webnovel

TJOCAM 3: Secluded Feelings

He likes her... She likes him... While Haley and Reed always on an arguing situation, they still can't able to see what they really feel towards each other-- Clumsy and Awkward. Everyone knows except them. At first, they couldn't admit they are inlove but as they've been always together. The sparks and rapid beat of the heart are growing deeply. How will they notice each other's love if there will be another trouble that is coming to their way? Will they have a chance to tell their secluded feelings?

Yulie_Shiori · Urban
Zu wenig Bewertungen
85 Chs

Haley, Unavailable

Chapter 27: Haley, Unavailable 

Reed's Point of View 

Ibinagsak ko ang katawan ko sa higaan matapos kong ayusin ang mga gamit ko.

Kakauwi lang namin kani-kanina mula sa biyahe, nagkaroon nanaman kasi ng aksidente sa may bandang pampangga kaya ilang oras nanaman kaming nakaupo bago makauwi. 

Sa ngayon ay wala akong gustong gawin kundi ang matulog lalo na't pagod na pagod talaga itong katawan ko't kulang kami sa tulog. Ibinuka ko ang mga kamay ko't tumitig sa kisame.

Nilagyan na ni Kei ng ointment 'yung pisngi ni Haley na namamasa. Habang tumatagal kasi ay nangingitim na ito.  

Puntahan ko nga sandali. 

Umalis ako sa kama at lumabas ng kwarto para puntahan si Haley. 

Nang makarating ako sa tapat ng kanilang bahay ay naglililingon muna ako. 

Napakatahimik nung lugar at parang walang tao. Nagpapahinga na kaya siya?

Tanong ko sa sarili ko at tumingala para makita 'yung pusa ni Haley na nakasilip mula sa bintana. Para lang siyang nakabantay ro'n habang nakababa ang tingin sa akin. Labas sa ilong akong ngumiti. "Alagaan mo muna 'yung amo mo, ha?" Bulong sa sarili at humarap na sa bahay para maglakad pabalik. Subalit nakaramdam ako ng presensiya dahilan para tumigil din ako sa paglalakad at lumingon. Halos atakihin ako sa puso nang bumungad ang napakalapit na mukha ni Haley. 

Napasigaw ako sa gulat at patalon na umtras palayo sa kanya. "S-Sa'n ka nanggaling?!" Gulat na gulat kong tanong sa kanya habang hawak-hawak pa rin ang dibdib ko. 

Nakalagay lang sa likuran niya ang dalawa niyang kamay habang nakayukong nakaangat ang tingin sa akin. Umayos na siya nang tayo 'tapos pinitik ang buhok niya. "Were you looking for me?" Tanong niya sabay pasok ng kamay niya sa suot-suot niyang hoodie. 

Kumurap-kurap ako't nagbuga nang hininga. "H-Hindi, pero parang gano'n na nga." Sabay iwas ng tingin. 

Tumagilid siya ng tayo sa akin. "You shouldn't push yourself, dapat nagpapahinga ka na ng mga ganitong oras." Wika niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin. "I mean you look pretty awful." 

Ibinalik ko ang tingin sa kanya para simangutan siya. "Makapagsalita ka akala mo--" Naputol ang sasabihin ko dahil tumuon sa atensiyon ko 'yung pisngi niya. "Masakit pa ba 'yang pasa mo?" Concern kong tanong. 

Bumaling na ang tingin niya. "Hindi naman 'to mamamasa kung hindi masakit." Cool lang niyang pamimilosopo. Gusto kong sampalin 'yung sarili ko dahil pinapamukha niya akong walang kwentang kausap. "Wala ka na bang sasabihin? Papasok na 'ko." 

Inilipat ko ang tingin sa mata niya. Ako lang ba o sadyang parang walang buhay 'yung mata niya? 

Seryoso ko siyang tiningnan. "Haley, wala ba talagang masakit sa 'yo o ano?" Tanong ko pa sa kanya kaya nilingon na niya ako't tinaasan ng kaliwang kilay. 

"It's just a bruise, it will heal--" I cut her off. 

I shook my head. "No, 'di iyan ang ibig kong sabihin," Tiningnan ko ang gilid ng labi niya, may kaunting hiwa roon. Kung hindi ito titingnan maigi, hindi mo talaga mapapansin. "May tinatago ka nanaman ba sa 'min?" Tanong ko sa kanya na hindi niya kaagad nagawang sagutin. 

Humarap lamang siya sa akin at naglakad palapit. Nang tumigil siya sa mismo kong harapan ay tiningnan niya ako sa mismong mata dahilan para magkatapat ang tingin namin. Subalit kinilabutan ako nang mag-iba ang paraan ng pagtingin ng mga mata niya.

Sobrang lamig at nakakamatay na mapapaiwas ka talaga ng tingin. 

She's creeping me out. 

Naramdaman ko ang pag ngiti niya. "Kung anu-ano naman yata 'yung iniisip mo, Reed? Ano naman 'yung itatago ko sa inyo?" Taka niyang sabi sa akin. Palagi ka kasing ganyan kaya hindi ko maiwasang magtanong, palagi kang umaarte na parang walang nangyayari sa'yo. 

