webnovel

The truth of Alehandra

CasterH0gwarts · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
28 Chs

Chapter 4- Enchanted Forest

Hera's Pov

Pababa ako ng hagdan ,nakita ko naman agad ang dalawang babae na kaibigan ko. Si Clarissa mahaba ang buhok na itim na itim ito , maputi ang balat para siyang Ice na hindi natutunaw kung tignan mo siya mararamdaman mo nalang ang lamig na parang hinihigop ka ng mga abong mata niya. At isa siyang sorcerer.

Si fatima naman ay kulay brown ang buhok, at brown din ang mga mata. Maputi din siya at palangiti . Si fatima ang pinaka madaldal samin. Palagi nalang sila magkaaway ni Clarissa kasi hindi sila magkasundo sa pagiging cold at masayahin. pero minsan nakita ko naman kung pano nila protektahan ang isa't isa at nagkakasundo naman sila .

Napangiti nalang ako ng mag bangayan nanaman sila. si fatima patuloy lang ang pagiirita niya kay clarissa pero hindi nagpakita ang ng interes ang isa. napatingin naman si clarissa sakin ng nasa harapan na nila ako.

"Misyon yung pupuntahan natin hera hindi prom." Sita ni fatima sakin na nakataas pa ang isang kilay.

"Tsk. Ang ingay ingay mo talaga fatima . Para kang kambeng dakdak ng dakdak." Sita ko naman pabalik sa kanya. Inikutan yalang ako ng mata. at ngumiti siya.

"Alam mo naman na miss kita hera , ang ganda2 mo na talaga ngayon ha? Anong gamit mo na sabon? Glutathione?" Ngiting sabi niya at niyakap naman ako kunwari. Binatukan ko naman siya. babatukan yana din sana ako pero napatingin kami sa umalis. "Kahit kailan talaga Risa hindi ka na nagbago. Pinaglihi ka siguro sa.."

Tinignan naman kami ni clarissa na wala paring ekspresyon.

"Saan?" Cold niyang tanong. Nagtinginan naman kami ni fatima at naguusap sa mga mata. at nagtawanan kaming dalawa kahit hindi ko naman gets ang sinasabi niya sa isip ko. -_-

ang sasakyan namin papunta sa enchanted forest ay ang kalisa na may kabayo pero hindi normal na kabayo kundi ang ang kabayong may pakpak. puti ang kabayo at malaginto naman ang pakpak neto . lumabas naman sa noo ng kabayo ang isang corona na ginto at pinalibutan ito ng bilog na itim. Kaya kitang kita ito , ang simbolo ng aleha kingdom , ang kaharian ko.

inunahan na kami ni clarissa sa pagsakay sa kalisa siya ang nasa unahan samantalang nasa likod naman kami ni fatima at nagkwekwentuhan ng kung ano-ano. napatili si fatima ng nalaman niyang nasa ere na kami at napatawa naman ako at si clarissa din pero palihim na tawa . Inirapan naman kami ni fatima.

nagsimula nanaman mag kwento ng kung ano-ano si fatima habang ako ay minamasdan ang bayan ng domisticus. makikita mo ang mga taong nagkakasiyahan at parang walang mga problema.

"Matulog muna tayo malayo pa to ang liliparin ng kabayo papunta sa enchanted forest" sabi ni clarissa at nagsimulang pinikit ang mga mata. alam ko naman sa aming tatlo siya yung palatulog kaya gising pa ang diwa ko hindi ko na din inisipan na matulog din. Tinignan ko naman si fatima na kumakain na ng mga dala niya. Hindi pa nga nagsisimula nagugutom ang ang isang to. Napailing nalang ako sa hulang baka puro pagkain nanaman dala niya at walang mga damit ni kahit isa.

Naalala ko noong bata kaming tatlo ,pinadala kami sa simpleng misyon lamang pero halos magkasugat at magkagalos na kaming tatlo naisipan niya pang kumain habang nakikipaglaban. Napailing nalang ako sa alaala na iyon.

"Anong iniiling iling mo diyan hera? Nakooo ano iniisip mo ha sabihin mo?! Ayaw kong naglilihim ka sakin hera." Singhal niya sakin na nanlalaking mata pa . Inirapan ko naman siya.

"Wag ka ngang OA, inisip ko lang kung nakakain na yung baboy namin na bungangera." sseryosong sabi ko at nagiisip kunwari. Natatawa naman ako sa itchura niya. Natatakot kasi siya sa baboy .

"M-may baboy kang inalaga sa kaharian?" Sigaw na tanong niya sakin . pinigilan ko pang matawa sa reaksyon niya.

"Oo kasama nga natin siya ngayon eh." sabi ko at nagpigil ng tawa. Namumutla na siya at natigil din sa kakanguya ng kinakain niya. Hindi ko na kinaya at napatawa naman ako.

