webnovel

CHAPTER 21

" Ang Pagsasanay P2 "

 

Ang nakaraan....

Nasa unang pagsubok na ang mga itinakda. Habang nasa kalagitnaan sila ng pagsusulit na ibingay ng diwatang magiliw na si Gassia. Ay nagbiro ang diwata sa binatang si raven.

Ito na ang karugtung....

( don't forget to vote and Comments for your concerns)

" Inuulit ko kelangan nyong hanapin ang tunay na troso. Sa apat na troso na lumulutang hanapin nyo ang tunay. Dalawang tira lamang ang kelangan nyong gawin. Ang di makakahanap sa totoong troso. Bagsak sa unang pagsubok. Kaya Lola Jenna and Raven.. Go! Go!" Sabi ni Gassia.

Ngunit biglang tumutol si Jake...

" Sandali, sasali ako! Para sayo ito Tyler " Sigaw ni Jake.

" Sandali jake, si Jenna ang nararapat sa Pagsubok nato.. " sigaw ni Gassia at agad nyang ikinumpas ang kanyang kamay at nag laho syang bigla.

Samantala Kan-laon...

" Pinunong bulan, nag simula na ang pagsubok nila.. " Sabi ni Lalahon.

" Mabuti naman kung ganun! Kamusta na ang mga sugong diwata sa mundo ng mga tao. ? " Tanong ni Bulan.

" Maayus naman sila pinuno. Ngunit ang aking ipinagtataka, Bakit di gumagawa ng Hakbang ang mga tauhan ni sitan.. ?" Sabi ni Lalahon.

" Marahil may bago silang balak..at alam ko kung ano yun!" Sabi ni lihangin.

" Lihangin ? Ikaw na ba yan ?" Gulat na Sabi ni Lalahon.

" Oo, Maraming ibinalita saakin ang hangin..

Dinig ko na binuhay ni sitan ang dati nating tagalipon ng mga oroskopyo. " Balita ni Lihangin.

" Lapas tangan! Akala ko ba binabantayan ni magwayen ang kanilang mga dungan ?" Galit na Sabi ni Bulan. At biglang dumating si Magwayen.

" wag kang mag alala bulan dahil ang kanilang mga kalag ay nasa pangangalaga parin ito ni bathala. " Sabi ni Magwayen.

" Salamat magwayen, at ano naman ang balita mong dala? " Tanong ni Bulan..

" Nag tungo ako sa Sulad.. may nalaman akong balita sa mga Kalag na nandun.

May mga kaluluwang ------! " Sabi ni Magwayen at bigla syang naglaho.

" Magwayen ? Magwayen ? " Sabi ni Bulan..

" Marahil may nangyayari nanaman sa sulad. " Sabi ni Lalahon.

" Lihangin.. ano pa ang mga balita na nasagap mo.." Tanong ni Bulan.

" Di lang ang mundo ng mga tao ang nanganganib. Maging mga ka alyansa nating taga Aydendril. Nasa kalagitnaan sila ng Isang krisis. " Salaysay ni Lihangin.

Si lihangin kasi ang inatasang mag bantay sa mundo ng mga tao Kasama nya ang iba pang mga diwata. Habang di pa natatapus ng mga itinakda ang kanilang pagsasanay.

" Marahil ay makikipag kita sayo si Olivia..Teka nasaan ba sina, Gassia, Makiling, Magayon at Dalikmata ?" Tanong ni Lihangin.

" Kasama nila ang mga itinakda at tagalipon." Sagot ni Bulan..

Balik kina Jenna at Raven sa kanilang pagsasanay..

Naunang tumira si Raven at hinanap nya ang tunay na troso na nakalutang sa ire.

Agad ginamit ni Raven ang kanyang kapangyarihan..

" Wala namang pinagkaiba ang mga trosong nakalutang.. pareha sila ng hugis, kulay at Sukat. Marahil.. nandito ang Tunay!" Sabi ni Raven at agad nyang pinakawalan ang isang maliwanag na Enerhiya na galing sa kanyang kamay. Nung tumama ito sa troso na pinatamaan nya ay biglang nag silabasan ang mga insekto.

