webnovel

To Capture a Flame

Si Rebel ay laking-kumbento at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para maging malaya. Si Bullet ay isang mersenaryo na inupahan upang sundan siya. Isang dalagang rebelde at isang lalaking matalas ang mga mata, saan magtatagpo ang dalawa? Rebel was free! She was done at playing dumb, submissive, and oh-so-obedient. When she turned twenty-one, she got her trust fund. She bought a yacht and planned on a world tour. Bullet was a mercenary who accepts money to hunt a fugitive. And he was commissioned to catch a fugitive lady, Rebel Tiangco. Her name alone said something about her—that she would fight him than let him capture her!

ecmendoza · Urban
Zu wenig Bewertungen
16 Chs

Chapter Sixteen

TUMATAKBO si Rebel. Ang mahabang buhok ay mistulang bandera habang nililipad ng hangin.

Huminto ang babae nang malapit na kay Bullet.

"Hi!" hingal nito. Bahagyang nakabuka ang mga labi. Nakangiti ang mga kislap sa mga mata.

"Hi…" Ganting-tugon ni Bullet. He was busily admiring her young beauty.

"Bakit bumaba na kayo? Gustong makilala ni Papa si Kapitan Ping at ang mga kasama mo."

"Babalik pa sila doon. Kukunin ang mga gamit. Binigyan lang kayo ng privacy."

"Ikaw? Hindi mo man lang ako kakausapin?" Humakbang si Rebel papalapit sa kanya.

"Kakausapin pa rin." He sighed. "To say goodbye."

"Bakit?"

"Aksidente lang nung magtagpo ang mga landas natin. Wala tayong puwang sa mundo ng isa't isa."

Umangat ang isang kamay niya. Hahaplusin sana ang isang pisngi ni Rebel ngunit ibinaba rin niya.

Alam niya, kapag hinipo niya ang mukha ng babae, ang kasunod niyon ay hahalikan niya ang mga labi.

Kapag nahagkan niya ang babae, hindi na siya makakahinto.

He would never be able to let her go.

But Rebel was an unusual woman. She stood on tiptoe. Her arms went around him.

And she kissed him on the mouth.

An open-mouthed kiss.

She poured all her longing and want and need for him.

"We're not from the same world, Rebel," he protested huskily. "I won't fit. What will your friends say about me?"

"I have no friends. Lumaki ako sa kumbento. Inosente. Ignorante. What will your friends say about me?" Inulit ng babae ang tanong niya.

"That I am a lucky man to have met you..."

Pagkatapos, muling binihag ang bibig niya. Mas mapusok. Mas malalim.

Pakiramdam ni Bullet, malulunod na siya.

"Enough, honey. Let's talk, okay?"

"Okay." She was like a cat who got its cream. She was even licking her lips.

Bullet groaned aloud and kissed her again.

There was silence for a long time.

They were lying on the shadows of trees along the seashore.

Her head was on his shoulder. She was lying on her side, facing him.

"I have money in the bank." Bullet started planning his new life with Rebel in it.

"I also have money. Anong plano mo?"

"Gusto kong matupad ang pangarap mo. Dahil ang pangarap mo na maglakbay sa buong mundo ay gusto ko rin."

"Talaga?" Nagkislapan ang mga mata ni Rebel.

"But before that…" Bumangon si Bullet. Ibinangon rin ang babae. Lumuhod siya sa harap. Hinawakan ang dalawang kamay at hinagkan.

"Will you marry me, my Rebel?" Masuyo ang tanong.

"If you're sure, yes…" Humikbi ang babae. "Yes, yes, I will marry you!"

She enthusiastically wrapped her arms around his neck. She was laughing and crying at the same time.

"I love you." The three little sweet words finally left his lips.

"I love you." It was like a prayer. "I love the way you look at me. I love all of you."

"I must have done something good in my life," Bullet said. "To be loved by somebody like you."

"You're a wonderful man. I don't know if I was the right woman but I'll try my best."

"Don't try, honey. Just be your naughty, naughty self!"

Tumawa silang dalawa.

*****

BINASBASAN sila ni Don Ramon. Sa yate na rin sila nagpakasal. Tuloy blessing na rin ng 'Manlalakbai'.

Ang natirang crew ay sina Andong, Leroy, at Kapitan Ping. Kumalas na si Domeng dahil manganganak daw ang asawa. Si Itoy ay nakauwi na sa pamilyang Aeta.

Umuwi na sina Ollie at Perlie, baon ang malaking pera mula kay Rebel.

Si Elsa naman ay naging nobya agad ni Kuya Richie.

"Mabilis ka pala sa chicks, ha, kuya?" pambubuska niya sa kapatid.

"Ngayon lang, sis, dahil nakita ko na ang babaeng para sa akin." Kakamut-kamot sa ulo si Richie.

Kaya pala nag-seawoman si Elsa, nabigo sa pag-ibig. Hindi magkakaanak kaya ang dating nobyo ay naghanap ng babaeng makakapagbigay ng anak.

Tapos na ang kasal. Gabi ng pulotgata. Kanilang-kanila ang yate.

Sa makalawa pa aakyat muli sina Kapitan Ping at mga crew.

Napaisip si Rebel. Nakayupyop siya sa pagkakaupo sa kama habang naghihintay sa paglabas ni Bullet sa banyo.

"Honey, paano kung hindi ako mabuntis?"

"So what, honey? Kung hindi tayo bibiyayaan ng anak—so be it. Tanggapin natin kung ano ang ibigay ng Diyos sa atin."

