webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · Urban
Zu wenig Bewertungen
85 Chs

Vivien

Chapter 30: Vivien 

Haley's Point of View 

Nanginginig ang katawan ko habang nanlalaki ang matang nakatingin sa babaeng na sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, ang daming namumuong katanungan sa isip ko pero ni isa ro'n hindi ko magawang mailabas. 

Marahan kong kinuyom ang kamao kong hindi pa rin tumitigil sa panginginig. "Don't mess around with me..." Unti-unti kong iniangat ang katawan ko upang makatayo, hawak-hawak ko pa rin ang sikmura ko na tinuhuran niya kanina dahil ramdam ko pa rin 'yung pamimilipit niyon. 

Pinapanood lang niya ako sa ginagawa ko samantalang halos matumba ako dahil ilang araw nga rin akong 'di nakatayo ng diretsyo kaya parang nawawalan pa 'ko sa balanse. Mariin kong inapakan ang sahig bilang pagsuporta sa pagtayo ko nang maayos. 

"What are you doing? Tanggalin mo 'yang mukhang 'yan!" Nanggagalaiti kong sigaw na hindi niya inimikan. "Bakit pati yung mukha niya kailangan mong gamitin! Tanggalin mo 'yang maskara mo!" Udyok ko pa. 

Blanko pa rin ang mata niyang nakatingin sa akin at walang kahit na anong ekspresiyon na nakaukit sa kanyang mukha. Animo'y namatay ang emosyon na mayro'n siya. "Hailes." Tawag niya sa palayaw na 'yon kaya galit akong napailing. Pati boses, pati boses niya... 

"SILENCE! Huwag mo 'kong tinatawag sa pangalan na 'yan!" Umalingawngaw na sa solitary room ang matinis kong pagsigaw. Umatras ako upang sumandal sa malamig na pader. "How dare you...?" Panimula ko habang nanatiling nakatungo. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa namumuong luha sa aking mata. Pati 'yung dibdib ko, bumibigat habang tumatagal. "Bakit mo 'to ginagawa sa'kin? BAKIT?!" Giit ko dahilan para bumagsak na sa simento ang mga luha ko. 

"Haley--"

"She's already DEAD yet you..." Nahihirapan na akong huminga nang maayos kaya dahan-dahan akong napapaupo sa sahig. Sigurado ako, I felt her cold hands as I touched it when I found her body in front of the gate last 8 or 9 years ago. The thought of her not being dead is too unrealistic. There's no way she can be alive.

How did it happen? 

Humawak ako sa ulo ko gamit ang dalawa kong kamay at napapikit nang mariin. "Stop it, please..." Nanghihina kong saad na pati boses ko ay basag na. Gulong-gulo rin ako habang nakababa ang tingin sa sahig. 

Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sa akin ganoon din ang paglapit ng kamay niya na marahas ko lamang hinampas. Galit na galit ko siyang tiningnan. "Don't you dare TOUCH me!" Nanggagalaiti ang bagang ko noong sabihin ko 'yun sa kanya. 

Wala pa rin siyang karea-reaksiyon sa ginawa ko at na sa tapat ko lang siya't nakaluhod ang kanan niyang tuhod para mapantayan niya ako. Diretsyo ang kanyang tingin sa akin nang ipikit niya ang mga mata niya sandali bago tumayo. 

"I'm sorry." Paghingi niya ng pasensiya na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Para sa'n 'yung sorry niya? Bakit siya nagso-sorry sa akin? 

Unti-unti kong inangat ang tingin sa kanya. Nakakatakot isipin na nakikita ko 'yung taong gustong-gusto kong ibalik. 'Tapos ngayong nandito na siya sa harapan ko, pilit ko naman siyang inaalis sa harapan ko. 

Pero imposible 'to. 

Napaka imposibleng mangyari ng mga 'to. Bakit ba ganito 'yung nangyayari ngayon? 

Humawak ako sa dibdib ko noong maramdaman ko na mas nawawalan ako ng hangin. "Hindi ko kailangan ng kahit na anong sorry mo kung sino ka man," Mas pinanlisikan ko siya ng tingin kaysa kanina. "Just take that mask off!" 

Masisiraan ako ng ulo. 

Hindi ko na alam kung totoo pa ba itong nakikita ko, kung nananaginip ba ako, o nagha-hallucinate ako. May pinainum ba sila sa akin na drugs? Pa'no 'to mawawala?

