webnovel

Three Jerks, One Chic, and Me

Haley Miles Rouge described herself as oblivious and unflinching-- isang mataray na babae. Pero ang gusto lang naman niyang malayo sa gulo at magkaroon ng tahimik na buhay. Kaya para tuluyan nang makaiwas, lumipat siya sa Enchanted University.  Mula noon, inasahan niyang magiging tahimik na ang takbo ng buhay nya-- walang gulo o unfortunate events.  Pero noong makilala niya sina Harvey, Jasper, Keiley, at Reed, mas lumala pa ang sitwasyon.  Sa una lang ba ito? O magiging daan din sila para makuha ang hinahangad ni Haley?  Saan nga ba patungo ang itinadhana nilang pagkikita?

Yulie_Shiori · Teenager
Zu wenig Bewertungen
74 Chs

Anguish

Chapter 31: Anguish

Reed's Point of View

Idinilat ko ang mga mata ko. Tila para akong na sa isang paraiso habang iginagala ko ang tingin sa paligid. Mahangin, maraming paro-paro, 'tapos nasa mataas akong lugar, kitang kita mo ang ulap mula rito.

Ang ganda pang tingnan 'yong waterfalls at ang mga kulay berdeng puno sa paligid. Nakakawala ng pagod.

Naglalakad lakad ako para tingnan ang iba pang lugar dito noong may maramdaman akong presensiya sa likuran ko dahilan para lumingon ako kung nasaan siya. 

Binanggit ko kaagad 'yong pangalan niya, "Rain" tawag ko sa kapatid ko pero ngumiti lang siya at  lumapit sa akin.

Hindi niya tinatanggal 'yong nakalinya sa labi n'ya at animo'y may 'di sinasabi sa 'kin kaya nagpasimangot ako, "What? Why are you smiling?" hindi siya sumagot at bigla na lang akong niyakap.

Ibinaon n'ya iyong mukha niya sa dibdib ko, "Kuya, you know that I love you so much, right?" tanong niya na nagpakunot-noo sa 'kin.  

Niyakap ko lang siya pabalik at taas-kilay na nakatingin sa tuktok ng ulo niya, "Hindi ko alam kung ba't mo natanong pero malamang. Siyempre." sagot ko kahit bakas sa mukha ko ang sobrang pagtataka. 

Naramdaman ko ang paglabas niya ng hangin sa ilong. "You won't be mad if I leave, right?" tanong pa niya kaya humiwalay na 'ko sa kanya. 

"Ba't ka naman aalis? May pupuntahan ka ba?" 'di lang siya kumibo pero may namumuo ng luha sa mata niya kaya ako naman itong nataranta at naghahanap ng kung panyo sa gilid-gilid ng damit ko. Pero wala akong makapa kaya ginamit ko na lang 'yong gilid ng mga palad ko pangpunas sa mata niya. "Ano ka ba! Para ka namang bata, eh. Ba't ka ba umiiyak, ha?" naiinis kong tanong pero hinawakan lang n'ya ang kamay ko dahilan para mapahinto ako. 

"Kuya, what will happen in the near future is depends on how you handle it. It is possible that the darkness will come and you'll be experiencing a great loss in your lives." pagkasabi niya no'n ay may tumalon na whale sa likuran ko dahilan para mapalingon ako. Umiikot siya sa ere hanggang sa bumagsak siya't tumalsik sa 'min ang mala-ulan na tubig. 

Ibinaling ko ulit ang tingin kay Rain. Naguguluhan sa mga binabanggit niyang salita. Para sa'n 'yon at nasabi niya ang mga gano'ng bagay? 

"Always remember that I will aways be here" mas lumapit pa siya kaysa kanina, "Whatever it takes." inilapat niya 'yong mga labi niya sa pisnge ko na nagpalaki ng mata ko. Lumayo na siya sa 'kin at binigyan ako ng matamis na ngiti. "Bye-bye." paalam niya na may pagkaway pa. Unti-unti na rin siyang naglalaho. 

Nagulat ako, "Ra-Rain! Oy!"

Lumapad pa ang ngiti sa labi niya, "I will miss you, kuya..." at tuluyan na siyang naglaho kasabay ng pagmulat ng mata ko sa realidad.

Napa-upo ako sa pagkakahiga ko at nagpa-panic na tiningnan ang paligid, "NASA'N SI RAIN?!" tanong ko kaagad sa doctor na chine-check ako ngayon.

