webnovel

The Mystery of Deaths [Filipino]

"A combination of curses, killings, ghosts and secrets all covered in a single town" Mary Carmen Lim is an ambitious student who is willing to take risks just to achieve what she desires. But when she and her family moved to a new hometown, she began to experience strange feelings that some spirit is haunting the town. As she goes through, Mary was even told that she is cursed which will only be broken if she will do a very heavy job: to take seven significant lives It's up to herself how would she resolve this conflict she is experiencing and how would she cover herself up from this mess. Will she be able to find out the secrets and undo the curse? Or will she just be put in urban legends and gossips? Note: This book is written in Filipino language

trexxle · Horror
Zu wenig Bewertungen
22 Chs

Chapter 6: Bagong Mga Kaklase

Mary's Point of View

Katahimikan ang bumalot sa buong classroom habang ako ay medyo nanginginig. Ikinalma at ipinaupo naman ako ni Angelia sa upuan.

"Sabi kasi ng mga matatanda rito, mayroon isang babeng magaling kumanta na walang awang pinatay. Alam niya kasing nasa gitna siya ng panganib kaya bago siya pinatay. Sinumpa niya ang Mastoniaz na babalik siya sa rito sa bayang sinilangan niya, hindi na tao kundi espirito na naghahanap ng hustisya sa kaniyang pagkamatay"

Wika ng lalaki habang ibinababa niya ang tono ng boses niya. Tumahimik lang lahat kami pagkatapos niya magsalita. Ayun na lahat iyon? Ganoon na ba kaikli? Gaano ka-totoo ito?

"Is it legit? Paano mong masasabi na ayun na lahat ng iyon?"

Tanong ko sa kaniya dahilan para mataranta muli ako at tumayo sa aking kinauupuan. Lalo ulit akong pinakalma ni Angelia.

"Ewan ko! Bakit? Magpapaka-heroine ka para malutas ang kuwentong ito? Diba bago ka lang? Haha"

Sambit ng lalaki sa akin sabay tumawa nang malakas. Ang lakas ng tama nitong tao na ito. Nagtatanong lang naman ako tapos he is already jumping into conclusions. Nakakainis 'tong lalaki na ito. Umupo lang ulit ako samantala ang ibang mga kaklase ko ay nagsimula muling mag-ingay.

"Parang konektado yung babaeng nakita ko noon sa banyo. Hindi kaya siya yung babae sa kuwento? Nagpaparamdam? Nanghihingi ng tulong?"

Mahina kong pagsasalita sa hangin, ngunit tama lang para marinig nina Kristine at Angelia. Napatayo agad si Angelia sa kaniyang narinig.

"Mary, I pity you"

Napalingon ako nang sumagot sa akin si Angelia na may ngisi sa kaniyang mukha.

"Bago ka pa lang dito sa Mastoniaz pero nakararanas ka na ng mga pangyayaring hindi kaaya-aya. Then gusto mong malaman ang tungkol doon sa the Humming Lady. Huwag mong ilagay sa panganib ang iyong buhay, Mary"

Wika ni Angelia habang nakapilit pa rin ang kaniyang pagngisi sa akin. Medyo naluha naman ako sa sinabi niya dahil biruin mo, hindi mo pa lubos na nakikilala si Angelia pero nagpapakita na agad siya ng pag-aalala sa akin.

"Tama si Angelia, saka isa pa, mayor naman ang tatay ni Angelia kaya puwede niya itong sabihin sa tatay niya para magawan ng paraan kahit papano"

Nagsalita naman sa gilid ko si Kristine habang kumakain ng hamburger. Tumawa naman nang biglaan sa gilid si Angelia.

"Aba'y hindi ko alam kung magagawa ba yan ng paraan kasi iba na ito, it tackles about supernatural beings. Basta mag-iingat na lang kayo"

Tugon ni Angelia nang patawa, samantalang nanatili akong tahimik at nag-iisip kung paano ko ito malulutas. Alam ko kasi na problema ito ng bayan pero para sa akin, ako yung nasa panganib kaya dapat kong magawan ng paraan. Bigla na lamang tumahimik ang mga kaklase namin nang may pumasok na guro sa aminna nakasuot ng normal na school uniform.

