webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Zu wenig Bewertungen
62 Chs

KABANATA 48

Nasa Eroplano kami ngayon at hinihintay ang paglipad nito.

Nung una ay nagdadalawang isip pa akong umalis dahil naiiyak at nalulungkot ako dahil iiwan ko ulit ang Gregoria. Naiyak nga si Ante dahil mamimiss niya ako. Ang ma alingaw-ngaw na boses ni Becky ay nanatiling nasa tenga ko hanggang ngayon. Siguro ay may mga bagay talagang kailangang iwan para sa maganda kong kinabukasan sa Manila.

Yakap-yakap ko si Matteo habang natutulog sya saking balikat. Ibinaba ko ang noo ko at tanging hinanuk at idlip lang ang naririnig ko mula sa kanya. Ang kanyang suot na salamin ay mas lalong nagpapa gwapo sa kanyang perpektong mukha.

Tumagilid ako ng kaunti saka pasikreto ko syang hinalikan sa pisnge ng ilang segundo. Babalik na sana ako sa pagkakaayos ng upo ng bigla niyang hinila ang batok ko saka ako siniil ng halik.

Bawat sulok ng aking labi ay inaangkin niya. Gusto ko syang itulak dahil nasa Eroplano kami subalit nagustohan ko. Para akong hinihila sa halik niya kaya hinawakan ko ang mukha ni Matteo saka sya binalikan ng halik.

Ang kanyang salamin ay nababang-ga na saking ilong. Ang kanyang malambot na labi ay ramdam na ramdam ko ang lamig.

"Excuse me Ma'am / Sir." May narinig kami ngunit hindi namin iyon pinansin. "Ahem.... Excuse me." Humiwalay kami sa halik ni Matteo saka lumingon sa nakatayong babaeng sterwardess sa harap namin. Literal itong napalunok at titig na titig ito kay Matteo. "Im sorry for errupting Ma'am and Sir. You need to insert the seat belt as the plane flies. Thank you!" Taas kilay nitong huling sabi bago kami tinalikuran.

Nakakahiya dahil nahuli niya kaming nag hahalikan at dito pa talaga namin ginawa. Humagik-ik ako kaya tumawa ng mahina si Matteo saka ako hinalikan sa noo. Sumandal ako sa kanyang dibdib ng nakangiti parin.

"Baby?" Tumingala ako sa tawag niya. Ang kanyang mukha ngayon ay naging seryoso. "Promise me you will never leave me no matter what happens to us. Promise me you will never stop loving me. Pagbalik natin sa Manila ay huwag na huwag kang aalis na hindi ako kasama. Stay at the bar then wait me when i pick you up. Please baby can you do that for me?" Natigilan ako sa paghinga sa sinabi niya. Hindi ko alam kong ano ang punto niya pero kinakabahan ako. Bawat bitaw niya na salita ay nag-aalala ako. "Please Mary, i wan't you to stay away from Venus and her friends. Ayaw kong mapahamak ka." Dugtong niya saka ko sya niyakap ulit ng mahigpit. Kong ano man ang kalalabasan ng relasyon namin ay kailangan kong sundin si Matteo. "I want you to trust me okay?!" Saad niya na ikinatahimik ko.

"Pangako Matteo, mamahalin kita kahit anong mangyari. Hindi ako mag sasawang mahalin ka araw-araw. Pangako!" Pumikit ako saka isinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. Narinig ko ang munti niya hininga kaya mas lalo akong nag-aalala. Siguro ay alam ito ng pamilya niya .Siguro ay alam ni Venus na kasama ko si Matteo ngayon. Alam ko ring galit na galit sila.

"Sleep first I will wake you up when we arrived." Halik niya sa noo ko bago dahan-dahang bumagsak ang mata ko.

Lagi paring gumugulo sa isipan ko ang sinabi niya. Kong ano man ang balak ni Matteo ay kailangan kong mag tiwala sa kanya.