Napa-atras siya pero 'agad din akong nilapitan para pakalmahin ako, "Sir, uminahon lang kay--" hindi ko siya pinakinggan at inalis ko lang ang mga nakakabit sa katawan ko at saka lumabas ng kwarto kahit na hinang-hina pa ako.

Buong lakas kong binuksan ang sliding door kung saan nando'n sila Kei at naghihintay sa steel bench. Kasama si Harvey na kinakausap ang isang nurse.

Hindi ko sila pinakielaman at nagdire-diretsyo lang ako ng lakad. Kailangan kong mahanap ang kapatid ko. Nasa'n siya?! 

"Reed!!" Hindi ko pinansin ang tawag ni Kei at binuksan isa-isa ang kwarto sa ospital na 'to. Kaya 'yong mga tao sa loob, napupukaw ko ang atensiyon. Gayun din sa mga taong na sa tabi-tabi na napapatingin sa 'kin. Lumalayo rin sila sa tuwing dadaan ako. 

"Where's my sister?!" singhal ko at tinulak 'yong doctor na humarang sa daan ko. Pinipilit pa nga niya akong h'wag magpatuloy pero ibinigay ko lang 'yong buong lakas ko para mawala siya sa paningin ko. Kailangan kong makita 'yong kapatid ko! Gusto kong malaman kung okay lang ba siya't ligtas! 

T*ngina! T*ngina! T*ngina!

"Rain! Nandito na si kuya! Hindi mo na ako mami-miss!" sigaw ko na nagmumukhang tanga na.

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako... 

Totoo ba talaga 'yong nakita ko nang makita ko si Rain bago ako makarating sa ospital na 'to?

Humawak ako sa ulo ko't napasabunot habang patakbong naglalakad.

F*ck! Hindi! Hindi 'yon totoo! Walang katototohanan 'yong nakita ko!

Lumitaw sa utak ko 'yong ilang saksak sa katawan niya kaya halos manilim ang paningin ko at pakiramdam ko ay masisiraan na 'ko ng bait. Please, no! It can't be true! 

"Rain!!!" malakas na sigaw ko kaya napasinghap na 'yong ibang tao na pati bata ay nagsisimula ng mag-iiiyak. 

"Reed! Tumigil ka ng--" hindi natuloy ni Haley 'yong sinasabi niya dahil naitulak ko s'ya dahilan para mapa-upo ito sa sahig

Kita rin sa mukha niya ang pagkagulat, humarap ako sa kanilang tatlo na patuloy pa rin sa pagsunod sa akin, "Sabihin n'yo, nasaan si Rain?" Wala sa sarili kong tanong, tinulungan ni Harvey na makatayo si Haley. 

Nakatitig si Kei sa 'kin na may pag-aalalang tingin nang may mamuo na luha sa mata niya.

Nilingon ko naman si Jasper na nanlaki ang mata panandalian noong ilayo niya ang kanyang tingin. 

Mas lumakas ang pintig ng puso ko kaysa kanina. 

"W-why? Why are you making that faces?" nanginginig ang boses ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na isipin sa mga oras na 'to. 

Pumikit ako nang mariin, "SABIHIN N'YO! NASA'N SI RAIN!? NASAAN ANG KAPATID KO?!" Rinig sa buong hallway ang malakas kong tinig. Papunta na ang mga doctor sa 'min pero nanatili lang kami sa kung nasa'n kami. 

Sumeryoso lalo ang tingin ni Harvey pero napatingin ako kay Haley. Halata sa mata niya na kagagaling lang niya sa iyak.

Pero bakit siya umiyak? Umiyak nga ba siya o napuyat lang?

Umabante siya ng isang hakbang, "H'wag kang magugulat sa sasabihin namin, Reed" buong tapang na panimula ni Haley na may seryosong ekspresiyon sa kanyang mukha. 

"...Your sister, she's gone." saglit akong hindi umimik at parang nabingi ako. Lahat ng ingay sa loob ng ospital tila parang biglang nawala. Gone...? Haha... She must be kidding, right? 

Napa-ismid ako at hindi tinanggap ang kanyang mga sinabi.

I don't want to accept this. 

Hindi 'to totoo.

