webnovel

SIX

SIX

"Akala ko ba tayo-tayo lang? Bakit may dalawang asungot dito?" Busangot na tanong ni Meia.

"Aminin mo nalang kasi masyado kang nasisilaw sa ka-pogian ko."

Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay na nag panggap na kunwari naduduwal kami sa sinabi ni Xen.

"Pre, kung ako sa'yo mananahimik nalang ako." Paghawak sa balikat na payo sakanya ni Cion kaya naman napatawa kami.

We laughed and talked habang bumabyahe ng makarating kami, unang bumaba sila Cion at Xen.

"Mind helping our ladies?" Tanong ni Cion sa'min.

"I'll go first." Sabi ko.

"Bida-bida naman 'to." Rinig kong sabi ni Ally kaya umakma akong sisipain siya pero dahil naka long gown ako, hindi ko siya naabot.

"Minsan talaga nakakapagod rin silang kasama noh? Hilig na hilig mag bangayan."

"Anong sabi mo?" Masamang tingin na tanong ko kay Xen bago ko hawakan ang kamay nila ni Cion para bumaba.

"Sabi sa'yo mananahimik nalang ako." Sabat naman ni Cion.

Una akong bumaba, sumunod si Zen, si Ally, at Eisha...

"Dapat pala talaga nag sarili nalang din tayong sasakyan." Rinig kong reklamo ni Xen.

"Alam mo ikaw? Daig mo pa babae sa kakadaldal, e." Sita sakanya ni Meia bago ito bumaba.

At huling bumaba si Ady.

"Hey girls!" Bati sa'min ni Evan.

Kita ko naman kung paano ayusin ni Eisha ang sarili niya. Nako! Ito na naman sila. Nagulat ako ng biglang hinarangan ni Zen si Eisha.

"Oops! Mamaya muna siya kunin, okay?"

Umakbay naman si Cion kay Evan.

"Balak ata nila magkaroon ng sariling grand entrance, e." Aniya.

"Talaga!" Sabi ni Ally at tumalikod na kami para pumasok sa grand hall.

All eyes are on us. Syempre naman noh. Ang gaganda kaya ng mga kaibigan ko. Humanap kami ng table namin na para sa'ming anim. Pustahan mamaya iilan nalang kaming matitira dito.

"Oh my gosh!" Rinig kong wika ni Eisha. "Totoo ba 'tong nakikita ko?" She asked.

Na-curious naman ako kaya napalingon ako sa gawi ng tiningnan niya.

"Hindi talaga ako naniniwala na lumipat sa state ang babaeng 'yan." Wika ni Ally.

"Ang kapal talaga ng mukha." Komento naman ni Zen

"Nandito ba siya para ipahiya ang sarili niya?" Meia.

"I can't believe that I'm seeing her." Ady.

It's Kien. She look stunning with her black long fitted dress. Kien is beautiful. I can't deny that fact. She looks like a goddess. She's cool and somewhat like a queen bee. Our eyes exactly met when she look in our direction. Even from a far, malinaw ang mata ko na nakikita ko siyang nakangisi. Ano bang nagawa kong kasalanan sakanya para gawin niya sa'kin 'to? I was too stunned ng biglang sumlpot sa likod niya si Ravn. Ravn offered his arm to her at masayang tinanggap naman 'yon ni Kien. Now, they look like a really perfect couple in the eyes of those who don't know.

"I was right! Kien and Ravn is the perfect couple ever since! I'm so happy for them!"

"Tama ka! Kahit noon pa man, sila na ang gusto ko para sa isa't-isa kung hindi lang umepal 'yong isa d'yan."

I heard someone said.

"Hoy! Manahimik nga kayo kung wala kayong alam!" Saway naman sakanila ni Eisha.

"Are you okay, Cze?" Tanong sa'kin ni Meia.

Ngumiti naman ako at tumango.

"We're done, anyway." Sagot ko sakanya.

"Yeah, but I don't think you're fine." Sabat naman ni Ally.

"Wala na naman rason para hindi ako maging okay sakanila." Sabi ko.

Pero ang totoo gusto ko rin talaga sugurin si Ravn because HE IS A FREAKING JERK! May nalalaman pa siyang "I love you." Pwe! Buti nalang hindi na talaga ako nakipag balikan.

"Alam mo kung ako 'yon baka sinugod ko na siya, e. Ikaw na nga ang sinaktan, ikaw pa ang mali sa mga mata ng tao dito? Gosh!"

Sa loob-loob ko sumasang-ayon ako kay Ally. Nako! Ayaw ko lang talaga ng gulo dahil block listed pa ang pangalan ko ngayon at baka bigla nalang sumulpot si Daddy kapag nalaman niyang gumawa na naman ako ng hindi niya ikakatuwa.

"Ally is right, Cze. Ang kapal talaga ng mukha ni Kien na mag pakita pa sa'yo at ginawa niya pang date si Ravn." Rugtong naman naman ni Zen.

"She's a shameless snake." Ady.

"Right!" Eisha agreed.

"Wala na tayong magagawa do'n. And I don't want another fights between us." Sabi ko sakanila but they just sighed.

Why do I feel like na ginawa nilang engagement ball ang acquintance ball namin? They were like roaming around at nakikipag-usap sa halos lahat ng tao dito.

"Are they giving invitations?" Tanong ni Eisha.

"Di nga?!" Hindi rin makapaniwalang tanong nila Meia.

