webnovel

Trying Again (Tagalog)

Nabigo ka na ba sa pag-ibig? Nawalan ng pag-asa magmahal muli? Hindi madaling umibig muli lalo na pag nasaktan ng sobra. Andyan ang takot na baka masaktan lamang muli pero hindi nito matatalo ang saya na mararamdaman sa muling pag-ibig. Subaybayan ang muling pagsubok ni Risa sa pag-ibig na muli niyang nakita kay Lance na kamukha ng dati niyang kasintahan na umiibig naman sa kanyang ate na si Liza o makikita niya ito sa iba. Photo by Artem Kim on Unsplash

wickedwinter · Teenager
Zu wenig Bewertungen
69 Chs

Chocolate Silvanas (1)

"Aray!" napasigaw bigla si Stan at lahat napatingin sa kanya. Lahat sila napalingon at nag-aabang. Kinurot ko kasi siya sa may braso niya.

Pero hindi nagtagal, umubo siya ng konti saka ngumiti ng konti. "Ang ibig sabihin ko po ay reyna. Bagay po kay Risa ang maging reyna at stepmother ni Snow White."

Mukhang wala siyang balak bawiin yung suggestion niya kaya kinurot ko uli siya ng pino. Nakita kong medyo napangibit siya pero nagpatuloy pa din si Stan. Hinawakan lang niya yung kamay ko para pigilan ako.

"I'm sure Risa will nail it."

Pagkaupo niya sa tabi ko, hinampas ko siya ng malakas sa braso pero nginitian lang niya ako. "Stanley, anong kalokohan na naman yang ginawa mo?" reklamo ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot, nakangiti pa din siya at ang mas nakakainis pa ay nakipag-appear siya kay Keith at Lance na nasa unahan niya. Tumayo ako para bawiin yung nomination ni Stan dahil wala naman sa plano ko yun. Pero bago pa naman ako makapagsalita, hinigit ako ni Stan. Napaupo uli ako sa upuan ko.

"Hindi ka na makakatakas, Risa," sabi ni Stan habang umiiling. Mas lalo pang lumaki ang ngiti sa kanyang labi.

Sinubukan ko uli tumayo pero hinawakan ako ni Dan na nasa kanan ko. Yung ngiti niya ay kaparehas ng kay Stan. Doon ko napagtanto na planado ang lahat. Hindi na ako makakatakas. Wala na lahat ang plano ko. Wala akong nagawa kundi tumungo na lang at pakinggan ang tawa ni Stan.

"Hindi naman tama na kami lang ang mahihirapan," narinig kong sabi ng best friend ko.

Kahit gusto kong suntukin sa pagmumukha niya si Stan, hindi ko nagawa. Sumandal na lang ako sa upuan ko at tinanggap ang masaklap kong kapalaran. Bago pa matapos ang bilangan ng boto, alam kong ako na yung magiging stepmother ni Snow White. Syempre, naiwan lahat ng casts. Nakaupo kami ngayon sa harapan. Nasa may dulo ako sa gitna at nasa tabi ko si Aya.

"Risa," tawag sa akin ni Aya, "At least hindi ganun kadami ang lines mo."

Hindi ko pinansin si Aya. Nakasimangot pa din ako. Pinagkaisahan nila ako. Hindi naman ako galit na galit sa kanila. Medyo tampo lang pero hindi na nila kailangan malaman yun.

"Si Mia Lopez ang magiging script writer slash director natin," sabi ni Mr. President.

Tumayo si Mia at pumunta sa unahan at tumabi dun sa president. Kahit wala sa itsura ni Mia dahil parang mahiyain siya, hilig niya ang mga plays. Hindi na ako nagtaka na siya ang napili.

"Dahil wala pang script, bukas magsisimula ang practice," paliwanag uli niya, "May practice tayo ng lunch at pagkatapos ng class hours. Sa music room ng third floor ang magiging practice area natin."

"Pwede na kayong umuwi pagkatapos niyong mag-sign dito," itinaas niya yung papel na hawak niya, "Magtetext na lang kami pag may pagbabago pa. May tanong pa ba kayo?"

Nagtaas ako ng kamay, "Pwede bang hindi umattend ng after class practice?"

Nagulat ako ng napatayo bigla si Stan sa upuan niya. Nasa kabila kasi siya.

"Mari Alyssa Reyes!" sigaw niya.

Medyo napatawa tuloy ako. Mas OA pa mag-react si Stan kesa dun sa bagong president namin. Ako naman ang nakangiti ngayon. Tumayo ako para magpaliwanag. "May piano lessons kasi ako."

"Hindi naman araw araw yun ah," kontra ni Stan.

Tiningnan ko siya, "Araw araw na simula ngayon. Late na nga ako."

Totoo naman yung sinabi ko. Late na ako pero nagtext naman ako kay Ms. Martha kaya okay lang. Nilapitan na ako ng best friend ko na medyo mukhang galit na pero nginitian ko lang siya. Bago pa man makapagsalita si Stan, naunahan na siya ni Mr. President, "Risa, sa labas na lang natin pag-usapan. Para alam din ni Ma'am Rodriguez."

Lumapit ako sa kay Jesse, yung bagong president. Bago kami tuluyan lumabas dumila ako kay Stan. Natanong ako ni Jesse tungkol sa piano lessons ko at syempre sinabi ko yung totoo. Hindi ko pa naging classmate si Jesse kaya tahimik kami all the way sa faculty room. Si Ma'am Rodriguez ang in-charge sa program na 'to.

"Ma'am, two weeks lang naman po," paliwanag ko sa kanya, "Pero mas okay po siguro kung iba na lang ang gaganap."

Ito na lang ang chance ko para makaalis sa play na 'to. Nakaupo si Ma'am Rodriguez sa harap ng table niya at nasa kaliwa ko naman si Jesse. Sabi kasi ni Jesse, kailangan ko daw muna magpaalam.

"Ms. Reyes, by the end of two weeks, wala na masyadong practice dahil malapit na ang exams," sagot ni Ma'am Rodriguez. Tumingin siya kay Jesse, "Possible pa naman magre-cast diba?"

"Opo—"

Napatigil si Jesse ng biglang nagbukas ang faculty room at pumasok si Stan. Dire-diretso siya sa amin. "Ma'am, possible din po na ma-adjust ang piano lessons ni Risa."

Tiningnan ko si Stan at medyo napabuka ng konti ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Nginitian lang niya ako.

"At tsaka, hindi naman po main role ang kay Risa. Hindi na po kailan magre-cast," dagdag pa niya.

"Sigurado ka ba dyan, Mr. Ramirez?" tanong ni Ma'am Rodriguez sa kanya.

"Opo, ma'am," sagot kaagad ni Stan.

"Sige. I trust you Mr. Ramirez," sabi ni Ma'am Rodgriguez.

Napalaki naman ang mata ko. Bakit pumayag agad siya? Nagsalita ako para magprotesta pero naunahan ako ni Stan, "Opo, ma'am. Ako po ang bahala."

"Pero—"

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, nahila na ako ni Stan palabas ng faculty room. Inakbayan niya ako, "Told ya. Hindi ka na makakatakas, Risa."