Chapter 72: Rio
Laraley's Point of View
Ang bawat pagsabay ng buhok ko sa paraan ng malakas na pag-ihip ng hangin ang siya rin sa pareho naming paggalaw upang makailag sa mga bala na tatama sa 'min. Ginawa ko ang dodge roll para mailagan 'yung dalawang bala kasabay ng aking pagpull ng trigger sa dalawa kong pistol gun.
Nag back flip siya kaya dumaplis lamang ang bala sa suot n'yang vest.
Tumayo na siya nang maayos gayun din ako. Bumagsak na rin ang malakas na ulan.
The man in front of me was the one who killed Red Snave-- Reed Evans' little sister.
Flashback:
"Red, this is not a part of your mission. They already identified your face! If they spot you, you're f*cking DEAD" Diin kong udyok habang nagda-drive papunta sa mansion ng Montilla. Kung saan nandoon ang kapatid ko.
Naganap ang pagsabog sa hindi ko malamang dahilan, hindi iyon kagagawan ng B.R.O. dahil nade-detect ng hacker namin ang lokasyon nila.
They're still on the way kaya ngayon, nagmamadali akong pumunta sa Montilla residence bago pa sila makagawa ng isa pang GULO. 'Di namin alam ang intensiyon nila pero sigurado akong may kailangan sila kay Lesley Montilla-- my father.
Gayun din kay Red dahil nalaman nila kung saan ito naroroon ngayon.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan, paanong nangyari't nalaman nila kung sino si Red Snave? May spy? May nakarinig-- Imposible. Gumagamit kami ng code name.
Nakarinig ako ng isa pang pagsabog kaya tumingala ako para tingnan kung saan iyon nanggagaling. Nakikita na mula rito yung usok at ang pagliyab ng apoy na nagmumula sa mansiyon ng Montilla. "Ngh." Binilisan ko ang pagharurot ng aking motorsiklo.
Mula sa kabilang linya, maririnig ang tili at sigaw ng mga tao, gamit ko lang ang MCD (Mini Communicator Device) habang nakatuon ang tingin sa daan. Nag released ako ng gas dahilan para mas bumilis pa ang takbo ng motorsiklo ko.
Hindi makakayanang mag-isa ni Red doon kaya kailangan ko siyang mapuntahan kaagad, and my sister… She's in danger.
"Shut it, Laraley. It doesn't matter anymore so stay out of this! What do you think might occur if your sister happens to find out that you're alive?" Napakagat-labi ako sa tanong niya. I don't want my sister to get involve either, but--
"Just let me handle this. Stupid." Nawala na ang signal pagkasabi niya ng mga litanyang iyon ay pinatay na niya ang signal niya.
"Re-- Tsk!" Pinalitan ang kambyo sa pangatlong bilis.
Bumaba ako sa kanto nang makarating ako malapit-lapit sa mansiyon ng Montilla. Pinakiramdaman ko ang paligid kung may mga panganib na paparating.
May mga tao mula sa bahay nila ang na sa labas dahil sa nangyayari sa mansiyon ng Montilla, kaya ginamit ko iyong pagkakataon na iyon upang dumaan at patagong pumunta sa eskenita na hindi pwedeng daanan dahil sa maintenance ito.
Nakarating na ako sa bakod ng Montilla kaya bago ako tumalon paakyat ay isinuot ko na 'yung maskara na madalas naming gamitin sa organisasyon, pero ito 'yung maskara na ginagamit namin para hindi makalanghap ng kahit na anong usok.
Tumalon sa makapal na pader na humaharang para makaakyat doon. Nang makababa ay siya naman ang saktong pagsikmura ni Red sa kapatid kong si Haley dahilan para bumagsak ito sa damuhan at mawalan ng malay.
Inayos ko ang white face mask ko't siningkitan pa lalo ang aking singkit na mata. "Is she awake?" Tanong sa sarili at lalapitan sana si Haley para maialis siya sa lugar na iyon nang mapansin kong may tumutok ng baril kay Red sa kanan na bahagi.