"Wow! Ilang purnadang kakapalan kaya ang meron si Kien sa mukha niya? Hindi rin ako makapaniwala kay Ravn. Gago!" Eisha.

"Pigilan niyo ako, nanggigil ako." Pero wala namang pumigil kay Ady.

"Go Ady. Ipaghiganti mo si Cze." Tuyaw nila Zen.

Napatikhin naman si Ady.

"Nag bago na pala isip ko," aniya at naupo ng maayos. "Pwede later nalang after ng party? Sayang kasi 'yong gown at 'yong make over ko. Hindi pa naman nakikita ni Kyle ang beauty ko." She added at nag beautiful eyes pa na ikinagiwi namin.

"Pakipot ka pa kanina. May gusto ka rin naman pala talaga kay Kyle." Sita sakanya ni Ally.

"Shhh!" Saway naman ito kaya napatawa kami.

Natigilan kami ng may narinig kaming tumikhim.

"Mind interrupting my friend's conversation." Halos lahat ng kaibigan ko ay napairap ng mapunta na nga sa table namin si Kien at Ravn. Gusto ko rin umirap pero nag tama rin ang tingin namin ni Ravn kaya tinuluyan ko na siyang inirapan.

"Sino bang kaibigan mo?" I heard Eisha whispered pero sapat na para marinig namin.

"I just want to invite y'all on our upcoming engagement that will be held this last week of month." She said at nag patong ng invitation card sa mesa namin.

"Kapal talaga," rinig ko rin na bulong ni Ady sa tabi ko.

"Ayaw pa sana namin ni Ravn..." Sinasadya niya because she is looking at me habang pinupulupot ang kamay niya sa braso ni Ravn while Ravn is avoiding my gaze. "Pero hindi na kasi makapag hintay ang mga parents namin, e. They told us na dapat makasal kami bago maisilang si baby."

"Gosh! Wala na ba talaga siyang hiya?" Meia.

"I know Ravn will be a good father and husband naman. He's so caring and at the same time, hard working." She said at pinatong ang kamay niya sa chest ni Ravn. "No hard feelings but Eczeia knows it very well, right Eczeia?"

Naikuyom ko naman ang kamao ko pero pilit pa rin akong ngumiti kahit alam kong plastic na ang dating.

"Of course. I know him very well." Sabi ko naman. Everyone was looking at us dahil simula ng makarating dito si Kien, dito na rin tumungo ang atensyon nila. Naramdaman ko ang paghawak ni Meia sa kamay ko. "He's a very loyal person, too. Right, Ravn? Actually, bagay talaga kayo, e. You're a perfect match for each other."

"Thank you, Cze. You heard her, babe. Perfect match raw tayo. Anyways, I'm really hoping na pupunta kayo. I don't want my friends to miss my one of my precious moments in life. Una kami, their are still a lot to invite."

Ng makalayo na sila, saka lang ako napabuga ng hangin.

"Tawag na kayo ng medic, baka mahimatay ang kaibigan natin." Napailing nalang ako dahil praning din talaga 'tong Ady at pinaypayan ako.

"Baliw!" Sabi ko sakanya.

Nag simula ang acquintance ball at pinakilala rin nila ang guest. Well, 'yong ibang shareholders lang naman ng schools. Nakita ko nga rin ang Lolo and he is badly staring at me pero nginitian ko lang siya. Feeling ko alam niya na rin na hindi talaga sumama sa wierdo na 'yon. Kanina ko pa rin minamasdan ang paligid at hindi mahagip ng paningin ko sila Nicholas.

"Guys!" Pagkuha ni Ally sa atensyon namin habang nanonood kami ng mga speech ng mga special guest. "Don't you think it so boring na here?"

Tiningnan ko naman isa-isa ang mga kaibigan ko, but Ally is right. Humihikab na nga si Zen ng lumingon siya Kay Ally.

"Paano kaya kung we do the operation 911?" Asked she at mukang nabuhayan naman ang mga kaibigan ko.

"Even though we're wearing this kind of gown?" Tanong ni Zen.

"This are fitted gowns naman, e. Ako ng bahala dumiskarte." Aniya. "Ano? G?"

We look at each other's eyes at pinakarimdaman din muna ang paligid. But suddenly, Eisha shouted.

"Let's gaur!"

Mabilis pa sa alas-kwatro kaming nag sitayuan. Pinuntahan ni Zen ang kakambal niya dahil hindi kami pwedeng basta-basta nalang na makakalabas. Napairap pa ako dahil nag talo pa ang dalawa.

"Then I won't let you out kung hindi mo sasabihin sa'kin kung saan kayo pupunta." Banta ni Xen.

"Gosh! Kailangan mo pa bang malaman kung saan?" Frustrated na tanong ni Zen.

"Malamang. Kung ano man mangyari sainyo, edi alam ko kung saan kayo pupuntahan."

Well, he has a point.

"Fine! We're going to the bar. Are you gotta let us go or not? Dahil kung hindi, pipilitin pa rin namin lumabas."

"I'm going with you. This party is boring." Sabi naman ni Xen.

"Nag away pa kayo." Pairap na sita sakanila ni Eisha. "Tara na!"

Xen have his ways to lure the guards kaya mabilis kaming nakalabas. Nagulat na nga lang din kami dahil pati si Cion at Evan nakabuntot na sa'min.

"I thought we're friends? Bakit niyo ako iniwan?" Asked him na may tonong nag tatampo.

"Hay nako! Manahimik ka na nga lang at sumama sa'min." Ady.