Kiari Gray.
"Masakit sa 'king ipa ampon ka. Masakit sa 'king mag hiwalay tayo Kairo pero kung yan lang ang paraan para mabuhay ka, ng maayos kaya kung sirain ang pangko ko.
Alam kung kakainisan mo ako at kamumuhiya-an dahil ako mismo ang bumasag sa pangakong aking binuo. Pero sana maintindihan mo kairo. Maging maganda na ang buhay mo sa america. Makakapag aral ka ng walang paghihirap." Tumutulo na pala ang luha ko habang kinakausap ang litrato ni Kairo. Medyo nag sisi ako na pina ampon ko siya pero masaya ako kasi hindi niya maranasang mabuhay sa kalsada. Hindi ako nahanapan ng mabahay ni Uncle trip kaya palaboy laboy ako dala ang malaking malita ni Dad at ang litrato naming pamilya. Naghanap ako ng trabaho kahit saan saan. Pansamantala muna akong nag stay sa school sa may gym ng school. Habang wala pa akong matutuloyan. Sa Cr narin ako ng school naliligo. isang beses lang sa isang araw ako kumain. Binigyan ako ng pera ng umampon kay Kairo pero hindi ko tingap ayaw ko ng pera nila mukhang binibinta ko si Kairo kung tatangapin ko ang pera nila.
After ng pasok dumiretso ako sa wet market at nag hanap ng mapapasukang trabaho pero wala e. Do'n sa nagdedeliver ng yello may pumalit na kay Kairo.
Isang lingo akong natulog sa school at nagpalaboy laboy. Minsan wala pang kain sa isang araw. Habang nag hahanap ako ng tabaho na pa hinto ako sa isang bakery. May limang piso pa ako kaya ibibili ko nalang 'to ng tinapay.
"Lolo pabili po nito" sabay turo sa tinapay na may asukal.
"Asan ijo?" tanong ng matanda.
"'to po, magkano po 'to?"
"Ahh sampung piso ijo. ilan sa 'yo?" Hindi kasya ang pera ko mamimili nalang ako ng maliit atleast mag kasya.
"eh ito magkano?" Sabay turo sa maliit na tinapay na kulay ube.
"7 piso ijo." kulang parin.
"A sige po wag nalang po." Tumalikod na ako pero nahuhaw ako. Okay lang naman mg humingi ng tubig diba?
" Lolo pwede po ba akong manghingi ng tubig?" nahiya kung sabi. Tinignan ako ng matanda.
" Ahh sige ijo upo ka lang muna dyan kukuha ako ng tubig." Umalis na sya at kumuha ng tubig. at inabot sa'kin. Kulang ang isang baso kaya nag hingi pa ako.
"ijo para uhaw na uhaw ka ah! saan kaba nakatira? " Sabi ng matanda naka ngiti sya sa 'kin.
"Wala na po akong titarahan eh." tipid kung sabi nakita ko naman ang pag bago ng mukha niya.
" asan ba mga magulang mo?" Nalungkot ako bigla naalala ko ang nangyari kay Mommy at Daddy. Pati narin kay kairo.
"Oh bakit ijo?" tanong ng matanda siguro napansin niya na bigla akong nalungkot.
"Wala na po sila e!" lumapit sya sa'kin at inabot sa'kin ang tinapay na tinuro ko kanina.
"Kumain ka muna ijo. Mukhang pagod ka. Wala ka ngayong inuuwi an? tanong ng matanda. Tumango lang ako. "Nagaaral kapa ba?" Tumago ulit ako.
"Pwede ko bang malaman ang nangyari aa magulang mo ijo?" Uminom ako ng tubig at ikweninto sa kanya ang nangyari.
Habang kinikwento ko sakanya parang may malalim syang iniisip. "Ijo anong pangalan ng magulang mo?" Ha? bakit kaya niya tinatanong pangalang ng magulang ko. "Lorie Gray at Drake Gray po" Lumaki naman bigla ang mga mata niya na parang nagulat sya.
"Bakit po?" tanong ko sa kanya.
"aahh wala wala ijo gusto mo ba dito ka nalang sa 'kin tumira?" Tanong niya sakin " Nagiisa lang ako ijo kailangan ko ri naman ng kasama mag bantay sa bakery eh." Salamat naman may mga mababait pa pala sa mundong 'to.
"talaga po?" naka ngiti kung sinabi.
"Oo naman ijo. Asan naba ang mga gamit mo?" Hala ang mga gamit ko pala nasa school pa.
"Nasa school po."
"Ahh sige kukunin nati mamaya" aabi ng matanda.
◇◇◇◇
kinuha namin ang mga gamit ko at pinatuloy sa bahay ng matanda. Pinakita niya sa'kin ang kwarto ko. Malaki ang bahay niya maganda parang pang mayaman.
Naligo na ako at nag palit ng damit inayos ko rin ang mga damit ko nilagay ko sa closet at ang picture naming pamilya inilagay ko katabi ng lamp shade.
Nagising nalang ako sa sikat ng araw natumama sa mga mata ko.