Nang makabalik kami sa Manila ay agad akong hinatid ni Matteo sa bar. Dumiretso narin sya sa opisina dahil ilang araw syang nawala. Pagpasok ko palang sa silid ay bumungad sakin ang mga kaibigan kong literal na nakanga-nga. Ang kanilang mukha ay gulat na gulat na para bang multo ako sa paningin nilang lahat.

"Oh my gosh!" Si Ivony.

"Oh my ghad," si Jessica.

"Oh my gosh! Oh my ghad!" Si Grace saka ito tumakbo palapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit saka sumunod ang dalawa at sumali din ito sa yakapan namin.

"Gosh.... kailangan mong mag kwento samin. Anong nangyari? Kyah!" Tumatalon-talon si Grace habang hawak ang magkabila kong kamay. Hindi ko alam kong pano at saan ako mag sisimula kong inuunahan nila ako sa kilig.

"Maey usap-usapan dito sa bar na sumunod sayo si sir Matteo. Totoo ba iyon?" Laglag panga ni Ivony. Nakagat ko ang labi ko saka nagbuga ng iilang hininga. Tama nga ako aabot at aabot ito dito!

"Ay sorry galing ka pala sa byahe. Mag pahinga ka muna." Inabot ni Jessica ang bag ko saka niya ako hinila patungong kama. Umupo ako dun saka isa-isa silang tinignan. Ang kanilang mukha ay nag papahiwatig na interesado silang marinig ang lahat ng kwento ko.

"Sige na Maey. Ano na? Totoo ba talaga yung naririnig namin dito?" Si Ivony na excited habang tumalon-talon na nakaupo sa kama.

"Sumunod sya sakin kinabukasan." Nakangiti kong sabi kaya umawang ang kanilang labi. Ang kanilang ngiti ay tila naglalaro.

"Kong ganon totoo nga?" Si Jessica na hinampas ni Grace. "So it means nag sama kayo sa iisang bahay ng ilang araw?" dugtong nito kaya nanlaki ang mata ko.

"Malamang initiative mo na iyan Jessica." Sambit ni Grace kaya nag samaan sila ng tingin. Luminga-linga ako sa paligid at hinahanap ng mata ko si Erika.

"Si Erika nasan?" isa-isa kong tingin sa kanila.

"Ayun sinundo ulit ng papa Diego niya. Siguro ay mag di'date." Sagot agad ni Grace. Diego? yun pala ang pangalan ng boyfriend niya. Malaki ang naitulong nila sakin kaya nagpapasalamat ako.

"Maey may sasabihin sana kami sayo," Binaling ko ang tingin kay Ivony. Kinabahan ako sa titig nilang tatlo at tila nag-aalala sakin.

"Huwag nalang kaya," Siko ni Grace kay Ivony. Kumunot ang noo ko sa kilos nila ngayon.

"Ano yun? Anong sasabihin mo Ivony?" Nagtutulakan pa silang tatlo kong sino ang maunang mag salita kaya kinabahan ako lalo.

"Kasi si sir Clifford ikakasal na," Sumigaw si Grace bago bumulagta sa kama habang nag pa gulong-gulong. Hindi ko alam pero sa ginawa niya ngayon ay walang reaksyon ang dalawa at nakatitig lang ito sa kanya. "Ay nga pala hindi effective?" Kamot niya sa kanyang ulo.

"Guys ano yung sasabihin nyo sakin?" Ulit ko na ikinatahimik nilang tatlo. Nagbuntong hininga silang tatlo kaya mas lalo akong kinabahan ng kinabahan. Rinig na rinig ko ang tibok ng aking puso sa titig nila ngayon.

