webnovel

CHAPTER 1

RANZ POV

"Hey Son." Kakababa ko lang sa sasakyan ng tawagin ako ni Dad. Napatingin pa ko sa kanya ng makitang kakababa niya lang din ng sasakyan.

"Hi Dad, What's up?"

"Anong nangyare sa sasakyan mo?" Napatingin pa siya sa bumper ng sasakyan ko. Inis na maalala ko na naman yung babaeng nakabangga sakin.

"Stupid woman bump my car Dad."

"Oh are you okay?" May Vahid pang Pag alalang tanong niya.

"Yeah. I'm okay Dad."

"Good! Let's go inside." Tumatangong tango pang sabi niya tinap pa ang balikat ko bago mag paunang pinasok sa loob.

"RANZZZZZZZZZ!" Sigaw agad ni Niña ang bumungad sakin pag kapasok sa bahay tumatakbong lumapit pa siya Sakin at yumakap.

"Parang ang tagal ko namang nawala Hahahaha!" Natatawang sabi ko pa. Nakasimangot naman siyang bumitaw ng yakap sakin at tinalikuran ako.

"Buti nga namiss kita."

"Baka bored ka lang dito sa bahay hahahaha."

"Yeah, Yeah!" Sagot niya at umakyat na sa taas.

"Sir."

"Nato?" Napabaling pa ko kay Nato. Si Nato ang Butler dito sa bahay.

"I'm sorry Sir, Sa Friday pa daw dadating yung driver nyo mula sa agency." Magalang pang sabi niya.

"Cancel it! May darating akong driver bukas."

"Sir?" Nagtataka pang tanong niya.

"By the way... Alamin mo yung number niya and call her, tell her I need her tomorrow morning." Lalong bumakas ang pagtataka sa mukha niya.

"Sino po Sir? Hindi ko po alam kung anong itsura niya, sorry Sir."

"She's..." Napahinto pa ko ng maalala ang magandang mukha niya at kung gaano siya kakinis. "Her height is 168 cm I think, Gray eyes, Chesnut brown hair a-and B-Beautiful." Nauutal pang Sabi ko. Nakita ko pang napangiti si Nato.

"That's it Sir." May halong pang aasar pang tanong niya.

"YEAH! THAT'S IT." Salubong at nakasigaw kong Sabi kaya naman dali-dali siyang yumuko at umalis.

ZOEY'S POV

Pag kaparada ko ng sasakyan ay naglakad pa ko papunta samin. Sa squatter kasi kami nakatira kaya hindi kakasya yung sasakyan sa makipot na dadaanan.

"Magandang Gabi Zoey."

"Good evening Ganda."

"Hello Ate Zey." Nginitian ko lang ang bawat babati Sakin sa mga nadadaanan kong kapit bahay namin.

Mag mula nung iniwan kami ng Dad ko ganito na naging kapalaran namin ng Mom ko. Binenta namin yung bahay namin at lumipat dito sa squatter area sa Quezon City nagtayo ng sari-sari store para may pangkain sa araw-araw rumaraket din ako para makatulong sa mga kapit bahay namin na minsan nanghihingi ng tulong samin para may makain.

"Hi Mom, kain na tayo." Nilapag ko pa muna ang Pag kain sa mesa at kumuha ng Plato para maghain.

"Nandyan ka na pala, Kamusta raket mo?" Nakangiting tanong niya na tinulungan niya pa kong maghain.

"Ayos naman Mom, malaki yung binigay Sakin ngayon ang dami lasing nag request ng kanta." Masayang sabi ko pa. Naupo na kami at pinagsalinan niya pa ko ng pagkain sa Plato ko.

"Baka naman ikaw masobrahan sa kakaraket mo at magkasakit ka na magpahinga ka rin anak, mag gala ka, mag relax hindi yung puro trabaho lang."

"Mom, hindi naman tsaka passion ko yung pagkanta narerelax ako Pag kumakanta. Tsaka nga pala Mom, may permanent work na ko starting tomorrow Pero di pa tumatawag eh." May lamang pagkain pa sa bibig na Sabi ko.

"Ano namang trabaho yan? Baka mamaya basag ulo na naman yan Zoey tigilan mo yan."

"Hindi Mom, tinigil ko na kaya Pag bo-boxing kahit malaki yung pera don." Nakanguso pang sagot ko. Tinignan niya pa ko ng masama kaya natawa nalang ako.

"Aba! Dapat lang Zoey, Diyos ko anak sisirain mo yung mukha mo don kahit malaki ang pera don hindi kita papayagan." Tumango-tango nalang ako at tinuloy na ang pagkain.

Nang pinasok na naman sa isip ko yung huling nangyare bago kami Iwan ng Dad ko. Tinignan ko pa si Mom na maganang kumakain.

"Mom."

"Yes anak?"

"Bakit tayo iniwan nalang ni Dad?" Agad na napatingin siya Sakin at napangiti Pero alam ko na sa ngiti niyang yon ay tinatago niya yung lungkot.

"Hindi ko rin alam Anak, hindi naman kami nag away ng Dad mo bago niya tayo iwan actually hindi nga kami nag aaway."

Oo nga pala kahit once hindi ko sila makitang nag away o may pinagtalunan lagi silang magkasundo sa lahat ng bagay kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit bigla nalang niya kaming iniwan.

"Alam mo kasi Anak, Pag gusto ng umalis ng isang tao.... Hindi mo siya mapipigilan, wala kang magagawa kung hindi tanggapin nalang. Hindi natin alam baka may hinahanap pa silang wala satin o kaya baka kasi hindi na sila masaya." Napabuntong hininga pang sagot ni Mom.

Magsasalita pa Sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.

