webnovel

TWO

TWO

"Sure ka ba talagang lilipat ka ng condo at hindi ka mag stay sa dorm?" Tanong sa'kin ni Meia.

"Oo nga naman Cze. Hindi mo naman kailangan umalis." Dagdag naman ni Rain.

"Hindi ko nga kailangan umalis pero pinipilit naman ako ng lolo ko na lumipat. Hays! Kung ako lang din naman ay ayaw ko talaga. Si Lolo kasi ang kulit." Reklamo ko sakanila.

"Pero grab mo na para kapag hindi kami nakakabalik sa dorm may tutulogan na kami." Excited na wika ni Ally.

"Baliw." Sabi ko at inirapan siya.

"Ay truthfully Cze!" Sang-ayon naman ni Ady.

"Hoy Ady, manahimik ka nga. Akala mo hindi ka sumasama sa'min e." Sita sakanya ni Ally.

"Hehe...Sabi ko nga grab mo na opportunity Cze for the sake of your mahaharot na friends." Napailing nalang ako dahil bilis mag bago ng isip ni Ady.

Si Lolo naman, kinuhaan niya ako ng condo para raw mas maging komportable ako. Sinabi ko na sakanya na komportable naman ako dito pero nag pumilit pa rin siya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng jacket na suot ko dahil bigla itong nag vibrate.

"Speaking of," agad kong sinagot ang tawag ng Lolo ko. "Po?"

[Apo, nakapag impake ka na ba? Ipapasundo kita kay Rodger ngayon din.] Aniya sa kabilang linya.

"Lo, hindi niyo na naman po ako kailangan ipasundo. Kaya ko na naman po, e. At saka, malaki na naman po ako."

[Gusto ko lang naman na maayos kang makarating sa lilipatan mo.]

"Maayos naman po akong makakarating do'n. Wag na po kayong mag alala. Mag me-message ako agad sainyo pakarating ko. At hindi naman po kalayuan ang condo na lilipatan ko."

[Sige na nga, ikaw ang bahala. Basta i-message mo ako ha? Ingat ka!]

"Opo."

"Hays! Iba talaga pag anak ng mayaman." Rinig kong buntong hininga ni Ady.

"Hindi rin nakakatuwa." Wika ko.

Pagkababa ko ng tawag, binitbit ko na ang maleta na dala ko.

"Hatid ka na namin sa labas."

Tumango naman ako kay Meia at tinulungan nila ako sa bag kong dala. Kumaway ako sakanila ng makahanap kami ng taxi sa labas at sumakay na din naman ako.

Pagkarating ko dumeretso nalang din naman ako sa magiging unit ko dahil galing na din naman ako dito no'ng isang araw. Gusto din sana sumama nila Meia para tulongan ako mag ayos pero may gagawin silasa club kaya mag isa na naman ako.

Si Eisha ang kasama ko ngayon pero hindi niya rin naman ako masasamahan dahil may date  raw sila na Evan. Di wow!

Mga gamit ko nalang din naman ang aayusin ko kaya pumasok ako sa kwarto.  Ng makaramdam ako ng gutom, tumungo ako sa fridge. Infairness sa Lolo ko, prepared lahat. Oo nga pala. Nakalimutan kong i-message siya. Pagkakuha ko ng pagkain, kinuha ko kaagad ang phone ko at tinawagan siya.

[Hello? Apo? Kumusta? Nakarating ka na ba?]

"Opo, lo. Salamat nga po pala. Kumain na ho ba kayo?"

[Kakatapos lang. Ikaw ba?]

"Kakain palang po. Oh siya, sige na ho. Wag niyo kakalimutan ang vitamins niyo ha? I love you!"

[Ang sweet mo naman, ata.]

"Lolo naman! Matagal na po kaya akong sweet."

Napatawa naman ito dahil sa sinabi ko.

[Oh sige, apo. Pag may kailangan ka sabihin mo lang.]

