webnovel

FIVE

FIVE

Natanaw ko mula sa hagdan ang Lolo ko na nakaupo sa sala habang umiinom ng pahorito niyang tsaa habang nag babasa ng diyaryo. Dahan-dahan akong bumaba para sana hindi niya mapansin pero matinis pa talaga ang pandinig ng Lolo ko.

"Babalik ka na ng school?" Tanong niya ng tuluyan akong makababa.

"Opo." Tipid kong sagot.

"May ball kayo mamaya?" Tanong niya pa.

"Opo." Tipid na sagot ko ulit na ikinatango niya.

"I brought your gown. Ipapadala ko nalang mamaya sa unit mo. And either you like it or not, you're going with Travis."

"Lo?!"

"Stop your tantrums."

"Fine. Kayo naman palagi ni Daddy ang dapat masunod, e. Una na ho ako."

Umalis nga ako ng bahay na may bitbit ng sama ng loob sa Lolo ko. Oo, alam kong mahal niya ako. Pero sana maintindihan din nila na kaya ko rin mag desisyon at tumupad ng pangarap para sa sarili ko.

Nag paderetso ako sa university dahil mamaya pa namang gabi ang ball at sobrang aga pa. Actually, hindi naman ako pumasok, hihintay ko lang talaga na lumabas ang mga kaibigan ko dahil pupunta kami sa boutique kung saan sasamahan namin si Ady na bumili ng gown.

"Ibibili niyo ako? Akala ko ba hiram lang? Wala naman akong pambayad sainyo." Aniya.

"Ano ka ba Ady? Hindi mo na naman kailangan mag bayad. At saka, hindi kami papayag na hindi bongga ang beshy namin para mamaya." Sita sakanya ni Zen.

"Truthfully, Ady. Isipin mo nalang na kami ang fairy godmothers mo at kami ang gagawa ng make over mo para mameet mo ang prince charming mong si Kyle." Dagdag naman ni Eisha.

"Awsus! Tigil-tigilan niyo nga ako sa Kyle na 'yan!" Saway niya sa'min.

Nagkatinginan naman kami at sabay-sabay na napangiti.

"Kunwari hindi gusto..." Asar ni Meia.

"Kunwari walang pakealam..." Rugtong ko naman.

"Kunwari..."

"Ano ally? Sige ituloy mo." Banta ni Ady sakanya.

"Kunwari tara na, dahil baka ma-late tayo mamaya?" Napatawa nalang kami dahil sa sinabi ni Ally.

Ang boutique na pupuntahan namin ay pag mamay-ari ng Mommy ni Eisha. Gustong-gusto ni Tita ang pananahi ng sarili niyang design gowns kaya naisipan niya raw mag tayo ng boutique.

"Hi po, Tita!"

"Magandang araw ho!"

"Hi Ma!"

Sabay-sabay naming bati.

"Andito pala ang mga magaganda kong anak."

Lahat kami nakipag beso sakanya.

"Lahat ba kayo bibili ng gown?" Tanong niya sa'min.

"Ako lang at si Ady po, Ma." Sagot ni Eisha.

"I see. Oh siya, pumili kayo. May mga bagong tahi rin d'yan na alam kong sukat para sainyo."

Excited naman kaming pumili para kay Ady dahil meron na namang gown si Eisha na tinahi mismo ni Tita para sakanya. Pumili kami isa-isa at ipapasukat namin 'yon kay Ady. Pumasok siya sa fitting room at kami naman ay nag hintay sa malaking sofa.

Una niyang sinukat ang napili ni Meia pero umiling kami dahil nag mukha siyang si snow white. Sunod naman ay 'yong kay Ally, umiling ulit kami dahil masyadong patay ang kulay. Sumunod naman ay 'yong akin. Ngumiti ako at nag thumbs up sakanya pero 'yong mga kasama ko ay sabay-sabay na umiling.

"Bakit?" Tanong ko.

"Acquaintance ball ang party na pupuntahan natin. Hindi children's party. Hala balik!" Napakamot naman sa ulo si Ady at ako naman napasimangot dahil sa pag kontra ni Eisha.

"Hindi ko alam na parehong isip bata kayo ni Meia." Pailing na sabi ni Zen.

"Hindi lang naman pambata ang Disney princess ah?" Sabay pang reklamo namin na ikinatampal nalang nila ni Eisha sa ulo nila.

Sumunod na sinukat ni Ady ang gown na kinuha ni Eisha. Dearing siya masyado pero maganda ito at bagay na bagay kay Ady. Lahat kami napa thumbs up sakanya pero mukhang si Ady naman ang may ayaw.

"Hindi ko kakayanin na sumuot nito. Sinasabi ko sainyo. Sa ayaw at sa gusto niyo, papatungan ko ito ng jacket."

"Hoy!" Saway ni Eisha sakanya. "Oh siya, try mo nalang isukat 'yong napili ni Zen."

"Pagod na ako."

"Dali na!" Pilit namin sakanya kaya naman padabog siyang bumalik sa fitting room.

"Hoy! Pantulong ulit ng tali!" Sigaw ni Ady mula sa loob. Walang may gustong tumayo kaya ako na ang nag insist. "Oh siya, labas na para surprise."