"Oh my gosh! What kind of zoo is this?! Napakaingay!"

Sigaw ng guro habang may hawak na sitsirya sa kaniyang kamay. Hindi mo tuloy alam kung galit ba ito sa amin dahil kumakain siya. Napaupo ang lahat ng mga kaklase ko sa kanilang upuan.

"Si Ma'am Trixie nga pala to. Laging matakaw at napakasungit sa mga estudyante, akala mo principal ng paaralan. Tapos mababa raw magbigay ng grado sa mga estudyante niya"

Bulong sa akin ni Kristine sa tabi habang pinagmamasdan ko si Ma'am Trixie. Mukhang masungit nga itong guro na ito.

"Kung absent ang inyong guro, tumahimik kayo! Hindi lang kayo ang mga estudyante rito para magsigawan!"

Itinaas ni Ma'am Trixie ang kaniya boses na umaalingawngaw sa buong kuwarto. Nakakatakot ang pagtingin ni Ma'am Trixie, na para bang dadalhin ka sa loob ng van. Tumitig siya sa aming lahat bago umalis sa kuwarto at naglakad sa corridor.

"Okay guys! Pinapagalitan lagi tayo ng mga guro, kailangan talaga natin i-minimize ang ingay natin!"

Sigaw ng presidente ng klase sa harapan habang nakalukot ang kaniyang kilay sa amin. Tumahimik na lang muna ako at ginamit ang aking cellphone para maglaro, habang ang ibang kaklase ko ay tuloy pa rin sa ingay kahit na pinagalitan na kami.

-•-

|10:00 AM|

Ilang oras ang lumipas at natapos na rin ang tatlong asignatura na puro leksiyon. Hindi ko alam kung naiintindihan ko ba yung mga leksiyon basta gusto ko nang umuwi.

"Mary! Tiyak na magugustuhan mo talaga ang Lago De Milagro! Ang linis ng tubig doon!"

Sabi ni Kristine sa akin nang nakangiti. Kasalukuyan kaming nasa loob ng canteen at syempre naririto na naman ako, tahimik at mahirap umimik. Kailangan ko nang masanay rito sa paaralan na ito bagama't transferee lang ako. Pinagmamasdan ko ang mga estudyante na masayang nag-uusap sa bawat mesa sa canteen, habang patuloy ako sa pagnguya ng sandwich.

"Sige bye na! Haha!"

Narinig ko si Angelia na nagsasalita kasama ang isang matangkad na lalaki na nakangiti sa kaniya at naglakad patungo sa kaniyang grupo. Ayun ba ang boyfriend ni Angelia? Bagay sila kung ganoon. Umupo sa tapat ko si Angelia na may dalang pagkain, hamburger at dalawang sitsirya, mga pagkaing hindi ko aakalain na kinakain ng anak ng mayor.

"Ang guwapo ng lalaking kasama ko, noh?"

Bigkas niya na dahilan para mapatigil ako sa pagkain. Ngumiti lamang ako sa kaniya at tumango, at bumalik sa pagkain.

"Siya si Benedict Tan Apacia. One of the most respected students dito sa Bernaz Central High. Maraming nagkakagusto sa kaniya dahil he has looks na, mayroon pa siyang talino. Saan ka pa?"

Wika niya. Pangiti-ngiti lang ako sa kaniya dahil naka-pokus ako sa aking kinakain, pero kahit papano, nagagawa ko pa ring makinig. Sana naman at wala siyang masaktan na babae kung gayon. Lumingon ako para malaman nasaan nakaupo si Benedict pero nagulat ako nang nakita ko siyang nakatitig sa akin habang humihigop sa kaniyang bote ng tibig. Mabilis kong iniwas ang kaniyang titig at nagpanggap na may iba akong tinitingnan. Anong ginagawa ko?

