webnovel

Chapter 11

Pag tapos nang malaman ko na ginagawan nila ako ng storya ay tuluyan na akong lumayo sa kanila, they don't deserve me and I don't deserve them to be my friends. Ang masakit sa part na 'yon ay kinampihan ng lahat si Raven kahit alam nila ang tunay na nangyari, reason? Dahil daw ang babaw ng dahilan ko para lumayo at panibagong kwento ang ginawa na sinisiraan ko daw sila sa iba kahit alam naming lahat na sila ang gumawa ng mga storya na ikaka-sira ko. Pinag tulungan nila akong lahat, tinaliwas nila sa katotohanan ang lahat para maging malinis lang sila at mag mukhang inosente.

After that moment, hindi na ako nag tiwala pa sa kahit isa sa mga classmate ko or makipag-kaibigan sa isa sa kanila, pakiramdam ko nga ay nag ka-trauma ako sa ginawa nila. I realized na hindi lahat ay kailangan pakisamahan dahil kahit anong pakisama mo sa kanila kung gusto ka nila hilahin pababa ay hihilahin ka.

Gumawa sila ng mga kwento na ikakasira ko maging bida lang. Ginawa nilang worst ang mga araw ko sa college, pero wala akong pinag-sisihan sa lahat ng nangyari dahil sa mga nangyari ang dami kong natutunan.

Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan kung lahat sila ay mga peke.

Leah Point of View

"ANONG GINAGAWA NANG BABAENG YAN DITO?!" Galit na sigaw ko ng Makita ang walang kwentang kaibigan ni Preets, alam ko ang lahat ng mga bagay at ka-demonyohan na ginawa ng babae na 'to kay Preets dati kaya nahirapan ako kunin ang tiwala.

"At ikaw sino ka naman? Kaibigan ni Preets?" maldita niyang sabi sabay duro kay Preets na nakatulala lang sa amin ngayon, biglang nag init ang ulo ko sa itsura ni Prrets. Namumula ang kaliwang pisngi niya at may bakat ng palad.

"Oo, kaibigan niya. Ikaw 'yong kaibigan niyang Peke diba?" sabay irap sa kanya, alam ko namn na siya talaga 'yon gusto ko lang ipamukha sa kanya na peke siyang kaibigan ni Preets, tsaka ano ba ginagawa niyan dito?

Tinignan ko naman si Kurt na hawak ang babae sa bewang para awatin at kusang tumaas ang kilay ko sa kamay niya, aawat nalang lalandi pa at sa harap pa mismo ng kaibigan ko?

"Kung ako sayo lalayo na ako dyan kay Preets, mag ingat ka nanunuklaw 'yan." Banta niya sa akin.

"Si Preets nga ba ang nanunuklaw o Ikaw? Mas mukha ka pa kasing ahas." Sabay ngisi ko sa kanya. "opps, natuklaw mo na nga pala fiancee niya, masarap?"

Kita ko naman ang pamumula ng mukha niya dahil sa sinabi ko, hindi ko akalain na magiging affected agad siya sa sinabi ko at ang mga sinabi niya ay mabilis na naibato sa kanya. Akala ko pa naman ay pro na ang kamalditahan nito pero hindi pa rin pala uubra.

"Wala kanga lam dito!" sigaw niya sa akin bago ako dinuro, bago pa man siya malapit sa mukha ko ang hintuturo niya ay mabilis ko ng sinampal ang daliri niya.

Ang kapal naman ng mukha para duruin ako, ngayon palang kami nag kita at tama nga si Preets ng sinabi niya dati maninira pala talaga s'ya, akalain mo't sisiraan niya pa ang kaibigan ko sa hrap ko sa mismong harap naming ni Preets.

"Marami akong alam dito, ikaw anong ginagawa mo rito? May tatlo kang choices bago mag init ng tuluyan ulo ko sayo. Lalabas ka, ipapakaladkad kita sa guard o tatanggalan muna kita ng buhok." Banta ko sa kanya pero halata naman sa mukha niya na hindi siya umuubra.