Nakatayo siya sa likurang puno at nakasuot ng itim na damit para hindi siya makita masyado.
Suminghap ako. Bago ko pa man mailabas ang baril na nasa poketa ng hita ko ay ipinutok na nung kalaban ang baril sa mismong dibdib ni Red noong makaharap siya sa gawi nung kalaban.
Tila parang tumigil ang oras nang sandaling iyon. Iniisip ko kung talaga bang nagkaroon ako ng pakielam kay Red. Sa iisang si Rain Evans…
Indeed, it is our nature-- human nature not to understand the REAL significance of one individuals unless they lose it.
Lumuhod si Red kasabay ang pagtulo ng dugo sa gilid ng labi niya. Na-blanko ang utak ko pagkatapos niyon at hindi kaagad nakagalaw pero inilipat ko rin ang tingin sa kalaban noong magsimula siyang maglakad papunta kay Red.
Hindi pa niya ako napapansin sa pwesto ko dahil sa medyo makapal-kapal na rin ang usok sa kinatatayuan ko.
The guy was wearing bullet proof armor, mayroon din siyang mask katulad ko kaya 'di ko makita kung ano ang itsura niya. May nakasabit din sa kanyang RIFLE sa kanan niyang balikat. He's a right handed.
"Hindi ko aakalain na isang bata lang pala itong pumatay sa mga tauhan ko? Nakakatawa 'no? Red Snave" Sambit niya kasabay ang pagsaksak sa tagiliran ni Red.
Hindi kaagad ako nakagalaw at pinapanood ko lang ang unti-unting pagpatay ng taong iyon kay Red.
Sinaksak din niya ang patalim niya sa braso't hita ng partner ko kaya tuluyan ng bumagsak si Red. 'Di ko magawang makagalaw kaagad, wala akong maramdaman na kahit na ano.
I can't cry nor scream. But I have a desire. It's not enough to kill him, I want to make him suffer.
I took the knife from my back na nakasabit sa may sinturon. Tahimik akong tumakbo papunta sa kanya upang atakihin siya. Ibinaon ko ang matalas kong kutsilyo sa kanyang hita dahilan para mapatingin ito sa akin na may gulat sa kanyang mukha. "Wha--" tila hindi makapaniwala sa biglaan kong pagbungad. Muli kong isinaksak ang patalim sa tagiliran niya kaya napasigaw ito sa sakit.
Lumuhod ito habang matalim lang ang tingin ko sa kanya, mukha namang bumaon iyon sa pagkatao niya. "Blue eyes…" Banggit niya habang titig na titig sa nagliliyab kong mata. "Vivien Villafuerte." pagkabanggit pa lang niya sa pangalan ko na iyon ay itinutok ko na sa noo niya ang baril ko.
Hindi ko nakikita ang itsura niya pero naramdaman ko ang paglinya ng ngisi sa labi niya dahilan para mamilog nang kaunti ang mata ko. "Are you going to kill me?" Tanong niya, tila parang handa sa pwedeng mangyari sa kanya.
Niliitan ko ang tingin ng aking talukap. "That's what I'm trying to do."
"Then why can't you do it?" Taka nitong sabi habang nakatingin sa mga kamay kong nanginginig. "You're mad, aren't you? Finish me!"
Naningkit lamang ang mata ko. Nanggigigil ako… Gusto ko siyang durugin ngayon sa harapan ko.
Lumabas ang iba pang mga miyembro ng Black Rock Organization at pinaligiran ako. "B-Boss! Siya ba 'yung--"
"Vivien Villafuerte?!"
"Ano'ng ginagawa niya rito? Walang nagsabing nandito siya!"
Sabi ng iilan sa miyembro ng B.R.O.
Mabuti na lang din at mga wala nang malay 'yong mga taong nandito kaya walang makakatuklas sa nangyayari ngayon.
Patalon na umatras ang taong bumaril kay Red kanina.
