webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Zu wenig Bewertungen
110 Chs

CHAPTER 106 - A STEP CLOSER

CHAPTER 106 - A STEP CLOSER

-------

ETHAN SMITH POV

Nang nakauwi na kami dito sa bahay nila Penelope ay umakyat na kami sa taas at nagpunta agad ako sa kwarto ng kambal para ihiga ko na sila dahil sobrang himbing na din kasi ng tulog nila sa sobrang pagod, yung asawa ko naman ay nagpunta agad sa kwarto namin para magbihis ng damit.

Bago ako lumabas ng kwarto nila nag good night kiss muna ako sa mga anak ko at pagkatapos ay lumabas na din ako at nagpunta na sa kwarto namin para makapag palit na din ng damit. Pero pagpasok ko sa loob napansin ko na wala duon yung asawa ko kaya hinanap ko na muna, at nang makita ko siya ay nasa loob lang pala siya ng cr namin at naku, nagsusuka kaya agad akong lumapit para hagudin ko ang likod niya.

At pagkatapos niyang magsuka at maglinis ng sarili ay agad na din siyang humiga sa kama namin dahil inaantok na daw siya. Nakapagpalit na din ako ng damit kaya tinabihan ko na ang asawa ko sa pag tulog. Ang ulo niya ay nasa may dibdib ko at yung isang kamay ko naman ang humahagod sa may buhok niya para mabilis siyang makatulog.

------

PENELOPE THOMPSON POV

6:00 AM IN THE MORNING

Napabangon ako dahil parang nakakaramdam ako ng gutom. Pagmulat ng mata ko'y nakita ko ang mukha ng asawa ko na ang himbing ng pagkakatulog kaya dahan dahan ako bumangon sa kama. Nagpunta agad ako sa cr para mag toothbrush at maghilamos.

At pagkatapos ay bumaba na ako dahil parang nagcecrave ako sa carbonara. At dahil nga mga tulog pa ang mga tao sa bahay eh ako nalang ang magluluto. Buti nalang nakapamili na din kami dito kahit papano kaya agad akong pumunta sa may kitchen area para mag prepare ng mga ingredients at makapagsimula na din na magpakulo ng tubig. At habang nag iintay magpakulo ay kinuha ko naman yung mga kailangan ko na mga ingredients at hiniwa ko na din para sa aking sauce. Nag prepare na din ako ng ingredients na pang spaghetti naman para sa kambal mamaya pagising nila at para na din sa mga tao dito.

After almost an hour ng pagluluto ay natapos na din kaya kumaen na agad ako. Grabe ang sarap! Parang tuwang tuwa ang kambal sa tiyan ko feeling ko kasi ang likot likot nila.

Hanggang sa maya maya ay parang naririnig ko na yung tatlo na pababa na ng hagdanan. Naririnig ko yung madaldal kong anak na si Elisse na kinukulit yung Daddy niyang magswimming.

Naloka tuloy ako ang aga aga gusto na agad mag swimming. Palibhasa nasanay sa malamig na klima kaya siguro basic nalang sa kanya yung lamig ng umaga dito.

Nagulat ang asawa ko nang makita niya ako sa may kitchen na kumakaen kaya agad nila akong nilapitan. Nagkiss naman sa akin ang kambal. "Oh hon bakit hindi mo ako ginising? Nandito kana pala."

"Nakita ko kasi na ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising, Pati kaya ko nanaman magluto kaya hindi na kita ginising pa. Heto oh kaen na kayo ng mga bata nagluto ako ng carbonara at spaghetti." nakangiting sabi ni Penelope.

Niyakap naman ako ng asawa ko na para bang nagtatampo. "Pero sana ginising mo ako para ako nalang nagluto dahil baka mapagod ka alam mo naman na buntis ka." Nag alalang sabi ni Ethan.

"hahaha hindi naman ako mapagod agad hon ang dali lang naman lutuin nito. "

"Okay, basta next time pag may gusto ka sabihin mo nalang sa akin ako nalang gagawa," sabay halik niya sa labi ko.

Pinagprepare na din ng asawa ko ang mga bata ng kakainin nila. Kaya pinagtimpla ko na din sila ng mga gatas nila. Ganito lagi ang set up namin ng asawa ko. Tapos sa pagpapakaen naman tinuturuan na namin silang kumaen na mag isa pero syempre nakatutok pa din kami. Kaya heto bantay kami sa pagkaen ng dalawa.

" Mommy, I want to swim. Can I swim later? After I finished my food?" pangungulit ni Elisse habang kumakaen ng spaghetti.

" Yeah sure, my princess." tugon naman ni Penelope.

" Ah Mom, Dad? when will the other twins come out?" tanong na ikinagulat ng mag asawa maging ang lolo at lola nito na mga bagong gising lang.

"Other twins?" gulat na sabi ni Mommy Patricia nang marinig ang sinabi ni Eros.

Nagulat naman kami dahil nasa likod na pala namin sina Mommy at Daddy. Kaya agad ding nag beso ang kambal.

"Yes po Mommy. Kambal ulit." nakangiting sabi ni Penelope.

"Aba grabe ano? Nakakatuwa. Sa tagal ka atang inintay nito ni Ethan ehh sobrang naipon kaya palaging kambal. Hahaha." pabirong hirit ni Mommy Patricia.