"Kasi pumunta dito ang mommy ni Matteo." Nanlaki ang mata ko sa simula ni Grace. Ang kaba saking dibdib ay nagpapahina saking katawan. "Kinausap niya si sir Clifford. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila narinig ko lang ito sa mga kasamahan natin. Ang sabi ay ipapatanggal ka ng mommy ni Matteo dito sa bar." Bumagsak ang mata ko sa sahig. Ang sakit ng aking dibdib ay sinisira ang nakaharang na pag-asa kong makasama si Matteo ng matagal. "Pero huwag kang mag-alala mukhang hindi pumayag si sir Clifford." Dugtong niya na ikina tiim bagang ko.

"Wala naman akong magagawa kong ipapaalis nila ako dito." Mahinahon kong sagot.

"Hindi naman pumayag si sir Clifford." Sambit ni Jessica. Tumango ako bilang sagot. Kaya ko ba talaga silang kalabanin lahat? Siguro ay hindi ako mag papadala sa ano mang bagay na maririnig ko araw-araw. Lagi kong isinaisip na tiwala at pag-mamahal ang pinanghahawakan ko para kay Matteo.

Hindi na ako muling sumagot pa at napagpasyahan kong magpahinga nalang. Hindi na ako nagtext kay Matteo dahil alam kong busy sya sa kompanya niya. Wala rin akong natanggap na mensahe galing sa kanya kaya napagdesyonan kong huwag nalang mangulit. Maging sa pagtulog ko ay gumugulo parin sa isipan ko ang sinabi nila sakin. Hindi ko alam kong anong takbo ng isip ngayon ni Clifford. Pano kong ipapatanggal niya ako dito sa bar. Siguro ay kong mangyayari iyon ay babalik ako sa Gregoria.

Nagising ako dahil sa ingay sa silid. Naririnig ko ang sigawan ng mga kasamahan ko sa loob kaya napaupo ako sa kama.

"Mang-aagaw ka Alyana. Napakalandi mong bruha ka. Kaya pala hindi nag paparamdam sakin si Josson ay naglalampongan na pala kayong dalawa." Si Ivony na pinipigilan ni Jessica at Grace. Napatayo ako sa kama saka dali-daling lumapit sa kanilang direskyon.

"Hoy Ivony una bago sa huli. Hindi ako ang lumapit kay Josson. Pano kasi yang boyfriend mo nakakita lang ng mas maganda ay deni'deny kana." Bulyaw ni Alyana kaya aakmang susugorin sya ni Ivony ng hinila ko agad ang braso niya.

Nasasaktan ako sa mga luhang pumapatak sa mata niya. Bakit nagawa iyon ni Josson? Ilang taon na silang nagsama at nagawa pa niya talagang maghanap ng iba.

"Hindi yan totoo mahal ako ni Josson. Kaya ka niya pinatolan dahil nilalandi mo sya. Napakahaliparot mong parrot ka." Sigaw ulit ni Ivony habang umiiyak. Nagkukumpolan at nagbubulongan na ang iilang kasamahan namin dito sa loob.

"Kong mahal ka niya hindi sana sya lumalandi sa iba. Kong mahal ka niya hindi sya hahanap ng iba." Si Alyana na galit na galit habang sinasabi yun.

"Dahil inaahas mo ang boyfriend ko. Yun naman talaga ang talento mo diba? Mang-aagaw at malanding bruha. Lahat nalang ng lalaki ay inaangkin mo. Baka nakalimotan mong inahas mo rin ang boyfriend ni Mary diba?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ivony. Literal akong nagulat kaya binaling ko ang tingin kay Alyana ngayo. Ang kanyang labi ay namumutla at tila nagulat din sa sinabi ni Ivony.

"Hindi yan totoo!" Matapang niyang sagot. Ang kaninay puso koy mahinahon ay binabalotan ng galit.