"Opo, mahal na prinsesa." Sabi ko naman.

Nag hintay kami ng ilang minuto dahil mukhang natagalan ito sa pag suot ng hauling damit.

"Ady? Buhay ka pa ba?" Sigaw ni Zen.

"Ito na lalabas na!" Sigaw naman nito pabalik.

Halos lahat kami napanganga ng hawiin niya ang kurtina ng fitting room. Nag katinginan kaming lahat at unang tumayo si Eisha para pumapalakpak.

"Perfect! Ikaw na ang candidate namin for the Queen of the Night."

Simple at elegante tingnan ang huling fitted long gown na isinukat ni Ady. Bagay na bagay 'yon sakanya at hindi maipagkakaila na nakikita do'n ang ganda ng hubog ng katawan ni Ady.

"Omg! Kung ako lang si Kyle, baka na-inlove na ako sa'yo." Singit naman ni Ally.

"Truthfully." Sang-ayon naman namin.

"Tigilan niyo nga ako. Hindi ba malaswa tingnan?"

"Ady, you look perfectly fine. It's not dearing at all, it's fabolous." Sabi ko naman.

"I don't want to do my make over inside the uni. Paano kong sa unit mo nalang tayo mag bihis at mag make over?" Tanong sa'kin ni Zen.

"That would be great! We still have a lot of time pa naman. At gusto ko rin muna mag beauty rest." Sabat naman ni Ally.

"Ano Cze? G?"

Tumango naman ako.

Naisipan nga naming umuwi sa unit ko. Pagkapasok namin kaagad na ibinaba ni Ally ang mga dala niya at nahiga kaagad sa sofa.

"Ilang rooms meron?" Tanong ni Meia.

"2." Sagot ko habang ibinaba ang mga paper bag na dala ko.

"Woah! Ganito kalalaki ang kwarto mo rito?" Rinig kong tanong ni Ady kaya naman napapunta ako kung nasaan siya. "Sinasabi ko sainyo, masayang mag overnight dito."

Pumunta naman siya sa bathroom.

"Woah! Cze, pwede bang dito na rin ako tumira?" Tanong niya.

"Oo naman. Wala rin naman akong kasama, e." Sagot ko naman at ngumiti.

"Paano ako?" Nakangusong tanong sa'kin ni Meia at sumaklay sa braso ko.

Linagay ko naman ang hintuturo ko sa noo niya para ilayo siya sa'kin.

"Ayaw kitang makasama." Sabi ko.

"Ahh, kaya pala iniwan mo akong mag isa sa dormitory, e." Aniya.

"Hoy mag kasama na kaya ni Zen."

Nagkatinginan naman sila at sabay tinarayan si Zen.

"Alam mo bang simula ng lumipat siya sa dorm, parang lumipat na rin ang makulit na si Xentavios?" Reklamo ni Meia.

"Tsk! Tsk! Buti nalang mag isa ako." Sabi namam ni Eisha.

"Ah ganon? Ayaw niyo akong ka-dorm mate? Ito sainyo!"

Kumuha si Zen ng unan sa kama ko at binato 'yon sa'min.

"Hoy! Bakit nakasali ako?" Tanong ko.

"Sinong ba kasing may sabi na 1 vs 2 'to? Syempre damay-damay na 'to." Aniya.

"Hoy!!! Teka!!!"

"Hahahahah..."

At do'n na nag simula ang aming pillow fighting scene. Pero napahinto din naman kami ng marinig namin ang door bell.

"AHHHH!" Sigaw ni Ally mula sa pinto kaya sabay-sabay kaming napababa sa kama at napalabas ng kwarto.

"Ally anong problema?" Tanong ni Ady sakanya.

Tumingin sa'min si Ally at ngumiti habang hawak ang white box. "Wala naman. Ang gwapo kasi ng delivery boy."

Lahat kami napairap sakanya.

"Akala naman namin kung ano na. Psh!" Meia.

"Hoy Cze, damit mo." Tawag niya sa'kin kaya kinuha ko naman 'yon.

Binuksan ko naman 'yon at napansin ko ang maliit na note sa loob.

"Don't be late."

-_-

Natampal ko naman ang noo ko ng makalimutan ko na dapat kasama ko nga pala ang wierdo na 'yon pagpunta do'n. Nako! Paano? Nandito ang mga kaibigan ko? Ano idadahilan ko sakanila? Napatingin ako sa oras alas tres na. Isa-isa na rin silang nag-aayos. Ginawa ba namang parlor ang unit ko.

"Anong hawak mo?" Kaagad kong nalukot ang sticky note na hawak ko at umiling kay Eisha.

"Teka lang, may kukunin lang ako sa labas." Paalam ko.

Bumalik ako sa unit ko at naabutan ko sila na nag sisimula ng mag ayos kaya naman nag ayos na rin ako. Gamit namin ang limousine na pag mamay-ari nila Zen. Alam ko na pinapasama ako ni Lolo sa wierdo na 'yon, pero nag iwan na naman ako ng note sa pinto ng unit ko na hindi ako sasama sakanya.