webnovel

Ikaapat na Pahina

"Bat ka nandyan? What the hell are you even doing in here?" Tanong ni Hirono galing sa telepono.

Napakamot ulo si Kihara sa sabi nito. Lumingon siya sa mga kasamang nagpa-party at nag-iinuman sa loob ng mansyon.

"Di ko rin alam e," Sagot niya.

Narinig ang pagbuntog hininga ni Hirono sa telepono. Kasalukuyan siyang nasa balcony ng kanilang bahay habang kausap si Kihara.

"Kung nandiyan lang ako e, pinauwi na kita," Anito.

"Kaso malayo na ako ngayon sa amin. Hihintayin ko lang na magsiuwi ang iba." Sita naman ni Kihara.

"Wala ba riyan si Vino? Magpahatid ka nalang kaya sakanya," Utos ni Hirono dahil gusto na talaga nitong pauwiin si Kihara.

"Nandito nga, kaso nando'n sa pool. Ewan ko ba, hayaan mo na lang," Ang sagot ni Kihara.

"Hays..." Inis na expresyong lumabas sa bibig ni Hirono. Napakagat labi na lang si Kihara dahil wala din siyang masabi.

Di nagtagal nang bigla na lang mapansin ni Kihara ang kumosyon na nangyayari sa itaas na floor. Mabilis na nagsisitakbuhan pababa ang mga nasa itaas habang sumisigaw sila.

Napatayo si Kihara sa kinauupuan. "Ano'ng nangyayari?" Rinig na tanong ng isa mga bisita ni Fujikawa sa kanyang kasama.

"May nasaniban daw sa kanila!" Sagot naman ng kausap.

"What?"

"Oo! Naglaro daw sila ng Oujia Board!"

Napatanong si Kihara sa sarili nang marinig niya ang sabi ng babae. Halos lahat ng tao sa mansyon ay di alam ang gagawin. Ang iba'y nagsisiuwian na at nagsusumbong sa mga kakilala. Nag-isip siya ng magandang gawain.

Sinubukan niyang sumingit sa maraming tao na nagiiyakan sa baba.

"Hindi ko mapigilan si Lea! Sobrang lakas niya!" Anang isang babae na umiiyak.

"Bat niyo ba kasi ginawa 'yon!" Galit naman na sabi ng isang babae.

Hinayaan na lang ito ni Kihara at sinubukang umakyat sa third floor. Nang bigla niyang makita ang isang babae na tatakbo sana pababa sa second floor at tinaga ito ng isa ring babae na galing sa kanyang likod sa ulo gamit ang isang palakol. Napatigil sa pagtatakbo ang babae at sabayan ring nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao sa nakita.

Hinila uli ng babaeng tinaga ang ulo ng kasama ang palakol na gamit niya. Pagkatapos ay tuluyang natumba ang katawan nito at gumulong ito pababa sa hagdanan.

Nakikita pa rin na lumalabas ang dugo galing sa ulo ng babae. Dahan-dahan namang bumaba ang babae na tinaga ang kasama o mas kilala bilang Lea.

Gayundin, nagsialisan ang maraming tao sa second floor at bumaba sila sa first floor. Ngunit, nakatulala pa rin si Kihara sa nakita. Hindi niya alam kung tatakbo ba ito. Dahil ramdam niya ang takot sa kanyang mga buto na para bang pinipigilan ito sa pagtakbo.

Tumatawang bumababa si Lea sa hagdanan habang nakatingin kay Kihara.

"Ikaw na susunod... He-he-he-he..."

Ngunit biglang naramdaman ni Kihara ang paghilo at paghihina ng katawan. Hindi niya alam kung lumulutang na ba siya o natumba.

𝒯𝒽ℯ 𝒮𝓊𝒾𝒸𝒾𝒹ℯ 𝒟𝒾𝒶𝓇𝒾ℯ𝓈

Isang pop punk na kanta ang pinapatugtog sa sasakyang iyon habang nagda-drive si Daizo pabalik sa kanilang paaralan.

"Come closer, I'll give you all my love," Anito na sinasabayan ang kanta.

Nasa tabi niya uli si Fuji na inaayos ang kuko gamit ang nail polish at si Kihara at Zyron na nasa second seat. Nakahiga naman si Kihara sa kandungan ni Zyron habang natutulog ito.

Makikita rin ang awkward expression sa mukha ni Zyron dahil hindi nito alam ang gagawin. Pero hinayaan niya rin na matulog si Kihara sa lap nito.

"Was she... Up all night?" Tanong ni Zyron kina Fuji. He was talking about Kihara. "She seems to drink a lot," Dagdag nito at napatingin ito sa tulog na si Kihara.

"Siguro," Sagot ni Fujikawa. "Pero di naman siya nag-iinom ah. I never saw her drink." Patuloy pa rin si Fuji sa pag-aayos ng kanyang kuko.

Di nagtagal ay hinatak nito ang kanyang kamay para tingnan ang kanyang kuko. "Hmm... Maganda ba?" Tanong nito sa mga kasama habang binabalik-baliktad ang kanyang kamay. Napalingon naman si Daizo sa kanyang mga kuko.

"Oh, Fire red," Anito.

"Yep. I tried this color. Medyo nakakasawa 'yong pink e," Sagot ni Fujikawa.

"It still looks good on you tho," Replied Daizo as he continues driving. Napangiti naman si Fujikawa sa sabi nito.

"Oo naman," Sabi niya bago ito tumawa.

Habang natatawa ang dalawa'y nagising naman si Kihara na natutulog. Napaupo siya ng maayos sabay tingin sa paligid. She wiped off the perhaps, saliva that wet her cheeks.

Napansin naman ni Zyron 'yon kaya nilabas niya ang panyo niya at pinunasan ang suot niyang pantalon. "Okay, In case na nilawayan niya " Sabi nito sa sarili.

"Ah... Nasaan tayo?" Tanong ng bagong gising na si Kihara. Napansin ni Fujikawa na gising ito.

"Ohh! Good morning, Kihara. Well, we're going back to school," Anang Fuji.

"Eh? Na-nasaan ba 'yong iba?" Tanong uli ni Kihara.

"Ano ka ba, Kihara. Syempre nagsiuwian na sila. Alam mo, the party was so Lit last night!" Tugon ni Fuji. "Sayang nga lang, tulog ka all that time eh," She added.

Nang sabihin iyon ni Fujikawa, naalala lahat ni Kihara kung ano ba ang nangyari kagabi. Ang pagpatay ni Lea, at ang pagkahilo niyo dito.

"Wait... Ano?" Tanong ni Kihara kay Fujikawa. Napatingin si Fujikawa kay Kihara sa salamin. "What do you mean?" Tanong nito.

"Ano ba'ng nangyari kagabi? How can you say it was Lit?" Ani Kihara.

"Well, girl! We had lot of games! Sayang nga lang kasi tulog ka no'n. Sus."

Ngunit di pa rin makapaniwala si Kihara sa mga sinasabi nito.

"Impossible..." Aniya.

"Lea was there. She killed someone by axing their head..." Dugtong nito.

Nagulat si Fujikawa sa narinig at napasimangot ito.

"The hell are you saying?" Gulat na sabi nito.

"My god, Kihara, baka nanaginip ka lang noh! Wag mo nga kami tinatakot sa mga sinasabi mong 'yan!" Sita ni Fuji.

Tiningnan naman ni Daizo si Kihara sa salamin as he smirked. "Nanaginip ka lang, Kihara. There's no such thing that happened."

Kihara slowly bited her lowerlips, "Yeah... Baka nga."

Zyron noticed her weird movement so he secretly looks at her.