webnovel

the waiter's warrior

RILL_CRUZ · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
13 Chs

chapter 1

ang tunay na pagibig daw kung minsan ay matatagpuan mo sa di inaasaang panahon,oras at lugar, pagibig na di mo naman hinahangad. ngunit minsan ito ay ibibigay sayo sa tamang panahon na akala mo ay di tamang panahon para sayo. pagibig na di namimili at di tumitingin sa kung saan, pagibig na handang tumanggap ng kung anuman. pagibig na kahit apakan pa o husgahan ay mananatiling matatag at lumalaban.. pagibig na kayang patunayan ang tunay na kahulugan ng WAGAS NA PAGMAMAHALAN.

sa napakalayong mundo na nalalayo sa mundo ng mga tao ay matatagpuan mo ang napakalawak at napakagandang lupain ng SHUDHAN.. na kung saan naroroon at matatagpuan ang kaharian ng ng ZAHIRA na pinamumunuhan ni haring agnus na ama ng susunod na hari na si herrill. malakas ang pwersa at kamangyarihan na meron ang buong shudhan.. dahil nasa kanilang pangangalaga ang makapangyarihan ispada na kung tawagin ay catam na kung saan narooon ang limang mahihiwagang balong elemento o mas kilala sa tawag mga bato ng heris.. mga batong may kakaibang lakas.. mga batong nagmula pa sa mga makapangyarihan mga adana (diwata) na ipinamana pa sa saling lahi ng buong shudan.

sinasabing noong mga panahong ninais ni arga ang pinuno ng kadiliman at kasamaan na sakupin ang buong shudhan ay pilit itong ipinaglaban ng limang magigiting na adana.. ang mga adana ng himpapawid adana ng karagatan,adana ng kabundukan adana ng araw at bulkan at adana ng katapangan at kagitingan. ngunit ng mga oras na iyong ay mukang nanganganib ang buong shudhan. dahil ang kakaibang kapangyarihan ni arga ay tila lumalakas at di natitinag.. at mula doon ay isinumpa ni arga ang limang adana ng maging mortal na lamang ng sa ganoon ay mag karoon ng wakas ang kanilang mga buhay at sila ay maari ng mamatay..

nang malaman ng mga adana ang masamang binabalak ni arga ay agad silang gumawa ng paraan. at doon nga ay kanilang isinalin sa mga bato o heris ang kanilang mga kapangyarihan upang kung sila man ay mamamatay ay di iyon mapapasakamay ni arga.. at iyon nga ang nangyari. matapos ang labanang iyon ay napasakamay ng shudhan ang limang heris na kung saang ay inilagay nila ito sa isang banal na catam o ispada. at ang ispada nga iyong ang naging mas makapangyarihan sa lahat.

ngunit ang katahimikan ang di kahit kailan mananatili. iingay itong muli at gagawa ng masamang panaginip. at lumipas nga ang mahabang panahon bumalik si arga upang mag bukas ng panibagong digmaan.