla kaming natahimik ni Leonor ng maalala namin ang lahat ng nangyari saamin

"N-naku ate, sigurado ako na magiging maayos ang takbo ng kasal mo, naniniwala ako na walang mangyayaring kahit ano, ipagdadasal ko yan" Nginitian ako ni Leonor, napangiti din ako sakaniya at itinuloy namin ang pamimili.

"A-ano? Talaga? Paano nangyari iyon?"

"Ang sabi nila hindi daw nila alam kung bakit siya pinahuli pero ang sabi ng ilan ay dahil daw pinaparatangan siyang isang pilibustero pero ang sabi naman ng ilan ay dahil takot daw si Don Rafael na malaman ang baho niya kaya niya pinahuli" Bigla akong napatigil sa pamimili ng narinig ko ang paguusap ng mga chismosa sa tabi namin ni Leonor. Dahan dahan akong napalingon sakanila na may pagtataka, dahil narinig ko ang panagalan ni Don Rafael sa usapan nilang dalawa, hindi ko na natiis pa kaya't tinanong ko na din kung ano ang pinaguusapan nila

"Uhm, disculpe (excuse me) pero patungkol saan ang pinagusapan ninyo? Narinig ko kasi ang nombre ni Don Rafael" mahinanong pagtatanong ko sakanilang dalawa

"Quien eres tu?" tanong ng isang babae saakin, medyo matanda na siya, nakasuot ng itim na may dilaw na saya at puting baro, kulot siya at medyo singkit.

"Parang kilala kita, kung hindi ako nagkakamali, i-ikaw ba ang anak ng yumaong si Don Miguel Gonzales? Tanong naman saakin ng babaeng nakapulang saya, medyo malaman at may katandaan na din, bilugan ang mata at balot ng kolorete ang buong mukha

"A-ako nga po" Tugon ko sakaniya, nginitian ko siya na may pagtataka

"Tama, ikaw nga, ikaw si Esperanza, ang panganay na anak ni Don Miguel, ikinagagalak kong makita ka ngayon dito, hindi ko inaasahang magkikita tayo dito Hija" nginitian ko siya dahil nagtataka akong paano niya ako nakilala

"P-paano niyo po ako nakila?" pagtataka kong tugon sakaniya

"Sino ba namang hindi makakakilala sa magandang dilag at anak ng dating nagpatayo ng palengkeng ito, nagpapatawa ka ata hija?"

"Ahh ganoon po ba, lo siento po" tugon ko na lamang sa babaeng hindi ko alam ang ngalan

"Siya nga pala kumusta na kayo? Matagal na kaming walang noticias (balita) sainyo, lahat ng chismosa dito ay wala na ding alam patungkol sainyo, ang huli ko na lamang balita ay yung nabasa namin doon sa periodico (newspaper) patungkol sa pagkamatay ng iyong ina dahil sa kaso sakaniya" Hindi ko na alam kung paano ko pa sasagutin ang babaeng kausap ko ngayon dahil parang hindi ako masyadong makapagsalita ng malaman kong alam niya ang bawat detalye sa buhay namin, kaya't nginitian ko na lamang siya

"At patungkol nga pala sa tanong mo, ano nga ulit iyon?"pahabol niyang sabi

"Ah yung patungkol po sa pinaguusapan niyo po kanina, y-yung kay Don Rafael po?" tugon ko sakaniya, nang bigla akong kinalabit ni Leonor kaya't napatigil ako dahil bumulong siya na aalis na daw kami

"Sa susunod na lamang po pala, pasensya na po, kami'y mauuna na po, salamat po mga ginang" nginitian na lamang nila ako at nagpatuloy na sila sa paguusap ulit. Sumakay kami ng kalesa ni Leonor pero hindi ako mapakali dahil hindi ko nalaman ang gusto kong malaman patungkol sa pinaguusapan nilang dalawa kanina, parang kinakabahan ako at hindi mapakali dahil sa narinig ko kanina. Kinalabit ako ni Leonor na nagpabalik sa aking ulirat

"Ate ano ang bumabagabag sa iyong isip?" tanong saakin ni Leonor, halatang nagaalala siya saakin dahil hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko.

"Ah eh, nada, may iniisip lang ako pero wala iyon, huwag kang mag alala, ayos lamang ako" nginitian ako ni Leonor at tinapik. Biglang huminto ang kalesa, nagulat kami ni Leonor dahil medyo nagalaw kami sa pagkakahinto ng kalesa.

"Pasensya na po mga binibini pero mayroon pong mga tao na nakaharang saating dadaanan, sandali lamang po at aking titignan kung ano po ang pinagkakaguluhan nila" Tugon saamin ng aming kutsero, bumaba ang kutsero at sumama sa mga tao, pinilit namin ni Leonor tignan kung ano ang pinagkakaguluhan nila sa labas, hindi ko na din natiis at bumaba ako ng kalesa, sinubukan akong pigilan ni Leonor pero nagmatigas ako at dumiretso sa lugar na pinagkakaguluhan ng mga tao, sinubukan kong makisingit pero ang hirap, kaya nilakasan ko pa ang tulak para makapasok ako sa bandang loob at makapunta may unahan. Nakipagsiksikan pa ako hanggang sa maitulak ako sa bandang unahan. Bigla akong napatigil sa nakita ko, hindi ako makapagsalita, natulala ako at nahinto sa puesto ko.

"H-hindi, b-bakit? P-paanong, S-si Perla, Hindi totoo ito, hindi, hindi" dahan dahang tumulo ang luha sa mga mata ko, hindi pa din ako makakilos at nabalot ng kaba, lungkot, takot at pagtataka ang puso't isip ko, dahan dahan akong naglakad patungo sakaniya nang biglang napahinto ako dahil may humila saakin.

