webnovel

Chapter 2

~Yu Su's POV

Ako si Dao Yu Su, labing siyam na taong gulang, simpleng binata na nakatira sa patagong kabundukan at mahilig akong mangabayo sa kung saan saan, ngunit ang hindi ko palang napuntahan ay ang sentrong kaharian nagngangalang Shandian.

Ngayon ay nandito ako sa kahariang Shuijing at namamasyal masyal nang bigla nalang may isang binibini Ang humila sakin at isinama ako sa kanyang pagtakbo na hindi ko alam kung bakit.

Nalaman ko nalang nang may narinig akong sumigaw sa aming likuran at nang lingunin ko ay tila mga kawal na nasa dalawampu lamang ang bilang.

"Prinsesa! Prinsesa! Bumalik na po kayo!!"

Hm Prinsesa? Kung ganun, ang binibining humihila sakin ngayon ay isang Prinsesa? Ano bang nangyayari dito? Bakit siya hinahabol? Tsaka bakit niya ako dinadamay?

Ilang sandali ay lumihis naman siya sa medjo masikip na daan habang hila parin ako, at maya maya pa ay isinandal naman niya ako sa sementong pader at tinakpan niya ako sa bibig gamit ang kamay niya.

Pansin kong lumingon lingon pa ito sa kanyang dinaraanan kanina at di nagtagal ay inalis narin niya ang kamay niya nang mapansin niya sigurong nailigaw niya na yung mga kawal.

"Hayy salamat at wala narin sila."

"Hoy, binibini humingi ka ng tawad sakin, pagkat hindi tama na idamay mo'ko sayong kalokohan."

Sumbat ko rito na ikinabuntong hininga naman niya.

"Hayyss.. hmm pasensya na, hehe ako nga pala, si Xue Er Isa akong prinsesa sa kaharian na'to, ikaw anong pangalan mo?"

"Bago ko sagutin ang tanong mo, sagutin mo munang tanong ko.. bakit mo'ko hinila?"

"Huh? Uhm..eh kasi.. hehe kailangan ko lang nang may kasamang kaibigan sa pagtakas."

"Ano? Pagtakas?"

"Oo..hehe kaya pasensya na."

"Wala kabang kaibigan ha? At ako pa ang napili mong isama?"

"Wala." Sabay iling niya.

"Ako si Dao Yu Su, Isa lang akong simpleng binata at malayo ang aking pinanggalingan.. labing siyam na taon na ako."

"Labing siyam? Hm ako naman labing walo."

"Saan kaba pupunta ha? Bakit kailangan mo pang tumakas?"

"Hmm nais kong pumunta sa kahariang Shandian upang sumali sa pamantasan doon para sa mga mandirigma,dahil gusto kong matutung lumaban, pagkat sawa na ako sa lagi nalang nagtatago sa likuran ng aking mga magulang O ng mga kawal sa tuwing may sumasalakay na kalaban."

"Ganun? Hmm mayroon palang pamantasang ganun?"

"Oo, Hayyst di mo paba narinig yun?"

"Hindi pa pero ngayong sinabi mo na, narinig ko na."

"Ah..ganun? Uhm.. sasamahan mo naman ako diba?"

"Huh? Naku baka parusahan pa ako ng kamahalan."

"Hindi, akong bahala sayo, Basta samahan mo na ako."

Hinila niya ako ulit sa kamay paalis sa kinatatayuan namin kanina. At naghahanap siya ng ibang daan na pwede siguro niyang daanan para sa pagtakas.

Hayyst diko alam kung Anong mararamdaman ko ngayon, kung matutuwa ba ako dahil prinsesa ang humila sakin? O mangangamba dahil posibleng madamay ako sa gulong pinasok niya?

Ilang sandali pa ay napahinto naman kami ng may isang lalake ang humarang na mukhang nasa tatlumpo pataas ang edad.

"Hm, Prinsesa.. bumalik na kayo sa palasyo, huwag niyo ng pinapahirapan pa ang mga tagapaglingkod."

Magalang na sagot niya sa binibining kasama ko at mukha yatang tagapaglingkod niya Ito. At di nagtagal napalibutan na kami ng mga kawal.

At ngayon nandito na kami sa loob ng Palasyo at bigla nalang akong pinaluhod ng lalakeng humarang samin kanina dito sa harap ng emperador na nakaupo sa trono.

"Kamahalan, ang binatang Ito ay nagbabalak na itakas ang prinsesa."

Biglang sumbong ng lalake na ikinagulat ko naman at tumayo ako bigla sa kinaluhodan ko at tinuro ko Ito ng daliri sabay pinagsabihang mali siya.

