webnovel

The Wife First's Heartache

Sumapit ang tanghalian na nasa dibdib ko pa rin ang pagkabahala dahil sa paanyaya ni Creed na kumain kami ng sabay sa canteen. Hindi ako mapakali at dahil doon ay hindi ako maka-concentrate buong umaga. Ilang beses na rin akong nagkamali sa trabaho at kahit ang food-tasting na gagawin ko sana ngayon ay hindi natuloy dahil wala akong panlasa. Lahat ng ito ay dahil sa labis kong pag-aalala na baka malaman ng aking asawa na inimbitahan ako ng isang lalaki na sabay kumain. The worst thing of all, it has to be the guy that my husband loathed the most.

Maya-maya ay bumukas ang pintuan ng opisina ko at agad na umangat ang aking tingin sabay kabog ng malakas ng aking dibdib at baka si Creed na iyon ngunit laking pagkahinga ko nang maluwang dahil iniluwa niyon ang sekretarya ko na si Anna. Nakapinta sa mukha niya na dissapointed siya at parang nahulugan ng langit at lupa. Napaismid ako at tinanong siya bago muling bumaba ang aking tingin sa papeles na nasa mesa.

"Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo? Anong nangyari?" tanong ko habang nililigpit ang papeles na tapos ko ng pirmahan saka kumuha muli ng ilang papeles na kailangan kong i-review bago pirmahan.

Naramdaman ko ang paglakad ni Anna palapit sa mesa ko at ang paghinto niya sabay lapag ng ilang naka-stock na folder na bitbit nito.

"Why wouldn't I?" nakasimangot pa ring wika nito saka ipinagpatuloy ang nais na sasabihin. "Mr James cancelled your lunch dahil may biglaan siyang meeting. How dissapointing 'di ba?"

Agad na nagliwanag ang mukha ko sa narinig na sinabi ng sekretarya ko. Hindi ko mapigilang magpakawala ng isang malakas na buntong-hininga na para bang inilabas ang lahat ng kinikimkim kong kaba mula pa buong umaga. Agad na guminhawa ang pakiramdam ko. Like the heavy stone pressing inside has been lifted out of my heart, my inside suddenly felt lighter and at ease. Hindi ko mapigilang ngumiti nang malapad at tumingin sa aking sekretarya na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha.

"The lunch has been canceled, yet you are disappointed? Hindi ba dapat masaya ka para sa boss mo?" Nakataas ang kilay kong tanong saka masayang nagpatuloy sa pagbabasa ng papeles na dapat kong i-review. Biglang bumalik ang sigla ko sa trabaho na nawala kaninang umaga. Kahit ang gutom ay muling nagparamdam na kanina ay mukhang impatso.

"Eh, bakit tuwang-tuwa kayo, madame? Hindi ba dapat manghinayang ka kasi makakasabay mo nang kumain ang pinakaguwapong lalaki dito sa building natin? Lunch lang naman 'yon eh. There is nothing wrong with that, right?" Anna Fegi pouted. She looks so miserable while defending Joanne's lunch with Creed. Hindi ko alam kung bakit ba nito pinagpipilitan na magsabay kaming kumain ni Creed. Alam naman nitong hindi puwede dahil sa sobrang seloso ng asawa ko.

"It is totally wrong, Anna Fegi. Alam mo naman kung gaano kagrabe magselos ang asawa ko 'di ba? Ayaw ko nang bigyan ng lason ang pag-iisip ng asawa ko. Isa pa, labis niyang kinamumuhian at pinagseselosan si Creed. Kapag nalaman niyang sabay kaming kumain baka magwala iyon. Baka kung ano pang gawin niya at saktan na naman ako—"

Natigilan ako sa sinabi ko dahil hindi ko mapigilang magsalita. Damn! I just spilled the beans to my secretary!

Hindi ako nag-angat ng tingin at nagpatuloy sa pagre-review ng papeles nang muling magsalita si Anna.

"Anong sinabi mo, madame? Sinasaktan ka ng asawa mo?" hindi makapaniwalang reaksiyon niya. Lunod na lunod ang gulat sa boses nito at ang dalawang kamay ay humawak sa magkabilang gilid ng mesa at ibinaba ang mukha upang tingnan ako.

Nagkibit-balikat ako saka mabilis na niligpit ang mga papeles na nagkalat sa mesa ko. Wala na ang pangamba sa puso ko at bumalik na rin ang gana kong magtrabaho. Pero dahil bumalik na ang gutom ko ay hindi ko mapigilang mag-crave sa pagkain. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Anna at matapos na iligpit ang papeles ay agad akong tumayo at niyaya siya upang kumain.

"Let's eat out. I treat you to one of the best restaurants besides mine." Kinuha ko ang bag na nasa maliit na mesa sa tabi ng upuan ko at inabot ang coat na nakasukbit sa coat hanger.