"Mary! Pwede mo ako samahan sa CR? Naiihi kasi ako, at para na rin malaman mo kung nasaan ang CR dito sa school, haha!"

Napatingin ako kay Kristine na kumakalabit sa akin. Salamat naman at naririto si Kristine para iligtas ako sa maliit na kahihiyan ko. Tumango ako at mabilis na tumayo sa mahabang upuan, at sinamahan ko si Kristine papunta sa CR, habang naiwan naman sina Noelle at Angelia na tahimik na kumakain. Naglakad kami patungo sa banyo nang mabilis dahil parang hindi na makakaya ni Kristine.

"Hintayin mo lang ako rito, ha!"

Sambit ni Kristine at dire-diretsong pumasok sa maliit na daanan papunta sa CR. Naiwan naman ako sa labas ng CR, palibot-libot sa tahimik na paligid. Hanggang sa may kumalabit sa likod ko.

"Ano po iyon?"

Magalang kong tanong sa estudyanteng nakasuot ng itim na salamin sa kaniyang mata. Hindi siya sumagot at nagbigay lamang ng isang maliit na papel sa akin. Nagdalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba ito o hindi. Baka kasi mamaya, mali yung binigyan niya dahil bago lamang ako rito sa paaralan.

"Tatanggapin mo ba o hindi?"

Bigla naman siya nagsalita dahilan upang tumalon nang saglit ang aking puso. Kinuha ko kaagad ang maliit na papel na pinipilit sa akin ibigay, saka naglakad paalis ang lalaki na parang walang nangyari. Ano ba ito? Binuksan ko ang papel na nakatupi sa hugis ng isang sobre.

"Room 204, 10:00 PM"

Ito lamang ang nakasulat sa papel na ibinigay ng lalaking iyon. Ano ang ibig sabihin nito? Sino nagsulat nito at bakit gabi? Ako ba ang tamang taong binigyan niya o nagkamali lang siya? Para saan itong pagkikita mamayang gabi?

"Ano iyan?"

Nagulat ako nang magsalita sa gilid ko si Kristine na kakalabas lang sa loob ng CR. Bigla ko naman itong itinago sa aking bulsa.

"Wala lang. Basura sa sahig haha"

Sagot ko sabay tumawa nang pilit, habang inilulukot ang papel para mahalata niya na basura nga. Mabuti at binalewala niya lamang ito at nagsimula na kaming maglakad pabalik sa canteen, upang tapusin ang aming pagkain.

-•-

|12:30 AM|

"Bye guys!"

Kasabay ng uwian ay nagpaalam na rin sa amin si Noelle dahil hindi kami parehas ng dadaanan pauwi. Kasabay ko ngayon si Angelia at Kristine sa pag-uwi na kanilang nilalakad lamang. Si Angelia na anak ng alkalde ay naglalakad lamang pauwi sa kanilang bahay, ang galing talaga nitong bata na ito. Sa ngayon, wala namang nangyari sa akin maliban sa napakaraming 'Introduce Yourself'.

"Tulungan niyo ako bukas sa paggawa ng report ko, huh?"

Pagsasalita ni Angelia sa amin habang kami ay naglalakad sa gilid ng kalsada nang mabagal. Ngiti lamang ibinigay namin sa kaniya at nag-pokus kami sa paglalakad pauwi. Ang ganda talaga ng mga paligid dito sa Mastoniaz, para bang nasa ibang bansa ka dahil mas pinapahalagahan nila ang kalikasan kaysa ekonomiya ng bayan nila.

"Ano po ang inyong masasabi sa pumatay ng anak po ninyo?"

Habang patuloy kami sa paglalakad, narinig namin ang malakas na pagsalita ng isang lalaki sa hindi kalayuan. Nakita na rin namin ang mga nagkukumpulang tao sa isang gilid ng kalsada.

"Hala ano yun?"

Turo ni Kristine sa mga tao. Rinig na rinig na namin ang isang malakasna pag-iyak ng isang matanda. Sa paglapit namin, mas lalong bumibigat ang aking pakiramdam.