"Hindi?" Sigaw ni Ivony. Humarap sya sakin saka hinawakan ang braso ko. "Nong malaman ni Matteo na umalis ka ay naglasing sya dito sa bar. Kitang-kita ng dalawa kong mata kong pano landiin ni Alyana ang boyfriend mo. Aakmang hahalikan niya si Matteo ng itinulak sya nito. Hindi ko ito sinabi sayo dahil ayaw ko ng gulo." saad niya na ikina igting ng aking panga. Binaling ko ang tingin kay Alyana na namumutla parin. Pinipigilan kong hindi magalit dahil ayaw ko rin ng gulo.

"Tama na Ivony bumalik kana sa kama mo," Bulong ko na ikinailing niya.

"Hindi Maey eh. Kailangan nating basbasan tong babae na ito. Ang sarap-sarap isubsob sa kanal." Sigaw ni Ivony habang nakatuon ang tingin kay Alyana.

"Anong sabi mo?" Susugod sana si Alyana ng pumagitna ako at tinulak sya ng malakas. Hindi ko alam kong sinong nagtulak sakin gawin iyon. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko rason kong bakit napaupo sya sa kama niya.

"Walang gamot sa kalandian. Kaya bawas-bawasan mo yan baka mas lalong lumala at makahawa." Mahina pero may pagbabanta kong sabi. Literal silang nagulat sa sinabi ko saka ko tuluyang hinila si Ivony pabalik ng kama.

Padabog na lumabas si Alyana saka ang dalawang kaibigan nito. Isa-isang naring lumabas ang mga kasamahan namin. Bumagsak ang katawan ni Ivony sa kama ng patalikod saka ito sumigaw-sigaw sa galit.

"Aaaaahh! Ang sakit sakit. Hayop ka Josson napakagago mong lalake ka. Ang sarap mong putolan ng itlog. Ahhhhhhhhhhhh!" Hampas niya sa kama kaya hinahayaan lang namin ito. Ang kanyang mga luha ay bumuhos sa sakit. Nasasaktan akong nakikita syang ganito. "Fvck you ten years Josson. Sana mabagok yang itlog mo. Ahhhhhhh gago kang putang'ena ka!" Mura niya. Umupo ako sa gilid ng kama saka hinimas ang likod niya.

"Tahan na Ivony. Kong niluko kaman ni Josson ay karma na ang bahala sa kanya." Napaupo sya sa sinabi ko. Ang kanyang mata ay namamaga parin sa kakaiyak.

"Karma? hindi ako naniniwala sa karma Maey. Walang karma sa mundong ito tanging tao lang ang gumagawa non kaya minamalas sila." Hawi niya sa kanyang mga luha saka humikbi ulit ng iyak. "Alam nyo kong anong masakit? Yun yung sinuko ko ang lahat dahil mahal ko sya. Pareho-pareho lang naman tayong merong pagkababae diba?! Pero bakit nagawa pang maghanap ng iba." Humagik-ik ang dalawa sa gilid ko kaya agad ko silang sinamaan ng tingin. Ang kanilang ngiti ay tila pinipigilan lang ito. "Bakit kayo tumatawa? Diba totoo naman? Meron ako, meron ikaw, meron tayong lahat. Pareho-pareho lang naman ang guhit natin pero---" Sumigaw sya ulit saka nagmura. "Shit! Fuck you Josson bakit naghanap ka pa ng iba. Ahhhhhhh." Ginulo niya ang buhok niya rason kong bakit nagmumukha na syang baliw ngayon. Nagbuga ako ng hininga saka inayos ang kaltas ng kanyang buhok.

Nakakabaliw talaga ang pag-ibig.

"Tama na Ivony." Tumahimik sya ng ilang sandali saka ito pumikit. "Kong niluko at sinaktan kaman ni Josson. Ang mahalaga ay hindi ikaw ang nagkulang." Hinawi ko ang kanyang luha.

"Nagkulang parin ako Maey. Naghanap nga sya ng iba diba?" Simangot niya.

"Hindi ka nagkulang, hindi lang sya marunong makontento." Natahimik sya ng tuluyan sa sinabi ko. Ang kanyang mata ay bumagsak sa ibaba.

