webnovel

Uncertain Feelings

  Xycie Avon Gomez had a crush with a guy in their neighborhood during her high school days. She’s a sucker of “First love never dies”, so, she believes that he’s already the one.      College na nang makilala niya si Pier Nicholas Lazaro, magkaklase sila sa ilang subjects. They became friends, and he became her instant tutor in Math subjects. Despite of being uncertain about her feelings towards him, they still got closer and got to know each other better. But her first love came back and started to woo her again.      Will she still hold on to her first love or is she going to follow what her heart desires?  

jadeatienza · Urban
Zu wenig Bewertungen
7 Chs

Classmate

Chapter 2

Classmate

 

"SA SEMBREAK, magbakasyon ka sa 'min. Nakaka-relax doon," yaya kay Xycie ni Flare. May farm kasi ang pamilya nito at may mga kabayo rin silang pwedeng sakyan kapag mamamasyal.Kilala ang pamilya Sanchez, ang pamilya ni Flare, sa lugar nila dahil maykaya at matulungin ang mga nuno nito.

     "Nakaka-excite naman!" bulalas niya. Masayang-masaya siya dahil kahit kasisimula pa lamang ng klase ay alam na niyang hindi siya mabo-bored gaya ng naramdaman niya noong high school siya.

      For weeks, lagi na silang magkasama ni Flare. And she always met the boys sa tuwing oras na ng klase kung saan kaklase niya ang mga ito.

     Martes. Nakabusangot si Xycie dahil hindi niya makakasama si Flare. Wala pa naman siyang kaibigan bukod dito. May mangilan-ngilan siyang nakakausap ngunit hindi tulad nang kapag kasama niya ang bagong kaibigan.

P.E. Class na niya at required na silang magsuot ng uniform. Nagpalit siya ng damit sa locker room. Hindi siya komportable dahil mas hapit ang dibdib niya sa size ng kaniyang t-shirt. She's wearing foamless bra pa naman. Ano now,she felt that she's bare. May kalakihan ang dibdib niya kaya kahit medyo maluwang naman ang size ng shirt ay masikip pa rin iyon sa bandang dibdib.

     Nasa open field sila. They'd run today and they needed to do stretching first. By partner ang stretching at dahil wala siyang partner ay nagsolo na lang siya. Nagsimula na siyang mag-streching.

     "New student po, Sir."

     Natigil siya sa sa pag-abot sa kanyang paa; nakayuko siya. Unti-unting napatingin ng diretso sa pwesto ng kanilang P.E. instructor at bagong dating na eatudyante. "Pier," bulong niya. Tila narinig siya nito kaya napalingon ito sa kanya't kumaway naman kaagad siya.

     Pagkuwa'y nagpatuloy siya sa pag-i-stretching. Gayunpama'y nakikinig pa rin siya sa usapan.

     "Bakit ngayon ka lang? Late enrollee?" the instructor asked.

     "No, Sir. There's a conflict in my schedule," paliwanag ni Pier nang hindi inaalis ang mga titig sa kanya.

     "Oh, I see. Okay, you're classmates are stretching. Mag-stretching ka na rin. We'll do ten laps right after."

     Napatuwid siya ng tayo nang mamalayang papalapit ito sa kanya. "H-hi,"

     "What are you wearing?" He looked so pissed off.

     Nanlaki ang mga mata niya at wala sa sariling napayuko. Halata bang manipis ang foam ng bra niya? And he's too straightforward and that made her blush out of embarrassment. 

     "Sit-ups! Do thirty!" utos ng kanilang instructor. Nitalag niya ang mat at nahiga roon.

     "Xycie, stand up!" madilim na utos ni Pier.

     "I will. After thirty sit-ups."

     Mahinang napamura ito bago lumuhod sa may paanan niya. "Ako na muna ang magsi-sit ups," anito.

     "Ako na. Nakapwesto na ako, eh," katwiran niya. Nagtagis ang bagang nito bago pinirmi ang magkabilang braso nito sakaniyang binti sa para masuportahan siya.

     Nagsimula na siya. Mabilis siyang napagod dahil hindi naman talaga siya nag-e-ehersisyo.

     Hindi inalis ni Pier ang mga titig nito sa kanya.