"Wag niyo ho akong aalahanin. Okay na ho ako. Uuwi ho ako d'yan sa sunday."

[O siya at sasabihin ko kay Veda na ipagluto ka ng paborito mo. Sige na at ng makakain ka na. I love you, apo.]

"I love you too, Lo. Mwah!"

Ibinaba ko ang phone ko sa mesa at kumain na nga. Pagkatapos ay hinugasan ko lang din naman ang pinagkainan ko at bumalik na ako sa kwarto para ipagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko.

Antok na iminulat ko ang mata ko ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Kinuha ko ang maliit na orasan sa side table ng kama para tingnan ito. Buong mata ang naimulat ko ng makita kung anong oras na.

"Nako lagot!"

Kaagad akong bumangon sa kama at tumakbo papuntang banyo. Naligo ako at mabilis na ginawa ang dapat kung gawin.  Tumingin ako sa salamin at isinawalang bahala ang buhok kong hindi pa nasusuklay. Kinuha ko ang bag ko na nasa sofa at mabilis tumakbo palabas ng condo.

"Naman! Bakit walang taxi o kaya tricycle dito? Sabi ko na kasi kay Lolo sa dorm nalang ako!" Padabog kong wika.

May naaninag naman akong taxi sa hindi kalayuan kaya pinara ko 'yon.

"Manong sa Han University po." Ani ko na ikinatango naman ng driver.

Binuksan ko ang pinto sa back sit at sasakay na sana pero may humila sa kamay ko at inunahan akong sumakay sabay sarado ng pinto. Hindi ko nakita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng itim na sumbrero. Halos ma-out balance ako ng hatakin niya ako pabalik.

"Hoy! Ako ang nauna d'yan!" Katok ko sa bintana. Nagulat nalang ako ng biglang umandar ang taxi. "Teka, manong! Sandali!" Sigaw ko ng tuluyan itong makalayo. "Argh! Kaasar! Makilala ko lang sino ang mokong na 'yun...kainis!"

Wala akong choice kung hindi ang tumakbo. Buti nalang may tricycle na tumigil sa harap ko kaya sumakay na ako. Naman! Si Mr. Bald pa naman ang nakaabang sa may gate. Siguradong papatayuin niya na naman ng isang oras mahigit para lang mag tanda. Buwesit!

"Bayad po."

Mabilis akong bumaba at nahinto ako ng makita si Mr. Bald na nakaabang sa gate. Hindi niya ako pwedeng makita. Nasermonan niya pa lang ako dahil sa absents ko at warning na 'yun, baka tuluyan niya akong ibagsak.

Nag-isip ako ng ibang daan na pwedeng lusutan. Buti nalang at naalala ko ang maliit na gate sa likod na dinadaanan ng mga nag tatrabaho ng bagong classroom sa University. Kasu pagdating ko, sarado. Ano ng gagawin ko? Kasalanan 'to ng lalaking 'yon, e!

May naalala pa ako. Tama! 'Yong nilulusutan nila Ally tuwing mag ka-cutting sila. Nakahinga ako ng maluwag dahil nando'n pa rin 'yong hagdan na gawa sa kahoy sa may labas. Pero napakamot ako sa ulo dahil hindi ko akalain na mataas pala ang tatalunin ko sa loob. Paano ba sila nakaakyat dito palabas kung walang hagdan sa loob?

"Bo!"

"Ay mokong ka!" Bulalas ko sabay ng paghawak ko sa may dibdib ko dahil muntik na akong mahulog. "Nicholas!" Bulyaw ko at tiningnan siya ng masama.

Napangiti lang ito ng nakakaloko at mabilis na tumalon. Woah! Nakaya niya 'yon?

Sana all.

"Halos itapon ka sa ere sa noon sa cheering squad tapos takot kang tumalon?" Aniya.

"Mag kaiba 'yon noh! Do'n may sasalo sa'kin, dito wala!" Sabi ko naman.

