Nang mag gabi ikaw mismo ang naghatid sakin sa Bar. Muli kang ng-intay magdamag. Ilang araw mong pinagpatuloy ang paghatid hatid sakin.
Marami akong nalaman buhat sayo. Bukod sa anak mayaman ka gusto ng parents mo na kumuha ka ng kurso about business dahil tagapag mana ka ng negosyo nyo pero tinanggihan mo. Sa halip nag enroll kasa fine arts. Sabi mo sakin ang mag pinta ang gusto mong gawin sa buong buhay mo. Kaya siguro binasted ka nung niligawan mo.
Nalaman ko din na twenty two years old kalang. Mas matanda ako sayo ng three years.