"What you see in your eyes is not a lie. However, I didn't mean to make you feel this way." Yumuko siya nang kaunti at inilayo ang tingin. "It's a long story that I happen to be here. As my existence is finally able to meet yours," Ibinalik ulit niya ang tingin sa akin. "Haley." Malungkot na pagtawag niya sa pangalan ko.

Isa-isang nanumbalik ang bawat detalye ng alaala ng nakaraan. 

Simula noong mga araw na magkasama kami ni Lara hanggang sa makita ko ang walang buhay niyang katawan sa harapan ng gate.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko dahilan para mapahigpit na ang hawak ko sa puting sleeve na suot ko. 

"Lara..." Paanas kong tawag sa pangalan niya habang kumukuha nang maraming hangin. 

Napasinghap siya. "F*ck, Haley! You're Hyperventilating!" 

Humiga na ako sa malamig na simento habang binuhat ng taong ito ang kalahati kong katawan upang alugin. "Haley, Haley!" Sunod-sunod na pagtawag niya sa pangalan ko at sinusubukan akong pakalmahin. Hinawakan niya ang pisngi ko kaya nararamdaman ko ang mainit niyang kamay. 

Why do you look so sad?

Pumikit na ang mga mata ko kasabay ang pagbagsak ng kamay sa sahig at nawalan ng malay. 

Reed's Point of View 

Bumagsak ang plush toy chick sa sahig kaya napatingin ako roon. Lumingon-lingon ako sa paligid bago pulutin iyon at ilagay ulit sa kanina nitong pwesto. 

"Rain? Hindi ko gusto 'yang pangmu-multo mo, ah?" Pakikipag-usap ko sa kawalan at saka ulit umupo sa edge ng kama. Naglalaro kasi ako ng Nintendo Switch ngayon dahil tapos na rin ako sa pagsusulat ng mga reports namin. 

'Yung dalawang babae naman na si Mirriam at Kei ay nandoon lang sa kabilang kwarto at nagku-kwentuhan. Wala si Haley dahil mayro'n nanaman siyang pinagkakaabalahan, mukha nga ring hindi pa nakakauwi sa bahay dahil noong dumaan ako kanina ay madilim pa 'yung bahay. 

Ibinaba ko ang tingin sa pusa niya na natutulog lang sa naka-indian seat kong paa. 

Hindi talaga ako mahilig sa pusa kaya nagtataka ako ba't nandito 'tong si Chummy? 

"Hoy, Chummy. Kanina ka pa nandiyan, sarap ng buhay mo, ah?" 

At tingnan mo nga naman at nag-unat pa. 

Bumuntong-hininga ako kasabay ang pagtunog ng phone ko. Na sa heart beat pattern iyon kaya alam kong si Haley ang tumatawag. 

Kaagad kong kinuha iyon na nasa gilid saka sinagot ang tawag. 

"O-Oy." Bungad ko sa kanya. "Ano'ng kailangan mo?" Tanong ko sa kanya. 

"Hindi ako makakauwi sa bahay kaya iiwan ko muna 'yung alaga ko sa'yo." Saad niya kaya kumunot-noo ako't inilagay muna si Chummy sa gilid dahil tatayo ako. 

"Hindi ka uuwi? Bakit? Sa'n ka matutulog, ha?" Ngayon lang yata 'to nangyari? Saka ba't 'di siya uuwi? Nasaan ba siya?

Nakarinig ako ng kung anong kalabog sa kabilang linya kaya tiningnan ko muna ang screen bago ulit idinikit sa tainga ko. "Ano'ng nangyayari riyan?" Taka kong sabi. 

"See you tomorrow." Paalam niya at mabilis na pinatay ang phone niya. Mabilis akong pumunta sa harapan ng CP para ipunta sa program nang makita ko kung saang lokasyon siya ngayon. 

Pinindot ko ang data ni Haley nang makita ko iyon sa gilid saka nagpakita sa buong screen ang map. Nag zoom ako at napataas-kilay nang makita ang pulang bilog sa mismong lugar namin. 

Sh*t. 'Wag mong sabihing tinanggal niya? 

Laraley's Point of View 

Matapos kong matawagan 'yung lalaki na nagngangalang Reed Evans ay umupo na ako sa stool habang hinihintay na magising si Haley. Pasadong alasiyete na ng gabi pero hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama si Haley at hindi magawang magising. 

