webnovel

EIGHT

EIGHT

Pumasok ako sa isang cafe na malapit lang din sa condo. I have no class kaya nagliwaliw ako at mamaya uuwi ako sa bahay ng Lolo ko.

"Isang latte at one slice ng chocolate cake." Sabi ko sa waitress.

Ang kinaganda dito ay hindi self service at hindi ko na kailangan mag hintay pa sa counter. Kinuha ko ang phone ko at natawa ako ng buksan ko ang inbox ko. Nag send ang mga kaibigan ko ng epic pictures nila no'ng nasa bar kami. I have one there, 'yong picture na tinutungga ko isang baso and I look so problematic.

Meron din video silang sinend na video kung saan umiiyak si Eisha at sinasabing ayaw niya pang umuwi, but that's because she's drunk. Nakailang buntong hininga rin si Evan dahil nasasaktan na siya ni Eisha. Maya-maya lumapit sa'kin ang waitress at ilinapag sa mesa ang order ko.

"Thank you..." Sabi ko at ngumiti sakanya at gano'n din ang ginawa niya.

I was about to taste my delicious chocolate cake pero ng isusubo ko pa lang , nakita ko si Travis na pumasok.

Anong ginagawa niya dito?

Kumunot ang noo ko ng may magandang babae ang nakasunod sakanya at hinintay niya pa nga ito saka sila naupo sa isang vacant sit. Ng lumingon si Travis sa may pwesto ko, mabilis kong kinuha ang menu at itinakip sa mukha ko.

Bakit ba kasi dito pa nila naisipan na mag date?

Ibinaba ko ng kaunti ang menu na nakatakip sa mukha ko. Pagkatapos ni Travis sabihin ang order niya, bumalik ang atensyon niya sa babae. The girl was always smiling. She look so gorgeous, simple and elegant at the same time. Teka, actually she really look so familiar. Saan ko ba siya nakita?

Ahh! Tama! Siya 'yong ballet dancer ng Art Major. Kaya pala. I heard that she's really pure an kind. Well, halata naman sa mukha niya. Pero bakit siya kasama ni Travis?Hindi ko rin naman sila marinig dahil medyo malayo ako sakanila.

Dahil ichosera ako, kumain lang ako ng isang subo ng chocolate cake at kinuha ang latte ko saka pumalit ng upuan na alam kong maririnig ko ang usapan nila.

"Don't force yourself too much if you can't do it." Rinig kong sabi ni Travis.

"I shouldn't. Pero si Mommy kasi, she is so strict." Aniya naman ng babae.

"Don't worry, I can talk to her kung ayaw mo talaga."

Napangiwi naman ako dahil masyadong sweet ang mga lumalabas sa bibig nitong wierdo na 'to. Alalang-alala? Hindi kaya siya 'yong girlfriend niya? Kung gano'n may dahilan na siya para hindi matuloy ang engagement namin 'di ba?

"Yes. I guess you should talk to her. Sa'yo lang naman siya nakikinig." Sabi pa ng babae.

Nagulat ako ng ngumiti si Travis sakanya at hinawakan pa ang kamay nito. Totoo ba 'tong nakikita ko? Hindi 'to joke, right? Yes! Hindi na matutuloy ang engagement namin! Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng pera sa wallet at iniwan ko 'yon sa table. Uuwi na ako sa bahay ni Lolo, I have a very good excuse now para hindi matuloy ang engagement namin ni Travis.

Pero bago ako lumabas, nagpapasalamat din ako na dala ko ang facemask at shades ko, kaya sinuot ko 'yon at rumampa palabas. Ng makarating ako sa bahay kaagad kong hinanap si Lolo pero hindi ko siya mahagilap. Nasaan ba ang Lolo ko?

"Ija, napadalaw ka ata." Bati sa'kin ni Manang Lourdes.

"Wala po kasi akong pasok. Si Lolo po?" Tanong ko sakanya.

"Umalis saglit. Hindi ko alam kung saan nagpunta, hindi nag sabi e. Pero sabi niya uuwi rin siya." Sagot niya.

"Sige po."

"Nga pala, kumain kana?" Tanong niya.

"Busog pa po ako. Salamat po."