No'ng una nagulat ako dahil sa kakaiba ang nakita kong lugar pero naka adjust naman agad ang isip ko. Bumaba na ako at nakita ko ang matanda ng luluto.
"Good morning po." Tumingin sya sa'kin at ngumiti.
"Good morning rin sa 'yo ijo. kamusta ang tulog mo?" Tanong niya sakin habang nilalagyan nga letuce ang loaf bread.
"Okay na okay po."Masaya kung sabi. Ilang lingo na ng matulog sa sahig ng school.
" Kumain kana ijo at magsisimba tayo." Magsisimba? tumago nalang ako marami rin akong ipagdadasal at ipapasalamat sa panginoon kaya kailangan kung bumisita sa tahanan niya.
" Ano po pala ang pangalan mo?" tanong ko sa matanda.
"Ako si Stephen tawagin mo nalang akong tatay ijo." Ang bait niya talaga. May tatay na ako ulit ang saya ko ngayon pero naiisip ko parin si kairo at sa tuwing iniisip ko sya hindi ko maiwasang malungkot.
◇◇◇◇
Pagkatapos ng mesa may pinuntahan pa kami ni Tatay stephen. Sa coffee shop umupo kami sa harap ng lalaking naka tuxido at may dala syang mga dokumento.
"Hi Sir Stephen Good morning. 'to na po ang pinapagawa nyo Sir" sabi ng lalaki at may inabot syang folder kay tatay stephen. At nag perma si tatay stephen. At ibinalik ang folder sa lalaki.
"Congratulations Sir. legal Guardian na po kayo ni Kiari Gray dominguez." Sabi ng lalaki.
Legal guardian? dominguez? Gray ang apelyido ko ah. Inampon niya na ako?
"Salamat attorney." sabi ni tatay at tumgin sakin na naka ngiti.
"Legal na kitang anak Kiari isang kanang dominguez alalahanin mo yan ha." sabi niya sa'kin at tumango nalang ako. At naglakad kami pauwi ni tatay stephen pabalik sa bakery.
Bumalik na ako sa school, bago na rin mga uniform ko at mga gamit ko sa school.
Isang beses umuwi ako pero wala pa si Tatay kaya ako nalang ang nagluto. At nag linis ng bahay. Binuksan ko narin ang bakery para mag tinda. Pero kasalukuyan
gabe na pero wala parin si tatay sirado na rin ang bakery. Ika tatlong beses na nangyari 'to. Pumasok na ako sa kwarto ko at gumawa ng assigment. Narinig ko nalang na bukas ang pinto sa ibaba dali dali akong bumaba para tignan, nakita ko si Tatay napumasok may nakaipit sa kilikili niyang isang folder.
"Good evening po tay" lumapit ako sa kanya. "Kumain na po kayo." Sabi ko sa kanya.
"Salamat kiari. Anong ginagawa mo ngayom?"
"Gumagawa po ng assignment. Ano po yan?" itinuro ko ang folder na ngayon ay hawak na niya.
" Malalman mo rin ijo. Ngayon mag fucos ka muna sa assignment mo." Tumago nalang ako kay tatay.
At umakyat pabalil sa kwarto ko.
Ilang taon narin ng lumipat ako sa bahay na'to mga tatlong taon na 15 years old na kami Kairo bukas. Hindi ko maiwasang malungkot lumapit ako sa mga litrato namin ni Kairo.
"Kairo happy birthday sa'yo." Mahina kung sabi at niyakap ko ang litrato niya. Naramdaman ko nalang na tumulo na ang luha ko.
At humiga ako sa kama. Nagising nalang ako sa sikat ng araw. Naligo na ako at nagbihis bago ako lumabas sa kwarto tinignan ko ang litrato ni Kairo. "Happy birthday Kairo" Ngumiti ako at tsaka lumabas.
Pumunta ako sa kusina nakita ko si tatay nagluluto ng spaghetti. Napansin ko rin na may baloons at cake.
"Good Morning tatay!" malakas kung bati sa kanya. Nagulat na man sya. At bigla siyang gumiti at niyakap ako. "Happy birthday Kiari" kumawala na sya sa pag yakap sa 'kin. "Surprise dapat 'to!" Nakangit niya sabi. Nako nasira ko ata suprisa niya sa 'kin. "Haha ay sorry po tay. Pero nasurprise po ako sa mga desinyo." sabi ko aa kanya. " Ay nako kiari hali kana maupo kana dito." Naupo na ako at sinindihan na ni Tatay ang Cake. "Kiari mag wish kana." Lumapit ako sa cake at pumikit " I wish that someday magkikita kami ni kairo. At sana mapatawad niya ako sa pag iwan sa kanya. Happy birthday kairo, Hapoy birthday sa'tin." tapos kung mag wish hinipan ko na ang candle. Tapos kinantahan ako ni Tatay ng happy birthday. Pagkatapos niyang kumanta. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya " Salamat po tatay. Salamat sa lahat" hinawakan niya ang braso ko. "Walang anuman Kiari." at tumawa siya. Kumain na kami.
" By the way kiari maaga kang umuwi mamaya may pupuntahan tayo." Sabi ni tatay at tumago naman ako.