" Mga Bubuyog? Lagot ! Bwesit na lokaloka to.may pa surprise pala sya sa mga troso.. " Sabi ni Jenna at Kumuha sya ng maliit na dahon sa kanyang bulsa. Samantala si Raven naman ay inatake ng mga Bubuyog. At agad syang nagpalit anyo. Bilang isang agila.

" Mukhang mahusay ang iyong pagtuturo kay Raven ate Alpia.. " Sabi ni mia.

" Di naman mahirap Turuan ang batang yan.. " Sabi ni Alpia at ngumiti ito.

Habang sina Katalina at Theo Naman ay namangha sa kanilang nakita.

" Nakakagulat.. kaya nyang mag anyong hayop na naisin nya. " Manghang Sabi ni Katalina.

" Oo nga.. pakiramdam ko nagsanay din ng husto si ate Jenna. Alam kung may nag improve sa kanya ngayon antayin nalang natin.." Sabi ni Theo.

Balik kay Raven, Gamit ang kanyang malalaking pakpak. Itinaboy ni Raven ang mga Bubuyog Mula sa kanya at sa Kasamaang palad patungo ito kay Jenna..

" Naloko na bat sakin napunta. ? Loko ka Bata ka!!" Sigaw ni Jenna..

Agad ginamit ni Jenna ang kanyang dahon na kanyang Kinuha sa kanyang bulsa kanina at itinira ito sa mga Bubuyog na patungo sa kanyang kintatayuan.

" Dahon! Magsilbing sandata at ibalik sa kinalalagyan ang mga insekto!" Sabi ni Jenna at itinapon nya ito pataas at sabay kumpas. Agad dumami ang isang pirasong dahon. At di naglaon naglaho ang mga Bubuyog.

" Raven Wala pa akong Jowa wag mo naman akong tigiin ng maaga. Nakakaloka!" Sabi ni Jenna.

" Pasensya na po ate Jenna.. peace.! " Sagot ni Raven.

" Sge go na.. tapusin muna ang pangalawang tira mo. Ayusin mo !" Sigaw ni Jenna. At ngumiti lang ang binata.

" Kung Hindi yun ang tunay.. malamang ito!" Turo ni Raven sa isang Troso na nasa gitna.

" Hindi.. baka--- bahala na!" Agad nyang pinakawalan ang isang bolang Enerhiya na galing sa kanyang mga kamay at itinira ito sa troso na nasa gitna.

Ngunit sa kasamaang palad isa nanamang patibong ang kanyang napakawalan.

 Biglang, lumindol ng malakas at lumabas ang mga maliliit na baging Mula sa lupa at gumapos ito sakanya. Akmang tutulungan ni Jenna si Raven. Biglang lumitaw sa kanilang harapan si Gassia.

" Once is enough, twice is too much... Hayaan mung sya mismo ang makawala sa mga baging na yan. Ngayon Lola Jenna it's ur turn.. " Sabi ni Gassia.

" Ikaw naman Raven the more ka na gagalaw galaw dyan . The more yang hihigpit! So behave. pagnahanap ni Jenna ang tunay sa mga trosong nakalutang na yan mawawala na ang mga baging na yan." Sabi ni Gassia sabay kindat at nag laho ito.

" Stay there raven.. chaka naka pag English pako. Nakakaloka! Well anyhow. Este tatapusin natin to." Sabi ni Jenna habang pinagmamasdan nya ng mabuti ang mga trosong naka lutang.

" Ang kanang troso na una nyang tinira may lamang Bubuyog. At sa gitna naman ay Mga baging.. may something dito..?" - Jenna

" Alam ko na.. " Sabi ni Jenna agad nyang Kinuha ang libro, at ginuhit nya sa hangin ang isang sandata.

" Pana at Palaso ng katotohanan! Sinasamo kita.!!" Sigaw ni Jenna. agad nyang pinakawalan ang palaso.

" Sabi ko sayo..malaki ang ipanagbago ni jenna. " Sabi ni Theo.

Nang matamaan ni Jenna ang troso na nasa bandang likuran. Agad naglaho ang mga pekeng troso. At nakawala na din sa pagkakagapos si Raven Mula sa mga baging.

" Magaling Lola Jenna, Kahit matanda kana.. di parin pumupurol utak mo. " Sabi ni Gassia.

" Loka loka kang diwata ka! 30 years old palang ako buset ka! " Sagot ni Gassia..