Bumalik ako sa kwarto dahil wala pa naman si Lolo. Nanood nalang din ako para maibsan ang boredom ko. Maya-maya may narinig akong busina ng sasakyan kaya dali-dali akong napatayo at tumakbo ako palabas. Nag abang ako sa may pinto at masayang binati ko si Lolo.

"Bakit parang ang saya-saya mo ata?" Tanong niya habang papasok kami sa loob.

"Syempre naman po, Lo."

"Bakit ano ba ang magandang balita at tuwang-tuwa ang apo ko?"

Naupo kami  sa sofa.

"Lo, hindi niyo na ho pwedeng ituloy Ang engagement namin." Magkasalubong na kilay niya naman akong tiningnan. "Kanina ho nakita ko si Travis sa coffee shop, kasama ang girlfriend niya."

"Impossible," hindi makapaniwalang sambit ni Lolo.

"Lo, maniwala ho kayo sa'kin. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano niya ngitian at hawakan ang kamay no'ng babae." Sabi ko at may action pa pero parang hindi kumbinsido si Lolo. "Ayah! Lo, totoo nga po. Payag po ba kayo na ma-engage ako sa taong may girlfriend? May mahal na iba?" Sabi ko at mukhang napapaniwala ko naman si Lolo.

"Lourdes, kunin mo nga ang cellphone ko at tatawagan ko si Travis."

"Lo, hindi niyo ho kailangan gawin 'yon. Hindi po ba kayo naniniwala sa sinasabi ko?"

"Sinunghaling na bata. Akala ko talaga ay totoo siya sa'yo. Hindi na nahiya sa mga magulang niya." Pasimple naman akong napangiti.

"Kaya nga ho."

---

"Anong nangyari d'yan?" Turo ko kay Ady na nakatulala sa labas ng bintana.

"Naalala mo no'ng acquintance? No'ng eksaktong umalis tayo?" Ally.

"Oh? Anyare?" Tanong ko at tumabi kay Meia.

"Nalaman niyang sinagot na si Kyle ni Alison, dahil sa oras na umalis tayo nag tanong si Kyle kung pwede na raw ba na maging official na silang dalawa." Sagot ni Zen sa'kin.

Napatingin ako kay Meia at tumango naman ito.

"Paano niyo nalaman?" Tanong ko pa.

"'To naman daig pa palaging bagohan. Hindi ba obvious na uso kumalat ang balita sa buong campus? Ikaw nga pinag-usapan, e." Napakamot lang ako sa ulo ko.

"Cze!" Napangiwi naman ako ng humarap sa'kin si Ady. Halatang hindi siya natulog dahil sa itim ng baba ng mata niya. Yumakap ito sa'kin at humikbi. "Wala na. Wala na ang lovelife ko. Wala na si Kyle,  girlfriend niya si Alison."

"Ano ka ba, Ady! Girlfriend lang naman, e. Asawa nga naaagaw, girlfriend pa kaya." Sabi ko sakanya.

"Hoy Eczeia, bastos ng bunganga mo." Sita sa'kin ni Zen.

"Biro lang. Malay ko ba kung paano mag comfort." Sabi ko.

"Porket inagawan ka, e." Rinig kong parinig ni Ally kaya naman umakma akong angatan siya ng kamay.

"Bastos rin ng bunganga mo." Sita ko pero tinawanan lang nila ako, pati si Ady napatawa din kaya tiningnan ko siya ng masama. "Bitawan mo ako! Hindi na tayo bati!" Sabi ko sakanya pero mas hinigpitan niya pa ang yakap niya.

"Joke lang. Mag kakampi tayo." Aniya.

"Mga baliw..." Puna ni Meia sa'min kaya mas lalo kaming natawa.

"Eczeia."

Sabay-sabay kaming napalingon ng may tumawag sa pangalan ko. Lumaki ang mata ko ng makita ko si Travis sa bukana ng pinto. Anong ginagawa ng wierdo na 'yan dito?

"Oh my gosh! Kilala mo siya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Eisha.

"Eczeia, bakit mo hindi mo naman kami in-inform na kakilala mo na pala 'yong transferee sa business department. Sana pinakilala mo ako." Aniya Ally.