"Hindi na ba ako sapat?" Iyak niya ulit kaya niyakap sya ng dalawa.

"Sapat na sapat kang mahalin Ivony. Maganda at mabait ka kaya minahal ka namin." Sagot ko na ikinabuntong hininga niya.

"Siguro ganyan mo kamahal si Matteo noh?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit napunta kay Matteo ang usapan?

"Mahal na mahal." Yumuko ako pagkatapos sabihin iyon. Nagbuntong hininga ito saka tumitig ulit sakin na luhaan.

"Sapat na ba yung naisuko mo ang sarili mo sa kanya kahit alam mong hindi ka sigurado?" Seryoso niyang tanong na may luha.

"Hindi na importante kong naisuko man natin ang lahat. Ang mahalaga ay sa mga panahong binitawan natin ang lahat-lahat ay pinaramdam naman natin sa kanila na mahal na mahal natin sila." Sagot ko na ikinagiti niya. Ang ngiti nilang tatlo ay tila inaaralan ang binitawan kong salita.

"Kong ganon? Inaamin mo narin na isinuko mo na talaga ang bataan ng panatang makabayan mo?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Ivony. Literal akong natahimik at natamaan sa punto niya.

"Tika lang bakit napunta sakin ang usapan?" Natataranta kong sagot kaya tumawa silang tatlo.

"So confirm? Hindi kana Virgin?" Taas kilay ni Jessica. Nakagat ko ang labi ko sa mga titig nila. Hindi naman siguro masama kong sabihin ko sa kanila ang totoo diba? Tutal ay kaibigan ko sila.

Tumango ako bilang sagot kaya nanlaki ang kanilang mata. Isa-isa silang nagkatitigan saka ako tinulak-tulak sa braso.

"Waaaaaaaa!" si Ivony.

"Ang daya!" si Grace.

"Kyaahhh!" si Jessica.

Niyugyog nila ang braso ko rason kong bakit malapit na akong mahulog sa kama. Bawat bully at tawa nila sakin ay nagpapainit saking pisnge.

"Ano sabihin mo? Masarap ba?" Kilig ni Ivony habang kumikinang ang mata nito.

"Masakit ba?" si Jessica.

"Ano Maey. Anong feeling?" si Grace.

Napatayo ako sa isa-isa nilang sagot. Para silang mga tuta na naghihintay pakainin dahil sa malumanay nilang mga mata.

"Ewan ko sainyo para namang hindi nyo alam." Tinalikuran ko sila kaya rinig na rinig ko ang pagmamaktol nilang lahat.

"Eh iba parin pag galing sayo kasi isipin mo isang Matteo Edelbario yun. Waaaaa..... Maey mag kwento ka naman samin." Pagmamaktol ni Grace kaya kinaway ko ang kamay ko mula sa likuran saka pumasok sa banyo.

Panay ngiti ko habang naliligo. Hindi ko maguhit ang mga mukha nila kanina. Kaya gumugulo parin iyon sa isipan ko. Nang gumabi na ay balik narin ako sa pagtatrabaho. Ang sarap sa pakiramdam dahil namimiss ko ang pag wi'waitress kahit ilang araw lang akong nawala. Hindi man nag titext sakin si Matteo ay hihintayin ko nalang syang dumalaw dito. Sabi niya sakin ay dadalaw sya sa bar pagkatapos ng trabaho niya.

"Maey sa number 8 please." Kinuha ko agad ang alak na ibinigay ni Erika. Naging okay narin kaming dalawa at tuluyan na niya akong tinanggap bilang kaibigan.

Nagtungo ako sa numerong nakasaad at grupo ito ng mga kababaehan. Ganon pa din ay sinusundan nila ang galaw ko at tila hinihintay akong magkamali. Umalis ako agad pagkatapos.