" Salamat ate Jenna.. " pasasalamat ni Raven sakanya.

" Walang anuman yun.. " ngiting Sabi ni Jenna.

" Pero Jenna pano mo nalaman na yun ang tunay na troso ? " Tanong ni Gassia.

" Sa mga trosong ginawa mo. May kakaiba sa bandang likuran. Dahil nung tinira ni Raven ang nasa panglabas na troso. Dinedepensahan ng tatlong troso ang nasa bandang likuran. Parang tayu noon, pinoprotektahan natin si Tyler kay sitan!" Sabi ni Jenna.

" Ah ate jenna, may itatanong po lang Po ako. Is Tyler is really single ? " Tanong ni Raven.

" Ikw na sumagot dyan Jenna.. English yan!" Sabi ni Gassia.

" Nakakaintindi ka naman ng tagalog diba?" Sabi ni Jenna.

" Oo naman po." Sagot ni Raven.

" Yes, he's single.. kakahiwalay lang nila ni Jake." Sabi ni Jenna.

" Oh I see, " Sabi ni Raven.

" Good now you see.. " sagot ni Jenna..

" Galing mo mag English bakla infairness.." bulong ni Gassia kay Jenna.

" Alam mo yan.. mataas IQ ko. Ako pa!" Birong Sabi ni Jenna. At nag tatWanan sila..

Samantala sa Bundok Yayaisa..

" Natapos na nila ang unang pag subok.. ngayon Ikaw naman Makiling. " Sabi ni Magayon.

" Handa nako.. ngunit magayon kamusta na ang mga sugong diwata sa mundo ng mga tao.. " Pag aalalang Sabi ni Makiling.

" Wag kang mag aalala, dahil binabantayan ko ng maayus ang Kapatid ni Gassia. " Sagot ni Magayon.

" Salamat.. oras na!" Sabi ni Makiling at agad syang naglaho. Ilang sandali pa ay dumating si Dalikmata dala dala ang anak nina Theo at Katalina..

" Nakakatuwa ang mga sangol pag natutulog sila.. " Sabi ni Magayon.

" Oo nga magayon. Hindi pa sapat ating kapangyarihan upang mabilisang lumaki ang anak nila. " Sabi ni Dalikmata.

" Marahil malakas pa din ang Sumpa ni sitan sa bata.." Sabi ni Magayon.

At biglang lumitaw sa kanilang harapan Si Ella..

Ang dating tagalipon na kasambahay ng lalaking katawan na sinaniban ni Sitan.

Siya yung nasa Book1 na sinubukan nyang alisin ang kaluluwa ni sitan sa katawan ng kanyang alaga.

" Gretchella..? Bat naparito ka?" Tanong ni Magayon.

" Bumalik na ang aking alaga.. Wala na si sitan sa kanyang katawan. " Salaysay ni Ella.

" Mabuti naman kung ganun.. ngunit ano ang iyong sadya rito?" Tanong ni Dalikmata.

" Ginamit ko ang aking natitirang kapangyarihan na kaloob ninyu saamin noon. may bagong katawan nanamang sinaniban si Sitan mga mahal na diwata.. " sabi ni Gretchella.

" Dalikmata maari mo bang silipin ito saiyong mga mata ?" Utus ni Magayon.

" Sge susubukan ko.. " Sabi ni Dalikmata.

" Ngunit mga mahal na diwata di lang Po yan ang balita na dala ko. Binuhay ni sitan ang aking mga kasamahan.. " ulat ni Gretchella.

" Papanong? --- " sabi ni Magayon. Ng nagsalita si Dalikmata.

" Sa isang Babae sya sumanib.. " Sabi ni Dalikmata.

" Alam mo ba kung sino ito?" Tanong ni Magayon.

" Hindi ko masyadong makita ang kanyang mukha ngunit.isa sa malalapit sa Buhay mo Gretchella. Mag iingat ka!" Sabi ni Dalikmata.

" May pala tandaan ba Mahal na diwata ?" Tanong ni Gretchella.

" Hanapin mo ang marka ng Kadiliman sa kanyang Kaliwang bahagi ng Dibdib!.. " Sabi ni Dalikmata..

And There you have it guys.. hope you like this chapter. Don't forget to vote.. abangan ulit ang karugtung kwento.