"H-huh? H-hindi ko naman siya kilala." Sabi ko at humarap sakanila. "Wag niyo nalang pansinin."

"Paano namin hindi mapapansin, e campus crush 'yan. Siya 'yong palagi naming pinagke-kwentohan habang hindi ka nakikinig." Wika ni Zen.

"Ihanda niyo ang sarili niyo, papalapit siya sa'tin." Napangiwi naman ako ng pati si Ady nagsalita.

Woah! Grabehan na talaga ang mga kaibigan ko. Minsan hindi ko talaga alam kung kaibigan ko ba talaga sila.

"Meia, gutom ka na? Tara kain tayo. Iwan na natin ang mga baliw na 'to." Baling ko kay Meia pero hindi rin ito umimik.

"Cze, sa tingin ko hindi ito ang tamang oras para umexit tayo." Aniya.

Napabuga nalang ako ng hangin.

"Ano ba kasing ginagawa niya dito?" Pabulong na tanong ko.

"When will you act like you don't know me?" Napabuga naman ako ng hangin at humarap sakanya. "Mag-usap tayo..." Aniya at nauna itong mag lakad palabas.

"Eczeia? May tinatago ka ba sa'min?" Nagtatakang tanong ng mga kaibigan ko.

"Wala. Baka may itatanong lang siya. Una na muna ako." Paalam ko sakanila pero mukhang hindi sila satisfied sa sagot ko.

"Bakit ka ba pumunta dito?" Tanong ko kay Travis ng makalabas ako.

"Ano bang sinabi mo sa Lolo mo?"

Hindi ko alam kung galit siya, pero base sa tono at mukha niya parang gano'n na nga. Pero ang kapal naman ng mukha niyang magalit sa'kin na dapat mag pasalamat pa nga siya sa'kin. Nag cross arm naman ako at sinandal ang likod ko sa pader.

"Sinabi ko lang naman kung ano ang nakita ko." Confident ko pang sagot.

"Alam mo ba na pinagalitan niya ako and he thinks that I'm cheating on you?"

"Wow! What a word. Hindi ba dapat sa girlfriend mo ikaw dapat mag explain, because you're not cheating on me, you're cheating on her. Ipaglaban mo siya. Ikaw rin, baka mag sisi ka. At saka wag kang mag alala kay Lolo, ako ng bahala sakanya. Sige, exit na ako. Babye!" Sabi ko at tinap siya sa balikat.

"Who said that she's my girlfriend?" Pahabol niyang tanong.

Humarap ulit ako sakanya at tinuro Ang sarili ko. "Ako? At kitang-kita ko kung paano mo siya tingnan at hawakan sa kamay ng may pagmamahal. Wag kang mag alala. Kaya kong kausapin si Lolo kung tungkol sa business ang iniisip mo. Okay na tayo ha? Sige, babye ulit." Sabi ko at kumaway sakanya.

Papasok na sana ako sa loob ng hawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papasok sa loob.

"Hoy! Bitawan mo nga ako. Ano bang balak mo?" Tanong ko sakanya.

"Everyone!" Kuha niya sa atensyon ng mga ka-klase ko.

Syempre ang mga kaibigan ko attentive masyado at sabay-sabay silang napatingin sa unahan.

"Ano ba Travis? Bitawan mo nga ako!" Utos ko sakanya pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kamay ko habang pilit ko pa rin itong tinatanggal. Pero nagulat ako ng iangat niya ang kamay namin kaya napatingin ako do'n.

"I just want y'all to know that Eczeia Astra Eleanor Levin is my fiancee. We don't have a proper engagement invitation yet, but when we do, I hope I can meet y'all there."

Napanganga akong tiningnan siya. Even though I can't see my friends, I know they have the same reactions too.

"Congratulations!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga ka-klase ko kaya napatingin ako sakanila at nag sign language na hindi totoo ang sinasabi ni Travis.

"Congratulations!" Sigaw pa ng isa.

Napabuga nalang ako ng hangin ng mag sunod-sunod sila while my friends are glaring at me.

"You have some explaining to do." Meia mouthed.

Tumingin ako kay Travis at gano'n din siya sa'kin. Binawi ko ang kamay ko habang masama ko siyang tiningnan at habang siya naman ay nakangisi lang. Buwesit!