webnovel

CHAPTER 54

" Ang Impyerno at si Ofelia "

PREVIOUSLY...

Ikunwento ni Miguel ang katangian ng mga bagong tagalipon, habang si Nonoy naman ay ibinalita nya kay Theo at Tyler ang balak nina Jake, Katalina at Jenna. Habang sa Aydendril naman ay matagumpay na nagising si Mia. at Ikinatuwa naman ito nina Olivia at Alpia.

RIGHT NOW....

Sa Aydendril...

Masayang masaya si Alpia sa pagkakabuhay ni mia, at nagpasalamat ito ng malaki sa reyna ng mga aydendrilian dahil sa tulong nito.

" Tinatanaw kung malaking utang na loob ang kaganapang nangyari sa aking Matalik na kaibigan mahal na reyna.." Sabi ni Alpia.

" Olivia nalang ang itawag mo saakin.. total ikaw naman ang magiging reyna ng mga dalakit" sabi ni Olivia sakanya.

" Sa ngayon di ko na iniisip ang mga ganyang bagay mahal na??? I mean Olvia.. Di pa tapos ang misyon namin nina Theo. saka nalang sguro." Sabi ni Alpia.

"Ngunit guro, Ikaw ang nararapat na maging reyna sa ating mundo.. " Sabi ni Mia. habang pa-ika ika pa itong naglalakad.

" O bakit ka lumabas ng kwarto? di kapa magaling..pagalingon mo muna yang mga sugat mo." sabi ni Olivia.

" Kaya ko na po. maraming salamat sainyo mahal na reyna.." Sabi ni Mia.

" Walang anuman yun Mia. kamusta ang iyong pakiramdam..? " Tanong ni Olivia.

" Ayus lang naman ako mahal na reyna, kaso wala akong matandaan.. ngunit anong nangyari.. papano ako nabuhay muli?" sabi ni Mia.

"Mahabang salaysayin Mia...masaya ako at nabuhay ka muli." Sabi ni Alpia.

"Ngunit, nasaan sina Katalina? pati rin si Raven wala... saan ba sila nagtungo?" Tanong ni Mia habang palinga-linga sa paligid.

" Ganito kasi ang nangyari, habang tulog ka..." Sabi ni Olivia at isinalaysay ni Alpia ang lahat ng nangyari sa Aydendril.

Sa OCEANA..

Nagbalik sina, Sierra, Rica at Lina sa kanilang kaharian at agad silang Sinalubong ng kanilang kapatid na si Joshua.

" Mga kapatid ko.. maligayang pagbabalik" sabi ni Joshua sabay yakap sa kanyang tatlong kapatid.

" Kahit kelan napakalambing mo talaga. " sabi ni Rica.

" kamusta naman ang ating kaharian.." Tanong ni Lina.

" maayus naman... kaso may nakita ang mga sirena sa dalampasigan malapit sa lagusan ng mga Dalakit. " sabi ni Joshua.

" nasaan ang nasabi mong nakita ng mga sirena? baka naman dinukot ninyo?" sabi ni Rica.

"Hindi, sugatan ang babae na kanilang nakita.. tingnan nyo sa silid ng mga bisita. doon ko muna sya pinagpapahinga." sabi ni Joshua. Agad naman nilang tinungo ang sinabing bisita ni Joshua. At nang pagkabukas ni Lina sa Pintuan. agad nyang nakilala ang babae na nakahiga sa kama.

" Ofelia?"

" Kilala mo ba sya Lina?" tanong ni Sierra.

" Oo, sya ang palaging ka kwentuhan ni inang reyna dati sa tabi ng ilog.. isa sya sa matalik na kaibigan ni inay." sabi ni Lina.

" Ngunit bakit.. walang nababanggit si Ina tungkol sa amin sa ganyan.." Sabi ni Rica.

" Teka, Joshua ilang araw na bang tulog si nana Ofelia? " Tanong ni Lina.

" Dalawang araw na.. " sagot ni Joshua. at nilapitan nila ito upang tingnan ang kalagayan ni Ofelia.

" Marami syang saksak sakanyang katawan.. Kaya pinagamot namin sya sa mga babaylan dito sa oceana. ngunit hanggang ngayon. di pa din sya nagiging." Salaysay ni Joshua.

" Oo, nga.. " dagdag na sabi ni Sierra.

" Diba si Ofelia ang hinahanap nina Katalina?" sabi ni Rica.

" Oo nga, kelangang ibalita natin sakanila ang tungkol kai nana Ofelia." sabi ni Lina.

" Sge magtungo muna tayo sa punong bulwagan... para makausap natin sina Olivia. at sa palagay ko nasa Aydendril pa sila.." sabi ni Lina at nagmamadali silang magtungo sa punong bulwagan ng biglang nagbalita ang isang Kawal na kasintahan ng kanilang tita. na si GUARIN.

" mga mahal na reyna.. may balita ako mula sa mundo ng mga tao.. " sabi ni Guarin.

"Tito guarin... anong nangyayari?" tanong ni Sierra.

