webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · Urban
Zu wenig Bewertungen
85 Chs

Unintentional Kiss

Chapter 14: Unintentional Kiss

Reed's Point of View 

Namimilog ang mata kong nakatingin sa mata niyang diretsyo na nakatingin sa akin.

Matagal na magkalapat ang labi naming dalawa, hindi makapaniwala sa ginawa niya na 'di ko talaga magawang gumalaw sa pwesto ko. 

Hinalikan niya ako ng wala man lang pasabi o senyas. At higit sa lahat ay siya ang gumawa!

"Mmh..." Ungol niya kay mas lalong nanlaki ang mata ko.

Humiwalay kaagad ito matapos ang ilang sandali. Tinakpan ang bibig at napapikit nang mariin. "Haley—" Humawak siya sa open vest ko at... 

"Ugeeee ~!"

...sinukaan ang damit ko.

Dahan-dahan ko namang ibinaba ang tingin ko para makita 'yong ginawa niya,

"R-Really?"

Una, yung kotse ko, 'tapos ngayon 'yung damit ko. 

Bumagsak siya pabalik sa kama at pinunasan ang bibig gamit ang likuran ng kanyang palad. Mayamaya pa'y narinig ko na lang ang mahina niyang paghilik.

Tumayo ako habang hindi inaalis ang tingin sa aking damit.

Pagkatapos ay unti-unting tinakpan ang aking mukha ng dalawa kong kamay. "Haley..." I hopelessly called her name. 

***

NILINIS KO ANG suka sa sahig, at sa patuloy kong paglilinis ay hindi maalis sa utak ko ang ginawa niyang paghalik sa akin kanina dahilan para mapahinto ako sa ginagawa ko't tinakpan ang aking labi sa pamamagitan ng likurang palad. 

Hinalikan niya ako dahil,

Isinara ko ang kamay ko na nasa tapat ng bibig ko. 

...gusto niya 'ko? 

Magiging intoxicated kasi ang tao kapag nakainum. 

Lahat ng mga bagay na hindi nagawa ng tao, magagawa't masasabi niya kapag nalasing siya. Iyon ang epekto ng alak sa tao. 

Iniiling ko na lamang ang ulo ko't tumayo na para iligpit ang dapat na iligpit, tinapon ang tissue sa basurahan at inayos 'yung mga nakakalat na gamit.

Bakit ba kasi magulo rito ngayon? Ano ba'ng ginawa nila Mirriam dito? 

Umupo ako sa edge ng kama ni Haley kung saan pwede kong makita ang mukha niya.

I scratched the back of my head and put my hand on her right rosy cheeks. "Hindi ako magsasawang tignan ka ng ganito..."

Haley's Point of View 

Past 10 na ako nagising at ramdam ko ang sobrang kirot ng ulo ko. Parang pinipiga ito sa sakit at parang sasabog sa sobrang sakit.

Umupo ako sa pagkakahiga ko habang nakahawak sa sumasakit kong ulo. "Aughhh... This frigging headache" Tumingin ako nang dahan-dahan sa paligid.

Alam kong magulo itong kwarto ko pero bakit naka-organize ang mga gamit ko?

Nasaan na 'yong mga nagkalat na panty at bra sa sahig? Yung ibang mga damit ko na nakasabit? Nasaan na?

"That's weird..." Sabi ko sa sarili at ibinaling ang tingin sa suot.

Nakasuot na ako ng pajama. Ha? Kailan pa ako nakapagpalit? 'Di ba, nasa party ako kagab--

Huminto ako sa pakikipag-usap sa sarili ko nang alalahanin ko isa-isa ang mga nangyari. Humalukipkip ako't itinagilid nang kaunti ang ulo ko para isipin ang mga kaganapan kagabi. 

"Na sa dim bar ako, 'tapos nakita ko 'yung pagpasok ni Reed, binuhat niya ako pero 'di ko masyadong maalala 'yung susunod dahil nakatulog na rin ako." Humawak ako sa sintido ko't pumikit. "Hmm... Ano ba'ng--" 

Malabo ito pero lumitaw sa utak ko 'yung isang imahe kung saan ang tapang tapang kong hinalikan si Reed. 