"Haley naman, minsan ka na nga lang mag joke, hindi pa nakakatawa, nasaan ba kasi si Rain? Sabihin niyo naman 'yong totoo sa 'kin, oh? Nahihirapan ako, eh." para akong mababaliw. 'Di ko kaya. 'Di ko kaya.

Hinawakan ko ang magkabilaang balikat ni Haley, hindi napapansing nasasaktan ko na pala siya. "Please, tell me. Where is she?  Where's my sister?" sunod-sunod kong tanong pero 'di talaga siya makasagot at pilit na nagpipigil ng kanyang luha. 

Tumungo siya, "I'm sorry..." napaawang-bibig ako. Animo'y magsasalita noong itikum ko na lang at dahan-dahan siyang binitiwan. 

Nakarating na ang ilan sa mga doctor at iginigiya na 'ko pabalik sa kwarto pero pinigilan ito ni Harvey. 

"Doc, kami na po ang bahala." pakiusap ni Harvey kaya binitawan ako no'ng doctor saka tinanguan si Harvey bago umalis. 

Nakatitig ako sa kawalan, blanko ang utak at unti-unti ng nawawala sa sarili. 

Hindi p'wedeng mawala si Rain.

Kaming dalawa na lang ang natitira... Siya na lang ang natitira sa 'kin, siya lang 'yong pwede kong protektahan. 

Sumasakit na 'yong lalamunan ko, pakiramdam ko ay maluluha ako kung magpapatuloy pa 'to. 

"Reed... Wala na si Rain 3 days ago, at 3 days ka ring tulog" nahihirapang sagot ni Jasper sa akin dahilan para matawa ako. 

Hindi nga pwede siyang mawala, eh! 

Ibinaba ko ang ulo ko para makita sila, "Nasa'n kasi si Rain...? NASAAN SI RAI--" hindi ko naituloy 'yong sasabihin ko nang malakas akong sinapak ni Haley sa mukha dahilan para mapa-upo ako sa sahig.

Nagbulungan na ang mga tao pero nakatuon lang ang tingin ko sa galit na galit na si Haley

"HINDI MO BA NAIINTINDIHAN NA WALA NA SIYA!?! WALA NA SIYA!" Hirap na hirap niyang sabi at saka yumuko.

Tumulo na ang kanina ko pang pinipigilang luha.

"Wala na siya, Reed... Wala na...." naiiling-iling na wika nito na may pagkagat ng labi't pagkuyom ng mga kamao. 

Doon ako nagising sa katotohanan. Na 'yong ipinangako ko sa mga magulang ko, ay nasira. At ang kaisa-isa kong kapatid na dapat kong protektahan ay nawala na rin sa 'kin.  

Third Person's Point of View 

Pumasok na sa loob ng morgue si Reed habang ang apat naman nitong kaibigan ay nasa labas at hinihintay lamang siya. Nakita na nila Kei ang huling katawan nito at ang tanging gusto na lamang nila ngayon para sa kaibigang si Reed ay 'yong huling space na maaaring hingin nito para sa kanilang dalawang magkapatid. 

Humalukipkip si Haley na nakasandal sa pader habang pinapakinggan ang mga hagulgol ni Reed.

Makikita sa kanya na gusto n'yang lumapit kay Reed dahil sa pasilip-silip n'ya sa loob ng morgue pero wala rin itong magawa.

Naaawa sila sa kaibigan nila dahil sa nangyari sa kapatid nito.

Hindi nila alam ang p'wedeng gawin o sabihin... Dahil wala rin sila sa posisyon para sabihin 'yong kung ano man ang sasabihin nila.

Mayamaya lang ay hindi na rin napigilan ni Kei ang maiyak, si Harvey naman ay galit lang na nakatingin sa malayo habang si Jasper naman ay magkasalubong ang mga kilay na nagpipigil na maluha. 

"Rain... Rain... 'Di ba, wala tayong iwanan? Ikaw na lang 'yong mayro'n ako, eh. Tayong dalawa na lang kaya bakit? Anon'g ginagawa mo ngayon? Bakit pati ikaw, iniwan ako?" nanghihinang tanong sa sarili ni Reed habang mahigpit na nakahawak sa kumot na puti. "Rain..." bawat pagtawag sa pangalan ng kapatid ay siya ring pagsuntok ni Reed sa pader.  

