webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
49 Chs

chapter 36

Itinayo ng mga mamamanday ang apat na tore ng tarzanaria at nang matapos na ito pinatawag ni haring staider ang lahat ng mga hari kasama na ang mga tao at nagtipon-tipon sa gitna ng malawak na espasyo ng kastilyo.

"Maligayang pagbabalik!"

"Kamahalan!"

Sigawan ng mga tao dahil ang kanilang hari ay bumalik na, napahakbang palayo ang mga taong nagtitipon-tipon dahil sa narinig nilang hiyaw ng kabayo mula sa labas ng tarangkahan ng tarzanaria.

"Ang punong tagapangisiwa ng white counsel ay nandito kasama ang salamangkero!"

"Buksan ang tarangkahan!"

Dahan dahang tumaas ang tarangkahan at bumungad sa mga tao ang kulay gintong kasuotan ni lady qenhrin ang pinuno ng white counsel habang sakay ng kabayong may pakpak.

Samantala nakasuot naman ng kulay itim na balabal ang matandang salamangkero habang nakasakay sa itim na kabayo.

"Sur nrin la elvin dor in Kun la per king of tarzin"

Nagtungo ang diyosa sa itaas ng entablado at humarap sa hari ng mga tao,lumuhod naman ang hari ng mga tao sa high elves ng nuhrim eartin.

Kinuha ni tamberow ang korona na gawa sa ginto't pilak at iniaabot kay lady qenhrin.

"Ngayong araw ang pagtalaga sa'yo bilang hari ng tarzanaria ay isang makasaysayan!bilang isang hari ikaw ay aming binabasbasan patungo sa tama at magandang pamamalakad dito sa tarzanaria!" Saad ng matandang salamangkero sa hari ng mga tao.

Isinuot ni haring staider burin high ang korona saka tumayo at naglakad pababa ng entablado at hinarap ang mga tao.

"Para sa tarzanaria!!!!!!"

Sigaw ng hari habang hawak hawak ang espada niya,nagsisigawan ang mga tao sa pagdating ng kanilang hari.

"Mahal na diyosa tapos na ang ating misyon dito sa tarzanaria kaya't bumalik na tayo sa puting bundok!"

"Sige tayo na!"

White counsel o punong kunseho ng lahat ng mga hari,tanging si lady qenhrin at tamberow lamang ang siyang nakaupo sa mesa ng kunseho. Pinag-uusapan nila ang kapayapaan dito sa nuhrim eartin.

"Bumalik na ang kapayapaan!tapos na ang digmaan at wala na ang kadiliman!"

"Tamberow saan kana ngayon tutungo?"

"Mahal na diyosa ang misyon ko dito sa-"

Natigilan ang matandang salamangkero sa sasabihin nito dahil sa isang kawal na sumingit sa usapan,Saad ng kawal ang mga hari ay nasa labas.

Natutuwa si lady qenhrin dahil dinalaw ng mga hari ang white counsel,naupo ang mga hari sa mesa at nag-usap usap.

"Ngayon pagpapatuloy kona ang aking sasabihin!tapos na ang misyon ko dito sa nuhrim eartin at ang kapayapaan ay naihatid na nating lahat!"

"Salamangkero ano ang nais mong sabihin?"

"Dito na!huwag ka ng umalis sa nuhrim eartin!" Saad ni haring vinner gair habang umiinom ng alak.

"Patawad!dito tapos na ang misyon ko ngunit ang misyon ko sa paghahanap sa aklat ay hindi pa! hahanapin ko ang itim na aklat upang masigurado kong ligtas na tayo!"

"Mag-iingat ka!mahusay naming gabay at matapang na tagapangalaga ng aming mga lupain! tamberow ang mahusay na salamangkero!"

Saad ni haring staider burin high sa matandang salamangkero at Saka nagtayuan ang mga hari kasama ang diyosa at nagbigay paggalang sa matanda.

Nilisan ni tamberow ang white counsel at malayo layo pa ang kanyang lalakbayin upang mahanap ang itim na aklat.

"Malayo-layo pa ang aking tatahaking landas!tayo na kaibigan kong kabayo!"

-BATTLE OF TWO KINGDOM-