webnovel

THREE

THREE

"Good morning class!" Masiglang bati ni Miss Sofia. Ewan ko rin pero gusto niya na itawag namin sakanya ay ang first name niya. "I have an important announcement. This coming Saturday, we will have an acquaintance ball. I know it's a bit late in a month to celebrate it, pero sabi kasi sila we have a special guest."

"Special guest? Sino naman kaya?" Bulong-bulongan naman ng mga ka-klase ko.

"At bago ko pa makalimutan, wear your best. I heard na meron competition in terms of dresses and they will choose the Queen and King of the night."

"Gastos na naman." Rinig kong bulong ni Ady at nag buntong hininga. "Hoy! Makikiharam nalang ulit ako sainyo ah?" Sabi niya sa'min.

"Sagot na kita." Aniya Eisha at kinindatan si Ady.

"Okie! Ako na bahala sa pagkain mo."

Nag okay sign lang si Eisha sakanya.

Nag simula ang community service ko dito sa school kahapon. Sa library ako naka-assign ngayong umaga.

"Ito ang list ng mga libro. Ikaw na bahala mag arrange ah?" Tumango naman ako sa librarian at napabuntong hininga ng makita ko ang patong-patong na libro.

Ilinigay ko ito isa-isa sa kung saan sila dapat na ilagay. Nagulat ako ng biglang pag pagtalikod ko tumambad sa'kin ang dibdib ng isang nilalang kaya naman napatingala ako sakanya.

"Nanadya ka ba?" Walang emosyon kong tanong.

Napangisi naman ito. "I thought you wouldn't notice since you're a shorty-- Aww!" Daing niya ng hampasin ko ang tiyan niya dahilan para mapalayo siya sa'kin.

"Bakit mo ba ako kinakausap? Kilala ba kita?" Tanong ko habang kumukuha ng iba pang libro.

"Maybe?" Said he at hindi pa rin nawawala ang nakakaloko niyang ngisi.

Dahil do'n kinilabutan ako.

"Hindi ko alam na nasa taas pa rin ang popularity ko sa school at marami pa rin akong taga-hanga. Autograph you want?"  Sarcastic kong tanong.

"You're Ravn ex-girlfriend right?"

My fake smile faded ng tanongin niya ako. "What's the point of asking?"

"I'm just curious, because you owe me an apology." Nahinto naman ako sa paglalagay ng libro at tumingin sakanya habang prente itong nakasandal sa bookshelves at kunwaring nag babasa. "Remember the night when you feel like you're Cinderella and you run away from your prince charming?"

Nag flashback naman sa'kin ang gabing 'yon at napanganga ako ng maalala na siya pala 'yong nilalang na nabangga ko.

"Ikaw 'yon?" Paninigurado ko na ikinatango niya. "Ano naman ngayon?"

"When you bumped me, I suddenly became your knight."

"Ha?"

Ano raw? May sira ba sa ulo ang taong 'to? Napailing nalang ako at mabilis na umalis sa pwestong 'yon.

"Wierdo." Bulong ko.

Bumalik ako ng classroom at kaagad na yumungko sa mesa.

"Nakakapagod ba?" Tanong ni Zen kaya naman naangat ko ang ulo ko at blanking tumingin sakanya.

"Gusto mo palit mo na tayo para maramdaman mo."

"Hehe...wag na. Ayos na ako sa'kin. Walang heart break, walang community service at walang missing activities." Aniya kaya naman inirapan ko siya at yumungko ulit.

Napaayos naman ako ng upo.

"Teka, Kilala niyo ba 'yong..." Nag hintay naman sila sa itatanong ko.

"'yong?" Tanong din nila.

"Ah, wala, wala." Sabi ko lang at kaya naman sabay-sabay nila akong inirapan.

Sa gymnasium ako sunod na naatasan luminis. One week ang binigay sa'kin ni Mrs. Sanchez para naman raw mag tanda ako sa three weeks kong absent.