"T-teka bitawan mo ako, sandali, sino ka ba? Aray!" kinaladkad ako palabas sa mga tao ng lalaking nakatakip ang mukha, nilayo niya ako at idinala sa kalesa namin at tsaka siya pumasok, nagulat sila Leonor sa nangyari at nagtaka din kung sino ang lalaking kumaladkad saakin, laking gulat namin ng tinanggal ng lalaki ang takip niya sa mukha

"G-ginonng P-Patrick?" sabay naming pagsabi ni Leonor

"Pero p-paanong?" pagsingit ko

"Mahabang salaysayin but I know you're curious, I will tell everything to you pagnakarating na tayo sa tinutuluyan ninyo" pagbalik ng kutsero ay pinamadali namin siya ni Leonor at nagiba kami ng daan para makaiwas sa mga taong nakaharang sa kalsada. Pagdating sa bahay ay agad pinaghain ni Rosalinda si Patrick ng makakain at ng inumin. Uhaw na uhaw siya at halatang gutom na gutom kaya hindi muna namin siya tinanong ni Leonor ng mga kung anong bagay. Pagkatapos niyang kumain ay pumuesto kami ni Leonor sa tapat niya dahil nakaupo siya sa may silya sa kusina.

"M-maari na ba kaming magtanong saiyo ginoo?" tanong ko kay Patrick ngumiti siya at tumango saakin

"Una sa lahat, b-bakit ka nagtakip ng mukha at hinila si Ate papunta sa loob ng kalesa?"

"Uhm, ginawa ko iyon upang maprotektahan kayo, especially your sister Esperanza, Leonor, maaari siya o kayong madamay kung sakaling makita nila siya na lumalapit sa bangkay ni Perla at iniiyakan iyon, pagiisipan ng mga taong kasapi kayo ng mga pilibustero o ng mga kaaway ng pamahalaang amerikano, nakatakip ako ng mukha because even me they're suspecting me that I'm also helping the guerrillas" mariin niyang tugon kay Leonor

"Ganoon ba, paano ba nag umpisa ang lahat bakit ganoon? Paanong pati ikaw ay pagsusupetsiyahan ng pamahalaan na lumalaban sa kanila, hindi ako makapaniwala sapagkat ikaw ay isa ring kalahi nila, isa ka ding Amerikano" Pagtatakang tugon ko kay Patrick

"It started when someone knocked on our door then suddenly they kidnapped Perla, they said that Perla is one of the guerrillas. I also really don't know anything, after that day the police started to question me about Perla and anything and they sum up with a conclusion that I'm also part and helping the Guerrillas and Perla is my instrument to connect with the guerrillas, ang hirap sa totoo lang Esperanza, ang hirap, pagod na akong tumakas at magtago, magpagutom at mauhaw, pagod na ako Esperanza"Nagulat kami ni Leonor dahil umiiyak na si Patrick saamin, naaawa ako sakaniya, hindi ko lubos maisip na magiging ganito ang sitwasyon niya, nilapitan ko siya at niyakap, pinilit ko siyang patahanin ngunit patuloy pa din siya sa pagiyak. Pagkatapos niyang manatili sa aming bahay ay nagpaalam na siyang aalis na siya, pinilit namin siyang manatili pero nagpumilit siyang aalis na daw siya dahil ayaw niya daw makaabala at maging pabigat saamin, ilang beses kung pinaunawa na hindi siya magiging pabigat saamin at bukas loob namin siyang tatanggapin dito saaming bahay pero nanatili siya sa kaniyang desisyon na aalis siya.

"Paalam Patrick, mag-iingat ka ha, patawad, siya nga pala, ito kunin mo" iniabot ko sakaniya ang isang liham paanyaya

"Ano ito?'' tugon niya saakin

"Iyan ay isang liham paanyaya, ikakasal na kami ni Ethan sa sabado, sa ganap na alas cinco ng hapon, iniimbitahan kita, nawa'y makapunta ka saaming kasal, napagdesisyunan kasi namin na magpakasal muna bago siya bumalik muli ng Amerika sa linggo" Nginitian ko siya at tinapik, nginitian din ako ni Patrick at niyakap, nagpasalamat siya saakin at nangakong pupunta daw siya sa araw ng kasal namin ni Ethan, nanghingi siya ng paumanhin at tuluyan nang nagpaalam saamin. Napabuntong hininga ako at pinagmamasdan ko siyang papalayo at lamunin ng dilim. Naaawa ako sapagkat kinakailangang magtago at magpalipat lipat ni Patrick ng dahil lamang sa maling pagaakusa sakaniya, gusto ko mang manatili siya dito pero dahil sa ayaw niya ay hindi ko na siya mapipilit pa, nawa'y bantayan at gabayan siya ng Dios.

Isang Dipang Langit

Ni: Amado V. Hernandez

Ako'y ipiniit ng na puno

hangad palibhasang diwa ko'y piitin,

katawang marupok, aniya'y pagsuko,

damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:

bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;

lubos na tiwalag sa buong daigdig

at inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malas

ay sandipang langit na puno ng luha,

maramot na birang ng pusong may sugat,

watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,

sa pintong may susi't walang makalapit;

sigaw ng bilanggo sa katabing moog,

anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikala

na kala-kaladkad ng paang madugo

ang buong magdamag ay kulambong luksa

ng kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,

kawil ng kadena ang kumakalanding;

sa maputlang araw saglit ibibilad,

sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantang

sa hudyat – may takas! – at asod ng punlo;

kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,

sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon –

bilangguang mandi'y libingan ng buhay;

sampu, dalawampu, at lahat ng taon

ng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirap

at batis pa rin itong aking puso:

piita'y bahagi ng pakikilamas,

mapiit ay tanda ng di pagsuko.