Tumalikod na siya para maglakad paalis. "Magpahinga ka na, pareho lang din tayong pagod." Binuksan niya ang gate nila at bago pa man siya makapasok ay may huli pa siyang sinabi. "At sana huwag ka ng nagtatanog ng kung anu-ano sa akin, okay lang talaga ako." Saad niya gamit ang malalim na boses bago isara ang gate nila. Naiwan lang akong nakatayo rito sa labas habang sinusundan siya ng tingin habang papasok sa bahay nila. 

Napayukom ako ng kamao. 

"Yes, I fully understand Reed, that you don't like me as a person." Naalala kong sabi ni Haley na may malungkot na tono sa kanyang boses. Bakit mo 'ko binibigyan ng gano'ng klaseng ekspresiyon? Bakit ang lungkot mo?

Tumungo ako't napalunok sa sariling laway. 

Natatakot ako, Haley. Na baka sa katangahan ko, mas lumayo ka pa sa akin. 

***

NAGTIPON-TIPON kaming limang magka-kaibigan kinabukasan matapos naming kumain ng tanghalian. 

Wala si Haley ngayon dahil may gagawin pa raw siya sa bahay na kailangan daw niyang tapusin. Ngayon sana kami gigimik dahil wala namang pasok, saka sa Monday kasi ay mas magiging busy na kami dahil magkakaroon ng preparation para sa darating na school festival.

Hindi ko alam kung ano ang magiging kinalabasan ng event dahil iba ngayon ang president sa Student Council, nag drop out 'yung former president dahil sa biglaang pagkuha sa kanya ng mga magulang niya sa ibang bansa. Narinig ko na roon na raw siya mag-aaral hanggang sa makatapos ng kolehiyo.

Ipinagkrus ni Jasper ang mga legs niya at ipinatong ang baba (chin) sa kanang kamay, nakaupo siya pangalawang simento, sa harapan ng gate nila Haley dahil kakalabas lang talaga namin mula sa loob. "Ano raw ba gagawin ni espren?" tukoy ni Jasper kay Haley kasabay ang pag-angat niya ng tingin sa bintana. "Wala naman akong naalala na may pinapagawa sa ating school works dahil mayro'n nga tayong retreat." 

Humalukipkip si Mirriam. "May naaalala ka ba talaga sa mga sinasabi ng titser mo?" Parang nang-aasar niyang tanong habang nakapikit ang isang mata. 

"Mirri, nagbabago ang tao." Saad ni Jasper.

"Sana 'yang pagbabago mo, na sa mabuti." Sabat naman ni Harvey at nilingon si Mirriam. "Bakit mo ba 'to pinayagang manligaw sa'yo?"

Napatayo naman si Jasper. "Ako ba, tinanong ko kay Kei kung ba't ka niya hiniwalayan?" Tanong niya dahilan para malakas siyang batukan ni Mirriam. Pasakal din niyang inakbayan si Jasper at natawa nang kaunti. 

"Alam mo naman 'tong kaibigan mo, Kei. Walang filter, eh." 

Ngumiti lang si Kei na para bang wala lang sa kanya 'yung sinabi ni Jasper. "Okay lang, we don't mind." Sagot ni Kei at nilingon si Harvey. "Right?" 

Nakabuka nang kaunti ang labi ni Harvey nang lumayo ang tingin niya, nakita ko rin ang kaunting pagbaba ng balikat niya. "Ah." Nasagot lamang niya.

Humarap sa akin si Jasper matapos siyang bitawan ni Mirriam. "Uy, pasukin mo nga si Haley. Baka pumayag 'yon kung ikaw mismo ang mag-aaya sa kanya." 

Humalukipkip ako't humawak sa sintido ko para mag-isip. Kung ako ang mag-aaya ro'n, baka sabihin lang niya sa akin. "Haa? Bawat minuto mo na lang akong chine-check, boyfriend ba kita? Saka ano kamong ginagawa ko? Sino ka ba para sabihin ko 'yung mga nangyayari ko sa buhay?" Mapapabuntong-hininga ka na lang din kapag alam mo 'yung pataray niyang pag-atake. 

Iyan din minsan ang mahirap sa babae. Maayos ka namang magtanong pero magugulat ka na lang dahil nagagalit sia sa 'yo, 'tapos kapag tinanong mo naman kung bakit sila nagagalit, mas lalong kukulo ang mga dugo nila. Ta's kung anu-ano pa sasabihin, hindi mo malaman kung sa'n nanggaling hindi na lang diretsuhin. 

I'm not one to talk, but she's an awful difficult person. 

Although I knew that from the very beginning. 

"Hindi. Respetuhin na lang natin 'yung alone time ni Haley." Biglang pagbago ng isip ni Jasper 'tapos lumakad papunta sa sasakyan ni Harvey. Pumasok siya sa passenger seat at isinara ang pinto. Naglakad na rin si Harvey para pumunta sa driver's seat habang naiwan lang kami ni Kei at Mirriam dito. 