Pero hindi natinag si Anna sa kinatatayuan niya. Matalim ang tingin niya nang tumingin siya sa akin. Alam ko na agad ang klase ng tingin niyang iyon. It was the expression of my bestfriend who concerned over my being.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Joanne. Sinasaktan ka ba ng asawa mo?" Anna's voice was firm and void with warmth that I actually flinched upon hearing it. "Tell me honestly, Joanne. Sinasaktan ka ba pisikal ng asawa mo? I am asking you as your bestfriend not as my boss."

Pero kahit ganoon ay hindi rin ako nagpatinag, hindi ko siya sinagot at ang ekspresyon ng mukha ko ay nagsasabing wala itong balak na sagutin sa katanungan nito.

"I'm hungry, Anna. Let's go eat." Muli kong yaya saka nagpatiunang maglakad papunta sa pinto. Binalewala ko ang concern na nababasa sa mata niya dahil alam kong mag-gi-give in lang ako. Alam kong concern lang siya sa akin bilang bestfriend ko pero hindi pa ako handa na isamulat sa kanya ang nangyayari sa amin ng asawa ko.

Marahil ay napansin ni Anna na wala na talaga akong balak na magsalita ay hindi siya umimik at hindi na namilit. Alam niya ang ugali ko na kapag ayaw ay ayaw kaya tahimik na lang itong sumunod sa akin palabas ng opisina ko. Alam kong maghihintay siya kung kailan ako mag-o-open up sa kanya kaya hindi na siya nagpumilit na magsabi ako ng totoo.

Masaya ako dahil nakatagpo ako ng ganitong klaseng kaibigan. Maasahan at masasandalan anumang oras. Napagsasabihan ng problema kapag hindi ko na kayang dalhin ang bigat.

Tahimik kaming dalawa ng sekretarya ko habang pasakay ng elevator pababa ng building. Hanggang sa makababa at makalabas ng elevator ay sarado ang aking bibig sa pagpigil na huwag magkuwento kay Anna kahit pa alam kong iba ang klase ng titig niya. Na gustong-gusto niyang malaman kung paano ako tratuhin ng asawa ko.

The atmosphere around us only eased when we got out of the elevator and bumped into Jenyfer, who was about to go up. Marahil ay sa opisina ko rin ang punta nito kaya kaagad ko na rin siyang hinila upang sumabay sa amin na mananghalian. Upon seeing Jenyfer, I suddenly remember that she was currently at this building and managing the restaurant in French cuisine. Pansamantala nga pala niyang ni-relieve ang manager doon dahil nasa bakasyon ito ng ilang araw. Dahil sa sobrang isipin ko kay Earl, ang aking asawa, ay nakalimutan ko na ang tungkol sa bagay na ito.

Hindi naman makatanggi si Jenyfer at nagpahila ito sa akin kaya sabay-sabay kaming pumunta ng carpark. Ilang minuto ang nakalipas ay nakipila na sa traffic ang kotse ko papuntang Xin Tian Di restaurant sa Quezon City. Isa ito sa pinakasikat na fine dining restaurant at masarap din ang pagkain nila.

Hindi ito kalayuan mula sa aking opisina kaya kahit ma-traffic ay hindi naman kami inabot ng ilang oras at agad naming narating ang nasabing restaurant. Me and my husband sometimes eat here besides from my restaurant to explore something new. This place is our best bet the last time when we are on our dating days and I can't help to silently grin while remeniscing the old days.

Malapad ang ngiti naming tatlo habang papasok sa restaurant at agad kaming sinalubong ng waiter saka iginiya sa private room for VIP dahil namumukhaan na ako ng waiter. Alam nitong mas nais ko na kumuha ng private room. Matapos mailapag ang menu ay agad na kaming nag-order habang ang waiter ay matiyagang naghintay sa amin.

Anna and Jenyfer ordered their favorite dim sum and sweet and spicy pork. They paired it with prawn cereals and lotus root soup. While for me, I settled with simple egg fried rice and lotus root soup too. I also ordered my favorite stir-fried broccoli and steamed dumplings. Matapos kunin ng waiter ang order namin ay agad din itong lumabas upang ihanda iyon.

Nang maiwan kaming tatlo sa loob ng VIP room ay hindi na muling nag-usisa si Anna tungkol sa asawa ko na ikinagaan ng loob ko. Dahil kapag nagkataon kahit si Jenyfer ay kukulitin din ako.

"What brings you here, Joanne?" Jenyfer asked. This is our lunch break, so our treatment of each other returns to friendship and not the employee boss.

Napatingala ako mula sa binabasa kong e-mail sa aking phone nang marinig ko ang tanong ni Jenyfer. Tipid akong ngumiti. Paano ko ba sasabihin sa kanila na nais ko lang alalahanin ang maayos na pagtrato sa akin ng asawa ko noon na hindi na ang mga ito magtatanong? Dalawang pares ng mata ang naghihintay sa isasagot ko kaya't hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.

