webnovel

Chapter 9

Bumaba ng minamanehong sasakyan si Alex. Pagkatapos itong ilock, papasok na sana siya sa gate ng bahay nang mapansin ang katabing bahay na bukas ang gate.

Bigla siyang kinabahan.

"Toni", iyon ang agad niyang naisip.

Ang laki ng mga hakbang niya patungo sa kabilang gate.

Ang una niyang nakita sa labas ng bahay ay ang kanyang ina habang may kausap ito.

"Mom",tawag niya rito.

Lumingon ito sa kaniya.

"Alex,you're back. Halika, andito ang kapatid ng Tito Freddie mo", anito.

Lumapit siya sa mga ito habang iginagala ang paningin sa labas ng bahay.

Ilang years narin siyang hindi nakakapasok dito.

Isang lalaki,no isang babae ang nakangiti sa kaniya. Mas bata marahil keysa kaniyang ina.

"This is Alex", anito na parang kilala na siya.

"Hello po", nahihiya niyang wika.

Boses ng kaharap ngayon ay boses lalaki,ngunit malambing at mahinhin at mukha nga itong totoong babae.

"Call me Tita Andrea. I'm Toni's only tita", anito.

"Nice to meet you po".

Sumilip siya sa loob ng bahay,nagbabakasakaling makita niya ang inaasam na makita.

"Sorry Alex, pero wala ang pamangkin ko".

Nahihiya siyang tumingin dito.

"Lagi kang naikwento sa akin ni Toni. But im sorry,kasi hindi pa siya makakauwi."

Nanlumo siya.

Pero ngayon,hindi na ganun kasakit.

Sinabi nito na ito muna ang tatao sa bahay. At gusto raw ipa renovate ng parents ni Toni kaya ito ang mag aasikaso.

"Mauuna na muna ako Mom".

Nagpaalam na siya rito at sa ina.

Pero bago tuluyang makalabas ng gate,narinig niya ang pangangamusta ng ina tungkol sa pamilya ni Toni at sa mismong kay Toni.

"Oh goodness, narinig ko na super popular sa boys si Toni. I heard na may boyfriend na nga daw eh".

Napahinto siya.

Its been five years nang huli silang nagkausap.

Kelan ba nagsimula ang lahat?

Kelan ba sila nagsimulang magkalimutan?

Nasa pangatlong taon siya noon sa kolehiyo.

Hindi niya alam bakit bigla itong hindi na nagparamdam. Walang tawag. Walang sulat. Kahit kaarawan niya hindi na ito nakakaalala.

Sinubukang niyang sulatan ito ngunit walang sagot. Ang landline number nitong buisy tone ang laging bumubungad.

Naglaho na lamang ito na parang bula.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.