Napamulat ako't ipinagdikit ang mga labi. 

It cannot be... right? 

Someone opened the door and went inside my room.

Gulat na gulat ako nang mapagtantong si Reed ito, doon din ako na-convince na hindi lang basta't imahinasyon o panaginip 'yung nangyari kagabi.

"Oh, gising ka na pala. Pinagbilhan kita ng gamot dahil baka magkaro'n ka ng hangover ka. Okay ka lang? Wala bang masakit sa 'yo?" Tanong niya habang naglalakad papunta sa akin na sinundan ko lang din ng tingin. 

Hindi ko pa rin nagawang makapagsalita at nakatitig lang sa kanya, subalit habang tumatagal ay nagsisimulang lumakas ang pagpintig ng puso ko't nagtalukbong ng kumot pagkahiga. 

"Lumayas ka rito!" Sigaw ko sa kanya paalis. 

"W-What? Ngayon pinapaalis mo 'ko pagkatapos kitang dalhin dito?!" Hindi makapaniwalang reaksiyon niya kaya napapikit ako nang mariin. 

"Shut up! You know how to die?! Get out!" Matinis kong udyok. "Ba't ba nandito ka?!" Tanong ko pagkaalis ko ng kumot para umupo mula sa pagkakahiga, subalit napahawak ako sa ulo ko dahil kumirot nanaman ito. 

Napahakbang si Reed. "Huwag ka kasing mag gagagalaw--" Hahawakan na niya 'yung balikat ko pero marahas kong hinampas ang kamay niya sa gulat. Medyo nagulat siya sa ginawa ko gayun din ako. 

Nanatili lang 'yung kamay niya sa ere't hindi itinuloy ang pag-abot sa akin. 

Ibinaba niya ito samantalang napaawang-bibig ako, balak kong magsalita pero umurong ang dila ko. Ano naman ang sasabihin ko?

Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga saka nagpameywang, sinimangutan din niya ako. "Sa tanong mo kanina, hindi ako ang nagpalit ng damit mo at kahit ako man ang magpalit, wala akong makikita--" Binato ko sa kanya 'yung unang nahawakan ko sa side table na mabilis naman niyang nailagan. Mug iyon kaya nang bumagsak iyon sa sahig ay nabasag ito. 

Nakahawak siya sa ulo niya bilang natural reaction niya bilang pagdepensa. 

Nakalingon siya ro'n sa nabasag na mug nang inis niya akong lingunin. 

"Namamato ka nanaman! Alam mo bang kakalinis ko lang ng kwarto mo kagabi?!" Bulyaw niya sa akin. 

Nag tatagis na 'yong bagang ko dahil sa galit. 

"Assh*le! Trash! Scumbag! Lecher! Pervert!" Sunod-sunod kong pambabato sa kanya ng pang i-insulto salita kaya napasinghap siya. 

"You're cussing too much! Eh, kung sabihin kong ako ang nagpalit ng damit m--" 

Kinuha ko 'yung flat iron sa ilalim ng kama at pinosisyon iyon para batuhin sa kanya. Mabilis siyang napaatras at iwinagayway ang dalawang kamay sa tapat ng kanyang dibdib. "Wait! Don't throw that to me! Masakit 'yan, Haley." Turo niya sa flat iron na hawak ko. 

"WHO. THE F*CK CHANGED MY CLOTHES?" Mariin kong tanong. Maliban sa galit na galit ako dala na rin ng sakit nung ulo ko ngayon ay hiyang hiya ako sa ginawa ko kagabi na gusto ko na lang iumpog 'yung ulo ko para makalimot sa kahihiyan at katangahang nagawa ko. 

Kumuarap siya ng dalawang beses hanggang sa mag mapatikhim ito't mag pamulsa. "Ako ng--" Hindi ko na hinintay ang kanyang tugon at binato ko na sa mukha niya ang isa ko pang hawak-- ang libro. 

Bumagsak siya sa sahig at humawak sa mukha niya habang nagsisisigaw roon. Well, actually 'yung ilong niya talaga ang natamaan ko ng libro.

