webnovel

CHAPTER 88

" ANG PAGBUKAS NG PINTO PATUNGONG IMPYERNO "

ANG NAKARAAN...

Pinahinto ni Bulan ang pagsasanay sa mga tagalipon dahil sa di nila inaasahang panganib sa Sulad.

" Diwatang Bulan, naririnig nyo ba Ako? " Isang boses ang umalingaw-ngaw sa paligid ng kastilyo.

" Oo, sino ka ? Anong Kelangan Mo?" Tanong ni Bulan.

" Ako ho Ito, si Faith nais ko lang pong ibalita sainyo na lulusob ang aming Hukbo sa Sulad Kasama si Sitan. Hindi ko Alam kung Anong Eksaktong gusto o layunin nya kung Anong gagawin nya ngunit sa pagkakaalam ko tungkol Ito sa pagbukas ng Pintuan ng Impyerno. " Salaysay ni Faith Kay Bulan.

" Ikaw nga ang ispiya ni Magwayen. Tama naalala kita. Wag Kang mag aalala, magpatuloy kang magpanggap. Kami nang bahala Kay Sitan mag iingat ka!" Sagot ni Bulan.

" Maraming Salamat po..." Huling Sabi ni Faith.

.

.

.

.

.

NGAYON...

" At yun nga ang nangyari Bathala.. nais ko sanang humingi sainyo nang tulong. Mas naging pamangahas na si Sitan ngayon." Sabi ni Bulan habang nakaharap sya sa mga ulap. Nang biglang may malaking boses ang sumagot sakanya.

" Bulan, Hindi na Ako maaring makatapak sa Lupa o Dyan sa Kanlaon. Ngunit wag Kang mag aalala, may plano ako at Ito ang sundin Mo. Ayuko kung malagasan ng Diwatang tapat sa Liwanag. Sa pagkakataong ito. Hayaan mong buksan ni Sitan ang Pintuan ng Impyerno. At Alam na ng mga Sugo ang kanilang gagawin. Protektahan nyo ang mga Kalag doon." Sabi ng isang malaking Boses.

" Maraming Salamat bathala. Ngayon din ay mag tutungo Nako ng Sulad. !" Sabi ni Bulan at agad syang naglaho.

Habang ang mga tagalipon Naman ay nagsisimula na Sila sakanilang pagsasanay laban kay Kathleya.

" Yun lang ba kaya ninyo? May dahilan kung bakit kayo pinili. Ngayon gamitin nyo ang inyong mga bagong Sandata." Sigaw ni Kathleya.

" Napakamaldita Naman nang babaeng to. Mas maldita pa sya kay ate Jenna. " Sabi ni Charlie.

" Naririnig kita Charlie.. baka may balak kang isigaw?" Sabi ni Jenna.

" Wala po... Haha!" Sagot ni Charlie.

At Umatake ulit si Kathleya sakanila.

" Mag iingat ka Tai, mukhang unfair nga ang laban pero, daig pa ang libo-libong kawal ni Sitan. Basi sa Lakas nya. " Sabi ni Jake habang nakahanda sa Posibleng pag atake ni Kathleya.

" Tama si Jake Tai...Pakiramdaman Mo sya. " Dagdag na Sabi ni Jenna.

" Pag nahuli nyo ko. Panalo na kayo sa unang Round. Pero pag hindi. Patuloy parin ako sa ganitong depensa." Sabi ni Kathleya.

" Sandali masubukan nga natin to!" Sabi ni Jake habang hawak nya ang isang Pulseras.

" Oisensa, ipakita saakin ang iyong tunay na anyo!" Sabi ni Jake at ang Pulseras na hawak nya ay biglang naging Dalawang Piraso ng Kahoy.

" Yan ang Sandata ng Arnis.. " Sabi ni Kathleya.

" Sandali wag na munang nyong gagamitin yan. May naisip ako.!" Sabi ni Jenna, pero di nakinig ang kanyang mga kasama bagkus ginamit na nila ang mga Sandata.

" Hay Ano pa ba magagawa ko.

