webnovel

Trapped in 17th Century

Isang madaldal at happy go lucky na babae si Anya pero nagbago ito ng saktan at lokohin sya ng kanyang nobyo. Sa kagustuhang makalimot ay binago nya ang sarili at naging party goer. Paano kung isang araw magising na lang sya sa panahon na may namumunong Heneral na mapagmalupit at walang awa ang makilala nya. Sa panahong hindi nya alam ang buhay at pamamalakad ng mga tao. Paano nya matatanggap ang isang pangyayareng, she was Trapped in year 17th Century

xiiijanayn · Geschichte
Zu wenig Bewertungen
2 Chs

PROLOGUE

Anya Pov

A bunch of people everywhere with a smell of liquors and cigarettes. Tugtog doon, tugtog dito. Malalakas na tugtog at mga sigawan ang maririnig dito sa loob ng bar.

"Woahhhh!" I shouted while dancing with this man that I don't even know. I felt myself a little tipsy but still i can manage myself.

"You're so sexy baby" i heard him whisper into my ears.

"I know right" ganting saad ko sa kanya at kinindatan bago sya nginitian at ipinagpatuloy ang pagsayaw sa dance floor while holding a liquor in my hand.

Giling dito, giling doon. Talon dito, talon everywhere, I'm just enjoying my single life, masama ba? Everyone needs to enjoy their lives!

"You want to come with me?" Bulong nito sa akin kaya naman ay tinignan ko sya at tinaasan ng kilay at nginisihan sya bago tignan mula ulo hanggang paa.

Hindi kagwapuhan ang isang to at halata mong manyak dahil sa kinikilos nya.

"Na-ah" simpleng sagot ko at hinawi sya para lampasan ko at pumunta ng bar counter at wala sa sariling napairap nalang ako.

"Andito ako para magsaya hindi para lumandi" iritang saad ko at umupo agad sa isang highstool chair na nasa bar counter at walang kaingat ingat na nilapag ang iniinom kong alak.

Napansin naman ako ng bartender kaya naman ay binigyang pansin nya ako.

"What's your order maam?" Tanong nito sakin habang naghahalo ng alak sa harap ko at ngumiti ng matamis

"One margarita please" pumangalumbaba naman ako sa may counter matapos kong sabihin yon

"Right away maam" nakangiti nyang tugon sa akin at sinalin ang alak na pinaghalo nya sa isang wineglass at ibinigay sa katabi ko bago tumalikod sa akin para kumuha ng alak na gusto ko.

"Here's your drink maam" nakangiti na naman nyang turan sa akin

"Can you please, stop smiling" mataray na saad ko dito at kinuha na ang margarita at inisang lagok ito

Ramdam ko naman ang init na dumaloy sa aking lalamunan ng inumin ko ito ng diretso.

"One more please" agad naman nyang sinunod ang inutos ko at agad din namang bumalik para ibigay. Gaya ng ginawa ko kanina ay ininom ko na agad ito.

"Maam dahan dahan lang po" mahihimigan sa boses nya ang pag aalala kaya naman ay napairap nalang ako suminghal sa kanya

"Two more" hindi naman agad sya kumilos sa lugar nya kaya naman ay tinignan ko sya gamit ng aking walang emosyong mga mata. Kita sa kanya ang pag dadalawang isip kung susundin ba ako o hindi

"I said two more" diin na saad ko dito kaya naman ay wala na syang nagawa at kumuha na.

Agad naman nyang ipinatong ito sa aking harapan at kinuha ko naman ito at nilagok.

Hours had passed and i feel myself really really drunk. Ang mga mata ay ramdam kong pumupungay na at medyo nahihilo na din ako.

"O-one hik more" lasing na saad ko dito. Hindi ko na sya masyadong matitigan dahil sa medyo blurred na din ang paningin ko

"Maam lasing ka na po" ani bar tender sa akin

"Lashing? Hik shino lashing ha? Isha pa! Bilish" sigaw ko sa kanya kaya naman ay binigyan nya ako ng isa pa at agad ko naman itong kinuha sa kanya at inilagok agad. Napatungo naman ako sa table at di namalayang umiiyak na pala.

I let myself cry and cry until i can no longer cry anymore. Sa huling pagtulo ng luha ko ay sya ding tahimik ng paligid ko.