"Halata naman nan a brainwash ka na ni Preets, akalain mo naging kaibigan ka ng bidabida na 'yan?" sabi niya bago duro ulit kay Preets.

"Alam mo isa pang duro mo at puputulin ko na yang hintuturo mo." Natahimik naman siya at mabilis na ibinaba ang kamay.

"Isa. Lalabas ka o hindi?"

"Bat ako lalabas, pag mamay-ari mob a 'to?" sabat naman niya ng may muling nag bukas ng pinto, si Aizen myloves.

"Pero pag mamay-ari ko." Sabat ni Aizen sa kanya, natigilan naman siya sa sinabi nito at mabilis kinuha ang bag niya akmang lalabas nang hawakan ko ang braso niya at mabilis na hinablot ang buhok. Nagulat naman silang lahat sa ginawa ko pati na rin si Kurt ay agad na lumapit samin.

"Sa susunod na Makita kitang inaaway mo si Preets, pati mo may latay." Bago ko bintawan ang buhok niya at tinulak papalayo sa akin.

"Makakaganti rin ako sa inyo." Sabi niya bago umalis.

"Hintayin ko 'yang araw na 'yan." Maangas kong sabi sa kanya, rinig ko naman ng inis na sigaw niya bago tuluyan na mawala ang tunog ng taking niya. Wala naman palag sa power ko.

Mabilis akong pumunta kay Preets nan aka-upo na ngayon sa higaan niya at naka-tulala pa rin habang ang luha niya ay patuloy na pumapatak.

"Aizen tumawag ka ng Doctor!" utos ko sa kanya, mabilis naman niyang sinunod ang sinabi ko at mabilis na tumakbo pa labas ng kwarto.

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa sayo ng Raven na 'yon habang wala ako?" nag aalala kong tanong pero wala akong nakuhang sagot sa kanya, patuloy lang siyang umiiyak ng may pumasok na isang yummy nan aka-lab gown.

Nakatulala lang ako sa kanya, ang kinis ng balat niya, ang mga mata niyang chinito na pinaresan ng matangos na ilong at makapal na kilay at pilikmata. Hindi rin na maitatanggi na maganda ang panganagatawan nito dahil sa malapad niyang dibdi--- "Wag ka masyadong tumitig mag seselos na ako niyan." Pabirong sabi ni aizen. Inirapan ko nalang siya bago hinawakan ang kamay ni Preets.

"Good morning ladies, I'm doctor Dylan Cruz." Ang sexy ng pangalan. Set a side muna kalandian Leah!

"Doc, anong nangyari sa kaibigan ko bigla nalang siyang natulala ng sumugod 'yong epal niyang kaibigan sabay pag dating ko nag kaganito na siya. Hindi siya nag sasalita at umiiyak lang." nag aalala kong tanong.

"Tsaka babae ang doctor ni Preets."

"On leave ang Doctor ni Ms. Preets kaya ako muna ang mag momonitor sa kanya, and base on your first question. Ms San Diego has, PSTD or must know Post-traumatic stress disorder. This kind of disorder is a mental health condition that's triggered by terrifying event-either experiencing it or witnessing it. Last night you had a nightmare and that's one of the symptoms of it. This may include flashbacks and severe anxiety, as well as uncontrollable thoughts about the events. Most people who go through traumatic events may have temporary difficulty adjusting and coping, but with time and good self-care, they usually get better." Mahaba niyang sabi.

"Ano naman kailangan para maka-recover siya?"

"Post-traumatic stress disorder treatment can help regain a sense of control over your life. The primary treatment is psychotherapy, but can also include medication. Kailangan lang ay mailayo siya sa mga bagay na pwedeng mag paalala sa kanya ng pinagmulan ng trauma na nakuha niya at syempre kailangan niya ang daily check-ups for fast recovery" tumango-tango naman ako sa kanya.

Sinabayan pa ng Raven na 'yan kanina, humanda siya sakin.