webnovel

SEVEN

SEVEN

Pagkapasok namin sa loob ng bar umakyat kami sa second floor dahil do'n nakapwesto sila Nicholas. Kaya pala hindi mahagilap ng mata ko ang mga nilalang na 'to kanina, dahil nandito pala nag sasaya.

"Pfft! Nice gown." Asar ni Ryuu sa'min ng makalapit kami sakanila kaya naman sabay-sabay kaming napairap.

"Oii Kole, do you have scissors?" Ally asked sa lalaking prenteng nakaupo habang nag hihithit ng sigarilyo.

Bago siya sumagot, humigop muna siya ng sigarilyo at ibinaba ito.

"I can tear your clothes without it." He teasingly said.

"Whatever." Sabi ni Ally at naupo at iniwan kaming nakatayo.

I don't know kung paano niya nakilala ang iba sa mga nilalang na nandito.

"The heck are you doing here?" Gulantang tanong ni Nicholas ng lumabas ito sa isang pinto na nasa may gilid.

"The acquaintance was too boring kaya nandito kami. Don't you have any sits? Nakakangalay kaya tumayo dito." Reklamo ni Eisha.

Bumulong no'ng Kole sa mga babaeng katabi nila and then the girls suddenly left at nagkaroon ng pwesto para maupoan namin. Uupo na sana ako pero may pumigil sa braso ko.

"You shouldn't be here. Magagalit ang Lolo mo kapag nalaman niya." Sita sa'kin ni Nicholas.

"Hindi siya magagalit kung hindi niya malalaman." Sabi ko at umupo sa may tabi ni Meia.

Umorder ng drinks sila Ally. Hindi ko na rin alam kung saan napadpad sila Cion at Xen. 'Yong Kole nawala na rin at pumasok sa isang VIP room kasama ang isang babae na hindi ko rin kilala. Hindi na rin naman nakapagtataka kung ano ang gagawin nila do'n.

Napatungga ako ng isang baso ng alak dahil bigla ko na naman naalala sila Kien at Ravn. It's not easy to move on at mahal ko pa rin naman si Ravn. We've been together for so long. He and Kien are my childhoods, kaya hindi ko lubos maisip na nagawa nila akong lokohin. Matatanggap ko pa kung sana noon palang sinabi na ni Kien na gusto niya si Ravn, kaya ko naman dumistansya ng mga panahong wala pa kami but she didn't. Hinayaan niyang ligawan ako ni Ravn, hinayaan niyang sagotin ko si Ravn and then suddenly they will both ruined our relationship.

Napatungga ulit ako ng isang baso. I don't have any ideas kung ano ang iniinom ko dahil wala naman akong alam tungkol sa mga alak. I never drink, except that night at ngayon. I can taste the bitterness of the alcohol, pero hindi ko alam why it feel so good to drink it.

Napabuga ako ng hangin but I stop thinking ng maramdaman ko na may mga nakatitig sa'kin. My friends are staring at me, pati na rin si Nicholas.

"What?" I asked them.

Nasinok pa si Zen bago siya mag salita.

"I can't handle her."

"Sabi sainyo hindi siya okay." Sabat naman ni Ady.

"Did she drunk straight the most hardest drink?" Ally can't believe while she's asking.

Nagulat naman si Evan ng bigla siyang hampasin ni Eisha at muntik pa nitong mailuwa ang iniinom.

"Bakit ba?" Tanong nito.

"Sabihin mo sa kaibigan mo na Ravn, wag na wag ng magpapakita kay Cze. Look what he have done to her!" Kausap ni Eisha kay Evan habang sa'kin siya nakatingin.

Tinarayan ko naman silang lahat dahil nag mukha silang ewan. Ano bang problema sa ininom ko? Isn't it too natural to drink an alcoholic drink? Nababaliw na ata sila. Napailing ako at nag salin ulit sa baso and I drank it. Nakaramdam ako ng call of nature kaya naman I decided to go to the bathroom.

"Saan ang bathroom?" Tanong ko.

Tinuro naman ni Ally ang pinto na nilabasan kanina ni Nicholas. Tumango ako at tumayo pero naramdaman ko ang biglang pag ikot ng paligid ko. Did I drunk too much? Nakatulala pa rin ang mga kaibigan ko kaya napakunot ang noo ko. Hay! Ewan sakanila, kailangan ko ng umihi.

Nag simula ako maglakad pero umiikot na talaga ang paligid ko. But restrained myself, dahil baka mawala din 'to. Ganito ba feeling kapag nalalasing? Lumabas ako ng cubicle at tumungo ako sa faucet para mag hugas ng kamay. Napatingin ako sa gown ko.

"Stupid dress." I muttered.

Kinalikot ko ang maliit na purse na dala ko at may nakita akong blade. This is for emergency. Even though it takes a little longer, I success on cutting my long fitted gown. Ibinalik ko ang blade sa purse ko at lumabas ng CR. Bakit ba hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko? Bigla ko rin naramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko. This is not good at pati ang biglaang antok. Napatingin ako sa nilalang na bigla nalang sumulpot para alalayan ako.

"I need to bring you home." It was Nicholas.

Habang nasa biyahe kami napatakip ako ng bibig ko dahil feeling ko maduduwal ako.

"Eczeia, binabantaan kita! I told you, you shouldn't be on that place." Frustrated na sabi ni Nicholas, pero hindi ko na siya pinapansin dahil nararamdaman ko na talaga ang tama ng ininom ko.

Ng makarating kami sa condo binuksan ni Nicholas ang pinto ng sasakyan niya at inalalayan niya hanggang sa makarating kami sa elevator.

"Kaya ko na sarili ko. You should go back there." Sabi ko sakanya.

"Sigurado ka ba?" He asked na ikinatango ko.