"Cze, sure ka bang iiwan ka na namin?" Tanong ni Ady.

"Oo nga. Kaya ko naman umuwi mag-isa." Sagot ko naman. "At saka, nand'yan pa din naman sila Felly, e. May tutulong pa sa'kin."

"Oh siya, sige. Ingat ka sa pag-uwi mo. Bye!"

Kumaway ako sakanila at gano'n din sila sa'kin.

"Hoy!" Kunot noo ko namang tiningnan ang tumawag sa'kin na malapit sa bukana ng pinto.

Ano na naman bang ginagawa ng mokong na 'yan dito? Simula ng bumalik din siya, hindi na natahimik ang buhay ko. Bumaba siya sa bench at lumapit sa'kin.

"Cze, ikaw nalang pumatay ng mga ilaw. Una na kami!" Sigaw nila Felly.

"S-sige!" Sigaw ko rin pabalik at ibinalik ko ang tingin ko kay Nicholas ng makaalis na sila. "Ano na naman bang kailangan mo?"

Sabihin na nating childhood friend ko si Nicholas at nawala siya ng apat na taon para mag-aral sa ibang bansa. At ngayong bumalik siya, hindi rin ako natutuwa. Sana nanatili nalang siya do'n.

"Sabay na tayo umuwi." Aniya.

"Hindi ka ba marunong umuwi mag-isa?"

"Ako na nga 'tong nag mamagandang loob. Ala syete na at delikado na sa daan."

"Shala! Kailan pa kita naging guardian?" Pamimilosopo ko.

Binasa niya naman ng dila niya ang labi niya. Habit niya 'yon, noon pa. Siya na rin mag kissable lips. Ay ano ba yan!

"Gusto mo ba matikman?" Nakakaloko niyang tanong kaya hinampas ko naman siya.

"Manyak!" Bulyaw ko sakanya pero napatawa lang siya.

"Tara na."

"Hoy, teka! Sandali!" Saway ko ng hawakan niya ang kwelyo ko sa likod at hinatak na naman ako. Napaubo ako dahil nasasakal ako. May galit ata sa'kin ang nilalang na 'to at balak ata akong patayin.

"Bakit mo nga pala naisipan bumalik? Hindi ba maganda sa states?" Tanong ko at kinain ang ice cream na hawak ko.

Dumaan kasi kami sa convenient store kaya pinilit ko siya na ilibre ako ng ice cream.

"Hindi. Parang ikaw. Hindi maganda---aray!" Daing niya ng malakas ko siyang hampasin sa likod at tiningnan niya ako ng masama.

Matamis naman akong ngumiti sakanya. "Hala! Nicholas, tingnan mo!" Sabi ko at tinuro ang langit. Dahil uto-uto siya, kaagad kong idinikit sa pisnge niya ang ice cream na hawak ko. "Bleh!"

"Eczeia! Humanda ka pag nahabol kita."

Mabilis akong tumakbo palayo sakanya pero nahinto din ako ng may makita akong pamilyar na tao sa may entrance ng condo. Kahit hindi ako tumingin alam kong napahinto rin si Nicholas sa tabi ko.

Ang Papa ko...bakit siya nandito? Tumingin ito sa wrist watch niya at maya-maya may babaeng lumabas kasama ang isang matangkad na lalaki na mukhang ka-edaran lang din ni Nicholas. Humalik ang babae sa pisngi ni Daddy at masaya silang nag-uusap. Naunang umalis ang lalaking kasama ng babaeng lumabas at sumunod naman sila Papa. Pero sumakay si Papa kasama ang babae sa sasakyan habang magkahawak ito ng kamay.

Napatalikod ako bigla dahil tumingin ito sa may pwesto ko. Napayuko ako at pasimpleng pinahid ang luhang tumulo sa mata ko. Pinahid ko ito ulit dahil ayaw tumigil sa pag tulo.

Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng lugar, e dito ko pa sila nakita?

"Nakakainis naman!"