"Hoy! Hindi yan totoo, Nagkakamali kalang Wala akong balak na itakas ang prinsesa!"

Tumingin naman ito ng matalim sakin at inutusan akong lumuhod.

"Huwag kang bastos sa harap ng Emperador, lumuhod ka."

Humarap ako sa emperador nila at yumuko akong humihingi ng tawad at nagpaliwanag narin.

"Kamahalan, patawad sa di kaaya aya kong kilos, ngunit sa maniwala po kayo sa hindi, wala po talaga akong balak na itakas ang inyong Prinsesa, hinila niya lang po ako kanina kaya nangyari yun at nagkamali lang ng panghihinala ang tagapaglingkod niyo."

"Hm Ganun ba? Hmm Oh sige, tumayo ka ng maayos, at Umalis kana."

Biglang saad ng Emperador sakin at sinunod ko naman siya at nagpasalamat ako bago Ito tinalikuran at hahakbang na sana ako nang bigla nalang akong kapitan sa braso ng prinsesa nila.

"Teka, huwag kang umalis.. kailangan ko ng isang katulad mo."

Napakunot ako bigla ng noo ng marinig ko sa kanya yun.

"Ano? Uhm Prinsesa, muntik niyo na akong mapahamak, Bitawan niyo ko."

"Hmm hindi, Ayoko..bibitawan lang kita kung papayag kang maging tagapaglingkod ko."

"Ano? T.tagapaglingkod? Seryoso ba kayo?"

"Oo..kaya kung gusto mo talagang Bitawan kita eh pumayag ka muna."

"Tsk, iba rin..kani kanina gusto niya akong maging kaibigan tapos ngayon naman kukunin niya akong tagapaglingkod,tss." Pagbubulong ko.

"Hm naririnig kita."

Magsasalita na nga sana ako nang bigla nalang nauna ang lalake kanina.

"Prinsesa, pumili po kayo ng karapat dapat na tagapaglingkod niyo, yung..."

Tumingin ang lalake sakin Mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Hmm yung, may kaaya ayang kasuotan naman tingnan.. hindi katulad niyan,, mukha siyang pulubi."

Sobra.. Kayo na yung mayaman.

"Hoy! Heneral Yang! Huwag mo siyang nilalait lait,, para sayong kaalaman kaibigan ko na siya!"

Bigla namang pagtanggol sakin ng prinsesa.

"Hm nagsasabi lang ako ng aking saloobin." Pangangatwiran pa ng lalake O tawagin na nating Heneral Yang..

Di nagtagal nakiusap naman bigla ang Prinsesa nila sa Emperador na kunin raw ako bilang tagapaglingkod nito.

"Ama, pumayag na kayo.. itong binatang toh gusto ko siyang maging tagapaglingkod."

Napahaplos naman sa baba ang emperador at tiningnan rin ako mula ulo hanggang paa bago Ito nagsalita.

"Hmmm.. binata Anong pangalan mo at saan ka nanggaling?" Pangingilatis nito sakin at sumagot naman din ako.

"Ah..ako po si Dao Yu Su, mula po ako sa patagong kabundukan at Isa lang pokong simpleng manlalakbay."

"Ganun ba? Hmm ilang taon kana?'

"Uhm..Labing siyam po."

"Labing siyam?"

"Opo."

"Hm, Ano namang kakayahan mo?"

"Kakayahan ko? Uhm.. kaya ko pong mangaso."

"Pffft!! Pangangaso raw, nakakatawa." Pagtatawa ng Heneral.

"Hm Heneral Yang, umalis kana muna." Utos naman bigla ng Emperador.

"Ah bakit po kamahalan?"

"Kailangan ko ng distansya,, makakabuti kung umalis ka muna, seryoso kong kinakausap ang binata,Ayoko ng maingay."

"Ah..Ganun poba? S.sige po,, Patawad sa abala."

Yumuko naman Ang Heneral at tuluyan ng umalis.

"Hm binata, ibig kong sabihin sa tanong kong yun ay kung may pambihira kabang kakayahan, yung kayang pumrotekta sa aming Prinsesa." Paglilinaw ng Emperador.

"Ah..ganun poba, uhm pasensya na, tungkol po sa kakaibang kakayahan, kaya kopong maglabas ng pana't palasong kidlat."

Sabay palitaw ko ng patunay dito sa kamay ko..na lubha namang ikinagulat ng Emperador at ikinamangha naman ng prinsesa.

