webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasie
Zu wenig Bewertungen
53 Chs

16

CHAPTER 16

NAGLAKAD LAKAD ako sa madilim na pasilyo ng palasyo. Kailangan kong mahanap ang Prinsipe at ang kabataang ranggo. Ang grupo.

Hindi na ako nagpalit ng suot ko, nag paa na rin lang ako. Wala akong pakialam, sa Unang Distrito wala kaming problema kahit punit punit ang suot namin ngayon pa ba ako aarte?

Wala akong karapatan sa marangyang lugar na ito.

Sinubukan ko ring hanapin si Manang Omeng, pinuntahan ko siya sa kanyang silid ngunit wala siya doon. Mukhang nagalit siya sa akin ng mag desisyon akong sumama sa grupo.

Pakiramdam ko tuloy ay nag-aalala siya sa akin. At natutuwa ako sa isiping iyon, kahit hanggang isipan lang napakasarap isipin na may isang taong nag-aalala sayo.

"Manang Omeng.." mahina kong tawag pagdako ko sa lugar na maraming libro.

"Oh!"

"Fuuckk--" Parehas kaming nagulat ng taong nakasalubong ko. Agad akong yumuko bilang pag respeto kahit hindi ko pa nakikita kung sino ito. "What are you doing here?" Napa-angat ako ng tingin.

Si Nathalia!

"N-nasaan si Manang Omeng?" Tanong ko. Ang lakas loob na pagsama sa kanila ay biglang nawala, hindi ko pala kaya.

"Oh, naghahanda ng mga gamit namin. Aalis na kami maya-maya." Nakakunot parin ang noo nito habang nakatingin sa akin.

"G-ganoon ba?"

Wala na. Hindi ko kayang magsalita sa harapan nila.

"Nathalia? Anong tinatayo-tayo mo diyan? You witch-" nahinto sa pag-sasalita si Corinthians ng makita ako. "Hi witchy?" Tanong nito nang mapagtantong hindi niya alam ang pangalan ko.

"She's looking for Manang Omeng." Ani Nathalia habang nakatingin sa akin, bumuka ang bibig ni Corinthians na nagsasabi ng 'Ahhh'

"Is this a sign my dear?" ani Corinthians habang nakatingin sa akin. "She's right here, in front of us." Dugtong pa nito.

Hindi ko siya maunawaan.

"We should probably go to the Prince now, sigurado akong pumuputok na ang butsi noon." sa halip ay sagot ni Nathalia at nauna nang umalis.

Nginitian na lamang ako ni Corinthians bago umalis.

They left. Pinagmasdan ko lang silang maglaho sa aking paningin. Napako ako sa kinatatayuan ko. Nasaan na ang tapang ko na sasama ako sa kanila wala na.

I'm really nothing compared to them. I can't even say a single word to ask a permission if I could join them. Isang malaking sampal ang katotohanang ako isang dukha lamang na naligaw sa palasyo. At ngayon ay isa na akong bilanggo.

Tumalikod ako at bumuntong hininga, gusto kong sumama. Nais kong makalaya sa Palasyong ito, paano na lamang kung malaman nilang isang Kriminal pala ang nakapasok sa palasyo?

Ano na lamang ang gagawin ko?

The stones! I need to find a stone! I need to go with them. I closed my eyes, at sa pagdilat ko'y naramdaman ko na ang paligid. Alam kong sa oras na iyon ay iba na ang kulay ng mga mata ko.

Mas malawak na ang pakiramdam, pandinig at nakikita ko ngayon. Siguro ay unti-unti ko nang nasasanay ang aking kapangyarihan.

My abilities are now wider than earlier.

Mula sa aking kinatatayuan, they are 0.06214 miles away from me. It's 100 meters. I want to be happy, dahil kalkulado ko na rin ang layo na aking nakikita.

Nasa back door sila ng palasyo.

"What do you mean Nathalia?" it was Greyson, nakakunot ang noo nito habang nakikipag away kay Nathalia.

"She have sharp senses at iyon ang kulang sa atin! Mas mapapadali ang paghahanap natin kung may kasama tayong katulad ng abilidad niya!" giit ni Nathalia.

"But baby, she have never been to any battles like we experienced. How are you so sure na makaka survive siya kasama natin? We were trained, baka pagdating lamang doon ay ikapahamak pa natin siya." ani Greyson.

Right, baka ikapahamak lang nila ang pagsama ko. Muli akong nawalan ng pag-asa na makasama.

"You witnessed how she battled those creatures in the Maze of illusion!" muling saad ni Nathalia na nakapag patahimik sa grupo.

"Right. Pero kapag may nangyaring masama sa kanya, pananagutan mo iyon Nathalia!" biglang saad ni Chrysler.

"Walang mangyayaring masama sa kanya, sigurado ako doon!"

"NATHALIA!" Lahat sila ay napahinto dahil sa pagsigaw ni Chrysler. "Hindi natin siya kilala. Sooner or later she will be kicked out from the Palace or will be placed in the dark dungeon, baka siya pa ang dahilan nang ikapahamak natin!" galit na saad ni Chrysler, Nathalia became quiet.

Dark Dungeon? Does that place even exist? Paano na lamang kung ilagay nga nila ako doon? Gusto kong ipaglaban pa ako ni Nathalia, ngunit base sa nakikita ko ngayon ay hindi na lamang siya magsasalita.

"Calm down people. It was just a suggestion, hindi niyo kailangang mag away." saway ni Corinthians.

The tension was getting higher, gusto kong ilipat ang tingin ko dahil nasasaktan ako sa usapan nila tungkol sa akin. But I can't look away.

I want to go with them.

"What's going on here?" ang ma awtoridad na tinig na iyon ang nagpatigil sa lahat at mas lalong nagpataas ng tensyon.

"Nothing.." ani Corinthians.

Masamang tumitig ang Prinsipe sa kanya, ngunit ako ang napalunok.

"Zavan, Nathalia wants to bring that girl. Hindi ako papayag, we trained almost our lives for this eclipse! Kung ikapapahamak lamang ang babaeng iyon ng ating grupo, patatalsikin ko siya sa Palasyong ito!" ani Greyson habang seryosong nakatingin sa Prinsipe.

Napalunok ako. Bakit ako nasasaktan? I should be okay, sanay naman na ako. Ngunit bakit nasasaktan ako?

"How about a pawn?" ani Nathalia.

Everyone shut themselves and listened.

"We need a pawn, if she can't be our sense atleast we have a pawn." matalim na wika ni Nathalia na nakapagpahina sa akin.

Right. I'm going to be their prey, that's fine with me. Ngunit bakit tila nabibiyak ang puso ko? Bakit nasasaktan ako?

"We need a bait. She's our answered prayer Zavan, kailangan natin ang babaeng iyon." dagdag pa ni Nathalia.

Napaatras ako. Gagawin nila akong pain, bakit hindi ko matanggap na isa lamang akong pain sa kanila?