Naramdaman ko nalang na lumapit sa'kin si Nicholas at maluwang na yumakap sa balikat ko at tinap ito.

"'Yong ice cream mo...lusaw na." Wika niya kaya kaagad ko siyang naitulak.

"Ang galing mo naman comfort!" Sita ko sakanya.

"Panget mo kasi umiyak."

"Che!" Sabi ko at pinunas ulit ang luha ko pero napatawa ako ng makita ko 'yong ice cream na nasa pisnge niya pa rin.

Kunot noo naman itong tumingin sa'kin at ng ma-realize niya, pinahid niya ito at ilinipat sa'kin.

"Quits na tayo."

Himampas ko ulit siya sa braso.

"Panget mo kasama. Iniwan mo rin ako, noon." Sita ko naman sakanya.

"Pero binalikan kita."

"Ewan ko sa'yo! Mauuna na ako."

Inangat niya lang naman kamay niya at kumaway.

Tuluyan na akong pumasok sa loob at sumakay ako ng elevator. Eksaktong paglabas ko, napakunot ang noo ko ng makita si Ravn sa harap ng unit ko.

"Cze," tawag niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

Lumapit siya sa'kin at yinakap ako. Amoy alak.

"Cze, please come back. Hindi ko alam ang gagawin ko pag wala ka."

"Pero hindi mo yan alam ng mag kasama kayo ni Kien? Pakawalan mo nga ako!" Bulyaw ko sakanya.

He let go of me and held my face.

"Cze, please forgive me. please?"

"Ravn, stop! Tama na pwede ba? Sinaktan mo na ako and Kien is pregnant. Ravn, hindi excuse ang alak para hindi mo makilala kung sino ang kasama mo! Even if it was a mistake, ginusto mo pa rin 'yon! Hindi ako tanga, Ravn."

"Cze...please hear me out. I love you."

I shook my head.

"You love me, but you broke my trust. Umalis ka na."

"Cze..."

"Sabi ko umalis ka na. Ravn ano ba!" Bulyaw ko ng bigla niya akong halikan at malakas ko siyang itinutulak.

"Cze, I'm sorry. Please...forgive me."

"Sa tinagal ng panahon na magkasama tayo, kilala mo ako, Ravn. Pero bakit? Bakit mo nagawa 'yon?"

"Cze, patawarin mo ako. Please give me another chance to prove myself once again."

Umiling ulit ako.

"Hindi. Hindi mo na maiibalik ang tiwalang nawala, Ravn. Hinding-hindi na."

Mabilis kong binuksan ang pinto ng unit ko at isinara ito.

"Cze! Open the door! I'm sorry. I'm really sorry."

"Umalis ka na!" I shouted.

Napaupo ako sa may pinto at isinandal ang ulo ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko. At inuntog ang ulo ko. May kumatok ulit sa pinto kaya napabuga ako ng hangin at tumayo ako para buksan ito.

"Ravn sabi ko sa'yo umalis ka---ikaw na naman?"

'Yong wierdo na nakausap ko sa library. Bakit ba siya nandito? Sinusundan niya ba talaga ako? Napatingin naman ako sa loob ng unit ko at tiningnan kong may nakakabit na tracker.

"What are you looking at? Baliw ka na ba? And can you lower your voice? Hindi ako makatulog dahil sa ingay niyo. And I think this is your trash. I know you have your own trash can there."

Pagkakuha ko ng plastic na may laman ng ice cream na binili ko, tumalikod na ang lalaki at pumasok sa katapat na unit.

"Panira ng moment," Sabi ko at sinarado ang pinto ng unit ko.

Mabilis ko namang chineck ang buong unit ko dahil baka may tracking device ang mokong na 'yon o kaya surveillance camera. Geez! Pati cellphone ko, chineck ko na pero wala waman. Pati na rin katawan ko, kinapkapan ko na. Iba na ang panahon ngayon, masyado ng advance. Malay ko ba habang tulog ako, may nag e-experiment na pala sa'kin.