"Whoah.. haha ang galing, pana't palasong kidlat! Parang katulad sa kakayahan ng mahal na emperador sa kahariang Shandian"

"Hm, paanong..may ganyan kang kakayahan?" Takang tanong sakin ng Emperador at sumagot naman din ako at pinaglaho na ang pinakita kong patunay.

"Ehem.. ah sa totoo lang po kamahalan, Bata palang poko nun naramdaman ko na yun sa kalooban ko at sinanay kopo ng sinanay ang sarili kong palabasin yun..hanggang sa naging tagumpay."

"Ganun ba? Hm sige na tanggap kana..mula ngayon ikaw na Ang tagapaglingkod ni Xue Er."

"Huh?"

"Hehe Ayos! Hmm mula ngayon kasama na kita saan man ako magpunta."nagagalak na Saad naman ng prinsesa at yumakap pa sa braso ko.

Anong klaseng buhay toh? Nangangabayo lang naman ako't namamasyal bakit kailangan kong maranasan toh?

~Yu Zhu's POV

Ako si Yu Zhu, Chen Yu Zhu, Kilala bilang prinsipe ng sentrong kaharian, Isa akong ampon at alam yun ng mga kawal at lahat ng tagapaglingkod dito sa palasyo tsaka pati narin ng buong pamilya Chen, labing siyam na taong gulang na ako at kaysing edad ko lang si Li Ya..Ang kapatid patiran kong Prinsesang napakasungit at pinapahiya niya nalang ako palagi.

Ngayon ay habang abala ang lahat sa pag aasikaso sa mga sumasaling mandirigma sa pagbubukas ng pamantasan, ay lumapit naman ako sa emperatris upang magpaalam na gusto ko ring sumali sa pamantasan.

"Uhm..Ina, maari pobang humingi ng pabor?" panimula ko at ibinaba naman niya ang tsaang iniinom niya.

"Hm, Ano yun? Sabihin mo lang."

"Ah...maari poba akong sumali sa pamantasan?"

"Ano? Bakit naman? Eh Hinirang kana naming prinsipe ng kaharian, bakit kailangan mo pang sumali?"

"Ah kasi po hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang ginawang pagtangka ng mga kadiliman sa buhay ko noon, kaya nais ko po sanang matutung makipaglaban para gumanti sa kanila."

"Hm ang sabihin mo, nais molang magpasikat sa lahat, nang sa ganun tingalain ka nila!"

Paninirang sabat naman ni Li Ya na mukhang kakatapos lang maligo't mag ayos.

"Hindi yan totoo, noh."

"Totoo yun masyado kang papansin at mang aagaw pa! Ang pagmamahal ni Ina na dapat ay sa akin, inaagaw mo! Hindi ka naman namin kadugo!"

"Li Ya! Hanggang ngayon ba naman ganyan parin ang trato mo sa kanya?!"

Pagtatanggol naman sakin ng emperatris.

"Ina talaga bang ipagpapalit niyo ko sa sampit na'to?! Ako ang tunay niyong anak, hindi siya!!"

"Ikaw manahimik kana! Wala kang ibang nagagawa kundi selos ng selos! Pantay lang naman ang pagmamahal ko sa inyong dalawa Ano pabang kinaiinisan mo?!"

"Ang sampit na'to! Siya ang kinaiinisan ko! Tila nawawala na ang tungkulin niyong Hanapin ang tunay kong kapatid! Dahil dito!"

"Bawiin mo yang sinabi mo!"

Sobra na sila talaga, dahil sakin nag aaway na sila.

"Hm ano na naman bang pinagtatalunan niyong mag Ina?"

Pagtatakang tanong naman ng emperador nang lumapit Ito samin.

"Hetong anak mo! Hanggang ngayon hindi niya parin matanggap bilang Kapatid si Yu Zhu!"

"Talaga namang hindi ko siya kapatid!" Naiinis na sabi pa ni Li Ya sabay tinulak ako bigla at umalis.

"Hayyst talagang sumasakit ang ulo ko sa batang yun!" Sabi ng emperatris at tumungo bigla sa silid.

"Hm, Yu Zhu, Sabihin mo ano bang nangyari?" tanong sakin ng emperador..at sumagot naman din ako.

"Uhm..ganun parin po, tulad ng dati, galit parin sakin si Li Ya."

"Ganun ba? Habaan mo lang ang pasensya mo, ganun talaga yun eh, may pinagmanahan."

"Ah..kanino po?"

"Sa Ina niya, dati kasi ganun din si Mi Ya."

"Ganun po? Kaya naman pala."