webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Teenager
Zu wenig Bewertungen
69 Chs

Tulong (5)

Napasandal ako. Hindi ko alam ang isasagot. Kahit sinabi niyang maganda ako, hindi papuri ang dating sa akin dahil parang may ibang kahulugan ang sinabi niya o masyado lang ako mag-isip. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at ibinalik ko na uli sa stage hanggang sa humarang na siya sa harap ko. Naupo siya doon sa armrest ng upuan sa harap ko.

"I didn't mean anything about what I said. You still look beautiful. You're always beautiful to me."

Sino ba man ang hindi magugulat? Nataranta ako. Naghalo ang nararamdaman ko. May isang bahagi ng sarili ko na gustong magsisigaw ng anong pinakain niyo kay Keith at bakit ganito 'to kalambing at mayroon namang manghang mangha kay Keith at sa sarili ko. Pero syempre hindi nawala ang rasyonal kong pag-iisip. This is the Keith that I fell for before, confident and gentle.

Napangiti na lang ako ng hindi ko namamalayan. I was recalling the days we used to hang out. Pero hindi din nagtagal, napawi din ito nang sinabi niya. "Mukhang dapat pala hindi ko na lang sinabi sayo. I shouldn't have let you go."

He looked at me straight in the eyes. "I should have tried harder to make you really fall in love with me when you were still mine."

Ngumiti siya tapos tumungo siya. Ang dalawang kamay niya ay nakapatong sa hita niya at parang kaming dalawa lang tao sa loob ng auditorium. Hindi ko na naririnig ang mga tawanan nina Stan sa stage. Hinawakan ko ang kamay niya at ibinuka ko ang bibig ko para sabihing 'alam mo bang minahal talaga kita' pero isinarado ko ulit bago pa man may lumabas na tunog.

"Alam ko," wika niya. Nagtaka tuloy ako kung nasabi ko ba ng malakas yung nasa isip ko. He squeezed back my hand. "Hindi ko lang pinaniwalaan ang nararamdaman mo para sa akin noon kasi alam kong pangalawa lang ako."

Tumunghay siya at tiningnan ako. Hindi na ganoong kalungkot ang mukha niya, hindi katulad ng kanina. "Alam ko namang si Stan lang nakikita ng mga mata mong yan. You were just fascinated at me because I was the first guy that came into the picture."

Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin pero biglang gumaan ang mood na namamagitan sa aming dalawa. Tinanong niya ako tungkol kay Stan habang magkahawak pa din kami ng kamay. Pagkatapos kong sabihin sa kanya yung nangyari sa amin ni Stan noong gabi ng kaarawan ko, binitawan niya ang kamay ko at pinaisod niya ako. Naupo siya sa tabi ko.

"So wala kang gagawin? Hahayaan mo na lang mapunta sa iba?" tanong niya.

"Maghihiwalay din yan," sagot ko sa kanya. Parehas kaming nakatingin sa stage pero wala talaga ang atensyon namin doon.

"Paano kung hindi?" tanong pa ulit niya. Napatingin ako sa kanya ng saglit at kinabahan ako ng konti.

I clasped my hands. "Mas mawawala siya sa akin kapag sinabi ko sa kanya ang totoo. Hanggang best friend lang ako, nilinaw na niya sa akin yun at mas okay na ang ganito kesa mawala siya sa buhay ko."

Tiningnan niya ako na parang nagsasabi ng kita mo na, ganoon mo siya kamahal, hindi man lang ako kompetensya saka niya sinabing, "Don't, Risa. You'll regret it. Anong gagawin mo? Habang buhay na nakadikit sa kanya pero hanggang doon lang? Don't let the chance slip away. Just look at me. I missed my chance."

"But I'll ruin our friendship then I'll lose him."

Ibinalik niya ang tingin sa stage. "But it's already ruined. You already fell for him."

"Snow White, tingnan mo 'tong stepmother mo, inaagaw na si Prince Charming mo!" narinig kong sigaw na may galing sa stage. Si Dan siguro yun. Medyo napangiti ako pero nasa isip ko pa din yung sinabi ni Keith.

Tumayo na siya at nag-aakmang pumunta na ng stage pero bago siya umalis, tinanong ko muna kung paano niya nalaman.

Ito lang ang sinagot niya. "Yung totoo, Risa, sa tingin mo ba hindi ko alam kung anong mangyayari noong sinabi ko sayo yun. I was just betting with myself if you will still pick me or not. I guess I lost."

Pagdating namin sa stage, hindi naiwasan na may nang-asar. May nagtanong pa nga kung kami na daw ba ulit. Tinawanan lang ni Keith at sinagot niya ng, "I wish."

Thanks for reading! As usual, I'm promoting my other book, Ugly Little Feelings. It's featured in the NEW Block in the Web Novel app under the Promising Originals. So do check it out.

Twitter: @wickedwinter3

Like my writing? Buy me a coffee or tea :) at: ko-fi.com/wickedwinter

wickedwintercreators' thoughts