webnovel

The Solar Eclipse [Tagalog Version]

Magkaiba ang mundong ginagalawan ng mga tao ngunit, isang daang taon na ang nakakaraan ng maganap ang gyera sa pagitan ni Solarian at Serenians na Goddess sa Cascada dahil sa galit at selos ni Solarian sa kanyang kapatid dahil umibig dito ang hinahangaan nyang lalake. Ngunit, dahil sa gyerang iyon ay nagkaroon ng isng propesiya na sa pag-ganap ng Solar Eclipse ay maghahari ang dalawang pusong nagmamahalan. Isang Solarians at Serenians ngunit, paano kung ang pag-iibigan nilang iyon ay magdulot sa kanilang dalawa ng kasawian. Mas pipiliin ba nilang mamatay laban sa pag-ibig o kakalabanin nila ang isa't isa dahil sila ay mortal na magkaaway. Isang pag-ibig na hindi nararapat.

Autumnx0 · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
4 Chs

Kabanata 03

┊┊⋆┊┊ ☪︎ Ellise Point of View

NAGISING ako sa liwanag na tumatama sa mukha ko agad akong napabalikwas at dali-daling bumaba.

Nagluto ako ng Hotdog at Bacon para sa umagahan nila Ate pagkayari no'n ay hinain ko ito at tinawag sila, agad naman akong nagsuot ng school uniform at kumain

Pagkayari kong gawin lahat ng gagawin ko ay agad akong nagpaalam kay Madam Emma.

"Madam Emma, alis na ho ako" sabi ko at hindi ko na hinintay ang sagot nya ay dali-dali na akong tumakbo papunta sa school.

Noong nasa daan na ako ay naglakad lakad ako at tiningnan ko ang mga naglalakihang gusali na malapit ng umabot sa kalangitan.

Pagkapasok ko sa classroom ay wala pa roon ang guro namin, mabuti na lamang. Agad kong tinungo si Catherine ang malapit kong kaibigan.

"Sis, wala ka nga pala kahapon late ka kase himala ngayon hindi na" pang-aasar nya sa akin kaya inasar ko s'ya pabalik.

"May nakilala naman akong pogi" sabi ko kaya agad syang nagtanong sa akin kung sino 'yon at kinukulit nya ako hanggang sa dumating na si Ms. Celine.

"Class, may bago kayong kaklase" sabi nya at agad namang nagbulung-bulungan ang mga kaklase ko.

Nasa kalagitnaan na ng semester bakit may lilipat pa, agad naman itong sinenyasan ni Maam na pumasok na.

Pumasok ang isang pamilyar na lalake sa akin kaya agad naman akong napanganga.

"Yung bunganga mo, teh halos lamunin mo na yung transferee" sabi ni Catherine na inaasar asar ako.

Hindi katulad kahapon, kulay itim na ang mata nya na ikinagulat ko. Hindi kaya contact lense lang yung red na mata nya?

"Introduce yourself to your classmates" sabi ni Maam kaya agad itong nagsalita.

"Ajax" maikling tugon nya na ikinamangha naman ng karamihan, nahiya naman ako sa pagkaseryoso nya.

Nabaling ang tingin nya sa akin at ng makita nya ako ay parang lumiwanag ang aura nya, agad nya akong kinindatan na ikinagulat ko.

Napatingin naman sa akin ang mga babae na masama ang tingin.

"Hoy teh, ang daya mo type ka ata nung transferee" sabi nya at tinabig ako para mapasagot ako agad sa kanya.

"Walang namamagitan sa amin" sabi ko ngunit, nagulat ako ng may magsalita sa likod.

"Who?" sagot nya kaya agad naman akong napalingon at nanlaki ang mata, suot nya na ang bigay kong crescent moon na necklace.

Agad naman akong naupo at lumapit s'ya sa kabilang upuan para tumabi sa akin. Walang nagsasalita sa amin at ang awkward ng sitwasyon ng magsalita si Maam.

"Okay, class may announcement ako bukod roon sa bagong transferee. Lahat kayo ay may chances na makapasok sa isang Academy na sobrang exclusive" sabi nya at agad namang na-excite ang lahat, nanatili lang akong nag-iisip kung bakit nandito si Ajax.

"Ang kaylangan nyo lang gawin ay isulat ang pangalan nyo rito at kapag neverified kayo ay maari kayong makapasok roon" sabi nya at pinamigay sa amin isa-isa ang form na kaylangan naming sulatan.

Napatingin ako kay Ajax na nagsimula ng magsulat sa Form.

"Maam, ano pong klaseng paaralan ito? " tanong ng isa naming kaklase na agad sumagot si Maam.

"Malalaman nyo lang sa oras na matanggap kayo roon pero pag hindi, hindi nyo malalaman" sabi nito na agad ikinatango ng kaklase ko.

Ang weird naman. Bakit hindi nila masabi sa amin kung anong klaseng paaralan ito?

Matapos naming ipasa ang mga form ay nagsimula ng magdiscuss si Maam, it's all about Electromagnetic Waves

"Electromagnetic waves are the energy carrying waves produced by vibrating charges composed of oscillating electric and magnetic field" sabi ni Maam ngunit, wala akong maintindihan lalo na kapag science. Mas ayos sana kung history ang subject namin, mas maalam ako kaysa rito.

Nagdiscuss lang ng magdiscuss si Maam ng tawagin ako.

"Ms. Ely, naiintindihan mo ba ang tinuturo ko?" sabi nito kaya agad akong napasagot ng opo ngunit, sa totoo lang 'di ko gets.

"Then, what is the lists of waves properties?" tanong nya kaya agad akong napakamot ng ulo dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"See, wala kang maisagot. Who wants to help Ms. Ely?" tanong nya kaya agad namang nagtaas si Ajax, my savior.