Bumukas ang pinto ng elevator at pagiwang-giwang akong pumasok do'n. Inalalayan ulit ako ni Nicholas pero tinulak ko siya.

"I can handle my self. I'm a strong independent woman. Kaya shuuu na dalii!"

"Pero..."

When the door was about to close tinulak ko na siya.

"Babye!" Sabi ko at kumaway.

Saka lang ako napaupo sa sahig ng elevator. Mag isa ako, right? Kaya bigla nalang din akong umiyak. Wala akong pakealam kung may papasok, gusto ko lang mailabas ang sama ng loob ko.

"Mga traydor sila! Bakit nila nagawa sa'kin 'yon?! Tapos may engagement na magaganap? May anak pa sila? Mga walanghiya!" Sigaw ko habang nasa loob ng elevator.

Nahinto ako sa pag iyak ng may makita akong dalawang tao na pumasok sa elevator habang naghahalikan ang mga ito. They stopped when they see me. I pouted at mas lalo akong nalungkot dahil sa na-witness ko kaya umiyak ulit ako.

Lumapit sa'kin ang couple at tinatanong ako kung anong nangyari sa'kin. They look worried pero hindi ko sila masagot dahil umiiyak nga ako.

"I HATE YOU! BOTH OF YOU!" Tanging katagang lumalabas sa bibig ko.

"Nako! Nababaliw na ata ang batang 'to. Amoy alak na nga at para pang baka kung umiyak." Dahil sa komento ng babae mas lalo pa akong umiyak.

"Anong gagawin na'tin?" Tanong naman ng lalaki.

"Ilabas lang natin ng elevator at bahala na siya. May tutulong din naman sakanya. Pati loving-loving natin naudlot dahil sa batang 'to, e."

Ilinibas nga nila ako at iniwan sa sahig. Tumayo ako habang umiiyak at nanlalabo ang paningin habang pagiwang-giwang na naglakad sa hallway ng hindi ko alam na floor. Matisod ko pa ang sarili kong paa kaya nadapa ako at mas dumoble sa sakit na nararamdaman ko.

"AYAW KO NA!" Sigaw ko at humahagulhol ng iyak.

Naramdaman ko naman na may bumuhat sa'kin.

"I never dreamed to marry a crazy and stupid girl like you. Tsk!" Aniya.

He's lifting me up in a bridal way at naglalakad na kami ngayon. I can clearly see his sharp jaws while looking straight on the way. Na-curious ako sa feeling kaya hinawakan ko ang jaw line niya dahilan para mapahinto siya sa paglalakad. Hindi ko alam kung dala lang ba ng pagkalasing ko but he's face is shining when he look at me.

"Crazy..." I heard him said.

----

Napahawak ako sa ulo pag dilat ko ng mga mata ko.

"Kaasar! Bakit ang sakit?" Tanong ko.

Napaupo ako sa kama at iyinungko ang ulo ko sa tuhod ko na may kumot habang sinasabunutan ko ang sarili ko.

Teka, nag iiba na ba ang pang amoy ko? Bakit parang hindi 'to amoy ng kumot ko? Naangat ko ang sarili kong ulo at nagtataka ako kung bakit pati desenyo ng kwarto ko ay nag iba.

"Kailan pa naging gray and black ang kulay ng kwarto ko?" Napatayo ako sa kama para pag masdan pa ang paligid. Napatakip ako sa bibig ko ng ma-realize ko na hindi ko unit 'to. Pero kanino?

"Gising ka na ba talaga? Why are you roaming like an idiot?"

"AHHH!" Sigaw ko ng makaharap ako sa nilalang na naka half naked ngayon habang nag pupunas ng kanyang buhok. "T-Travis?" Hindi makapaniwala kong sambit.

Teka, galing siyang shower. Napatingin naman ako sa suot kong damit at ng makita kong hindi ko na suot ang gown ko napatakip ako sa katawan ko.

"Anong ginawa mo sa'kin?! Pinag samantalahan mo ba ako?!" Bulyaw ko sakanya na ikinagulat niya rin pero nawala rin ito at bigla siyang napangisi. "Wag kang lalapit!" Banta ko sakanya ng humakbang ito kaya naman paatras ako.

"What if I did? I don't see any wrong since you will be my future wife right?" Said he habang lumalapit pa rin sa'kin.

"I never agree on our engagement, you wierdo!"

"Did you just call me what?" Nagkasalubong na kilay niyang tanong.

"Wierdo. Wierdo ka naman talaga 'di ba?" Ang lakas naman loob ko pero nahinto ako dahil wala na akong maatrasan. Buwesit na bookshelf!

Nagulat ako ng bigla niyang ilinigay ang kamay sa may bookshelf's para i-corner ako.

"Am I?" Asked he while looking straight into my eyes kaya napaiwas ako.

"K-kapag lumayo ka, b-bawiin ko ang sinabi ko." Utal kong wika.

"Paano kong ayaw ko?"

"A...e..." Napangisi ako at tumitig pabalik sakanya. Akala niya ba matatakot niya ako. I wrapped my arms around his neck. He doesn't look startled at all pero alam kong nagulat siya dahil bigla siyang napalunok. "Then can you move more closer?" I gently asked.

Hinawakan niya ang braso ko at tinanggal ito sa leeg niya.

"Crazy."

Napatawa ako dahil do'n bigla siyang lumayo. It was a one trick from my friend Ally. She called it the teasing game. Actually naisip ko nga na sipain kung balak niya pa talagang lumapit, e. Kaya nakilaro na lang din ako. Anong akala ng Travis na 'yon? Madadala niya ako? Never! Gagawin ko ang lahat para ma-offend siya sa'kin at siya mismo ang umayaw sa engagement.