Nakarinig ako sandaling signal mula sa MCD ko. "Code 00. Nakuha na namin si Garbanzo. Once you're finish, get back" Utos ng pinakaunang commander mula sa kabilang linya. Tinutukoy niya 'yong business man na may dala-dalang military fire arms. Siya rin kaya may gawa kaya lumiyab nang ganito ang mansiyon?
Tiningnan ko ang mga taong nakapalibot sa 'kin saka huminga nang malalim at wala silang awang pinatay isa-isa kaya natira ang lalaking pumatay kay Red.
Inalis niya ang rifle na nakasabit sa balikat niya at tinadtad ang pagputok nito sa akin habang dire-diretsyo lang ang pagtakbo ko papunta sa kanya na parang wala lang. Bawat bala na tatama sa akin ay naiiwasan ko. Dahil sa paningin ko, sobrang bagal lang ng mga ito kung dumaan sa akin.
Nakarating na ako sa mismo niyang harapan na siyang nagpaatras sa kanya saka ko buong lakas na hiniwa ang bullet proof armor pataas.
Humati ang armor na iyon na nagpagulat sa kanya. "Hngg--"
Inilabas ko ang isa kong pistol gun saka ko itinapat sa kanyang dibdib. Sa pagkakataon na ito, hindi na ako nagdalawang isip. I pulled the trigger.
Dahan-dahan siyang napaatras at napaluhod kasabay ang pag-ubo't pagtalsik ng dugo mula sa kanyang bunganga.
Hindi pa ako nakuntento at sa noo ko pa sana itatama ang isa't kahuli-hulihang puting bala. Subalit may nagbato ng smoke bomb kaya patalon din akong umatras para luminga-linga.
Ilang segunda noong mawala ang usok, nakita ko na may nagdala na sa taong iyon paalis.
Wala akong nagawa't iritable lamang na napasunod ng tingin kung saan sila dumaan paalis.
Dumating na ang isa sa miyembro sa W.S.O na in-charge sa task na ito kaya ngayon ay inalis na nila ang mga taong involved sa insidenteng ito at iniwan lang ang mga inosenteng tao sa kung saan sila huling nawalan ng malay para hindi magkaroon ng kahit na anong trace galing sa amin.
May isa ako sa kasamahan ko na hahawak sana kay Red nang tabigin ko ang kamay niya nang puntahan ko pabalik ang partner ko. "Don't touch her."
"Pero--"
"We can't bring her, kailangan siya ng pamilya niya rito." Wika ko't binuhat si Red papunta sa puno't ibinaba siya sa gilid nito. Walang imik akong hinayaan nung isang miyembro na iyon at bumalik lamang sa kanyang ginagawa.
Labas sa ilong kong tinitigan ang mukha ng partner ko na mahimbing na natutulog. I checked her pulse kung mayroon pa ring kaunting pag-asa na buhay siya, but it's hard to believed pero 'di na niya nakayanan.
Nakaawang bibig lamang ako nang itikum ko ito. Hinawakan ko ang pisngi niya sa huling pagkakataon. Pinunasan ang marka ng dugo sa gilid ng bibig niya saka ako lumingon nang kaunti para tingnan sa gilid ng mata ko ang kapatid ko na walang malay na nakahiga kung saan siya nawalan ng malay. Hindi ko na siya ginalaw at hinayaan ko lang siya sa kinaroroonan niya.
Ibinalik ko ang tingin kay Red, nakangiti ito habang natutulog. Dahan-dahan ko na siyang inihihiga sa damuhan habang hindi inaalis ang tingin sa mukha niya.
Bago ako tumayo para umalis, hinalikan ko ang kanyang pisngi. "Thank you for protecting my sister, Rain Evans."
End of Flashback:
Nalaman ko ang pangalan niyang Rio sa nasagap naming impormasyon mula sa kabilang platoon ng W.S.O.
Siya ang pinaka head-- kasunod ni Noel sa platoon na umaatake sa kapatid ko ngayon, nakatuntong siya sa posisyon na Guerriero--a soldier or skilled fighting man matapos n'yang mamuno sa isang labanan sa Japan noong isang taon.
