webnovel

Allysabeth's Loviary #1

To: Zevin Allearda

Hi Crush. Waaah! Classmate na kita. Ambait talaga ni lord sa akin tinupad na naman hiling ko. Paano ba 'yan makakasama na kita, lagi na kitang makikita, pwede na kitang mahawakan crush! Waaaaaaaah hindi ko ma-explain damdamin ko right now basta-basta kinikilig ako! Soon crush, magiging girlfriend mo rin ako.

Your future girlfriend,

Allysabeth Ramsey-Allearda

-------------------------

"Nahanap mo na section mo?" tanong ni Xyra na former classmate ko na ngayon.

"Hindi pa eh. Ikaw?" Pabalik kong tanong sa kaniya.

"Nahanap ko na. Sige aalis na ako baka kasi pumunta na sila sa may room. Ingat ka," sabi niya at saka umalis na 'to para puntahan 'yung section line nila. Nasaan na kasi line ng Quezon baka lumipad na papuntang mars.

Nang makakita ako ng isang teacher lumapit ako dito at nagtanong. "Ma'am saan po ba line ng section Quezon?"

"Section ko ba? Sunod ka na lang sa akin, pinapunta ko na kasi sila sa may room doon na rin 'yung punta ko ngayon." Ngiting sabi ng bago kong teacher ko. Tumango ako at sumunod na sa kaniya.

Nakarating na kami sa may tapat ng room at pumasok na. Nakita ko 'yung mga bago kong kaklase na nakatingin sa akin at sinusuri ang mga galaw ko hanggang sa may kumakaway at sumigaw ng pangalan ko. "Dito Ally!"

Tumingin ako at nakita ang bestfriend ko na nakangiti. Nice ayaw talaga kaming paghiwalayin hahaha. Lumapit ako dito at na-upo sa tabi niya.

"Alam mo bang---" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nang magsalita na 'yung adviser namin.

"Class Quiet! Ako nga pala 'yung bago niyong adviser. I'm Ms. Danreya Agliabo, 25 years old. Ang ituturo ko sa inyo about History. So pwede na ako mag-start mag attendance?"

"Wait ma'am! Sorry i'm late!" Sabay yuko nito sa teacher namin.

"Sige pasok ka na." Pagpapapasok nito sa may kaklase namin na pamilyar ang boses at mukha.

"Tutal ikaw ang late, magpakilala ka muna sa harap bago ka ma-upo," sabi ni ma'am Agliabo.

Napabuntong hininga ito at pinakita ang mukha nito sa amin. What the fck? Crush?!!

"I'm Zevin Allearda. Nice to meet you all." Pagpapakilala niya at naghanap ito nang bakanteng mauupuan.

Hanggang sa maglandas ang aming mga mata at ngumiti ito sa akin. Nagsimula na siya maglakad papalapit sa akin dahilan mas lalo akong kinabahan, pawisan at lumakas ang pagtibok ng puso ko. Shet bakit ka ganiyan Zevin!

---------------

-hakdog