Humawak naman siya sa kanyang ilong na nakita kong dumudugo na pala. 

Umupo siya kaagad. "Don't you know humor?!" Inis na tanong niya sa akin at tiningnan ang daliri niya na may mantsa ng dugo. "Si Manang Yhinna 'yung nagpalit ng damit mo! Humingi ako ng favor sa kanya, okay?!" 

"Ngh." 

Humawak siya sa tuhod niya bilang suporta sa kanyang pagtayo. Hawak pa rin niya ang ilong niya. "Ugh, 'yung ilong ko..."

Nanahimik akong tumungo. I think I was a bit harsh on him. 

Umalis na ako sa kama at nilapitan siya dahilan para tumingala siya upang makita ako. "I'm sorry, it's my fault. Kukuha lang ako ng first aid sa kabilang kwarto." Saad ko at tipid siyang nginitian. "Teka lan— Ah!" Muli akong napahawak sa ulo ko. 

"Don't be so stubborn, okay naman na. Tumigil na siguro 'yung dugo." Tinanggal niya 'yung kamay niya sa ilong at ibinaba ang tingin doon. 'Tapos nginisihan ako nang malamang huminto na nga 'yung dugo. 

Bumaling ako't bumuntong-hininga. "Thank you." Pagpapa-salamat ko sa kanya ng hindi nakangiti. "...for taking care of me." 

Umangat sandali ang mga kilay niya bago siya lumingon sa kanang bahagi't napakamot sa pisngi. Salubong ang kilay nitong inilipat ang tingin sa akin gamit ang peripheral eye view. "A-Ah, 'ge lang. Basta huwag kang iinum ng alak mag-isa. Baka mamaya mapunta ka nanaman sa panganib, eh. Lapitin ka pa naman niyon." 

Inangat ko ang tingin sa kanya. "Reed, by any chance. Are you worried?" Tanong ko sa kanya dahilan para mamula ang mukha niya. 

"H-Hindi! A-Ano lang," Inilipat-lipat niya ang tingin sa kaliwa't kanan. 

He's also blushing. Tumungo siya 'tapos napayamot ng kamot sa likurang ulo niya. "What are you trying to make me say? Kukuha lang ako ng pagkain mo sa kabilang bahay, magpapaluto ako kina Manang." Tumalikod na siya sa akin, handa ng umalis pero wala sa kontrol na napahawak ako sa kamay niya. 

Pareho kaming nagulat pero mas ikinagulat ko 'yung pagbalik niya ng hawak sa kamay ko. Kaya pareho kaming magkahawak kamay. 

Bumuka nang kaunti ang bibig ko kasabay ang paglingon niya sa akin na may malungkot na tingin sa kanyang mata. "Wala namang namamagitan sa inyo ni Jin, 'di ba?" Tanong niya na mas ikinaangat ng aking tingin para magkapantay at magsalubong ang tingin naming pareho. 

Humigpit ang hawak niya sa akin, tila parang hinahanda ang sarili niya. 

Isinara ko na ang bibig ko. "Wala." Sagot ko habang nagsisimula nanaman ang pagtibok ng puso ko. "Walang namamagitan sa amin, Reed." Dagdag ko na nagpaawang-bibig sa kanya. He was about to say something nang makaramdam na ako ng hiya dahilan para tanggal ko na 'yung hawak ko sa kanya't ibinawi iyon pabalik sa akin. 

Hinawakan ko ang sarili kong kamay na nakahawak sa kamay ni Reed kanina. "At siya nga pala, you didn't do anything, right?" Paninigurado ko kaya humarap na siya sa akin. 

He flustered. "Wala! Ano ba'ng sinasabi mo? Kung isa sa atin ang may gagawin, malamang ik--" Mabilis niyang itinigil 'yung dapat na sasabihin niya 'tapos nagulat na lang ako nang mabilis siyang tumakbo paalis ng kwarto ko. 

"Hoy!" Tawag ko sa kanya pero padabog niyang isinara ang pinto. 

Nanatili lang ako sa pwesto ko, umakyat ang dugo sa mukha ko't kinuha ang unan para ro'n isigaw 'yung boses na kanina ko pa gustong isigaw. 

*****