"I just want a change of environment to find inspiration, that's all." I directly answered as I took a braised peanut that the waiter gave us earlier as our appetizer. When I lifted my head to look outside the glass wall, my chopstick paused on my lips while biting on the peanut. A familiar figure emerged from the driver's seat of an expensive car. That figure rounded on the other side and opened the passenger seat door. Iniluwa niyon ang isang maganda at seksing babae na pamilyar na pamilyar sa akin. My heart sunk like a rock that dives straight to the bottom of the lake. I felt hurt, but I tried my best to suppress it. That familiar figures were my husband and his best friend, Tiffany. If my guess is correct, Tiffany was the babe my husband called the other night, seeing how intimate their gestures were.

The two infront of me didn't notice my sudden movement because I quickly shifted my gaze away. Nagpapasalamat ako at nakatalikod ang dalawa kong kaibigan sa glass wall kaya sa akin ang pokus nila at hindi nila nakikita ang kaganapan sa labas, kung hindi ay makikita nila na may ibang babaeng kasama ang asawa ko. Hindi ng mga ito kilala si Tiffany. Tiffany was a high and almighty kind of woman. She won't step down to bother knowing people like Jenyfer and Anna and I was thankful for that, when the time comes, ligtas ang mga ito sa kuko ni Tiffany. Ayaw kong saktan ni Tiffany ang mga kaibigan ko. I will do everything in my power to protect the people na malapit sa akin.

"Kung gusto mo talaga ng change of scenery, why don't you try going out of town? Try exploring provinces to discover some local delicacy to put up for the new menu of your restaurant. I bet these inspiration is worth effective. Makaka-relax ka pa habang nagtatrabaho." Anna suggested. Alam niya kung gaano ako ka-stress sa trabaho ko ngayon kaya siguro ito nag-suggest ng ganito.

Napatango ako. Anna's suggestion was not bad, I like it. I should try considering it and propose it to my husband para payagan niya akong umalis. Dahil doon ay hindi ko maiwasang tumingin muli sa labas. Naroon pa rin ang asawa ko at si Tiffany. Nakatayo ang mga ito sa tabi ng kotse. No, I was wrong. Hindi lang ang mga ito basta nakatayo. My husband is leaning on the car and Tiffany, like a gecko, is sticking her body close to him, and they were kissing! Making out in public in a broad daylight! Labis na kumirot ang puso ko sa aking nakita. Now, I am sure that my husband is cheating on me.

Parang basang damit ang puso ko na piniga ng husto upang alisin ang tubig. Ang sakit. Sobrang sakit na makita ang taong mahal ko na may kahalikang iba. Mabilis akong kumurap upang pigilan ang pamamasa ng aking mata at baka mapansin pa ng dalawa ang reaksiyon ko. Yumuko ako upang magkunwaring mag-type sa cellphone kahit pa ang kamay ko ay bahagyang naginginig bago nagsalita.

"You are right. Putting up local delicacies on our menu will help boost Filipino food." Labis ang pagpigil ko upang hindi pumiyok ang aking boses. Bago pa ako makahuma upang sabihan si Anna na itala sa notes niya ang napag-usapan namin ay naunahan na niya ako. Kumilos ang katawan niya upang kunin ang cellphone sa bag niya na nakasabit sa likuran ng upuan.

"Wait!" I shouted.

My mind suddenly reacted because I was scared that Anna would look outside and see my husband with other woman. Matalas pa naman ang mata niya. Sigurado akong mamumukhaan niya agad si Earl. Kaagad namang tumigil sa ginagawa si Anna at sabay na napatingin sa akin ang dalawa. Nagtatanong ang mga ng dalawa.

Alanganin akong ngumiti. "Ah. Let me take care of this. This is my project, so let me wrap this one first before presenting it." Nagbaba ako ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan sila ng direkta. I know my eyes are still in verge of crying and I can feel the tears welling up. Kinalikot ko ang cellphone ko upang iwasan ang paksa habang pilit na pinigilan na huwag pumatak ang luha.

But my reaction was too apparent that it didn't escape Anna's scrutinizing eyes. "Don't bother hiding something when you know that you cannot escape it. Hindi mo naging kaibigan kahapon, Joanne," seryosong wika pa nito.

Bago ako makasagot ay biglang bumukas ang pinto ng VIP room at pumasok ang waiter na dala ang order namin. Tahimik akong bumuga ng hangin. Lumuwag nang husto ang masikip na pakiramdam ko. I am safe! When I raised my head and glanced outside, my husband and Tiffany were gone. Marahil ay nakapasok na ang mga ito sa loob ng restaurant. Now my problem is, how to get out of here without bumping into my husband and his woman?