Adjil ipakita saakin ang tunay mong anyo! Lumabas ka!" Sabi ni Jenna. At ang dating pang ipit nang Buhok nya ay naging isang napakalaking Boomerang.

" Susubukan ko ulit!" Sabi ni Ian sabay Pikit nya sakanyang mga mata. Pinakiramdaman nya si Kathleya.

" Theo, Sa Kanan Mo!" Sabi ni Ian habang nakapikit sya. At si Theo naman ay agad kinontrol ang tubig at iginapos nya ito kai Kathleya.

" Ngayon na Charlie.." Sabi ni Ian.

" Sige!" At ginawang Yelo ni Charlie ang Tubig na nakagapos kay Kathleya.

" Magaling nahuli nyo ko, Pero humanda kayo sa Gagawin ko." Banta ni Kathleya.

" Lupa Laban sa Hangin!" Ngiting Sabi ni Kathleya.

" Tinatawagan ko ang elemento nang Hangin, tapusin sya!" Sabi ni Kathleya habang nakatingin kay Jake.

" Hindi Hindi ! Protektahan nyo si Jake. " Sabi ni Jenna at itinapon nya ang malaking Boomerang patungo kay Kathleya.

Habang sina Katalina naman ay Pinaliyab nya ang kinatatayuan ni Kathleya.

" Yan lang ba? " Sabi ni Kathleya habang papalapit sakanya ang Malaking Boomerang, gumawa sya nang bolang hangin sakanyang kamay at pinasalubong nya ito sa Boomerang ni Jenna.

" Hindi kana makagalaw ngayon...Fuego!!" Sabi ni Katalina habang mas pinalalaki nya ang apoy sa kinatatayuan ni Kathleya.

" Apoy! Laban sa Tubig!" Sabi ni Kathleya at biglang dumilim ang kalangitan.

" Papano nya nagagawa ito? Nakaya nyang ibalik ang Atake ko saakin. " Sabi ni Jenna habang nanghihina dahil natamaan sya ng Boomerang nya.

" Napakalakas nga nya ate.. papano pa tayo mananalo dito?" Sabi ni Tyler. Ilang sandali pa ay bumuhos ang napakalakas na Ulan.

" Di Mo ba alam na di natutupok ang Apoy ko sa ulan.?" Sabi ni Katalina.

" Alam ko. Di natutupok ng Ordinaryong tubig ang Fuego Mo. Pero di ito Ordinaryong tubig. Pagmasdan Mo!" Sabi ni Kathleya at nagulat Sila dahil unti unting humihina ang apoy ni Katalina.

" Hindi maari ito..!" Sabi ni Theo.

" Sandali ang tubig parang ang sakit?" Sabi ni Ian.

" Ang Kalasag Tyler.. yelo na ang bumabagsak!" Sabi ni Jenna.

" Opo. " Sagot ni Tyler at agad syang gumawa ng harang para sakanila.

" Hahaha! Magtatago nalang ba kayo dyan? Yan ang kapangyarihan ng Jujin. Tingnan nyo ang Harang nyo!" Sabi ni Kathleya.

" Lagot, parang mababasag na ang Harang!" Sabi ni Katalina.

" Kainis...!" Sabi ni Charlie sabay Laho.

" Saan ka? Pupunta?" Tanong ni Jenna kay Ian.

" Susundan ko si Charlie..." Sagot ni Ian at naglaho ito.

" Theo subukan mong gamitin ang Helia.."Utos ni Jenna.

" Pero pano kung ibalik nya ang Atake ko?" Sabi ni Theo.

" Heto gamitin Mo!" At may lumabas na espada sa kamay ni Jenna.

" Teka pinsan yan ang Espada na ginagamit Mo. Diba nasa Libro Mo pa yan?" Tanong ni Katalina.

" Oo nakakaya ko pa syang Tawagin pero. " Sagot ni Jenna nang biglang nakaramdam Sila nang Antok.

" Kumakanta si Kathleya? " Sabi ni Tyler at sabay nawalan ng malay. Pati na din sina Jake, Ian at Charlie nawalan nang malay.

