webnovel

Chapter 3

Simula nang matanggap ni Alex ang sulat, wala na itong bukambibig kundi si Bea. At hindi na natutuwa pa si Toni.

Pagdating ng lunes, hindi na siya nito sinundo sa classroom niya para sabay mag-snack tulad ng dating nakagawian. Ang kaklase at kaibigang si Trisha ang kasabay niya sa canteen. At ang nakakagulat, ay ang makita ang bestfriend niya na kasama sa mesa ang crush nito.

Tila napako siya sa kinatatayuan habang nakatingin sa mga ito masayang nag-uusap. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa nararamdaman. Basta alam niya, tila sasabog ang dibdib niya.

"Hindi ako nagugutom Toni",hila ni Trisha sa kanya nang makita ang reaksyon niya sa nakita. "Magpapahangin na lang muna tayo sa labas".

Walang lakas na nagpahila siya rito. Ang bigat ng mga paa niyang sumunod rito palabas ng canteen. Hindi niya nga alam saan siya nito dinala. Naramdaman nalang niya ang pagpahid nito sa pisngi niya. Saka niya narealize na umiiyak na pala siya. Nakaupo sila sa likuran ng isang classroom na hindi masyadong kita ng ibang estudyante.

"Tama ako sa sinabi ko diba? May gusto ka kay Alex",anang katabi.

"It's not right to like her Trish. Pareho kaming babae",aniya.

"Kung ganun, bakit ka nasasaktan? Bakit ka umiiyak?".

"Dahil for the first time, nakalimutan niya ako. We've been together all the time since we were kids. Pero ngayon, dahil lang sa ibang babae nakalimutan na niya ang bestfriend niya",paliwanag niya.

Hindi sumagot ang kaibigan.

"Masaya siya kasama si Bea",dugtong niya.

"Toni, mga bata pa tayo pero hindi mo maitatanggi na may gusto ka kay Alex. Sabihin mo mang hindi totoo, or hindi pwede pero un ang totoo".

Umiling ang dalagita.

"I'm hurt because she is my bestfriend and i don't want to lost her".

"Hindi naman siya mawawala eh. Kung nagkakagusto man siya sa iba, support mo nalang. Wala ka namang pagtingin kay Alex diba?"

Tumango siya.

"Yun naman pala eh. Crush niya yung Bea na 'yun, eh di hayaan mo na. Hindi naman ibig sabihin non na ipagpapalit ka na bilang bestfriend".

Marahil ay tama nga ang kaibigan. Mawawala rin itong sakit na nararamdaman niya ngayon. Matatanggap rin niya na magkakaroon na siya ng kahati sa atensyon ni Alex.

.

.

.

.

.

.

.

.

.................................................................................

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

Nakaupo sa harap ng computer si Toni nang marinig ang pamilyar na tunog ng gitara. Napangiti siya nang maisip na hinaharana siya ni Alex, kaya tumayo agad siya at dali daling lumabas ng bahay.

Mula sa bakuran ng kapitbahay ang tunog ng gitara, at abot tenga na ang ngiti niya nang marinig ang boses ni Alex na kumakanta.

Napawi na ang sama ng loob niya rito dahil sa nakita kaninang umaga sa school.

Lumabas siya ng gate at sumilip sa gate ng kabilang bahay.

Ngunit nawala ring bigla ang ngiti niya sa nakita.

Nasa patio si Alex, nakaupo at tumutugtog ng gitara habang kumakanta. At kaharap nitong nakikinig ay si Bea.

Hindi niya kayang pagmasdan kung paano magtinginan ang dalawa.

At paano nangyaring bisita agad nito ang babae gayong kanina lang sila personal na nagkakilala.

Hindi siya makapaniwala. Lahat ng naisip na pag-unawa para rito ay nawalang bigla. Ni hindi man lang siya nito naisip na puntahan, or kausapin man lang at kamustahin.

Agad niyang pinigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha.

Umalis siya sa kinatatayuan at bumalik sa sariling bahay. Naupo siya sa sofa at wala sa sariling tumitig sa kawalan.

Sa loob lamang ng isang araw, sobrang sakit na ang naidulot ni Alex sa kanya. Masyado ba nitong gusto ang babaeng iyon para makalimutan siya nito?

Bumukas ang pintuan at pumasok ang Daddy niya.

"Hello sweetie, hows your day?"

Tumayo siya at sinalubong ito.

"Ok naman Dad".

Humalik siya sa pisngi nito.

"Mukhang sad ang baby ko ah. Whats wrong?"

"Just tired. Si Mommy?".

"On the way na raw siya. Pizza muna tayo for dinner, ok lang ba?"

Tumango siya.

Hindi niya alam kung may gana pa ba siyang kumain.

Bumukas uli ang pintuan. Akala niya ang mommy na niya. Hindi niya inasahang si Alex pala.

"Hi Tito Fred",masayang bati nito sa dad niya.

"Hello Alex",ganti ng ama niya.

One thing about why their friendship is so special? Dahil malapit sila sa pamilya ng bawat isa.

Tumingin sa kaniya ang kaibigan.

"I have something to tell you",anito without Hi or Hello.

"Akyat muna ako sa kwarto para makapagpalit ng damit",paalam ng ama.

Lumapit sa kanya ang kaibigan at nagulat siya sa bigla nitong pagyakap sa kaniya.

"Ang saya - saya ko ngayong araw na to Toni".

Kumalas siya sa yakap nito.

"Good for you. Close agad kayo ni Bea, to the point na benalewala mo na ako",di niya mapigilang manumbat rito.

"Nagseselos ka ba?",nakangiting tanong nito.

Mas lalong nainis ang dalagita. Paano nito magawang maging masaya dahil nagseselos siya.

"Oo,nagseselos ako",pag-amin niya.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti nito sa narinig.

"Can you tell me why?",tanong nito.

"Dahil ayokong mawala ka".

Niyakap na naman siya nito, at biglang naramdaman ng dalagita ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.

"I'm glad to hear that Toni. Hindi naman ako mawawala eh. I will always be with you."

Kumalas uli siya rito at binigyan ng konting distansya ang sarili mula rito.

"No Alex, i'm starting lossing you kahit unang araw palang na magkasama kayo ni Bea. Paano pa bukas,makalawa? Makikilala mo pa ba ako kapag naging kayo na?"

"Bakit ka ba kasi nagseselos sa kaniya?",tanong rin nito uli.

"Coz you are my bestfriend Alex. May kahati na ako sa atensyon mo".

Napansin niya ang unti-unting paglaho ng ngiti nito.

"You were jealous kasi may kahati ka sa atensyon ko? Walang ibang dahilan?"

"Ofcourse wala nang ibang dahilan",pagsisinungaling niya.

Paano niya aaminin rito na may ibang dahilan ng pagseselos niya kung maging siya ay hindi segurado kung ano nga ba talaga ang totoong dahilan?

"Wala kang dapat ipag-alala Toni, i will always be your bestfriend. Iba naman si Bea eh, hindi siya magiging bestfriend ko katulad mo",anito.

She should be happy sa narinig pero hindi. Dahil alam agad niya na may karugtong pa ang mga sinabi nito.

"If ever na magkasyota ako, i think si Bea na yun".

And it hurts like hell.