"Hahaha! Kaloka ka naman Mommy." tawang tawa na tugon ni Penelope. Namumula naman si Ethan sa nasabing iyon ng Mommy ko.

" I didn't expect it to you, Mommy Pat mukhang nahawa na po kayo ng Mommy ko ah hahaha." tawang tawa din na sabi ni Ethan.

" Sinabi mo pa anak. Close na close na yang Mommy mo tsaka itong si Patricia eh paano ba naman magkakaklase kami nyan sa zumba tuwing weekends." wika ni Daddy Harvey.

Hanggang sa maya maya ay lumapit na sa akin si Baby Eros ko, himas himas ang tiyan ko. " Hello twins, I just finished my food. I hope you guys will come out soon so that we can play here! I love you lil twinnie." malambing na sabi ni Baby Eros sabay halik sa tiyan ng kanyang Mommy Penelope.

Aww na-touch naman ako. Talagang humihingi na ng kalaro ang anak ko. Kaya agad tuloy pumasok sa isip ko ang beshie ko. Baka pwedeng makalaro nila Eros at Elisse ang Baby Kaehla niya. Kaya agad kong tinawagan at swerte naman na wala sa Resort ang beshie ko at mamaya maya lang daw ay pupunta sila.

ETHAN SMITH POV

Matapos ang aming almusal ay niyaya naman ako ng kambal na lumabas para masamahan ko daw silang maglaro. At habang busy pang makipagkwentuahan ang asawa ko sa kina Mommy Patricia at Daddy Harvey ay kami na munang tatlo ang lumabas.

Naglaro kami ng habulan, piko, tumbang preso at iba pang laro na kinasanayan kong laruin nuon nung bata pa ako. Tuwa tuwa naman ang mga bata yun nga lang di maiiwasan ang madapa at magalusan pero hinahayaan ko lang sila dahil part din kasi yun ng pagpapalaki namin ang matuto silang lumaban at huwag lumaking naaapi.

At nang mapagod ay nagpahinga na muna kami saglit dahil mamaya ay magsiswimming na daw sila. Kaya umakyat na muna kami para kumuha ng damit na susuotin nila sa pag swimming.

Tapos na akong makakuha para kay Eros samantalang kay Elisse...

" Hey, baby? What are you looking for right there?" tanong ni Ethan nang makitang bukas ang closet.

Sinilip ko at pagtingin ko. " Oh? So you looking for your swimsuit, right my princess?"

"Yeah, Daddy. I am looking for the floral one, right here!" tugon ni Elisse sabay pakita ng kanyang susuotin. "Okay, that's pretty." tugon ni Ethan.

Nakakatuwa talaga itong si Elisse. Bata pa lang nakikitaan ko nang kikay kikay talaga ito paglaki. Kaya gustong gusto ng mga lola niya eh. Alam na niya yung mga sa tingin niya eh bagay para sa kanya at may fashion sense din naman talaga.

At nang masuotan ko na sila ay bumaba na din kami. Saktong tinatawag na kami ng asawa ko dahil nandun na din daw ang magiging kalaro nila.

" Hi." bati ni Elisse nang makita ang anak ni Mica na si Kaehla.

" Hello." tugon naman ni Kaehla na parang nahihiya pa kay Elisse. Pero agad niya ding inaya na maglaro sa labas at magswimming. Buti na nga lang at naka-swimwear na din si Kaehla. Sinama na din nila si Eros papunta sa labas at syempre sumunod na din kaming mga magulang.

Nakakatuwa lang pagmasdan na sa bilis ng panahon eh mga anak na namin ang mga pinapanuod namin. Tapos ang lalaki na din nila ngayon.

" Asan nga pala si Lucas, Mics? Kayo lang palang dalawa ng anak mo. Buti marunong ka nang magdrive?" tanong ni Ethan habang nakatayo at nagbabantay sa may gilid ng pool kasama sina Penelope at Mica.

" Oo naman kailangan ko din talagang matuto. Para kapag nagloko yang kaibigan mo iuuwi ko talaga siya sa mga magulang niya." biro ni Mica.

" Hahaha, kaloka naman yun beshie. Bakit nagloloko nanaman ba?" tanong ni Penelope.

" Hindi naman. Infairness naman sa tao na yun, talagang nagbago na lalo nung dumating na si Kaehla namin. Kaya tignan mo wala siya ngayon, nasa meeting siya kaya kami lang dalawang mag ina ang nandito." tugon ni Mica.

" Naniniwala naman akong nagbago na talaga si Lucas, tska yun nga I believe din na wala na talagang babaero sa Millionaires gang. I think everyone has already found their true love. Just look at Noah. Siya yung huling nagsurrender ng trono niya sa pagiging palikero. Hahaha." natatawa tawang sabi ni Ethan.

" Kaya nga e. Infairness. Buti nahawa mo sila." nakangiting tugon ni Mica.

Well, ganun naman talaga siguro kapag feeling mo eh nasa tamang tao kana. Matututo kang makuntento at magpahalaga. At nasa dalawang taong nagmamahalan nalang yan kung paano pa nila ito mapapatibay. At isa pa palagay ko din naman na tapos na kami sa aming exploring stage and we're all ready for the next big step or stage ng mga buhay namin. And speaking of the next big step...

" So kelan ang kasal?" tanong ni Mica.

At bigla nalang din kaming nagkatinginan ng asawa ko at parehas din napangiti...

" hulaan mo..."