"Narinig ko ngang umiiyak yan eh"

"Dami ngang nainom na margarita"

"Gisingin mo na kaya"

"Ikaw na"

"Ano ba yan. Sige na nga"

Rinig kong bulungan sa paligid ko at ipinagsalawang bahala na lang ito at natulog pa

"Maam" naramdaman ko namang may yumuyugyog sa aking balikat kaya naman ay umungol ako ng mahina

"Maam?" Rinig ko pang tawag sa akin

"Maam?" Niyugyog akong muli nito ngunit sa pagkakataong ito ay medyo malakas na kaya naman ay nagising ako agad na hinarap ang lapastangang gumising sa akin

"Ano ba? Natutulog ang tao diba?!" Sigaw ko dito at napahawak naman ako sa aking ulo ng makaramdam ng sakit

"Maam. Magsasara na po kasi ang bar. Umaga na po" malumanay na saad nya sa akin at agad naman nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya

"A-ano? U-umaga na!" Sigaw kong muli dito at inikot ko ang aking paningin at napagtantong wala na ngang mga tao bukod sa mga empleyado ng bar na ito

"Shit" agad ko namang kinuha ang gamit ko at walang pasabi na umalis ng bar habang hawak ang nanakit na ulo ko.

Matinding sakit sa mata ang inabot ko ng matamaan ako ng araw pagkalabas ko sa bar. Isinawalang bahala ko nalang ito at kinuha ang cellphone ko.

Mas lalo akong napamura sa aking isipan ng makita ang ilang missed calls ng ate ko.

"Patay na! Lagot ako nito!" Turan ko habang nagmamadali na lumakad sa sakayan. Ngunit minamalas nga naman. Naramdaman kong maduduwal ako kaya naman ay gumilid ako at isinuka ang lahat ng ininom ko

Nakita ko naman ang mga tao na nakatingin sa akin habang nasuka ako. Nang wala na akong maisuka ay agad ko namang pinunasan ang labi ko at inayos ang sarili ko.

Bakit parang dumidilim ata? Tinignan ko naman ang langit at nakitang nagsasanib ang buwan at araw. May eclipse ba? Umalis na ako sa gilid at tinignan ang relos ko para malaman kung anong oras na ngunit laking pagtataka ko ng hindi nagalaw ito kaya naman ay tinuktok ko ng daliri ito para gumalaw ngunit ayaw padin.

Kinuha ko naman ang cellphone ko para tignan ito ngunit laking pagtataka ko din ng buksan ko ito pero nakatigil din ang oras at hindi ko ma unlocked. Naghang ba ang phone ko.

Napatingin ako sa paligid ko ng makitang hindi din nagalaw ang mga tao

"Nananaginip ba ako?" Turan ko sa sarili ko at muling tinignan ang relos at ang sa paligid ko. Ganon padin at walang pinagbago tinignan ko naman ang kalangitan ngunit tuloy padin ang eclipse na nangyayare hanggang sa nagsama na ang buwan at araw.

Nakaramdam naman ako ng hilo kung kaya't nabitawan ko ang cellphone ko at walang kaingat ingat na bumagsak sa semento and as i let my eyes closed, everything went black.

Amelia POV (1765)

Sa aking paglalakad dito sa gilid kasama ang aking kaibigan na si Nolan ay may napansin akong babaeng nakahiga sa may gilid ng lansangan.

"Nolan tignan mo, isang babae" turo ko sa isang babae at agad naman niya itong sinundan ng tingin

"Oo nga Amelia tara at puntahan natin" tumango naman ako agad at patakbong pinuntahan namin ang isang binibining walang malay. Ang kasuotan nya ay naiiba sa amin sapagkat masyadong kinulang sa tela ang kanyang suot.

"Wala siyang malay Amelia" ani Nolan habang pinagmamasdan ang binibini

"Gisingin mo bago pa may makakita sa atin dito" agad naman nyang sinunod ang sinabi ko at ko at kinalabit ang binibining walang malay.

"Binibini?" Panggigising nya dito ngunit ayaw magising ng binibini na ito. Nakarinig naman ako ng padyak ng kabayo na paprating sa aming pwesto kaya naman ay nilingon ko ito at napag alamang isa itong conselo

"Nolan buhatin mo na iyan dahil may papalapit sa ating isang conselo" tarantang ani ko sa kanya at walang pagdadalawang isip na binuhat ang binibini at agad naman kaming umalis sa lugar na iyon at nagtago panandalian sa isang eskinita

"Bakit ganito ang kasuotan nya?" dinig kong tanong nito sa akin

"Hindi ko din alam Nolan maski ang tela ng suot nya ay ibang uri din" ani ko at narinig na lumampas na sa amin ang kabayong sinasakyan ng isang conselo.

"Mabuti nalang at hindi tayo nakita. Panigurado ay kukunin nito ang binibining iyan." Saad ko dito at nakitang nakatitig sa babaeng kanyang hawak

"Anong gagawin natin sa kanya?" Nagtatakang ani nito sa akin at ibinaling ang paningin sa akin bago ibalik sa binibini

"Siguro ay dun nalang muna sya sa amin ni inang" pagsagot ko sa kanyang tanong at inaya na itong umalis sa eskinita upang makauwi na sa aming barong barong.