"Frequency, Wavelength, Amplitude, Reflection and Absorption" sabi nya at agad naupo, agad namang napalakpak ang iba.

Nang makaupo ako ay agad ko s'yang kinalabit at nagpasalamat, tumango na lamang s'ya.

"You have a quiz tomorrow, that's all for today" sabi ni Maam at lumabas ng classroom, agad namang nagrecess ang iba kaya agad kong inaya si Ajax.

"Ajax, tara kain tayo? " sabi ko sa kanya ngunit, hindi s'ya sumasagot kaya hinatak ko na lamang sya.

Pabalik na kami sa classroom dala ang binili naming donut at tubig sa labas, may pagka-gentleman pala itong si Ajax s'ya pa nag-insist na magbabayad.

"Ako na magbabayad, libre ko na dahil tinulungan mo ako kanina" sabi ko ngunit, agad nyang inabot ang pera nya sa cashier kaya wala akong nagawa kundi magpasalamat nalang.

Nang matapos ang klase namin ay inaya ako ni Ajax na pumunta sa lawa.

"Ely, pinagpapalit mo na pagkakaibigan natin sa lalake na yan ah nagtatampo na ako" sabi ni Catherine habang nakanguso kaya agad akong napatawa at niyakap s'ya.

"Hindi ah, ikaw ang pinaka-bff ko sa lahat" sabi ko kaya agad naman s'yang napangiti sa akin.

"Oo na, umalis na kayong dalawa basta pag naging kayo sabihin mo ah o kaya pag sinaktan ka uupakan ko" sabi nya kaya agad akong napatawa sa kanya at sinabing mag-kaibigan lang kaming dalawa.

Kaibigan lang talaga, wala naman namamagitan sa amin.

Nakarating kami sa lawa at naupo kami sa puno, agad kong binasag ang katahimikan.

"Hoy, bakit ka napunta sa paaralan namin ha?" sabi ko sa kanya at humarap sa kanya, nakatingin naman s'ya sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin.

"For the Academy test" sabi nya kaya naman agad akong nagtaka, dahil lang sa test.

Anong test? Exam, quiz or yung sa form.

"Dahil lang don, ang lame ng excuses mo ah baka gusto mo lang akong makita" sabi ko sa kanya at para hindi ako mapahiya ay tumawa ako ng malakas.

Nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko, kaya agad kong naramdaman ang pag-init ng pisngi ko.

Parang ang bilis naman ata ng pangyayare.

"Do you believe in magical world? " sabi nya ng nakatingin ng diretso sa akin, agad akong napalunok at tumango na lamang.

"Naniniwala ako na may darkside ang Earth, pero anong ibig mong sabihin?" sabi ko sa kanya agad naman nyang binitawan ang kamay ko at nahiga sa damuhan.

"Do you know the story about Serenity and Solar?" sabi nya habang nakatingin sa kalangitan, agad naman akong nakaramdam ng sakit sa ulo ko na parang may memories na kumakawala.

"Ayos ka lang ba? " sabi nya habang nakahawak sa braso ko at inaalalayan ako.

"Ang sakit ng ulo ko" sabi ko sa kanya, kita sa mukha nya ang pagpapanic pero agad nya akong binuhat ng pang-bridal style.

"Saan mo ko dadalhin?" sabi ko sa kanya ngunit, hindi s'ya sumagot at bigla akong nawalan ng malay.

NAGISING ako ng may tumatapik sa akin, nakita ko si Madam Emma na nakatingin sa akin.

"Ano pong nangyare sa akin? " tanong ko sa kanya, agad naman itong tumayo at pinagalitan ako.

"May dapat kang ipaliwanag sa akin mamaya" sabi nito kaya agad akong nagtaka, ang alam ko buhat ako ni Ajax hanggang sa nawalan ako ng malay.

"Ano po iyon, Madam Emma? " tanong ko sa kanya kaya agad s'yang lumingon sa akin at nagsalita.

"Sino ang lalakeng may buhat sa'yo?" Ang bata bata mo pa may boyfriend ka na agad" sabi nya kaya agad akong nagulat, agad naman akong nagpaliwanag sa kanya na kaibigan ko lang 'yon pero hindi s'ya kumbinsado.

Agad s'yang bumaba, kaylangan kong lumabas para magpasalamat kay Ajax ngunit kapag nahuli ako ni Madam Emma ay mas lalo itong magagalit sa akin.

Narinig ko na may pumapaswit sa baba namin at ng tingnan ko ito ay nakita ko si Ajax na kumakaway sa akin, agad naman akong nagpanic dahil baka marinig s'ya ni Madam Emma.

Dahan dahan akong naglakad pababa at mukhang tulog na sila ng makalabas ako ay agad kong niyakap si Ajax at nagpasalamat.

Niyakap naman nya ako pabalik ngunit ng feeling ko namumula na ang mukha ko ay agad akong kumalas.

"Bakit ka ba narito?" tanong ko sa kanya na agad naman nyang sinagot.

"Tiningnan ko lang kung ayos ka at mukhang ayos ka naman kaya aalis na ako" sabi nya ngunit, nagulat kaming dalawa at agad nagtago sa ilalim ng halaman ng may nagsalita.

"Sinong nariyan?" sigaw ni Madam Emma at hindi ko namalayan na nakahawak pala s'ya sa bewang ko at ang ulo ko sa dibdib nya.

Akmang aalis ako ng bigla nya akong hinila at natumba kami parehas.

"Sino ang nariyan, sumagot ka" sabi ni Madam Emma na papalapit na ng papalapit sa amin hanggang ang puso ko ay 'di maawat sa pagkabog.