Narinig 'yon ng kanyang kaibigan kung kaya't papasok na sana sila noong pigilan sila ni Haley. 

"I got this." sambit niya at pumasok sa loob ng morgue. 

Tuloy-tuloy pa rin sa pagsuntok si Reed sa pader kaya agad-agad na tumakbo si Haley papunta sa kanya, "Reed, tama na 'yan! Sinasaktan mo 'yong sarili mo!" pinipigilan ni Haley ang kamay ni Reed sa kasusuntok pero patuloy pa rin siya na animo'y walang naririnig. 

Sinisisi n'ya ang sarili niya kung bakit namatay ang kanyang kapatid. Na wala siyang nagawa para malayo siya sa kapahamakan katulad ng nangyari sa mga magulang nito.

Lumuhod si Reed habang hawak-hawak ang gilid ng kama ni Rain

Tuloy-tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ng binata at halos hindi na makahinga sa kakahagulgol, "Kasalanan ko... Kasalanan ko, Haley..." he said as he blame himself. 

Walang salita ang lumabas sa bibig ni Haley at lumuhod lamang para mapantayan ang lalaking umiiyak sa harapan niya. Ayaw niya itong nakikitang nahihirapan pa dahil alam niya kung ano ang nakaraan nito pero alam din niya sa sarili niyang wala rin siyang magagawa kaya ang tanging nagawa na lamang niya ay ang manatili sa tabi ni Reed. 

Niyakap niya ito habang nakabaon ang mukha ni Reed sa dibdib ni Haley. Hinawakan ang likurang ulo at napapikit. 

***

KINABUKASAN NG burol ni Rain, maraming dumalo lalo na ang mga kaklase ni Rain.

May mga prayers na ginawa at misang nagaganap. Nagbigay ng mensahe ang mga kaibigan ni Reed na sina Haley, Kei, Harvey at Jasper.

Samantalang hindi naman makapagbigay ng mensahe si Reed ng dahil sa kondisyon nito, palagi itong nakatulala at wala sa sarili.

Lumingon sa kanya si Haley habang bakas sa mukha n'ya ang pag-aalala. Matapos ang ilang mensahe at ang ilang mga dasal ay ibinaba na ang kabaong ni Rain.

Ngunit...

Kasabay naman no'n ang pagtayo ng binatang si Reed at mabilis na tumakbo papunta sa kapatid.

Lumuhod siya at muling bumagsak ang mga luha, "Hindi! Hindi! H'wag mo 'kong iwan, Rain! Parang awa mo na... Bumalik ka na sa 'kin! Bumalik ka na kay kuya, oh..." pakiusap nito habang walang tigil sa pagbuhos ang kanyang luha. Wwang-awa ang mga tao sa kanya. 'Yung iba, nagsisimula nanamang umiyak, lalo na ang mga taong napalapit na kay Rain at Reed.

Gustong magpakatatag ni Haley para sa binata ngunit hindi niya rin nagawa't napaluha na lang din ito. Ramdam niya ang paghihinagpis ni Reed, alam n'ya kung gaano ito walang wala ngayon na 'di na lang niya maiwasang mapakagat-labi. 

Humawak si Haley sa kanyang dibdib at yumuko. Nakagawa siya ng sobrang paghihirap sa kanyang mukha. 

Pinatayo na si Reed ng ama nila Haley at Harvey tapos itinuloy na ang pagbaba sa kabaong. Sumigaw si Reed dahil sa halo-halong emosyon. "Arghhh! Huwag n'yong ibaba! Ibalik niyo siya sa akin! Ibalik niyo si Rain! Ibalik n'yo kapatid ko!" 

Humagulgol na ang lahat ng tao sa paligid, lumakas din ang iyak ni Kei kaya inatake nanaman siya ng asthma na kaagad namang inalalayan at tinulungan ni Jasper.

Nakatingin na ngayon si Haley kay Reed na patuloy pa rin sa pag-iyak at pagmamakaawa.

Mayamaya lang nang ibaling ni Haley ang tingin sa hindi kalayuan. Sa bandang puno sa likuran nito ay nakita niya si Shane.

Humarap siya do'n para tingnan itong maige. Kinukurap kurap ang mata saka iniiling ang ulo nang wala namang makitang Shane.

Reed's Point of View

Ilang araw ng nakalipas matapos ang libing ni Rain, hindi ko pa rin matanggap. Hinihiling na sana panaginip na lang 'to at isang bangungot ang nangyari noon.