Bumalik ako sa counter habang yakap-yakap ang tray mula sa tiyan ko. Bigla nalang may humila saking braso at tanging malakas na sampal ang dumampi saking pisnge rason kong bakit ako napaatras. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng bumungad sakin si Venus kasama ang isa sa mga girlfriend ni Clifford at Robi. Napahawak ako sa pisnge dahil sa hapdi.

Naramdaman ko ang kamay ng tatlo kong kaibigan saking braso. Hinila agad nila ako palapit sa kanila

"Bitch..... Mang-aagaw, slut, puk-pok." Sigaw ni Venus. Napapalingon narin ang ibang kasamahan kong waitress sa direksyon namin. "Sinira mo kami ni Matteo. Inaagaw mo sya sakin malandi ka. Isa ka lang cheap waitress." Aakmang lalapit sya sakin ng matapang humarang ang tatlo kong kaibigan sa gitna. "Umalis kayo dyan sa harap ko kong ayaw nyong matanggal dito." Nagmamatigas parin ang tatlo kong kaibigan kaya sumali narin ang dalawang kaibigan ni Venus at itinulak ang tatlo kong kaibigan.

Nakawala si Venus saka ito lumapit sakin at hinila ang buhok ko ng walng pag aalinlangan. Tanging sigaw nila ang narinig ko ng sabunotan ako ni Venus.

"Hayop kang babae ka. Anong meron sayo at nababaliw ang fiance ko? Matuto kang lumugar kong sino ang kinakalaban mo malandi ka." Sobrang sakit ng ulo ko sa ginawa niya. Tanging iyak lang ang nagawa ko ngayon. Ang mga kaibigan kong nakikipag away narin sa dalawang babae na kaibigan ni Venus. Hindi ko alam kong bakit walang pumipigil kay Venus. Tila pinapanuod kaming lahat. "Dapat sayo ay mabasbasan ng tubig para maibsan yang kalandian mo." Hinila niya ako patungong counter saka niya binuhos sakin ang iilang bote ng alak sa ulo ko. Hawak niya parin ang buhok ko at hinihila ko iyon pabawi sa kanya. "Ito ang nababagay sayo," Nalalasahan ko na ang alak na binuhos niya sakin. Hindi ko alam kong nasan sina Ivony dahil nakaharang ang buhok ko saking mukha. "You fucking slut sly one." Binitawan niya ang buhok ko saka ako sinampal ulit sa pisnge. Hindi ko magawang lumaban dahil nahihilo at sumasakit na ang ulo ko. Bawat bulong at titig ng mga tao samin ay nag papanginig saking katawan.

"Venus stop it," Naaninag ko si Matteo habang niyayakap niya si Venus mula sa likuran at pinipigilan itong sumugod sakin. Ang dibdib kong sobrang sikip dahil nakikita ko silang magkadikit. Ang mukha ni Matteo na walang ekspresyon at titig na titig lang ito sakin.

"Hindi babe eh. Inagaw ka niya sakin. Ginawa ko lang ang nararapat para sa kanya." Pumipiglas parin ito sa bisig ni Matteo. Halos hindi ko sila makita dahil sa mga luhang patuloy na umaagos saking mata.

"I said stop it." Bulyaw ni Matteo pero pumipiglas parin ito.

"Mary umakyat ka sa itaas. Kami na ang bahala dito." Hindi ko alam na hawak na pala ni Clifford ang magkabila kong braso. Inayos niya  ang magulo kong buhok saka ako hinarap na walang ekspresyon. Nakatulala parin ako kaya hindi ko magawang tumitig sa kanya ng diretso. "Let's go upstair," Hinila niya ako ng tuluyan pa akyat ng hagdanan. Naririnig ko pa ang malakas na sigaw ni Venus mula sa ibaba. Halos manghina ako sa sakit ng aking ulo.

Dumungaw pa ako mula sa ibaba at nahuli ng mata ko ang paglabas ni Matteo habang buhat-buhat niya si Venus.