"Whahahahaha nakakatawa talaga ang itchura mo kung natatakot tima ." Tawa kong sabi . Nagets niya din kung sino ang tintukoy ko . binatukan niya naman ako. "Araaay!" Sigaw ko sa kanya na hinihimas pa ang binatukan niya. Ang sakit namang mambatok ng babaeng to.

"Sinong magsabing baboy ako ha?" Sigaw niya din sakin . Ang lapit ng mga mukha namin pero nagsisigawan padin . "Sino?!" Malakas na sigaw niya . Nakita ko naman kung pano lumipad ang isang plastic na papunta sa direksyon ni fatima hindi niya siguro nahalata at napunta pa sa mukha niya. Napatigil siya sa kakasigaw sakin at tinignan ang bumato. Si clarissa. masama ang tingin ni clarissa sa kanya, at handa na itong gawing Ice si fatima .

Natutulog kasi diba si clarissa at masamang gisingin ang natutulog . okay lang sa iba pero kung kay clarissa na hinding-hindi niya palalampasin ito. Natatawa nalang ako sa masamang tinginan nila sa isa't isa.

"Hahaha. Tama na nga yan, nararamdaman ko na namalapit na tayo sa enchanted forest." Tawang sabi ko .nakinig naman ang dalawa. pero agad din ako nagseryoso May nararamdaman kasi akong kakaiba habang pababa kami sa kagubatan. alam kong nararamdaman din ng dalawa ang enerhiyang iyon . Kaya nagmamasid kami sa paligid habang palapit nakami sa lupa.

Ilang minuto na naghihintay kami , biglang umilaw ang simbolo sa noo ng kabayo at naglabas ng enerhiya papunta sa direksyon kung nasaan may nakatayo na nakaitim na cloak.

"Destroyers.." bulong na sabi ni fatima. Napatingin namana ko pero nanatili siyang nakatingin sa unahan. tumingin nalang din ako .

Kinilabutan ako sa ngisi niya ng tumingin siya sakin alam kong nakatingin siya sakin kahit nakatakip ang mga mata niya gamit ang cloak . Hindi lang siya isa kundi dumami pa sila sa likuran ng lider nila . Patuloy padin ang paglabas ng enerhiya ng kabayo papunta sa mga naka cloak . Ginagawa lang ng kabayo ang protektahan kami, ang ginagawa niya lang ay ang takpan kami ng pangyarihan niya . Para hindi makaatake ang mga nakaitim na cloak.

Lumabas si clarissa sa shield at pumunta sa unahan kung nasan ang mga nakacloak . Pipigilan ko na sana siya pero hinawakan ni fatima ang kamay ko at pinigilan ako . Alam niyang kaya ni clarissa ang mga yan pero hindi pwedeng titingin lang kami dito.

" Anong kailangan niyo?" Malamig na sabi ni clarissa pati ako natigilan sa boses niya . Napakalamig iyon. Kita ko naman kung pano nagtinginan ang mga naka cloak at nagtawanan. at nagsalita ang lider nila.

"Tinatanong paba yan? Syempre kukunin namin ang reyna na kasama niyo." At nagtawanan sila ulit. Nakakakilabot na tawa.

Hindi naman ako natatakot lumaban sa kanila , natatakot lang ako kung pano sila tumawa at kung pano tumingin ang lider sa akin ng diretso.

"Okay" walang emosyon na sabi ni clarissa. Natigilan naman ako sa desisyon niya. Ibibigay niya ako sa mga taong yan? At okay lang sa kanya! natigilan din si fatima pero di niya nalang pinahalata sakin. "Pero hindi ako papayag, labanan niyo muna ako bago niyo siya makuha samin." Walang emosyong sabi ni risa.

Nagsimulang magatake ang mga destroyers sa kay risa pero hindi pa sila nakakalapit ay para na silang papel na lumilipad sa ere at humampas ang mga likod sa puno ng enchanted forest.

Maraming sumubok na lapitan si risa pero hindi nila magawa. Dahil sa nilalabas na kapangyarhan ni risa , isang hangin na sa isang kumpas lang ng kamay niya pinapasunod niya ang mga hangin . Isang sorcerer si risa pero hindi ko akalaing malakas ang kapangyarihan niya. Simula bata kami ganyan na siya ka lakas at walang emosyon kung magsalita.

napatili naman sa tabi ko si fatima ng may humawak sa kanya na destroyer. tinignan ko ang kabayo at wala na itong lakas para itago kami sa kanyang shield na kapangyarihan. Pinikit ko ang mga mata ko at pinalabas ang latigo ko na gawa sa ginto at pinalibot sa ere papunta sa direksyon kung nasaan ang destroyer na kumakapit kay fatima. naglaho naman agad ito ng palibutan ang leeg niya ng latigo ko .