Kung pwede lang bumalik sa nakaraan para maiwasan 'yong trahedyang 'yon, ginawa ko na. 

Kaso hindi... Kahit na anong pananakit sa sarili ko ang gawin ko, nandito pa rin ako.

Sa napakapangit at walang kwentang mundo.

Bakit ba sila kinukuha sa akin? Bakit nila ako iniiwan? Bakit hindi nila kayang lumaban? Ano ba'ng nagawa kong masama para mangyari ang mga bagay na 'to sa akin?

What did I do? Ano'ng kasalanan ko?

May kumatok sa pinto ko. Nandito pala ako sa mansion ng Smith at pansamantalang mananatili rito. Sobrang dilim sa kwarto ko't walang liwanag na makikita. Kulong na kulong at palagi lang ako nandito.

Ayoko ng kausap. Ayoko ng mga tao sa paligid ko. Hindi ko alam 'yong gusto kong mangyari, hindi ko alam ang gagawin. "Reed, buksan mo 'yong pinto ngayon" utos ni Haley mula sa labas. Hindi ako sumagot at nagtalukbong lang ako lalo ng kumot sa mukha.

Wala akong gana... Papakainin lang naman nila ako, eh.

"Reed!" tawag pa nito. Hindi pa rin ako kumibo at pumikit lang. Mukha namang naiintindihan niya 'yon kaya hindi na siya muling kumatok.

Iminulat ko lang ang mata ko nang may marinig akong pagbagsak. Tiningnan ko iyon at napagtantong nasa sahig na ang pinto ko.

Inangat ko ang tingin para tingnan si Haley na naka-posed pa rin ng kanyang pagsipa. Siya ang nanira ng pinto ko.

Napapapikit pikit rin ako dahil sa pagkasilaw sa liwanag. Araw-araw akong nasa dilim kaya natural lang na masisilaw ako.

Ibinagsak ko ang ulo ko sa unan at hindi s'ya pinansin, sa halip ay nagtalukbong lang ako ng kumot.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na humangin. Inalis niya ang kumot na nakabalot sa katawan ko.

"ANO BA'NG GUSTO MONG GAWIN KO, HUH?! PALAGI KA NA LANG BANG GANYAN?!?" Hindi ako nagsalita at nakatingin lang ako sa malayo. Kinuha n'ya ang kwelyuhan ko para makita ako, naka-angat na rin ang katawan ko. "Reed!" tawag pa nito sa akin.

Inilipat ko ang tingin sa kanya na walang kabuhay buhay. "Let go of me..." malamig na tono ng boses ang aking ibinigay. 

"But Re--"

"I said LET GO!" nanlaki ang mata niya dahil siguro sa gulat sa biglaang pagtaas ko ng boses.

Bumitaw siya habang sumuporta lang ang isa kong siko para medyo naka-angat pa rin ako, "Kung wala ka ng gagawin dito, lumayas ka na" mahina kong udyok pero sapat lang upang marinig nito.

"I just wanted to tell you that your sister is waiting for you" bumuka ang bibig ko kasabay ang lalong panlalaki ng mata ko. Nilingon n'ya ang pagkain na dinala n'ya, nakapatong iyon sa kanan na lamesa. "Kumain ka na" d agdag niya at naglakad palabas.

Kinuha ni Harvey ang sinirang pinto ni Haley saka muna inilagay sa labasan.

"..."

***

Makalipas ang dalawang araw...

Pumunta na ako kung saan nila ibinaon ang katawan ni Rain. Nakatingin lang ako sa grave stone kung saan nakaukit ang buong pangalan ng kapatid ko.

Malamig ang simoy ng hangin at dumidilim ang kalangitan. Narinig ko kina Kei na uulan ngayon pero nandito ako't pumunta pa rin. 

Nakarinig ako ng kaunting kulog ng hindi inaalis ang tingin sa grave stone. Mayamaya pa noong magpasya na akong kausapin siya kahit walang kasiguraduhan kung talagang naririnig niya ako. 