     "Eighteen... Nineteen... Twenty..." Natigil siya saglit dahil hinihingal na talaga siya. Hinayaan niyang mahiga ang sarili habang hinahabol ang paghinga. Napapikit pa siya para pakalmahin ang sarili. Sampu na lang, Xycie, She chanted silently.

     Pagmulat niya ay sumalubong sa kanya ang kakaibang titig ni Pier sa kanya. Napalunok siya at na-conscious bigla sa itsura. Pawis na pawis, magulo na rin ang pagkakapusod ng buhok at pulang-pula na ang kanyang mukha. Napaupo siya at naumpog ang kanilang mga sentido. Napahiyaw siya sa sakit.

     "O, ano'ng nangyari?" si Mr. Joe, ang kanilang coach.

     "Wala po, coach. Masama lang po ang pakiramdam ko," dahilan niya.

     "Lazaro, right?" baling ni coach kay Pier. Tumango ang huli. "Samahan mo siya papuntang clinic," utos ni Coach.

     Tumayo si Pier at nilahad ang kamay sa kanya para tumayo na rin siya. Wala sa sariling nagpagiya siya rito. Halos makuryente siya nang magdainti ang kanilang mga palad. At ni minsan ay hindi niya iyon naramdaman sa first love niya.

     "Sorry sa istorbo. Dapat nasa klase ka ngayon," basag niya sa katahimikan habang naglalakad sila patungong clinic.

     "I'm sorry if I offended you about your shirt," mababang tinig nito nang huminto sila sa paglalakad. Hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. Hinihingal na rin siya dahil lakad-takbo ang ginawa nila kanina.

     "Hindi, ah. Sanay naman na ako," balewalang sagot niya. Kumunot ang noo nito.

     "Sanay na ano?"

     "Na mabati ang biyayang pinagkaloob sa 'kin." Pinilit niyang idaan sa biro.

     He cruelly sighed, "Just wear something underneath your shirt next time. Your bra is showing through," hindi makatinging untag nito. Bakit parang ang daming alam ng binata sa bra? She wondered, how many bra did he unhook already? Namula siya at napayuko sa dibdib. Hindi naman nakabakat ang kahit ano, hindi rin kita ang kulay, sadyang hapit lang sa suot ng damit kaya kita ang hubog ng mga iyon. O baka nga nakikita ang bra niya ngayon sa suot na t-shirt? If she's not mistaken, she wore a bright red one.

     "Naiilang na ako kasi naiilang ka," amin niya.

     "I'm sorry." Apologetic itong tumingin sa kanya.

     Ngumuso siya. "Let's go to the clinic?" 

     Tumango ito at iginiya siyang muli. Mas bumagal ang paglalakad nila ngayon at hindi na nito tinangggal ang pagsiklop ng kanilang mga palad.

     Pinainom siya ng paracetamol sa clinic nang matingnan ang temperatura niya. May sinat na pala siya ngunit hindi man lang niya namalayan iyon.

     "I'll go to my next class, Pier," paalam niya sa binata.

     "You better go home and have some rest, Xy," pag-aalala nito.

     "I'm fine, sinat lang 'to."

     "Sinat pa lang. Paano kung lagnatin ka? Umuwi ka na. Ihahatid kita."

     "No, seriously, I am okay. Halos kauumpisa pa lang ng sem, a-absent na ba agad ako?" she reasoned out.

     "You have a reason. I'll just tell to the instructors that you have a fever," pilit nito.

     Umiling siya. "Papasok ako."

     He sighed in defeat. "Let's go,"

     "Wala ka bang klase?"

     "Mayroon," tipid na sagot nito.

     "Baka ma-late ka, pumasok ka na."

     "Sabay na tayo."

     Hindi na siya nakipagtalo pa. Mukhang hindi rin naman papayag ang lalaki na iwan siya.

     Halos magkasabay lamang silang dumating ng kanyang prof. Nang makaupo ito sa pwesto nito ay nagtaka siya nang tunayo si Pier at may binigay na classcard.

     "Bakit ngayon ka lang pumasok?" tanong ng prof.

     Again, he answered, "Nagka-conflict po sa sched ko. Pinapalitan po."

     Natulala siya at pagkuwa'y napangiti. At least she wouldn't get bored during Tuesdays and Thursdays, too. May makakausap na siya. She's so excited to be with Pier Nicholas on their classes!