Nakita ko 'yung record na 'yon noong pumunta ako sa file room para maghanap ng impormasyon.
Sabay kaming umatakeng dalawa, batuhan ng kamao at sipa ang ginawa.
At hindi maipagkakaila na mas malakas ang tira nito kaysa sa akin.
Sa bawat pag-atake, napapaurong ako pero gagantihan ko rin nang malakas na pag-atake tulad ng Axe Kick. Pero mabilis lang din niyang sinalo ang paa ko. Pinaikot niya ako sa ere, lumanding ako nang maayos at kaagad-agad na naghanap ng space para mahanap kung saan siya pwedeng tirahin.
Gumamit na siya ng baril at tumama iyon sa buhok ko nang umilag ako pa-kaliwa.
Pa-slide akong umatras habang hawak ang basang simento. Pinaikot ko ang dalawa kong pistol gun sa aking kamay at saktong ipinasok sa poketa na nakasabit sa magkabilaan kong hita.
Nilabas ko ang kutsilyo sa sinturon-- sa likod ko at muling tumira.
Inilabas din niya ang isang uri ng kanyang patalim at sumugod muli sa akin.
Ang salitan na pagbanggaan ng aming mga patalim ang siyang metal na naririnig ng aming mga tainga.
Tumalon siya at umikot para bigyan ako ng sipa sa mukha na hinarang ko lang ng aking kamay para mai-blocked iyon.
Nakaramdam ako nang kaunting kirot, pero gumanti ako ng mataas na sipa matapos kong umikot para makakuha ng pwersa.
Patalsik siyang umikot pero maayos ding nakalapag ang paa sa bumabahang simento.
Patagilid akong tumayo samantalang dahan-dahan naman siyang tumayo nang maayos habang pinupunasan ang pisngi niya na nagkagasgas dahil sa aking pagsipa.
"Talagang hindi ka matatahimik hangga't hindi ako namamatay, ano?"
Nanliit ang mata ko. "How come and you're alive?" Tanong ko sa kanya kaya mas humarap sa akin.
Dumiretsyo 'yung tingin niya sa akin at tumungo nang kaunti. "Ang galing, 'di ba? Inaakala mong patay na ako pero na sa harapan mo 'ko ngayon?" Humagikhik siya at tinuro ang dibdib niya gamit ang kanyang hinlalaki. "Hindi 'to galing sa 'kin." Tukoy niya sa puso niya. Makapal ang peklat mula sa pagkakatahi no'n, mahaba rin ang hiwa kaya malalaman mo talagang binuklat 'yung parte ng dibdib niya.
I figured it out but still,
"Ah… May naisip ako. Ba't hindi ka na lang sumali sa grupo namin?" Tanong niya.
Nagsalubong nang kaunti ang kilay ko. Walang imik na pinapakinggan ang kanyang sasabihin.
"Kapag na sa amin ka, hindi magagalaw 'yung kapatid mo, at tingin ko naman wala ring balak na galawin ng organisasyon n'yo ang pinakamamahal mong kambal dahil sa pag-akto n'yo na parang isang santo na akala mo isang superhero. Saka kung na sa amin ka, magagawa mo 'yung gusto mo. Ayaw mo ba no'n?" Pang-uuto niya sa akin at tumawa. "Pero huwag na natin lokohin sarili natin dahil alam nating 'di ka papayag. Iyon nga lang, baka ikaw pa ulit ang maging dahilan para mamatay 'yung taong malapit sa'yo" Pag-iling niya.
Parang may kumirot sa dibdib ko. Ngunit hindi ko pinagtuunan ng pansin masyado at pangisi akong umismid. "Ako ang dahilan?" Ulit ko sa nabanggit niya, malalim na ang paraan ng boses ko.
Tumagilid nang kaunti ang ulo niya. "Hindi ba?" Pag akto niyang inosente. "Eh, 'di ba namatay ang nauna mong partner dahil inutusan mo siyang manatili sa tabi ng kapatid mo?"