"Hello?"

"This is Zoey Dela Vega?"

"Yes. Sino po sila?"

"Nato Macabenta Butler of Samaniego Family." Nanlaki ang mata ko. Takang napatingin naman Sakin si Mom.

Oh my god! Katapusan ko na ba?! Papabayaran nalang yata Sakin yung sasakyan ni Ranz, paano na?

"Y-Yes po. A-Anong kailangan nila?" Kabadong tanong ko pa.

"Pinapasabi ni Sir Ranz na kailangan ka daw niya tomorrow morning." Parang nabunutan din ako ng tinik ng marinig ko yon.

"S-Sige po, pakitext nalang po yung address."

"Okay." Napatingin pa ko sa phone ko ng basta basta noting ibinaba ang linya.

"Sino yon Anak?"

"A-Ahm sa trabaho ko po Mom, magsisimula na ko bukas ng Umaga."

"Ano ba yang trabaho mo?"

"A-Ah sa fastfood po Mom." Pagsisinungaling ko pa. Hindi pwedeng malaman ni Mom na sa mga Samaniego ako magtatrabaho.

"Sige galingan mo Anak." Nakangiti pang Sabi Niya kaya bibigyan ko rin siya ng pilit na ngiti.

Pagkatapos namin kumain pinagpahinga ko na si Mom, ako na rin ang nag hugas ng Plato at nagsarado ng tindahan. Kumuha ako ng sang stick ng sigarilyo sinindihan ko pa muna to bago umupo sa harap ng bahay.

"Lalim ng iniisip natin ah!"

"Ay Palaka! Ano ba bakit Nang Gulat ka?" Natatawang umakbay pa Sakin si Aron.

"Para kasing ang lalim ng iniisip mo."

"Tss! Paano mo nalaman na malalim yung iniisip ko nasa loob ka ba ng utak ko?!" Pamimilosopo ko pa sa kanya. Natawa na naman siya at ginulo pa ng bahagya ang buhok ko.

"Nagyoyosi ka na naman kasi."

"Nagyoyosi naman talaga ako. Pag nagyoyosi ba may iniisip na? Ang taba ng utak mo no." Sarkastiko pang Sabi ko. Lalong lumakas ang tawa Niya.

"Napaka pilosopo mo hahahaha! Wala ka ba sa mood?"

"Lagi naman akong wala sa mood Pag ikaw nakikita ko." Seryosong sabi ko.

"Grabe Zoey! Lumalala ka ng pagsusungit Sakin ha!" Pabirong Sabi niya pa.

"Parang hindi ka naman Sanay sakin."

"Sanay na Pero lumalala ka ngayon, nag lelevel up yung pagkapilosopo mo hahahaha."

"Tss!"

"Oo na hindi na mapipikon ka na eh!"

"Baka mapikon mo ko." Nakangiting Sabi ko kaya natawa na naman siya. Si Aron ang unang makilala ko Pag kalipat namin dito, nung una nayayabangan ako sa kanya Pero nung nasanay ako tsaka nalaman kong ganon pala talaga ugali niya naging kaibigan ko na rin siya.

"Oh Kamusta araw mo?" Pag iiba niya pa sa usapan.

"Wala namang bago ganon pa rin." Bagot na Sabi ko.

"Hindi ka naman nagsasabi talaga Sakin kahit may magandang nangyari sa araw mo eh!" Halatang nagtatampo pang sabi niya. Inalis ko yung braso niya sa balikat ko ng mabigatan na ko.

"Eh Alam mo naman pala eh! Bakit nagtatanong ka pa." Pamimilosopo ko na naman sa kanya.

"Aish! Hindi ka talaga makausap ng matino Zoey." Nagulo niya pa ang buhok niya.

"Eh bakit kinakausap mo pa ko ngayon?" Laylay ang balikat na napatingin siya Sakin na kinatawa ko.

"Nakausap ko nga pala si Sam kanina."

"Tapos?"

"May trabaho ka na daw bukas."

"Tapos?"

"Driver daw ni Ranz Samaniego."

"Tapos?"

"Ano ba Zoey? Pwede ba makausap ng maayos ngayon?" Inis na talagang Sabi niya. Napabuntong hininga pa muna ako bago siya tignan.

"Eh ano naman kasi sayo kung maging driver ako ni Ranz?" Seryosong tanong ko at kita ko namang biglang nalungkot siya.

"Alam na ba ng Mommy mo?"

"Hindi! Wag mo balaking sabihin at patay ka Sakin." Pagbabanta ko pa.

"Alam naman ng lahat dito na napaka-arogante ng anak ni Mayor na yon."

"Eh ano naman? Tsaka wag ka ngang judgemental hindi mo pa nga nakakasama yung tao at hindi mo pa rin makilala ng lubos yon, masyado kang nagpapaniwala sa mga chismis. Kaya lang naman nasasabi ng mga dalagita dito na arogante yon kasi hindi umuubra yung mga paglalandi nila don sa tao." Mahabang paliwanag ko pa.

"Basta sinabihan kita ah! Wag na wag kang lalapit sakin at iiyak at sasabihing sinungitan ka niya."

"Tss! San mo naman napulot yan? Kailan ba ko lumapit sayo at umiiyak ha? Pagawa ka."

"Hay! Ganyan ka talaga sakin." Napabuntong hiningang Sabi pa niya.

"Sige na sige na, ang drama mo! Matutulog na ko maaga pa ko bukas." Tumayo na ko at tinap ko pa ang balikat niya bago pumasok sa loob ng bahay at nilock ang pinto.

Pagkapasok sa kwarto at pabagsak ko pang hiniga ang katawan ko sa kama at napaisip ng hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.