"Kahit tayong dalawa lang, magiging maligaya ka na?" paniniguro niya.

"You are more than enough for me, my sweet Rebel!"

Bumuka ang bibig niya. May itatanong pa sana ngunit sinalubong ng halik ni Bullet.

Their honeymoon had been a one-year affair. Every day was full of sunshine and sweetness, even when there was a storm. They just find a cove to hide from the strong winds.

Pagkatapos nila bisitahin ang buong Pilipinas, inisa-isa nila ang mga bansa sa Asia. Pumunta sila Australia at New Zealand. Tapos sa Europe. Oceania. Africa. America: North and South.

Ang kanyang Papa ay nagretiro na. Kina Richie at Elsa na lamang pinabahala ang mga negosyo. Abalang-abala na ang matanda sa pagkakaroon ng busy social life.

Ang mag-asawang Bullet at Rebel ay nangungulekta ng mga artifacts mula sa iba't ibang lugar na napuntahan nila. Ipinapadala nila sa Pilipinas. Pawang nakakahon. Bubuksan kapag nakauwi na sila.

At bukas nga ay malapit nang dumaong ang 'Manlalakbai' sa pier.

Nanonood sila ng mga bituin sa langit habang umiihip ang hangin sa kanilang mga mukha.

"Thank you for giving me the honeymoon of a lifetime, honey." Nakasandal si Rebel sa malapad na dibdib ng asawa.

"I'm glad I made you happy, sweet Reb."

Ngumiti siya pero sa langit pa rin nakatingin.

"I discovered a secret…"

"What secret?" Hinawakan siya sa beywang at iniharap dito. Nakakulong siya sa mga braso nito na nakatukod sa rail ng yate.

"Hindi mo ba huhulaan muna?" She asked provocatively.

"Hmm… you're two months pregnant?"

"Oh! How did you know?" She looked like dog with its food bone wrestled away.

"I know all of you, Rebel." Bullet kissed her frown away.

"Alam mo na pala, bakit hindi mo sinasabi sa akin?" Kunwa'y nagtatampo pa rin si Rebel.

"Dahil alam kong sasabihin mo rin sa akin."

"Kaya pala nung magpabili ako ng manggang hilaw sa Japan, hinanapan mo talaga ako."

"Nakalimutan mo 'yung buko sa China."

"At 'yung durian sa Australia."

"Dahil mahal kita, sweetheart. Pati ang magiging anak natin."

Isang halik na puno ng pagsuyo ang pinagsaluhan nila.

"Paano ang 'Manlalakbai'?" she asked.

"Are you done traveling?"

"Yes." Walang gatol ang tugon niya. "What about you?"

"Yes, sweetheart. Kailangan ko nang magkaroon ng hanapbuhay. My family's getting big."

"Isa lang ang magiging anak natin!"

"Paano kung kambal ang anak natin? O kaya triplets?"

Kinurot niya nang pabiro si Bullet.

"May lahi ba kayo?" she asked curiously.

His parents died when he was in his twenties. He was an only child.

Kinaumagahan, dumaong sila sa pier.

Magkahawak-kamay na nagpaalam sina Rebel at Bullet sa kanilang crew.

Si Kapitan Ping ang bagong may-ari ng 'Manlalakbai'. Sina Andong at Leroy pa rin ang mga crew.

Napag-usapan ngayong umaga ang tungkol sa desisyon nila sa yate.

"Ako na lang ang bibili," ani Kapitan Ping.

"Okay! Hindi na mapupunta sa iba ang 'Manlalakbai'," wika ni Bullet.

Sinundo sila ni Don Ramon. Niyakap nito si Rebel, at pagkatapos, si Bullet.

"Ang mga anak ko! Hahaha!" Humahalakhak sa tuwa ang matandang don.

Isang sorpresa ang naghihintay sa kanila. Isang mansiyon din ang ipinatayo ng matandang don para sa anak na babae.

"Ito ang dahilan ng pagreretiro ko," ang nakatawang pagtatapat ni Don Ramon. "Regalo ko para sa inyong dalawa, Bullet, Rebel."

"Ang Papa naman. Baka napagod ka naman nang husto." Namamangha si Rebel habang pinagmamasdan ang kanilang biniling chandelier sa Paris.

"Salamat po, Papa Ramon. Nasorpresa kami nang husto!" Dinampot ni Bullet ang piyesa sa chess board na yari sa bubog. Binili nila iyon sa Russia.

"Walang anuman, hahaha!"

"Welcome, Rebel, Bullet!" ang sabay na sigaw nina Richie at Elsa nang iluwa sila ng maluwang na pintuan papuntang dining room.

Nagkatawanan ang buong mag-anak ni Don Ramon.

"Ate Elsa na kita ngayon," biro ni Rebel sa hipag.

"Oo nga, Reb. Sa isang buwan na ang kasal. Imbitado sina Ollie at Perlie. Pati ang mga crew ninyo."

"I'm sure, masayang-masaya si Kuya Richie." Sabay nilang tiningnan ang dalawang matangkad na lalaki, ang isa ay mestisuhin at ang isa ay kayumangging kaligatan.

"Pinasaya din ni Rich ang buhay ko. I thank you, Reb."

"Wala na talaga akong mahihiling pa!"

Habang nanananghalian, ipinagmalaki ng mag-asawa na: "We are pregnant!"

Naghiyawan ang tatlong kasalo. Pinakamalakas ang boses ni Don Ramon. "Lolo na ako!"

WAKAS

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

ecmendozacreators' thoughts