"Ngh." Pagpigil hininga ko sandali.
"Kaya rin siya namatay para protektahan si Haley Miles Rouge. Eh, paano kung dahil nanaman sa pang sarili mong kagustuhan," Lumingon siya sa gawi kung saan dumaan kanina si Roxas. "Itong kawawang lalaking iyon ang sumunod sa yapak ni Red Snave?" Litanya niya.
Tumalim ang tingin ko sa kanya. "Are you telling me he won't die because of you but because of me?"
He nodded. "Bingo!" Pagpalakpak niya. "Kasi makasarili ka pero umaarte kang pino-protektahan mo 'yung tao kahit dinadala mo lang sila lalo sa trahedya.
Hindi ka bagay sa organisasyon n'yo dahil mamamatay tao ka. Pinapatay mo 'yung mga taong tingin mong magagamit mo. Wala kang pinagkaiba sa 'min." Nanilim ang tingin ng mga mata niya. "Demonyo ka."
Kumuyom ako sa hawak kong kutsilyo. "Vivien Villafuerte, bata ka pa." Aniya. Mas lumalakas ang pagbagsak ng ulan, lumiwanag ng panandalian ang paligid noong kumidlat. "Marami ka pa talagang hindi alam sa mundo, at hindi mo maiintindihan 'yon ngayon kung hahayaan mong magpagamit sa organisasyon mo. Hindi ka ba nasasakal? Hindi ka ba nasasaktan sa tuwing nararamdaman mong na sa panganib 'yang kapatid mo nang dahil sa 'min? Nakukuha mo ba 'yung mga sinasabi ko?"
"…"
"Isipin mo rin. Ano ang pinagkaiba kung sasali ka sa amin? Eh, pare-pareho rin naman tayong babagsak sa impyerno?" Tanong niya habang gumagamit ng body language. "Mapupunta ka sa masamang organisasyon, hindi natin pwedeng ipagkaila 'yon pero ang kagandahan doon, masisiguro ko sa'yong ligtas ang kapatid mo lalo na kung hindi malalaman ng nakatataas na platoon ang tungkol sa totoo mong identidad," Napaawang-bibig ako nang kaunti. "Tutulungan kita magpapalit ng pangalan. Marami akong pera sa banko, pwedeng pwede na natin 'yon asikasuhin ngayon kung gusto mo?"
"Magiging ligtas talaga siya?" Marahan kong tanong at tumingala para makita siya. "Talaga bang walang mangyayaring masama sa kapatid ko kapag pumayag ako sa gusto mo?"
Tumango siya. "Your sister is all it matters, right? Pati 'yung magulang mo--"
"Weren't you ambushed the mansion where my father was? Paano kita pagkakatiwalaan?" Paninigurado ko. Naglakad siya palapit sa akin at ibinuka ang mga braso na parang aakap sa akin.
"Alam mo 'yung sagot diyan, ginawa lang namin iyon kasi kalaban ka namin. Pero isa lang ang masisiguro ko, hindi namin gagalawin ang pamilya mo kapag na sa amin ka." Assured niya sa akin habang papalapit pa rin sa akin. "Tingnan mo ang mata ko, walang bakas na kasinungalingan 'yan kahit na sa masamang organisasyaon ako." Huminto siya sa harapan ko kaya mas tumingala ako habang nakababa lang ang tingin niya sa akin. "Ano'ng tingin mo? Vivien Villafuerte?!" Kitang kita ko kung paano kumislap ang mata niya na kanina'y walang kabuhay-buhay.
Indeed. I could sense that there's no lies in his words… He's telling me the truth.
Bumuntong-hininga ako at binitawan ang aking patalim. Nakita ko ang paraan ng paglapad ng kanyang ngiti. Mukhang umayon ang gusto niya kaya inilahad niya ang kamay niya. "Ipapatawag ko ang kaisa-isa kong kasamahan," Tinutukoy yata niya 'yung Noel na iyon. "Pupuntahan natin ang kapatid mo."
*****