webnovel

The Maid Meets The Hunks (Published under Dreame)

Serenader 18: BILLY WILLIAMS

AriadneWP · Teenager
Zu wenig Bewertungen
112 Chs

Kabanata 33

[LOUISE'S POV]

Nandito kami ngayon ng asawa ko sa presinto upang bisitahin si Samantha. Kaharap namin siya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, kung galit ba o lungkot. Pero ang alam ko lang ay hindi ko na siya mapapatawad pa.

"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ni Samantha habang nakayuko siya.

"Binibisita ka namin. Obvious ba?" Hindi ko tuloy mapigilang magtaray sa kanya.

Hinawakan naman ni Billy ang kamay ko bilang pagpapakalma sa akin.

"Kung nandito kayo para ipamukha sa akin ang ginawa kong kasalanan sa inyo. Gawin niyo na. Laitin niyo na ako kung gusto niyo. Saktan niyo na ako kung gusto niyo." aniya.

Hindi ko mapigilang mainis sa sinabi niya.

"Sa totoo lang, gusto ko talagang gawin 'yang mga sinabi mo. Pero hindi kami gano'ng klaseng tao. Lumalaban lang kami kapag sumusobra ka na o yung mga umaaway sa amin. Sa ngayon ay okay na sa amin ni Billy na nakakulong ka at nagdudusa sa mga kasalanan mo." sabi ko kay Samantha.

"Alam ko kaya hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan. Pero sana ay mapatawad niyo ako sa mga kasalanan ko sa inyo." tugon niya sa 'min.

"Dalawang taong mahalaga sa amin ang nawala dahil sa kasamaan mo. Tapos ay sinunog mo pa ang boarding house namin, ang mga alaala namin. Sa tingin mo ba ay mapapatawad pa kita? Kung mapapatawad man kita, sa tingin ko ay hindi pa ngayon ang araw na 'to. Baka abutin pa ng ilang taon na mawala na ang galit ko sa 'yo." sabi ko sa kanya.

"Naiintindihan kita. Masakit para sa 'yo ang mawalan ng mahal sa buhay. Gaya ko ay nawala rin sa akin ang Ate Nikki ko. Ang natatangi kong kakampi at nagmamahal sa akin. Masakit sa aking wala na siya ngayon. Pakiramdam ko ay wala nang saysay ang buhay ko rito dahil wala nang nagmamahal pa sa akin." malungkot niyang sabi. Medyo nakaramdam ako ng awa sa sinabi niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakapatong sa mesa. "Wag mong iisipin 'yan. May magmamahal sa 'yo kung magbabago ka.  Kung mangyari man 'yon ay darating din ang para sa 'yo sa takdang panahon." sabi ko sa kanya.

"Tama ang asawa ko Samantha. Hindi pa huli ang lahat upang magbago." sabi naman ni Billy sa kanya.

"Salamat sa inyong dalawa. Gagawin ko ang lahat para magbago na ako." ang naging tugon niya sa amin ni Billy.

"Kainin mo na 'yang hinanda namin ni Billy. Baka lumamig pa." sabi ko kay Samantha.

"Salamat din sa pagkain." - Samantha

Pagkalabas namin ni Billy sa police station ay umuwi na kami sa mansyon.

"Okay na ba ang pakiramdam mo nang makausap mo siya?" tanong sa 'kin ni Billy.

"Oo hubby ko, medyo nawawala na rin ang bigat sa puso ko sa kanya." tugon ko sa asawa ko.

"Alam kong balang araw ay mapapatawad mo rin si Samantha gaya ng nangyari kay Princess." sabi sa 'kin ni Billy.

Tama ang asawa ko. Mapapatawad ko rin balang araw si Samantha. Kahit ayaw ng isip mong patawarin siya ay tinututulan naman ito ng puso mo. Ang puso ang magiging tuloy upang mapatawad mo ang isang tao.