" May isang malaking bagyo ang puminsala sa bandang silangan ng kanilang mundo at maraming namatay at nasirang ari-arian.." Ulat ng asawa ng kanilang tita na si guarin.

" Kumikilos na si Sitan.. ginagambala na nya ang bawat kaharian. UNA ang AYDENDRIL.. Sumunod ang Dalakit.." sabi ni Sierra.

" Papano kung ang kaharian naman natin ang kanyang guluhin ulit.??" sabi ni Joshua.

" Hindi na maari yun dahil, may ginawang mabuting sumpa si Ina. upang di makapasok ang masasamang loob dito sa ating kaharian." sabi ni Lina.

" Sya nga pala kasama mo ba si Tita?" Tanong ni Rica.

" Nasa mundo sya ng mga tao at tumutulong sya sa mga nasalanta ng kalamidad." sabi ni Guarin.

Sa Kuta ni Sitan..

Bumalik si Nonoy sa kanilang pinagtataguan, upang ibalita sakanila na nakausap nya sina theo at tyler.

" Oo ate nakakulong sina kuya sa ikatlong palapag sa kanan. ngunit maraming bantay ang nakapalibot sa kastilyo. " Sabi ni Nonoy.

" teka Jenna.. ilang oras lang ba itatagal ang ating invisibility mode.. " sabi ni Jake.

" Paulit-ulit? diba sabi ko isang oras??" sabi ni Jenna.

"Kaya pala nakikita na tayo ng mga nakabantay sa gate, at nasa likud ko sya.." Sabi ni Jake habang tinutukan sya ng isang kawal sakanyang likud ng punyal. habang si Nonoy naman ay tumango-tango lang ito.

" Lagot.. di ko namalayan ang oras.. " sabi ni Jenna habang tinutukan din sya ng isang kawal pati na rin si Katalina.

" anong gagawin natin??" Sabi ni Katalina at habang si nonoy naman ay nagtago upang di makita.

" Walang gagalaw. sino kayo?" sabi ng isang kawal.

" Papano kami gagalaw E-tutusukin mo kami ng punyal.." Sabi ni Katalina.

"Sino kayo?" tanong ulit ng isang kawal habang nakatutuk ang kanyang punyal sa likuran ni Jenna.

" Ah kami ba..." sabi ni Jenna at agad nyang ginamit ang kakayahang mag laho at lumipat sya ng pwesto sa likuran ng tatlong kawal. palipat lipat sya at inisa-isa nya itong pinatulog gamit ang kanyang salamanca.

Habang ginagawa nya ito nakita naman sila ng iba pang kawal nanagbabantay sa Kuta ni Sitan.

"May mga nakapasok.. Hulihin nyo" sigaw ng isang kawal sa loob ng gate.

" Lagot nakita na tayo insan.."sabi ni Katalina.

" Wala na tayong CHoice.. maglaho na tayo."sabi ni Jenna. At tumango lang sina Jake at Katalina. nang akmang huhulihin sila ng mga kawal ay agad silang naglaho.

" Saan sila nag punta?" sabi ng isang kawal.

" hanapin nyo mga tanga.. lagot tayo kai reyna alice pagnakapasok sila.." Sigaw ng Isa pang kawal.

At nakapunta sina Jake,Katalina at jenna sa harap ng Trono ni Sitan.

" Nasaan tayo,,?" tanong ni Jenna nang tingnan nya ang paligid ay nakita nya ang isang kulay pulang trono na sobrang gara ang desenyo nito.

" Marahil ito ang Trono ni Sitan.." sabi ni Katalina.

" Sandali may paparating.." sabi ni Jake at agad naman silang nag laho. Yun pala dumaan sina, Faith,Bea, Nica at Diosca kasama si Miguel.

" Sandali may nanararamdaman ako.." Sabi ni Nica.

" Anong nararamdaman mo nica??" tanong ni Diosca.

" Palagay ko may ibang nilalang ang nandito sa loob ng bulwagan." Sabi ni Nica.

" nako.. nica maraming ibat-ibang nilalang nandito sa loob ng palasyo, isa na doon ang mga ligaw na kaluluwa. Baka mga ligaw lang na kaluluwa ang nararamdaman mo.. " Sabi ni Miguel.

" baka nga.. just dont matter about it. let's go" sabi ni Bea.

At nang makadaan na sila.. agad lumantad sina Jenna, Jake at Katalina.

"Sino sila?" Tanong ni Jake.

" Kilala ko ang dalawang babae na nauna. sila ang dumukot kina Tyler, sila ang nakita ko saaking pangetain. " Sabi ni Katalina.

" kung gayon sila ang dating gabay diwata.. " sabi ni Jenna.

" Wala na tayong oras.. naririnig kung nagkakagulo na sa labas. kelangan nating puntahan ang sinasabing piitan ni Nonoy. " Sabi ni Jake.

" Sge tayo.. na!" sabi ni Jenna at naglaho sila. 

TO BE CONTINUE...