webnovel

THE MAFIA BOSS ACCIDENTAL BRIDE

Rochelle Venice Perez, an ordinary woman with a normal life not until she got abducted and force her to signed a marriage contract with a mafia boss. She was accidentally abducted by the goons of the mafia boss and that day was a hellish day for her because her freedom was taken by that assfrick mafia boss who always annoys her. Will they continue living like this? Having an annoying and amazona wife and an assfrick mafia boss husband in one house would be a great disaster. What if she fell will the mafia boss catch her heart or continue breaking her poor heart in pieces.

Caisen_Park · Teenager
Zu wenig Bewertungen
31 Chs

KABANATA 2

Elle's POV

AYAW NA akong pauwiin nung gag-ng yun! Letche iwan ba naman ako ng Labing Walong bodyguards?!!!! Among trip niya sa buhay? Bwes-t

"Ma'am Elle kakain na daw po sabi ni Sir Kuen." Sabi nung isang katulong.

Nasa kwarto kasi ako akala naman niya makakatakas ako sa kanta tsk!

"Sabihan niyo po siyang wala akong ganang kumain." Sabi ko at saka tumalikod naka upon kasi ako sa upuan sa may veranda.

"Ah-eh ma'am ako po mapapagalitan pagdi po kayo kumain." Sabi nung katulong.

"Magsumbong po kayo sa police pagginalaw ka po niya." Sabi ko habang nakatalikod.

Tumahimik ito, kaya akala ko nakaalis na pero na gulat ako ng may kamay sa humila sa braso ko patayo.

"Aray naman!" Sigaw ko dito.

At ang mas ikinagulat ko kinarga ako nito na Parang isang sakong bigas at ipinasan sa balikat nito.

"Ano ba ibaba mo nga ako!" Sigaw ko at pinagbabayo ang likod nito.

Hindi ako nito binaba at nagpatuloy sa paglakad pababa sa hagdan at naglakad patungong dining room.

Pabagsak niya akong inilagay sa upuan.

Ansakit sa pwet bwes-t na lalaki! Kainis!!!

Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa pagkain sa harap ko.

"Gusto mo bang ako pa mismo ang magsusubo ng pagkain dyan sa bibig mo?" Malamig na sabi nito huminto ito sa paghihiwa ng steak na kinakain at mahigpit na hinawakan ang knife.

Napalunok ako ng ilang ulit.

At napagpasyahang kumain nalang.

Tahimik lang kaming kumain ng binasag niya ulit ang katahimikan.

"Papayagan kitang lumabas at gumala kung saan-saan pero kasama mo ang bodyguards na iaasign ko sayo at sa oras na malaman kong nagbabalak lang tumakas-alam mo na ang gagawin ko sayo." Malamig parin na sabi nito

Wow! Himala ang haba ng sinabi niya ilang words bayon? Akala ko kasi isa siya sa napapabilang sa 'A man with a few words.' Tsk.

"Talaga ba?" Masayang tanong ko.

Tinaasan lamang niya ako ng kilay at nagpatuloy sa pagkain.

Tingnan mo to sarap batukan! Kainis talaga!

Matapos kumain napagpasyahan kong maglibot-libot sa Malaking bahay nato, nadala ako ng paa ko sa likod kung saan-saan may malaking hardin. Ang gaganda ng mga bulaklak.

"Babae." Napatalon ako sa gulat ng may tumawag sa akin.

"B-bakit?" Tanong ko.

May inabot siyang isang purse na pangbabae.

"May credit card dyan at susi ng kotse."

Tinanggap ko iyon.

"Magbihis ka ipapakilala kita sa mga empleyado ko." Sabi niya Sabay talikod.

Ngayon ko lang napansin na nakabusiness attire pala siya.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko sa taas.

Magkaiba kami ng kwarto ayoko kasing katabi siya feeling ko kasi papatayin niya ako habang natutulog.

Pagdating ko sa kwarto may nakahanda ng damit doon.

Naligo muna ako bago nagbihis at saka naglagay ng jaunting make-up.

Hmmm...nagtataka lang ako bat may gamit ng babae dito?

Haist! Elle ano bayang tanong na yan syempre pinaghandaan niya iyon kasi nga ikakasal siya sa binili niyang babae.

Matapos mag-ayos bumaba na ako.

Nasan na yung lalaking yun? Aba??! Iniwan niya ko napaka-arghhh!!!

Dinala ko yung purse na binigay niya saka lumabas ng bahay.

May nakaparada ng sasakyan sa labas at may tatlong van.

Aba bantay sarado nga ako.

May narinig akong nagring sa loob ng purse naibinagay niya kaya naman hinanap ko iyon doon at may nakita ako kakabili lang na phone bagong bago eh.

Inaaccept ko yung called at nandig ang balahibo ko ng marinig ko ang Boses nito pati ba naman sa phone malamig parin siyang makitungo?

"Babae."

"Oh?" Sagot ko rito.

"Bilisan mo dyan." Pagkasabi niya non namatay agad ang Linya.

"Bastos ka talagang bwes-t ka kainis!" Sigaw ko at padabog na pumasok na sa sasakyan.

**

KUEN'S POV

"BOSS SORRY! mali po ang nakuha naming bride!" Sabi nila seb saka lumuhod sa harapan ko.

"It's okay, atsaka tapos na wala natayong magagawa pero kahit na okay lang sakin naiinis parin ako sainyo! Umalis kayo sa harapan ko mga bwesit!"

**