"Rain..." walang buhay kong tawag at niluhod ang mga tuhod sa damuhan upang hawakan ang grave stone. "Sagutin mo nga 'ko? Ba't pati ikaw, nang-iwan?" panimulang tanong ko, "Ano ba'ng nagawa ng kuya? Naging masama ba 'ko? Ayaw mo na ba sa 'kin? Bakit n'yo nagawang iwan ako?" tanong ko na siyang pagbagsak ng tubig sa aking pisnge. Humawak ako ro'n at tiningnan ang basang palad na nagmumula sa pisnge ko. 

'Tapos ay bumuhos bigla ang ulan dahilan para iangat ko ang tingin sa madilim na kalangitan.

"Rain..."

Ang lamig...

Yumuko ako at tumitig sa damuhan, hinahayaan ang sariling mabasa ng ilang oras hanggang sa tamaan na 'ko ng lamig. Inuubo na ko't sinisipon. 

Kunin n'yo na 'ko... Lord, kunin mo na 'ko.

"Parang awa n'yo na, 'di ko na 'to kaya. Pakiramdam ko mamamatay ako sa lungkot kung mananatili pa 'ko rito, God... Please, kunin mo na rin ako..." pagmamakaawa ko at tumingala. Sa pagbagsak ng ulan sa mukha ko, bumagsak muli ang luha sa mata ko.

Please, save me...

Pumikit akong muli. Napagtantong walang mabigat na tubig ang bumabagsak sa akin kaya binuksan ko ang mata ko, dumilim sa pwesto ko. 

Unti-unti kong nilingon ang babaeng nag-alok sa 'kin ng kanyang payong. 

Magkasalubong ang mga kilay at namumula ang mata. Higpit n'yang hinawakan ang hawakan nung payong, "You are indeed an IDIOT! Magpapa-kamatay ka ba sa ulan?!" singhal niya sa 'kin. 

Sandali akong nanahimik hanggang sa magpasya akong humarap sa kanya ng walang sinusuot na emosyon. "Sa tingin mo madali? Sa tingin mo matatanggap ko kaagad, huh?" tanong ko sa kanya.

"But you don't have to do this! C'mon, Reed! Lahat tayo nahihirapan!" kinuyom ko ang kamao ko.

Lahat?

"SHUT THE F*CK OFF, HALEY! HUWAG KANG MAGSALITA DAHIL HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO! HINDI IKAW ANG NAMATAYAN KAYA HINDI MO MAIINTINDIHAN KASI WALA KA NAMANG KAPATID! 'DI IKAW ANG NAWALAN!" pagbibigay ko ng maririing na salita ngunit hindi siya napapitlag o nagbigay ng kahit na anong emosyon.

Nakatingin lang siya sa akin.

Malakas na umihip ang hangin kaya nabitawan niya ang payong na dala-dala.

At katulad ko, nababasa rin siya sa ulan. Pero bago bumagsak ang pagpatak ng ulan sa mukha niya ay nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata.

Pero hindi ko sigurado kung umiiyak nga ba siya.

"Reed, let's go home." seryoso niyang aya habang seryoso ring nakatingin sa akin.

"Leave me alone" malamig kong sabi nang maka-iwas ng tingin, pero may masakit akong naramdaman sa pisnge.

Sinuntok niya ako. 'Tapos sinapak pa niya ulit ako kaya napahiga ako kasabay ng pagpatong niya sa akin. Pagkapatong, sinapak na niya ako nang sinapak. "B*stard! Stupid! Idiot! Mongrel!" Sa bawat salitang binibitawan niya, do'n din siya nagsususuntok.

Pero wala kasi akong maramdaman kaya wala lang sa akin ang suntok niya. Mas masakit pa rin 'yong sugat sa puso ko kaysa sa mga kamao niya.

Binuhat niya ako sa kwelyo ko, "Sa tingin mo, gusto ng kapatid mo ang ginagawa mo sa sarili mo? Sagutin mo 'ko, Reed!" 

Wala akong ibinigay na kahit na anong salita dahil ramdam ko ang panghihina ko, "Reed!" tawag pa niya sa 'kin. 

Tumawa ako kahit pa nanghihina ako, "Hindi ko alam Haley, wala akong p'wedeng maisasagot sa'yo" hinigpitan niya ang paghawak sa kwelyo ko kaya napapikit ako.

Gusto ko na lang magpahinga...

Hinawakan n'ya ako sa noo, "Bwiset ka talaga, hindi mo pa sinabi na may lagnat ka pala, tanga tanga mo!" akma pa niya akong sasapakin niyan. 