"Huwag na tayong maki-tsismis diyan!"

Tatawid na sana si Kristine ngunit pinigilan siya ni Angelia na malungkot ang mukha. Siguro ayaw ni Angelia pumunta dahil napakalambot lamang ng kaniyang puso para tingnan kung anong nangyayari roon, kitang-kita sa kaniyang mga mata na mabilis siyang maiyak, pero tinuloy pa rin ni Kristine ang pagtawid para malaman kung anong nangyayari. Aming sinunod si Kristine sa pagyapak papunta roon.

"Mayor Jeffrey! Tulungan niyo po ako sa pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ng anak ko sa party mo! Parang awa niyo na po!"

Nakita namin ang isang matanda na nasa kalagitnaan ng pag-iyak habang siya ay nire-record ng ilang tao. Namatay ang kaniyang anak sa party? Masquerade party? Ito nga ba ang nanay ng babeng nakita ko na duguan?

"At sa boyfriend ng anak ko, walang hiya ka! Kung nasaan ka man, wala kang mauuwian kundi pighati sa kulungan!"

Dagdag pa ng matanda habang ang kaniyang mga mata ay puno ng galit. Itong boyfriend na ito ay ang kasama ng babae sa ilalim ng kama? Pero parang mukha silang okay ang kalagayan nila noong gabi na iyon?

"Tara na! Naiihi pa ako!"

Bigla akong nadisturbo sa pag-iisip ni Angelia habang siya ay tumatalon-talon. Nais ko sanang makipag-usap sa matanda pero hinihila na ako ni Angelia. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya, kasama si Kristine habang naririnig namin ang iyak ng matanda sa likod. Naglakad kami pauwi sa aming mga bahay nang tahimik at walang bahid na emosyon sa aming mga mukha. Sa oras na nakarating ako sa kalye na bahay ko, kumaway ako sa kanila nang nakangiti habang kami'y naghihiwala ng daan.

Nang makarating ako sa bahay, nagpanggap akong pagod para mahalata nila na marami kaming ginawa. Pero nang nakapasok na ako sa bahay, sigaw na naman ni mama ang aking narinig.

"Ang tagal mo naman umuwi! Daig mo pa ang suso kung umuwi! Sa susunod, sumakay ka na ng dyip!"

Wika sa akin ni mama na may sungay kung magalit. Umakyat lamang ako sa aking kuwarto na pagod at humiga nang saglit bago gawin ang mga gawain sa eskuwelahan. Pero imbes na magpapahinga ako, lalo akong na-stressed dahil sa papel na binigay sa akin. Hindi ko na tuloy alam kung pupunta pa ba ako dahil parang napakadelikado ito lalo na kung gabi ito. Dahil sa kakaisip, hindi ko na namalayan na unti-unti na akong nakatulog sa aking kama.

-•-

|10:30 PM|

Napatayo ako sa kami nang nakapanaginip ako ng nakakatakot. Nanaginip lamang ako na sinasaksak ako ng sarili ko habang nakangiti ito sa akin. Ang bigat ng pakiramdam ko habang ako'y unti-unting tumayo at kinuha ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan. Nang makita ko ang oras sa cellphone, bigla kong naalala ang papel. Pupunta ba ako? Parang nakakatakot at hindi mo talaga alam kung pagtitiwalaan ang mo ang taong iyon.

Pero dahil sa curiosity na aking nararamdaman, napagdesiyunan ko nang puntahan ang eskuwelahan ko. Kumuha ako ng maliit na bag kung saan nilagyan ko ng flashlight, battery, wallet at ang aking cellphone. Bumaba ako nang dahan-dahan, umiiwas na makagawa ng ingay sa madilim na lugar. Patawad, sarili kung mahuhulog tayo sa patibong pero mas maganda na masagot natin kahit isang tanong man lang sa ating buhay.

Ibinukas ko ang pinto ng bahay, at tahimik na lumabas patungo sa madilim na daan, na tanging ang flashlight lang ang aking ilaw.