" Anong nangyayari.? Hoy gising!" Sigaw ni Jenna at di Rin nya maitatanggi na nakakaramdam din sya nang antok. Hanggang sa di na nya ito nakayanan.

" Bakit Sila lang ang nakakaramdam ng Antok?" Sabi ni Theo.

" Dahil ang Helia ang kumakatawan sa Oceana, katulad ng mga Sirena pag hawak Mo ito. May kakayahan kang magpatulog o komontrol sa isang tao. At sa katunayan. Ang mga kapangyarihan ng inyong Sandata ay nasa aking Kamay!" Sabi ni Kathleya.

" Anong ginawa Mo!" Sigaw ni Katalina.

" Pinatulog ko lang po sila..." Sagot ni Kathleya.

" Walang hiya kang babae ka!" Galit na Sabi ni Katalina.

Suler Sandata ng Apoy at Liwanag ipakita Mo saakin ang iyong tunay na anyo. Fuego de la Espada! At sa isang iglap pa ay naging Espada ang Suler na umaapoy ang Hawakan nito.

" Magaling ngayon sumugod na kayo!" Sabi ni Kathleya.

" Kung yan ang Gusto Mo! Fuego parar! " Sabi ni Katalina at pinalibutan nya si Theo nang apoy.

" Pakawalan moko dito!" Sigaw ni Theo.

At nagsimula na nga ang labanan Nina Kathleya at Katalina.

Sa bawat atake ni Katalina ay naiilagan ni Kathleya ang mga ito. Nang si Kathleya na ang Umatake di makagalaw si Katalina at syang dahilan upang magkatamo sya nang maraming sugat sa katawan.

Hanggang sa mapatumba ni Katalina si Kathleya at itinutok nya ang kanyang espada.

" Itigil Mo yan Katalina. Mahabaging Bathala! Nag sasanay lang kayo. Hindi kayo magkaaway! Sabi ni Alunsina.

" Kat! Tama na!" Sigaw ni Theo habang di makaalis sa kinatatayuan nya.

At humarang si Alunsina sa labanan nila.

" Tumayo ka dyan...diyos ko!" Sabi ni Alunsina at tinulungan nya si Kathleya na tumayo.

" Salamat po.." sagot ni Kathleya habang si Katalina naman ay ibinagsak nya sa Lupa ang espada nya.

" Nawala ako sa sarili ko! Pasensya na!" Sabi ni Katalina.

" Ayus lang yun... Nakalimutan ko. " Sabi ni Alunsina.

Dalisay ng puso ko, at liwanag ko inuutusan ko kayong gisingin ang natutulog. At mawala ang sakit, sugat , at pagud nila ! Engkantasyon ni Alunsina. Nang magising na ang Lahat at nagbalik na sa sigla ang kanilang katawan.

" Ako nga Pala si Alunsina.. sa ngalan ng pinunong bulan. Tinatapos ko na ang pagsasanay. Pero, may dapat pa kayong malaman. Ako ang nag-aalaga sa anak nyo Katalina at Theo. Hindi si Magayon. " Salaysay ni Alunsina.

" Ang babaeng ito at ang batang inaalagaan ko ay iisa." Sabi ni Alunsina at biglang nakaramdam si Katalina at Theo nang kaba

" Ibigsabihin si Kathleya ay ang anak Namin?" Tanong ni Katalina.

" Opo mom!" Sagot ni Kathleya habang umiiyak sa tuwa.

" Pamangkin ko sya...??" Sabi ni Tyler na gulat din sa kanyang nalaman.

" Oo Tama kayo, ang sanggol at ang batang inaalagaan namin ay si Kathleya." Sagot ni Alunsina

" Pero papano sya lumaki agad?" Sabi ni Jenna.

" Gamit ang Liwanag naming mga diwata... " Sabi ni Alunsina.

" Ikaw nga ba si Baby ko?'' naiiyak na Sabi ni Katalina.

" Opo binge naman !" Sagot ni Kathleya. At agad syang niyakap Nina Theo at Katalina.

TO BE CONTINUE...