Umalis siya sa pagkakapatong niya at  itinayo na lamang ako para i-akbay sa kanya. "Uuwi na tayo," ani Haley. Pumikit ako sandali tapos iminulat din ang mata.

"Please, h'wag muna..." pakiusap ko napatingin na siya sa 'kin. 

"Kahit sa hotel lang ni Harvey ako mag stay, gusto ko lang talaga mapag-isa ngayon. nanghihina kong wika.

Madali lang akong magkasakit dahil hindi ako gano'n kumakain, 'lagi pa akong puyat dahil sa kaka-isip sa mga bagay bagay. Maingay ang utak ko, hindi talaga madali sa 'kin 'yong mga nangyari. 

Mahirap... 

Pumaharap ng tingin si Haley at tumango, "Sige" 

Haley's Point of View 

Sa hotel kung sa'n ko dinala si Harvey noong nagkasakit siya ay ro'n ko rin dinala si Reed ngayon. 

Pinakuha ko kay Jasper 'yong kotse ni Reed na dala-dala niya papunta sa simenteryo. Nagtake lang kami ng taxi papunta rito dahil hindi naman ako marunong mag drive.

Tinext ko rin si Harvey na manghihiram kami ng rooms.

Sinabi ko sa kanya 'yong dahilan kaya heto at gina-guide kami ng isa sa staff papunta sa isang vacant room.

Si Reed, nakakapaglakad pa naman pero hindi na gano'n ka-ayos kaya inaalalayan ko pa rin siya.

Halata rin kasing nahihilo dahil napaka unhealthy na rin no'ng katawan niya. Hinawakan ko ang dibdib niya noong akala kong matutumba siya. 

Napaiwas ng tingin dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. 

Lumakad pa kami ng kaunti hanggang sa marating na namin ang kwarto. Pinagbuksan na kami ng babae ng pinto tapos binigyan kami ng spare clothes na siguro ay pinadala ni Kei. Sinabi ko kasi sa kanya na basang basa kami.

Pumasok na nga kaming dalawa sa loob. Pumunta kaagad siya sa kama at pabagsak na humiga roon.

"Saglit lang, hindi ka p'wedeng magpahinga ng basa ang damit mo" saway ko sa kanya. 

Magkakasakit kaya siya niyan! Baliw talaga 'tong hinayupak na lalaking ito! 

"Kaya ko na 'to, umalis ka na lang" napasimangot ako sa sinabi niya. 'Kala naman niya aalis ako kaagad ng gano'n gano'n lang? Lapitan ko nga muna. 

"Magbihis ka" sabay hagis ko sa damit niya sa kanyang tabi. 

"Geh..." tipid na sagot niya. 

Bakit parang ayaw kong magtiwala sa lalaking 'to? At isa pa, alam kong mataas taas na rin ang lagnat niya ngayon kaya hindi rin siya makakapagpalit ng maayos

Pero ano namang ibig kong sabihin do'n? Ako ang magpapalit sa kanya? Hell no!

Kaso... Wala naman akong ibang choice, 'di ba?

Luminga-linga muna ako, "Ako na lang ang magpapalit sa 'yo ng pantaas mo 'tapos ikaw na bahala sa pambaba mo" sabi ko sa kanya para alam niya. Tumango s'ya bilang pagsagot saka s'ya dahan-dahang umupo.

Bagsak na bagsak talaga 'yong balikat n'ya at parang tutumba na kaya hinawakan ko ang balikat n'ya. Huminga ako ng malalim saka s'ya sinimulang hubaran ng pantaas. Ngunit habang ginagawa ko 'yon ay nakapikit lang ako habang napapalunok.

Kinuha ko na 'yong polo shirt n'ya na inihagis ko sa tabi na nandito lang sa kama niya para maisuot na iyon sa kanya. Hindi naman ako nahirapan kaya natapos din naman kaagad ako.

Nagpunas ako ng pawis ko. Kahit na may aircon dito ang init pa rin.

"O siya mauna na muna ako, ah?" humiga lang siya sa kama habang 'yong half na katawan niya na basa ay nakalaylay lang do'n sa ibaba.

Nakatingin lang ako sa kanya nang ibaling ko na lamang sa 'di kalayuan. Napahawak ako sa aking noo, "Ano ba'ng gagawin ko sa 'yo?"