I don't want to do this, and I also don't want her to be involved dahil alam ko naman kung gaano 'to nakakaabala sa kanya lalong lalo na ang maaaring epekto nito tulad ng pag-atake ng hyperventilation. But, 

"Ngh." 

Humawak ako sa noo ko nang bigla itong sumakit.

…I must do this, in order to protect her. 

"Please, bear with it a bit." I whispered. 

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. "Ito na 'yung pinapadala mo sa 'kin" 

Nilingon ko si Roxas Steffenson na ngayon ay inaabot sa akin ang tubig at gamot. Siya ang partner ko na nagdala kay Haley sa lugar na ito mula sa Baguio.

Flashback

Matapos kong bigyan ng malakas na kamao si Haley pabalik dahil sa ginawa niyang pagsapak sa akin noong araw ng retreat nila ay mabilis kong ini-inject ang pampatulog sa batok niya dahilan para bumagsak siya sa simento at mawalan ng malay. 

Kaagad na lumabas si Roxas para buhatin siya. 

"Dalhin mo muna siya sa malilim, kukunin ko 'yung damit niya" Tukoy ko sa suot suot ni Haley. 

Tumango si Roxas saka ginawa ang inuutos ko. Binuhat niya si Haley papunta sa malilim na lugar kung sa'n kami nagtatago kanina. 

Pagkatapos niyon ay lumapit na ako kay Haley kasabay ang pagtanggal ng mga damit ko samantalang lumayo nang kaunti si Roxas upang magbantay. Nakatalikod lang siya sa'min. 

Iniluhod ko ang kaliwa kong tuhod para alisin ang damit ni Haley. Iyon ang susuotin ko upang magpanggap bilang SIYA. 

Inayos ko ang damit ko kay Haley at sinuotan pa siya ng gamit-gamit kong jacket kanina dahil mas lumalamig na ang lugar kumpara kanina. Ang kapal na rin nung hamog. 

Tumitig muna ako sandali sa mukha ng kapatid ko bago tumayo at tawagin si Roxas. 

Lumapit naman siya sa akin. "Pumunta na kayo sa hideout, 'wag mong hahayaan na ma-trace kayo ng B.R.O at tawagan mo 'ko kaagad kung may problema." Sambit ko at inilabas ang cellphone ni Haley mula sa bulsa ng Jacket niya. Tiningnan ko 'yun saglit bago ibinaling kay Roxas. "Naiintindihan mo?" Dugtong ko na nagpatango sa kanya. 

Humarap ako sa lugar kung sa'n ko papasukin 'yung buhay ni Haley. 

Nanliit ang tingin ko habang iniisip ang rason kung bakit ko 'to gagawin. 

"Umalis na kayo." 

End of Flashback

"Pero hindi talaga ako makapaniwala na makikita ko 'yung kambal mo ng harap-harapan. Pareho pa kayong short tempered, talaga ngang magkapatid kayo." Manghang sambit ni Roxas na hindi ko pinansin. Ipinatong ko lang 'yung baso na may lamang tubig sa side table gayun din ang gamot. 

"Paano mo pala ipapaliwanag sa kapatid mo 'yung lahat?" Tanong niya. "Lara?" 

Tnaliman ko ng tingin si Roxas dahilan upang mapaatras ito ng isang hakbang. "Didn't I already told you not to call me by that name?" I said in a deep voice as I stood up. 

"Sorry, Vivien." Hinging paumanhin niya sa akin. 

Ang pangalang "Vivien" ang naging pangalan ko nang mawala ako sa Rouge Residence. 

I changed it for my own good, also to hide my real identity to my future enemies. 

Nang sa gayun ay hindi nila mahanap ang pamilya ko. 

Binasa ko ang orasan na nasa pulso ko. "Magsisimula na 'yung party sa 6th avenue, ihanda mo na 'yung gagamitin natin para mamaya." May awtoridad na udyok ko nang maibaba ko na ang kamay ko. 

"But how 'bout her?" Tukoy ni Roxas kay Haley. 

Naglabas ako ng hangin sa ilong. "Don't mind her. Gawin mo na lang 'yung pinapagawa ko." 

"Si-Sige." Nauutal at parang nag-aalangan niyang sagot bago tumalikod sa akin. Umalis na siya sa kwarto pagkatapos at isinara ang pinto. 

Tiningnan ko si Haley mula sa peripheral eye view bago ako lumakad paalis. 

*****