webnovel

THE ONE BOOK 1

KaedeRukawa450 · Andere
Zu wenig Bewertungen
20 Chs

CHAPTER 15

Habang naglalakad sina Nicole, at Fujima, para pumunta sa basketball gym ay may bigla nalang yumakap kay Fujima, na isang babae.

"Sino ba ang babaeng toh? Daig pa ko kung kumapit kay Fujima.

." Bulong ni Nicole.

"Miss mo na ba ko Fujima? Ako miss na miss na kita." Sabi ng babae at ng hahalikan nya na sa pisngi si Fujima, ay iniwasan siya nito.

"Sino kaba? Di kita kilala." Sabi ni Fujima.

"Ano sure kaba na hindi mo na nga ako kilala ako ito ang fiance mo walang iba kundi si Ashley." Sabi ni Ashley, at masama ang tingin kay Nicole.

"Fiance?." Bulong ni Nicole. "Maiwan ko muna kayo baka gusto ninyong mag-usap na dalawa." Sabi ni Nicole, at iniwan sina Fujima, at Ashley.

Gusto sanang sundan ni Fujima, si Nicole, ngunit pinigilan siya ni Ashley. "Wag mo naman ako pahiyahin sa harap ng mga istudiyante sa school nato Fujima." Mainang sabi ni Ashley.

Mayaman si Ashley, at ayaw niyang napapaiya, at kilala rin ang pamilya niya sa buong Japan.

Habang naglalakad si Nicole, papunta sa classroom ay biglang nag text si Hiroto.

"Baby ko.. Anong ginagawa mo ngayon? May oras kabang makipagkita?." Nabasa ni Nicole, na massage ni Hiroto.

"Pasensya na nandito kase ako ngayon sa school."

"Maghihintay ako."

"Nasahan kaba ngayon?."

"Susunduhin sana kita diyan sa school mo baka kapag nakita ako ng mga istudiyante diyan na babae baka mainlove sila sakin kaya di nako pupunta diyan para walang umagaw sayo sakin."

Napapangiti naman si Nicole, sa mga message sa kanya ni Hiroto, at napansin yon ni Nancy.

"Sino yang ka text mo may pangiti ngiti kapa si Fujima, bayan?" Tanong ni Nancy.

"Wala lang toh!.. si Hiroto, lang toh nagbibiro lang." Sagot ni Nicole.

"Nagbibiro lang ba talaga yan sayo eh mukhang may gusto ka diyan kay Hiroto." Sabi ni Nancy.

"Wala." Tipid na sagot ni Nicole, at tumingil na sa kakabasa sa mga text sa kanya ni Hiroto.

Kinabukasan..

Naglalalakad si Fujima, papunta sa classroom ng makita niya si Nicole, na may kasamang lalake, gusto sanang lumapit ni Fujima, kaso napansin niyang nakangiti si Nicole, abang kinakausap nya ang lalake kaya pumunta nalang siya sa classroom sinalubong naman siya nila Hanagata, at Hasegawa.

"Konte nalang late kana." Sabi ni Hasegawa.

"Hindi pa naman ako late di ba?." Sabi ni Fujima, na para bang masama ang loob at umupo na.

Napansin naman ni Hanagata, na mukhang may problema si Fujima, tatanungin na sana niya ito ngunit dumating na ang teacher nila.

"Kung dito nalang kaya ako mag transfer. Sa tingin baby ko?." Tanong ni Hiroto.

"Pwede bang tigilan mona ang kakatawag mo sakin na baby." Naiiyang sabi ni Nicole.

"Bagay naman sayo ah..." Ngiting sabi ni Hiroto.

"Parang ikaw si Fujima, ang kulit.." Bulong ni Nicole, magpapahalam na sana siya kay Hiroto, para makapasok na sa classroom ay bigla namang siyang hinalikan ni Hiroto, sa pisngi.

"Good bye kiss hehehe." Ngiting sabi ni Hiroto.

"Ah?." Parang walang narinig na sabi ni Nicole, at umalis na para pumasok sa classroom, maraming nakakita sa ginawa ni Hiroto, kasama na doon sina Mitsui.