Lumingon si Kei sa akin. "Hindi ba't didiretsyo ka sa prisinto mamaya? Gusto mo bang pumunta na tayo ngayon?" Tanong niya sa akin. Tumawag kasi 'yung police na in-charge sa investigation sa pagkamatay ng kapatid ko. Sobrang tagal na talaga nito ngunit hindi pa rin nila masagot lahat lahat ng mga kaso. 

Umiling ako. "May schedule na ibinigay sa akin 'yung chief. Kung pupunta ako ngayon doon, baka hindi rin ako maasikaso. Ang alam ko, marami raw yatang cases ngayon, nagkakagulo raw sila sa office." Iyon kasi 'yung balita ko. 

Tumango si Mirriam. "Napanood ko nga rin sa news, pero mayro'n yatang na-massacre malapit sa lugar natin. Hindi lang isa, o dalawang beses nangyari kundi tatlo, nagkalat 'yung mga homicide simula noong pumunta tayo sa retreat." 

"H-Hindi ko alam 'yan." Parang nagulat si Kei sa narinig niya. "Sigurado pa ba kayong aalis tayo ngayon?" Parang nag-aalanganin na tanong ni Kei kasabay ang pagsabog ng kung ano mula sa bahay ni Haley dahilan para mabilis kaming mapalingon doon. 

Ibinaba rin ni Jasper ang bintana ng sasakyan. "Ano 'yon?!" 

Hindi na ako nag-atubili at mabilis lamang na binuksan ang gate para pumasok. 

Sumunod lang ang mga kaibigan ko, pinihit ko ang door knob ng pinto pero naka-locked ito kaya wala akong nagawa kundi ang bumwelo't binangga ang pinto. Ginawa ko iyon ng ilang beses hanggang sa mabuksan. 

Nangangamoy usok. 

"Haley!" Natataranta kong tawag sa kanya nang makapasok. Napatingin ako sa itim na usok. na nasa ere. Sinundan namin kung sa'n iyon nagmula hanggang sa mapunta kami sa kusina.

"Haley! Ano'ng nangyari?!" Pag-aalala ni Mirriam saka namin nakita si Haley na nauubo ro'n sa tapat ng Oven. Humarap siya sa 'min at laking gulat nang makita ang mukha niya na puno ng maitim na uling-- gawa iyon sa usok na nagmula ro'n sa Oven. Ang gulo rin ng buhok niya. 

Inalis ni Haley 'yung usok na humaharang sa paningin niya 'tapos napatingin sa amin. Mukhang ngayon lang niya kami napansin. "Bakit kayo pumasok?" Nauubo niyang tanong saka kami pare-parehong napatingin sa Oven na muli nanamang pumutok. At ang sunod na lamang na nangyari ay namatay lahat ng kuryente.

"Luh, Haley. Lagot ka kay Tita." Pananakot ni Jasper at tukoy kay Tita Rachelle-- ang Ina ni Haley.

May liwanag pa rin naman kaming nakikita dahil may tatlong hindi gano'n kalakihan na bintana sa harapan namin, medyo nagpapadilim lang talaga 'yung makapal na kurtina. 

"Ano ba kasing ginawa mo?" Tanong ko naman saka siya humalukipkip. 

"Nag-iinit ako ng pagkain." Walang buhay niyang sagot 'tapos nilingon ang Oven. "Kasalanan kong hindi ako nag check ng wire na kinagatan ng daga. Kung alam ko lang, 'di ko na sana ginamit." Seryoso niyang tugon 'tapos labas sa ilong na naglakad at nilagpasan kami. "Kung wala kayong gagawin, alis na." Pagtataboy niya sa amin na sinundan lang din namin ng tingin. 

"W-Wala ka na rin namang paglulutuan, sumama ka na lang kaya sa 'min? Hintayin ka naming maligo." Aya ni Kei sa kapatid niya. 

"Hindi na, maglilinis pa ako." Malamig na sagot ni Haley bago pumanik. 

"May period yata si Haley ngayon." ani Mirriam. 

Narinig namin ang paglabas ng hangin sa ilong ni Harvey. "Magpaluto na lang kaya tayo ng pagkain kina Manang Yhina? 'Tapos dalhin na lang natin dito?" Suhestiyon ni Harvey kaya tiningnan siya ni Kei. 

"Kaso walang kuryente rito ngayon." si Kei. 

Ibinaling naman ni Jasper ang tingin niya kung saan pumanik si Haley. "Dalhan na lang natin siya ng makakain. Tingin ko hindi rin niya gugustuhin na nandito tayo ngayon." Napatingin ako sa mata niya. 

He got an expression we haven't seen before. 

Nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa at tiningnan ang nag message. Galing ito sa police chief. 

From: Police Chief 

Magandang umaga, Reed Evans. Hihingi lang ako ng pasensiya sa 'yo dahil lalabas kami ng office ngayon dahil nagkaro'n ng biglaang meeting. Babalikan kita kapag natapos kami rito. 

"Ngh."

Huminga ako nang malalim at napahigpit ng hawak sa cellphone ko. 

Hintayin mo lang, Rain. Hindi rin magtatagal, makikita ko rin 'yung taong pumatay sa 'yo. 

*****