Nakagat ko ang labi ko sa sakit ng aking dibdib. Ang aking mata ay bagsak sa sahig. Hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman nang binuhat ni Matteo si Venus.

Inalalayan akong umupo ni Clifford sa kama habang nanatili syang nakatayo sa harap ko. Narinig ko ang munti niiyang hininga bago ito nagsalita.

"Stay here. Huwag ka munang magtrabaho ngayon. Aayusin ko muna ang gulong ginawa ni Venus sa ibaba." Kita sa mata ni Clifford ang iritasyon at galit. Yumuko ako sa kahihiyan na nagawa ko.

"Im sorry, Sir." Wika ko. Tanging buntong hininga lang ang narinig ko sa kanya saka ito tulyang lumabas ng silid.

Isa-isang pumatak ang luha ko sa sakit ng aking nararamdaman ngayon. Napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman kong kumirot iyon. Sobrang lakas ng paghila ni Venus sa buhok ko rason kong bakit ako nahihilo ngayon. Hinilamos ko ang aking kamay sa mukha saka pilit pinipigilan umiyak. Hindi nga ako nababagay sa tulad ni Matteo. Ang sakit-sakit, bakit nangyayari ito sakin? Gusto ko lang naman maramdaman ang magmahal.

Inaangat ko ang ulo ko ng bumukas ang pinto at bumungad sakin si Matteo na bagsak ang magkabilang balikat. Pinapanunuod ko syang lumapit sakin. Ang medyo magulo niyang buhok ay napaghahalatang pagod na pagod ito.

Lumuhod sya sa harap ko para magkalevel kami ngayon. Inabot niya ang magkabila kong kamay saka iyon idinampi sa pisnge niya. Pumikit ako ng marahan. Hundi puso lang ang masakit sakin, pati buong katawan.

"Im sorry. Im really sorry." Mahina niyang sabi kaya hinimas ko ang mukha niya. Isa-isang tumulo ulit ang luha ko kaya hinawi niya iyon. "Im sorry for what happen. I'm sorry dahil dinala kita sa sitwasyong ito. Im sorry Mary." Yumuko sya saka ipinatong ang kanyang ulo sa tuhod ko. Narinig ko ang munti niyang hikbi at napagtanto kong umiiyak sya.

Ang kirot ng puso ko ay dinadala ako paluhod para yakapin sya ng mahigpit. Niyakap niya ako pabalik rason kong bakit naramdaman ko ang luha niya sa balikat ko.

"Mahal na mahal kita Matteo. Kahit ilang beses pa akong saktan ni Venus ay hindi kita iiwan. Kahit sinong tao pa ang humarang sa relasyon natin ay kaya kitang ipaglaban. Mahal kita at gagawin ko ang lahat kahit na masaktan ako ng sobra." Naramdaman ko ang yakap niya ng mahigpit. Ang kanyang luha ay patuloy ang agos rason kong bakit nababasa na ang damit ko.

Humiwalay sya sa yakap saka hinawakan ang magkabila kong pisnge. Ang kanyang mata ay may munting luha ang kanyang mabigat na mukha ay pagod na pagod pero nagagawa paring ngumiti.

"Girl like you in this world, makes me glad to be a real man. I've never cry to any other girl. But on you? My tears poured out of my eyes." Hinalikan niya ako sa noo saka ako niyakap ulit.

Ang mabigat kong nararamdaman kanina ay unti-unting napalitan ng saya at tuwa. May rason ako kong bakit gusto ko pang ipaglaban sya sa kahit sino. Hangga't lalaban sya lalaban din ako. Sinulit ko ang segundo na yakapin sya kahit sandali lang.

Bumukas ang pinto rason kong bakit humiwalay ako sa yakap ni Matteo. Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin si Rocky na bagsak ang magkabilang balikat at galit na ekspresyon ng mukha. Umigting ang kanyang panga ng napadpad niya ang tingin kay Matteo saka ito dali-daling pumasok na kuyom ang dalawang kamao.