Kunot noo naman akong napatingin sakanya ng ngumiti ulit ito.

"Edi, sasaluhin kita."

"Sigurado ka ba? Hindi porket binubuhat ako sa cheering, sobrang gaan ko na."

"Tatalon ka ba o hihintayin mong may makahuli sa'yo?"

"Bakit sa'kin? Andito ka rin naman ah. Dalawa tayo."

"Ikaw lang ang makikita nila."

"Psh!"

Tumingin ulit ako sa baba at napabuga nalang ako ng hangin. Tsk! Dapat siguro sa entrance nalang ako pumasok kanina.

"Ano na?" Tanong ni Nicholas mula sa baba.

"Teka lang!"

"Sinong nand'yan?" Rinig naming tanong ng kung sino sa hindi kalayuan.

Patay!

Nataranta naman ako at si Nicholas ay nag aabang na sa baba at pinapatalon na ako.

Nako! Bahala na nga!

Ibinaba ni Nicholas ang bag niya at inaabangan ako nito. Pasalamat nalang siguro ako na may katangkaran ang lalaking 'to. Nag sign of the cross muna ako bago tinipon ang lakas ng loob ko para tumalon.

"Eczeia, ano na?" Mahinang tanong nito.

"Ito na."

Huminga ako ng malalim at nag bilang.

"Isa...dalawa...tatlo!"

Ipinikit ko ang mata ko at tumalon. Akala ko pa naman sasaluhin ako ng mokong na 'to pero umiwas siya.

"Aray!" Daing ko ng bumagsak ako sa damuhan.

"Pft! Sorry."

"Nicholas!"

"Sinong bang nand'yan?!"

Kaagad akong tumayo at kinuha ang bag ni Nicholas at ibinigay ko 'yun sakanya.

"Dito!" Aniya at hinatak ako sa kung saan.

Nagtago kami sa may gilid ng halaman. Ano bang ginagawa ni Mr. Gomez dito? Kada lakad niya palapit sa tinalunan namin, usog din kami ng usog para makaiwas sakanya. Ng masiguro niyang walang tao, may kinuha ito sakanyang bulsa. Napatingin ako Kay Nicholas ng makita ang sigarilyo at lighter na hawak ni Mr. Gomez.

Nakatalikod siya sa'min ngayon at habang nag sisindi siya ng sigarilyo hinatak na naman ni Nicholas ang kamay ko.

"Tara." Aniya at mabilis kaming umalis sa pinagtataguan namin.

"Woah! Kulang nalang ata mamatay ako sa kaba." Sabi ko ng makalayo kami at huminto saglit sa hallway.

"Bagal mo kasi." Sita niya.

"Pasensiya na, ha?" Ani ko at tinarayan siya.

"Lunch. Una na ako."

Ano raw? Lunch? Balak niya bang mag palibre? Aba! Ang kapal naman ng mukha niya.

Dumeretso ako sa classroom at buti nalang hindi ko na naabot ang first class dahil alam kong papalabasin lang din naman ako. Umupo ako sa tabi ni Zen at yumungko sa mesa.

"Gaga, saan ka galing?" Tanong niya. "At bakit—pfft! Gumulong ka ba sa damuhan?"

Napaayos naman ako ng upo dahil sa sinabi niya. Kaagad kong pinagpag ang sarili ko.

"'Yong totoo? Nakasalubong mo ba ang bagyo at ginulo 'yang buhok mo?"

Oo nga pala, nakalimutan kong mag suklay.

"Pahiramin mo nalang ako ng suklay." Sabi ko sakanya.

"Cze? Bakit ngayon ka lang? Hinanap ka ni Mrs. Sanchez kanina." Bungad namin ni Eisha at naupo ito sa may unahan namin ni Ally.

"Nakalimutan ko i-set 'yong alarm." Sabi ko sakanila.

"Ay tanga!" Tiningnan ko naman ng masama si Ally.