"Hindi ko nga siya kilala!" paulit-ulit nang sabi ng bata sa lalaking nasa kaniyang harapan. "Paulit-ulit ka ba?" Naiinis na ito.
Hindi pa siya makaalis sa pagkakatali sa kaniyang kaniyang kamay at paa. Tapos, kanina pa itong tanong nang tanong sa kaniya.
"Hindi ko alam kung sino nga yang tinutukoy mo! Kaya pwede ba, patakasin mo na ako," nagmamakaawang sabi nito.
"Kaawaan mo naman ang musmos na katulad ko," pumupungay-pungay pa ang mata nito.
Nagising na lamang kasi siya na ganito ang kaniyang sitwasyon. Hindi pa niya kilala ang lalaking nasa kaniyang harapan. Nagsasalita pa ito na parang bata. Hindi niya alam kung bulol ba ito o ganun talaga siya manalita.
Sumulyap siya rito.
Hindi na naman ito bata.
Makisig ang kaniyang pangangatawan. Moreno ito; maganda ang hubog ng mukha; matangos ang ilong; maganda ang hawi ng buhok nitong medyo kulot at itim na itim; may mga bigote at balbas ito ngunit, bagay na bagay naman sa kaniya; at lalong mas nagpaganda ng kaniyang mukha ay ang kulay asul na mata nito.
"Keyna. San. Siya. Makikita?" pag-uulit na naman nito ng hindi na niya malaman kung ilang beses na nitong tinanong.
Napabuga na ang bata. "Hindi mo ba ako naiintindihan? Hindi ko nga siya kilala, e." At hindi naman talaga niya kilala ang tinutukoy nito.
Nakita nito na biglang lumungkot ang mukha nitong kanina ay masigasig.
"Kaya pwede po ba, tanggalin mo na itong mga tali sa kamay at paa ko?" Kailangan na niyang bumalik sa kanilang bahay. Kailangan pa niyang mangisda at magtinda sa palengke.
Nagulat na lamang ang bata nang ginawa naman ng lalaki ang sinabi niya. Tapos, umupo lamang ito sa isang tabi na tila hinahayaan na siyang makatakas.
Masayang-masaya ang bata na natanggal ang mga tali sa kaniyang kamay at paa. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Tumakbo na ito palabas ng maliit na kubo.
Naiwan naman doon ang lalaki na nakahalumbaba. Saan kaya niya hahanapin si Keyna?
Maya-maya pa, bumukas muli ang pinto ng maliit na kubo at niluwal nito ang bata. Kakamot-kamot na pumasok ito, "Ito pala ang bahay ko," sabi nito.
Kagat ang kaniyang labi, umupo ito sa harap ng lalaki.
Ilang minutong katahimikan ang sumaklob sa pagitan nila.
Ngunit, hindi na nagatubili pa ang bata na makipag-usap sa lalaki. Naaalala niya kung anong nangyari sa kanila ng kaniyang tatay sa tabing-dagat kagabi.
"Thadeus. Thadeus ang pangalan ko," pakilala ng bata. "I-ikaw yung nagpataob nung sinasakyang bangka namin ni Tatay diba?" Ayon sa kaniyang pagkaka-alala. "Pa-paano mo nagawa iyon? M-may kapangyarihan ka ba?" Maingat niyang tanong.
Tumingin sa kaniya ang lalaki.
Kitang kita niya ang asul nitong mga mata na animo'y kulay ng dagat.
"Kaerius," sabi nito.
Nakunot ang noo ng bata. Pero tila naintindihan niya ang nais nitong sabihin. "Pangalan mo yun? Kaerius?"
Tumango ito sa pag-sagot.
Biglang, nagulat na lamang si Thadeus nang maramdaman niyang umangat siya. Nanlaki ang mga mata nito dahil sa ginawa ni Kaerius, tapos dahan-dahan siyang binaba.
"Wow!" namamanghang sabi ni Thadeus. "May kapangayarihan ka!"
Napangiti lamang si Kaerius.
Nilahad ni Kaerius ang kaniyang kamay para makipag-kamay dito. Natawa naman si Thadeus sa ginawa ni Kaerius, pero kinamayan niya ito.
"Sino ba si Keyna? Nobya mo ba siya? Tyaka bakit hinahanap mo siya? Nagkahiwalay ba kayo?" sunod-sunod niyang tanong sa lalaki.
Nakunot ni Kaerius ang kaniyang noo. Ang bilis nitong mag-salita.
"Sige, mukhang hindi mo ako naiintindihan. Dadahan-dahanin ko. Okay ba yun?"
Tumango lamang si Kaerius.
"Sino si Keyna?" dahan-dahan niyang tanong dito.
Sumagot si Kaerius, "Kalahating-puso. ko."
Thadeus makes face. "Kalahati ng puso mo?"
Tumango si Kaerius.
"Ibig mong sabihin, ah. Kabiyak mo?"
"Kabiyak?"
"Oo, parang nobya mo siya. Ganun?"
"Nobya?" tila hindi nito maintindihan ang tinutukoy ng bata.
Napakamot sa kaniyang ulo si Thadeus. Hindi sila magkakaintindihan nito.
"Parang ganito, ah. Ikaw at ako, may sumpaan na tayo hanggang sa huli," pagpapaliwanag niya. "Nasayo ang puso ko, ang puso mo ay na sa akin. Kaya ang tawag doon ay kabiyak." Hindi niya alam kung tama ba ang paliwanag niya.