Hindi din nagtagal ay nakarating na din kami sa aming barong barong at ibinukas ko ang pinto at ipinauna si Nolan na may hawak sa binibini bago ako pumasok at isinara ang pinto.

"Inang" sigaw ko ng ako ay makapasok na ng tuluyan

"Amelia anak ko. Mabuti at nakauwi ka na. Sino ang binibini na iyan Nolan?" Makikita sa mukha ng aking inang ang pagtataka sa babaeng daladala ni Nolan ngayon

"Natagpuan po namin syang walang malay sa gilid ng lansangan inang" malumanay na saad ko dito at lumapit dito upang magmano

"Ilagay mo na muna ang binibini na iyan sa silid ni Amelia" ani inang

"Masusunod po inang Lourdes" bitbit ang dalaga ay umalis na din si Nolan sa aming harapan upang ihatid ang walang malay na binibini. Agad naman akong lumapit kay inang at inabot ang supot na may naglalamang pagkaen

"Bakit ganon ang kanyang kasuotan?" Pagtatakhang sambit ni inang. Maski ako ay hindi din alam ang isasagot dahil sa kanya palang ako nakakita ng ganong kasuotan

"Hindi ko din po mawari inang" nakita ko namang naglakad ang inang papunta sa kusina upang ilapag ang supot sa lamesa na naroon at umupo sa isa sa mga upuan.

Gayon din ang ginawa ko at tumabi kay inang. Hindi din nagtagal ay nakarating na din dito si Nolan sa amin ni inang

"Maayos mo ba siyang inihiga? Nolan" malumanay na pagtatanong ng inang

"Opo inang" nakangiti nitong saad at lumapit kay inang upang magmano

"Kataka taka ang babaeng iyon, mula sa kanyang pananamit at ganon na din sa mga kagamitan nyang dala" tila ignoranteng saad sa amin ng aking kaibigan.

Kung sino man siya ay marapat lang na makatanggap kami ng paliwanag galing sa kanya.

Nadinig ko naman ang buntong hininga ng aking inang kaya naman ay tinignan ko siya

"Bakit inang?" Pag aalala na tanong ko dito

"Mabuti nalang at kayo ang nakakita sa dalagang iyon. Papaano nalang kung conselo ang nakakita" may pag aalala na turan sa amin ng ina kaya naman ay nilapitan ko ito at hinawakan sa kanyang mga balikat

"Mabuti na nga lang inang at kami ang nakakita sa kanya" nakangiti kong saad dito

"Ano kaya ang kanyang ngalan?" Narinig kong bulong ng aking kaibigan sa aking tabi

"Malalaman natin yan kapag nagising na siya" babalik na sana ako sa dati kong pwesto para makaupo ng makarinig kami ng kalabog at ingay sa aking kwarto di naglaon ay isang matinis na sigaw

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!" Kay sakit sa tenga ng kanyang sigaw. Nagtatakha naman kaming tumayo at lalapit na sana sa silid kung saan ang binibini ay sumigaw ngunit ay di na namin ito nagawa ng bumungad sa siya sa amin

Laking gulat nya kaming tinignan at isa isa kung sinuri ngunit nagtagal ang paningin nya sa kaibigan kong si Nolan

"S-sino ka-kayo?!! At saka nasaan ako! Kinidnap nyo ba ako ha!" Takha at nababatid ang takot sa kanyang mga boses

"Kumalma ka binibini. Nakita ka namin ng kaibigan ko sa gilid ng lansangan ng walang malay" mahinahon na saad ko sa kanya kaya naman ay nilingon nya ako

"Saan ang lugar na ito at ako ay uuwi na" nagmamadali na usad nito sa amin hindi alintana ang suot nitong damit

"Ang lugar na ito ay ang bayan ng Emprelta, binibini" narinig kong saad sa kanya ni Nolan

"E-emprelta? Ano ang sinasabi mo? Ngayon ko lang narinig ang pangalan na iyan!" Naghihingalo na turan nya sa amin at kinalikot nya ang daladala nyang gamit na kanyang sinusukbit sa balikat.

May kinuha sya at para itong isang mahaba at manipis lang ngunit ay maliit. Ano ang hawak ng binibini na ito?

"Salamat sa tulong pero aalis na ako!" Walang paa- paalam ay umalis sya sa aming harapan at agad na lumabas sa aming barong barong

"Aalis sya ng ganon ang kasuotan?" Pagtatakhang tanong ni Nolan. Nagkibit balikat nalang ako at nilapitan ang Inang na may pag aalala sa kanyang mukha.

Saan ba nagmula ang babaeng iyon at hindi nya ba batid ang kasuotan ng mga kababaihan dito? Napakaiksi at kinulang sa tela ang suot nya samantalang ang kasuotan namin ay isang mahabang palda na pinarisan ng kamiseta.

"Kakaiba ang babaeng iyon" naiiling na saad ko sa aking sarili.