Bata pa siya para doon.
"Hindi," sagot ni Kaerius na tila nakukuha na ang sinasabi ni Thadeus. "Ikaw," tinuro nito si Thadeus. "At ako." Tinuro ang kaniyang sarili. "Kaibigan."
Napabuga ng malalim si Thadeus. "Suko na ako!" Tinaas pa nito ang kamay.
Paano ba sila magkakaintindihang dalawa?
"Keyna. at. Kaerius. sumpaan." biglang sabi ni Kaerius habang malalim ang iniisip ni Thadeus kung paano niya mapapaliwanag ang "KABIYAK".
Napaisip si Thadeus. "Ah. May sumpaan kayo ni Keyna?"
Tumango ito.
"Kaya hinahanap mo siya?"
Tumango itong muli.
"May kapangyarihan ka naman diba? Bakit ayaw mong gamitin iyon?" Naisip niya iyon kanina pa. May kapangyarihan naman siya, maari niyang magamit yon para mahanap si Keyna. Hindi na siya para pahirapan ang kaniyang sarili na galugadin ang buong Lake Side. Malawak at malaki ang lugar na ito. Nasa dulong bahagi na sila ng Lake Side.
Katahimikan ang pumagitna sa kanilang dalawa. Pero, nabasag din dahil sa sinabi ni Kaerius.
"Iba't-iba. Kakayanan," tanging sinabi ni Kaerius.
Kunware naintindihan nalang ni Thadeus ang sinasabi ni Kaerius kaya winalang bahala na lang niya ito. "Sige, tutulungan nalang kitang hanapin si Keyna."
Tila biglang lumiwanag ang mukha ni Kaerius dahil sa sinabi niya.
"Pero bago yun, kailangan muna nating mangisda. Tapos ibebenta natin sa talipapa, tapos pupunta tayo sa siyudad. Doon natin hahanapin si Keyna," sabi niya dito.
"Sige." Kahit hindi naman niya naintindihan sa bilis nitong mag-salita.
Tinuloy na nga nila ang kanilang plano at dumiretso na sa dagat. Habang sila'y lumalakad...
"Bakit ganiyan ka mag-salita? Para kang batang bulol," tanong ni Thadeus. Buti na lang naiintindihan niya ito kahit papano. Dahil yung kapitbahay nila ganun din mag-salita e. Limang taong gulang naman iyon.
"Sumpa," sagot ni Kaerius. "Sumpa. Masamang..." Siren. Sasabihin na sana niya ang kasunod, kaso hindi pa alam ng bata ang tunay niyang pagka-tao. "Masamang sumpa," dugsong nalang niya.
"Ganun ba? Kaya siguro may kapangyarihan ka din dahil sa sumpa na iyon," untag ni Thadeus.
Tumango na lamang si Kaerius at tinuon ang sarili sa paglalakad.
Nang makarating sila sa tabing-dagat. Minungkahi ni Thadeus na gamitin na lamang ni Kaerius ang kaniyang kapangyarihan para mabilis silang makakuha ng isda. Nung umpisa ayaw pa ni Kaerius dahil lamang dagat daw yun, hindi pagkain (pero pagkain naman ng mga Siren). Ngunit, pinaliwanag ni Thadeus kung anong kahalagahan ng mga isda sa tao. Kaya, napapayag niya si Kaerius at balde baldeng isda ang nakuha nila.
Matapos non, dumiretso na sila sa talipapa para itinda ito.
Hindi maiwasang mapatingin ng mga tao sa Talipapa nang makarating sila doon. Animo'y may isang artistang dumating dahil sa lakas ng dating ni Kaerius – nagbubuhat lamang siya ng balde sa lagay na iyon.
"Mabilis tayong matatapos nito," bubulong na ani ni Thadeus.
Nilapag na nila ang dala nilang balde. "Kaerius," tawag niya dito.
Kinumpasan niya ito na lumapit sa kaniya, at ginawa naman ito ni Kaerius.
Bumulong ito, "Ganito lang ng sasabihin mo, Isda. Isda po kayo. Yun lang at wala ng iba."
"Mm-hmm." Tumayo ito nang tuwid at sumigaw. "Isda! Isda po kayo! Isda! Isda po kayo!"
Maya-maya pa, nagdagsaan na ang mga mamimili - mga babaeng mamimili.
"Isda! Isda po kayo!"
Halos kalahating oras lamang naibenta nila Thadeus at Kaerius ang lahat ng isda. Matapos non, umalis din sila agad dahil maraming nakatingin silang ibang tindera/o.
Halos ginabi na rin sila bago nakauwi dahil sa mga babaeng hinahabol sila saan sila mag-punta. Bago pa nila ito natakasan ay gumamit pa si Kaerius ng kapangyarihan.
"5,300," masayang untag ni Thadeus matapos niyang bilangin lahat ng kanilang benta. "Makakarating na tayo sa siyudad nito Kaerius. Makakabili pa tayo ng damit at pagkain."
"Keyna. Makikita?"
"Oo naman! Makikita mo na siya. Kaya, magpahinga kana! Bukas ng maga, aalis na tayo!"
"Salamat."
Makulit na ngumiti si Thadeus. Lumabas pa ang dimples nito. "Walang anu man, Kaerius. Niligtas mo naman ako e."
Tatango-tango lamang si Kaerius.
Humiga na sila at nagpahinga. Bukas, sisimulan na nila ang bagong pakikibaka.